1 SIMULA

NAKATITIG lang ako sa kaniyang habang tumatawa habang kasama niya ang mga kalaro niya. They're playing kite. Sa lupain pa namin. Habang ako nakatanaw lang sa balkonahe namin.

Adam Valiente, anak ni Ninong Cadmus. He's the most handsome guy I know. Dalawang taon ang agwat naming dalawa. Grade 6 na siya habang ako ay Grade 4 pa. Isang taon nalang hindi ko na masisilayan ang kagwapohan niya sa school.

I like him the very first time I saw him playing with my brother. Minsan ay naglalaro sila dito sa loob ng hacienda pero mas gusto nilang mag laro sa malaking lupain namin na may mga kambing, at kabayo, dahil malakas ang ihip ng hangin.

Kaso... Hindi niya ako gusto. Ayaw niya lahat sa akin, ayaw niya sa pagiging maldita ko, ayaw niya sa mag kaibang kulay ng mata ko, ayaw din niya sa akin dahil wala daw akong challenge. Gusto ko daw kaagad siya, dapat daw pa hard to get ako.

Ayaw ko din naman sa kaniya. Antipatiko, matapobre, mayabang, at lalo sa lahat ayaw ko sa mata niyang kulay brown. Sobrang ayaw ko sa kaniya, pero mas nangingibabaw din ang pag kagusto ko sa kaniya. Mas lamang iyon.

"Adam ang saranggola mo!" Natatawang sabi pa ni Kuya habang tinuturo ang saranggola niyang sumabit sa puno ng mangga.

Tumawa lang si Adam. Hayy. Ewan, mas lalong siyang naging gwapo kapag tumatawa siya. Kaso, kapag nakikita naman niya ako ay sumisimangot siya. Ayaw niya talaga sa akin.

Alam mo na yun noong una pa lang. Noong umamin ako sa kaniya last year, tinitigan lang niya ako tapos tumawa. Pero gusto ko pa din siya. Siguro pang batang crush lang to at balang araw mawawala din.

Sana nga...

Napakunot ang nou ko habang nakatingin sa kaniya. Umupo siya sa damuhan at kinuha ang bato.

Agad tumaas ang inis ko ng nakita ko siyang tumatawang binabato ang maliit naming kambing! Ang sama niya talaga.

Panay ng takbo ng kambing. Habang siya mas lalong nag eenjoy dahil sa ginagawa niyang pagbabato dito.

Hindi ko na napigilan at bumaba na ako.

"Her san ka pupunta?" Natatarantang sabi ng Mayordoma sa akin.

"Kay Kuya lang, Nana." Hindi ko ko na siya nilingon at diretso ako papunta sa gate namin papunta sa labasan.

"ANONG GINAGAWA MO SA KAMBING NAMIN, ADAM?!" Malakas na sigaw ko sa kaniya at kinarga ang maliit na kambing.

Nagulat naman siya sa pagdating ko. Oh? Ano? Natatakot kana ngayon? Kung hindi ka kayang suwayin ni Kuya. Pwes! Ako kayang-kaya ko.

"Henrietta, anong ginagawa mo dito?" Salubong agad ni Kuya Hans sa akin.

Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad ko papunta kay Adam.

Nanilisik ang mata ko habang sinusugod siya. I can see amusement in his eyes while he look at me. Parang nangaasar pa siya lalo.

"Binabato ko lang yun, Her." Sabi pa niya sa akin na para bang simpleng bagay lamang iyon para sa kaniya.

Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. "Ano?! LANG? May buhay din 'yan, Dam! Kung gusto mong binabato ang mga kambing doon ka sa hacienda niyo!" Naiinis ko pang sabi sa kaniya.

He let out chuckle. "Tinatake advantage mo lang yata yun para mapansin kita. Alam ko namang gusto mo ako hindi mo na kailangan mag papansin." Mayabang niya pang sabi sa akin.

Nilapag ko ang kambing, agad naman itong tumakbo sa in niya. Tinignan ko si Adam sa nakakainis niyang mata. Oo! Naiinis talaga ko sa brown niyang mata dahil puno iyon ng yabang, na para bang lahat napapasunod niya.

