webnovel

Immortal Destroyer: Upheaval [Volume 2]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Eastern
Not enough ratings
97 Chs

Chapter 81

Pagak na napatawa na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong. Ang pambihirang Red Dang Gui ay sakop ang buong lugar na ito na kinaroroonan nila. Hindi niya matukoy kung sinuman ang may hawak nito dahil hanang papatagal ng papatagal ay mas nagiging mabagsik ang halimaw na Giant Wood Pine Beasts na ito lalo na at hindi nito alam kung sino ang may hawak nito.

"Gumamit siguro ang salarin na may hawak ng Red Dang Gui ng mask skill upang hindi madetect ng sinuman ang pambihirang uri ng luyang ito. Kung sinuman ang may gawa nito ay talaga namang gusto kaming ubusing paslangin ng mapamuksang halimaw na ito!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ginawa ito ng salarin ngunit alam niyang gusto silang lahat na ipahamak nito. There's no way na hindi siya sasali sa gulong o suliraning ito dahil maging siya ay damay na rito.

Naging alerto ang lahat sa mga oras na ito. Nakita nila kung paanong naubos ng dambuhalang halimaw na Giant Wood Pine Beasts ang mga blood essence sa katawan ng mga nabiktima nitong dalawampong mga martial artists. Masasabing ang dambuhalang halimaw na ito ay hindi gaanong kabilis humigop ng blood essence ng mga nabibiktima nito ngunit hindi din ito mahina kung sakaling hihigop ito ng blood essence sa mga napaslang nito.

Kapag kasi nasa akto ng paghigop nito ng blood essence sa mabibiktima nito ay magiging malakas ang mga ugat nitong sumisipsip. Ang hindi purong blood essence ay espesyal na uri ng essence na hindi kontrolado ng sinuman. Magmimistulang bomba ito o napakainit na likido na kayang pasuin ang sinuman kapag nagsisimula ng mag-extract ang halimaw at iproseso ang enerhiyang ito papunta sa mismong katawan nito. Ang hindi pa purong blood essence ay masasabing unstable ang energy nito. Kapag pinutol nila ang mga ugat nitong sinisipsip ay magkakaroon ng malakas na pagsabog dito. Hindi tanga ang mga martial artists na naririto upang gawin iyon.

Pamilyar na rin sa lahat ang klase ng halimaw na ito at ang pagsipsip nito ng Blood Essence ang pinakanatural na gawain nito upang mas lumakas. Kaibahan nga lang sa kasalukuyang nakikita nilang halimaw na Giant Wood Pine Beast ay mas malakas ito ng di hamak sa mga nakita nila. Sa lawak at laki ng kagubatang papunta sa mismong Red Cloud Sea ay siguradong lalaki talaga ito at marami ding mas malalakas na mga Magical beasts na nasa pusod ng masukal na kagubatang ito.

Nagulat naman ang lahat ng bigla na lamang nakita nilang natapos na sa pagsipsip ng Blood Essence sa mga napaslang nitong mga martial artists ang nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast kung saan ay ang mga nabiktima nito at napaslang na mga Martial artists ay naging parang sobrang namumutla at parang kakulay ng papel. Parang na-double dead ang mga ito dahil sa kawalan na ng mga ito ng blood essence sa katawan. Bukas makalawa ay magiging puting buhangin na lamang ang mga ito. There's no way na tatagal pa ito dahil natuyot na ang natitirang sustansya ng katawan ng mga ito.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang umalpas muli ang mga ugat ng halimaw at mukhang gagawa na naman ito ng panibagong atake ngunit sa pagkakataong ito ay papunta na ang mga nagtutulisan at naglalakihang mga ugat nito sa kinaroroonan nina Li Xiaolong.

Mabuti na lamang at alerto ang batang lalaking si Li Xiaolong kung kaya't mabilis niyang napansin ang bumubulusok mula sa ere ang mga kaugatan ng nasabing halimaw na puno na Giant Wood Pine Beast.

