webnovel

Im Inlove with the Devil Gangster (Ongoing)

A girl who fell inlove to a MAFIA BOSS. Genre: Romance

SerialPogi · Action
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 37

Mariella's POV

Sinusuyo ako ngayon ni Kevin. Pa'no ma'y kasalanan siya sa'kin eh. 'Di naman gaanong malaki pero ayaw ko pa rin 'yung sinabi niya. Gawin ba namang playboy ang kapatid ko. Sinong kapatid ang papayag na maging playboy ang kapatid niya. Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga lalaki. Lagi nalang silang nangloloko ng mga babae. Hindi na sila naawa sa'min. Binigay na nga namin lahat, naghanap pa rin ng iba. Napailing nalang ako sa mga kalalakihan.

"Babe." Tumayo ang lahat ng balihibo ko sa boses niya.

Para siyang horror movie. Nakakapangilabot pero... hindi sa takot kundi sa ibang sensasyon. Kainis naman talaga 'to si Kevin oh pero kahit na nagtatampo pa rin ako sa kaniya. Love na love ko pa rin 'yan. Isip bata lang minsan.

"Ano ba. Nakikiliti ako." Pinipilit kong maging mataray pero I'm just too soft to resist his charms. Kainis na Kevin.

Sige pa rin siya sa paghalik sa batok ko. Kevin ha! Nakikiliti ako.

"Ang sarap no naman babe." Bulong niya na nakapag tindig ulit ng balahibo ko.

Napansin naman kami ni George.

"Kung gusto niyong gumawa ng milagro. May kwarto, doon kayo gumawa. Wa'g dito. Alam niyo namang may nanood oh." Aniya.

"Isturbo." Dagdag pa niya.

Napa ngiwi nalang ako. Kahit kailan bitter talaga 'to si George. Kung makakita kaya 'to ng babaeng mamahalin niya. Baka mas corny pa siguro siya sa kay Kevin.

"Ano gusto mo babe? Tuloy natin sa taas?" Pilyo niyang tanong sabay taas ng isang kilay.

Kung 'di lang talaga 'to gwapo baka nakakapagkamalan ko na 'tong manyakis kaso... ang gwapo eh. His shades eyebrows, erotic brown eyes, celestial nose and his sultry lips na nakakapagpabaliw sa'kin. Damn Kevin!

Hindi ako sumagot.

Hinalikan niya ulit ang batok ko pero nagulat ako nang biglang bumaba ang halik niya sa bundok ko. Jusmeyong Kevin naman 'to oh. Binabaliw talaga ako nitong lalaki na 'to.

"Babe... ano? Tuloy natin?" Sabay haliksa leeg ko.

Ano ba 'tong ginagawa mo Kevin? Why you're doing this to me?

"Kevin... nakikiliti ako. Puwede... naman. Pero... mamaya bago... tayo matulog. Kevin nakikiliti ako..." Sagot ko.

Tumango naman siya. "Sige babe. I'll wait until later." Mapilyo niyang saad. Kumindat pa siya sa'kin na nakakapagpapula sa mukha ko.

Uwiwas ako ng tingin para 'di niya makitang pumula ang mukha dahil pag nagkataon tiyak aasarin na naman niya ako. Na keso kinilig daw ako, na nabighani ako sa kagwapohan niya. Dang this Madrigal!

Nagpatuloy kami sa panonood. Si George naman. Tulog na. Wow! Ano 'to? sleep watching? Iba naman talaga 'tong kuya ko oh. Napailing nalang ako habang narinig ko naman si Kevin na papunta sa gawi ko. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong may dala siyang isang bowl ng chicharon. My favorite!

Umupo siya sa tabi ko sabay baling sa'kin. "Babe." Tawag niya sa'kin.

Tinignan ko naman siya. Kinindatan niya lang ako.

"Ito oh." Alok niya sa'kin.

"Rinig ko kay George paborito mo daw 'to. Tama ba ako?" Tanong niya.