"Hindi kita gusto. Hindi na kita gusto!" Sigaw ko sa kaniya.

Siya ang unang bumitiw sa titig namin. Katulad ko, ayaw din niya sa mata ko.

"Sinasabi mo lang 'yan para magustohan na kita." Mayabang pa din niyang sabi.

Wala akong pakialam kung kanino siyang anak. Wala akong pakialam kung kaibigan siya ni Kuya. Basta makaganti lang ako sa kaniya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko ang mukha niya.

"Henrietta!" Dinig kung sigaw ni Daddy sa akin.

Wala na akong pakialam. Kahit pagalitan pa nila ako.

Agad dumaloy ang dugo galing sa kilay niy. I didn't feel any guilt. It's satisfying!

"Henrietta anong ginawa mo?!" Agad na sabi ni Mommy sa akin.

Dumugo iyon dahil sa singsing ko. Wala akong pakialam, buti nga sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.

Agad ko namang nakita si Ninong Cadmus at Tita Danny. Bahala sila sa buhay niya. Anak nila ang may kasalanan kaya nagkaganito. Wala akong pakialam sa lahat.

Naipon siguro ang lahat ng inis ko sa kaniya simula last year. Sa pangiinis niya sa akin sa tennisan, sa pangaasar niya sa akin kapag nagkikita kami, at lalong lalo na sa rejection niya. Naiinis ako lahat doon.

Agad naman nilang dinaluhan si Adam at pinilit na patigilin ang pag agos ng dugo galing sa kilay niya. He didn't even cry.

"Her, bakit mo sinuntok si Kuya Adam mo?" Mahinahong sabi ni Ninong sa akin.

Blanko lang ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. "He's not my Kuya, 'Nong." Madiin kong sabi.

Napabuntung hininga siya habang tinitignan ang mga tao doon na natatarantang ginagamot si Adam.  Even Mommy and Daddy are busy calling the doctors.

"Bakit mo siya sinuntok?"

"Binabato niya ang kambing namin at inaasar niya ako." Mataray kung sabi kay Ninong.

He just chuckled. Nagpaalam na siya na dadalhin na daw niya sa bahay nila si Adam. Sana hindi na siya makalabas!

"Her, are you okay?" Daddy said and carried me to our mansion.

Tumango lang ako at hinilig ang ulo ko sa balikat niya. I'm a Daddys girl after all. Pero alam kung papagalitan nila ako pagkapasok namin.

Pinaupo ako ni Daddy sa sofa.

"Henrietta bakit mo sinuntok si Adam?" Naiinis na sabi ni Mommy sa akin.

Napasimangot ako. Kanina pa nila ako tinatanong ng ganiyan. "Because he irritates me! Tapos binato pa niya ang kambing natin at inasar pa niya ako."

Ilang minuto pa nila akong senermonan pero pinalabas ko nalang iyon sa kabilang tenga ko. Alam ko naman kung anong mali ko, bigla kasi silang umabot sa ibang topic.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagmukmuk doon boung maghapon. Ayaw kong lumabas dahil tiyak na makikita ko si Adam at gaganti siya sa akin dahil sa ginagawa ko sa kaniya.

Kinabukasan ay lumabas ako sa gate namin at tumambay sa malawak na lupain namin habang nakikipaglaro sa kambing namin. Ako din kasi ang pinaka bata sa aming magpipinsan, hindi din sila madalas sa hacienda kaya wala akong kalaro. Ayaw ko namang kalaro si Kuya dahil lalaki siya.

Umangat ang tingin ko ng makita kung bumukas ang gate ng bahay ng mga Valiente. Si Adam.

Masama agad ang tingin niya sa akin. May tahi na din ang kilay niya.

Tumalikod ako sa kaniya at pumunta sa likod ng lupain namin.

Tiyak na magpipiklat iyon kapag tinanggal na ang tahi.

I smirked. "Even if you don't like me, at least I left a remembrance that you will remember for the rest of your life. You will regret not liking me back everytime you look at the mirror," bulong ko sa sarili ko.

°°°°°

avataravatar