BANG!!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay nagkaroon ng makapal na usok sa pwesto na kinaroroonan ng binatang lalaking si Li Xiaolong maging ng iba pa.

Nakita ng batang lalaking si Li Xiaolong maging ng iba pang mga martial artists na nakaligtas sa atake ng halimaw ang lugar na kanilang pinupuwestuhan kanina ay ang pagsirit at umulan sa ere ng nagpupulahang mga dugo indikasyon lamang ito na may nabiktima na ulit ang dambuhalang halimaw na Giant Wood Pine Beasts.

Tiningnan naman ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga martial artists na naririto. They are no longer happy about this kind of situation lalo na at sila mismo ang sinisila ng halimaw na ito upang maging pataba nito. Hindi aakalain ng mga ito na sa pangalawang pagkakataon ay aatake ang nasabing mapamuksang halimaw na Giant Wood Pine Beast.

Mula sa di kalayuan mula sa kinaroroonan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay narinig niyang nagwika ang isang babaeng Houtian Realm Expert habang hawak-hawak nito ang isang malaking espada. Masasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na hindi naman ganoon kaganda o katibsy ang materyales na ginamit sa paggawa ng espadang ito.

"Ano'ng klaseng halimaw ang isang yan. Parang walang kabusugan yan?! Gusto ko ng umuwi!" Sambit ng magandang babaeng martial artists habang nanginginig ang kamay nito habang nakahawak sa maalking espada nito. Nanlalaki pa ang mata nito habang tila na-trauma ito sa kaniyang nakikita.

Maya-maya pa ay marami pang nagpahayag ng kanilang saloobin.

"Ako rin, gusto ko ng umuwi huhu!"

"Wahhh... Ayoko na rito!"

"Mapapaslang lamang tayo ng halimaw na yan kung magpupumilit tayong dumaan dito!"

"Humanap na lamang tayo ng ibang ruta!"

"Sang-ayon ako sa iyong sinabing mungkahi. Masyadong delikado ng lugar na ito!"

Marami pang narinig ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at napakadali lamang ng mga itong magpadala ng takot nila. Did they even realize that they have been tricked upang sumama sa ekspedisyong ito? Alam ba ng mga ito ang pinasok nila? Malamang sa malamang ay mga baguhan din ang mga sumamang ito sa grupong ito at hindi nila alam ang rules ng pagiging isang grupo.

Gaya ng inaasahan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay mabilis na nagwika ang kaisa-isang Purple Blood Realm Expert na walang iba kundi ang nakamaskarang kulay itim habang nakasuot ito ng kulay itim na roba. Kakaiba talaga ang maskara na suot nito para sa batang lalaking si Li Xiaolong. There's no way na ordinaryong nilalang itong tumatayong lider nila.

"Umuwi, umatras o humanap ng panibagong rutang daraanan? Hahaha nagpapatawa ba kayo? Once na sumama kayo sa ekspedisyong ito ay hawak ko na kayo sa leeg. Hindi maaaring bumalik ang sinuman sa inyo dahil nasa kalagitnaan na tayo ng rutang ito papunta sa mismong Red Cloud Sea which is kalagitnaan din ng kagubatang dinaraanan natin. Papadilim na rin maya-maya kaya wala din kayong choice kundi ang sumama sa akin o sa amin. Kamatayan lamang ang naghihintay sa nagbabalak na bumalik. Para makalagpas tayo sa lugar na ito ay kailangan natint mapaslang ang halimaw na ito sa ayaw at sa gusto niyo!" Mahabang sambit ng lalaking nakamaskarang itim sa baritonong boses nito. Kakikotaan ng awtoridad ang boses nito.

Hindi alam ng batang lalaking si Li Xiaolong ngunit nakaramdam siya ng pagkabahala sa tono ng pananalita ng lalaking nakamaskarang itim na nakasuot ng itim na roba. There's no way na gagawa ito ng mabuti sa kanila. Tama naman ang sinasabi nito ngunit alam niyang may halong pagbabanta sa tono ng pananalita nito na siyang ikinakabahala ng batang lalaking si Li Xiaolong.

...