Tumango ako. Ito talaga si Kuya oh. Pero ever since paborito ko na talaga ang chicharon. Ewan ko gusto ko kasi 'yung tunog niya eh at ang lutong pang kainin.

Humilig siya sa couch. "Alam mo. Ako rin." Aniya. Huh?

Napakunot noo nalang ako. "Huh? Anong ako rin?" Tanong ko.

Mahina siyang tumawa. What's funny?

"Ang slow mo naman." Sabay kuha niya ng isang pirasong chicharon sabay kain nito. Naririnig ko tuloy ang tunog nito. But... he said I'm slow. What the— Is he teasing me?

"Excuse me! Hindi ako slow no." Matapang kong sagot.

Tumawa ulit siya. Ano bang nakakatawa?

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa'kin. "Sige nga. Kung hindi ka slow. Ano ang ibig kong sabihin?" Panghahamon niya. Hinahamon mo pa talaga ako ha.

Eh ano ba kasi 'yung sinabi niya kanina? 'Yan tuloy 'di ko na maalala. Kainis na Madrigal 'to.

"Ano ba kasi 'yung sinabi mo kanina? Nakalimutan ko kasi eh..." Pagdadahilan ko.

Ngumisi siya ng nakakaloko. Damn that smile! Nakaka adik tignan. His pikish lips that making me astounded. Kahit kailan wala akong mapintas sa lalaking 'to. Kung sa pisikal wala pero kung sa emosyonal. Nako! Marami!

"Tignan mo. 'Di mo nga maalala. Lutang ka kasi. Sino ba kasing iniisip mo? Ako no? Wa'g kang mag-alala babe. I'm only yours." Sabay kagat niya sa pang ibabang labi niya. Is he seducing me? Kahit kailan napaka manyakol nitong madrigal na 'to.

Napa iling nalang ako. "Kahit kailan ang manyak mo." Sabay tulak ko sa kaniya palayo sa'kin.

"Eh mahal mo naman." Sabat niya. Oo na mahal na kita. Kaya ka spoiled eh.

"Ewan ko sa'yo." Sabay ismid ko.

Pero ang loko nangingisi pa. Ang high niya talaga.

Noah's POV

I'm so happy kasi kami na ulit ni Francine. Hindi ko lubos maisip na sasagutin niya ako ulit. Alam ko namang mahal niya pa rin ako eh. Nakikita ko sa mga mata niya.

"Love." Tawag sa'kin ni France.

Lumingon ako. Wow! She looks... gorgeous. Para siyang diyosa sa suot niya. Natutulala tuloy ako sa kagandahan niya.

"Love. Maganda ba?" 'Di siya sure sa suot niya kung bagay ba sa kaniya o hindi pero lahat naman ng pinasusuot sa kaniya bagay naman sa kaniya lahat.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Natutulala pa rin ako sa kaniya.

"Love." Malakas niyang tawag sa'kin.

Bumalik naman ang diwa ko. Bumaling ako sa kaniya. "Ano 'yon love?" Wala sa mundo kong tanong.

Napa hawak nalang siya sa sentido niya. "Bakit ba natutulala ka diyan?" Mataray niyang tanong.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Ang hilig nilang magtaray. Minsan nga ang bilis magbago ng mood nila. Hay nako! Intindihin ko nalang 'tong babaeng 'to. Maganda naman ang kalooban nito eh.

Umiling ako. "Wala." Tipid kong sagot.

"Ah okay, ano? Maganda ba 'tong suot ko?" Hindi siya sigurado sa damit niya.

Tumango ako. "Sobrang ganda." Paglalarawan ko.

Nakita ko naman siyang ngumiti sa sinabi ko. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Kaya nga nakaka adik minsan ang mga ngiti niya.

Tumingin siya sa'kin. "Thank you love." Matamis niyang sabi.

Kaya love ko 'to eh.

—ShineInNightt—