webnovel

If We Were On Mars

Life was never fair, and I don't think it will ever be. One time, I thought, 'Wow....I must've killed a nation on my previous life. And now, living another life is my punishment.' Everyone gets tired, but this is just another level of exhaustion. Everyday is a just vicious cycle of me struggling with life. It's a shame that I get to wake up every morning when there are others who don't. I feel like I'm just waiting to be one of those people. Everyone is nice to me, and at the same time, they're not. There are people who use me, but at the same time, I feel useless. People often congratulate me, but I still feel like a failure. I have many achievements, but I feel like a lost cause. No one ever knew me, until our paths crossed...For the first time in ever, I met my self. We did shared wonderful moments until fate took you from me. Kahit pa masakit sa akin ay ipagpipilitin kong tanggapin na hindi tayo maaaring maging masaya. Nang sa gayon ay hindi na ako maging sanhi ng iyong paghihirap. At kahit alam kong muli na lamang kitang makikita sa aking ala-ala, asahan mong hindi kailanman kukupas ang aking pag-ibig na para sa iyo lamang. It would've been perfect, but life will never let that be. If we can't be together in this life....let us meet again, in a world where no one nor nothing could stop us. Aking hihintayin ang ating muling pagkikita, ginoo. Hayaan nating maulit ang plano ng tadhana na tayo'y magtagpo...aking sisiguraduhin na ating mababago ang mapait na wakas na nakatakda.

marcheline_dern · History
Not enough ratings
2 Chs

1 | A little less miserable

(A/N: This part of the story isn't edited. Expect that there would likely be typos, grammatical errors, etc.)

______________________________

What is more important.... For someone to live or for someone to be happy?

The words living and happiness are both complicated to me. Others would probably say 'living will make you happy.' For me, its the other way around.

'Happiness will make you live.' I could live as long as I'm happy. That's where the word 'complicated' comes in. If happiness could keep me alive, how could i live if I'm not happy. What kind of life will I have if all I can see is darkness? How could I walk straight when there's no light to lead the way?

I am alone in an eternal battle. And I would rather face anything alone than face the scary reactions of people once I asked for their help. I would be weak in front of their eyes. For them, it's nothing serious, it is just always all in my head. It is just a thirst for attention. I'm acting, i just made all of it up. It's because of distractions. It's just a phase. It will pass. It's just a hormone thing. It's nothing to worry about, it's all nothing. Besides, I have no one to ask help to.

I am not alive, nor am i dead. This is definitely not not living, if there's a delete button I would've pushed it a million times. If I could erase myself without hurting anyone, I would've been long gone. I stopped living a long time ago. I do not live...I just exist.

Isn't it a bit unfair that every person had no chance to choose if they wanted to be brought to life or not? I don't get the obsession of people when it comes to life. Everybody just wants success, most love praises. Many are scared to death about the idea of failure. We build our image, work hard for life, for the future. But what's the point of all those things if at some point in life, death is gonna greet you and it will come to get you. You could say that not working for your future or not aiming a success is also the same thing as wasting your life. But isn't death also the same thing as that? It'll all be useless once you die later.

Yea, maybe all of those achievements and success will be beneficial to the ones you left. But that doesn't really matter anymore because that's not your life to live. It's their job to make their lives good and their lives happy, you've got nothing to do with that. I admit that for some people, success is equivalent to happiness, and that's not impossible.

But if you look at the other side, not all people with a good wealth, with a big business or fame are happy and contented. It may be because they're not happy on the journey to begin with. People, intentionally or not, focus on the finish line, disregarding the ride itself.

Yet at the end of the day, I know that me, having these thoughts, aren't gonna change anything. I can't change anything, since everyone that I've met, so far, doesn't have the ability to understand my inner voice. No matter how good I am with speaking nor how good they are at communicating and understanding, no one ever really understood me. And I have convinced myself to believe that no one will, ever...

My train of thoughts stopped as the car stopped moving. I hurriedly unfastened my seat belt and stepped out. Mom didn't bother to say anything while she was behind me until I reached the stairs.

"Get changed and go straight to studying, magpapadadala na lamang ako mamaya ng maaari mong makain." She coldly said before entering their room. I tossed a quick glance at her and noticed that she was busy typing on her phone. A sigh escaped from my lips, of course, palagi naman.

Dumiretso ako sa aking silid at agad na pinalitan ang unipormeng suot ko. Bahagya akong napatingin sa salamin bago pumunta sa aking lamesa. I let out another sigh, thinking 'I look so round'. Aking binuksan ang bintana at pinagmasdan ang mga bituin kasama ng nagliliwanag na buwan. Kay ganda sa paningin at pakiramdam ang mapagmasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan. Ang mga ito ay nasa gitna ng kawalan at kadiliman ngunit sa kabila nito ay nagagawa parin nilang magningning at magbigay liwanag sa sangkatauhan.

"Don't you ever ran out of light?" Bulong ko sa aking sarili na para bang magagawa ako nitong sagutin. "Good for you" dagdag ko pa.

I stared at the night sky for a few more moments until I heard a car pull up into the garage. The sound brought me to my senses and immediately sat down to start studying. Malamang sa malamang ay dad iyon. He came home early though, inaabot siya madalas ng hatinggabi. Lumingon ako sa orasan habang nagtataka, pasado alas-diyes palang ng gabi ngunit naka-uwi na siya.

Hindi ko na ito inisip pa at sinimulan na ang pagbabasa. It's not really a big deal even if I figured the reason why. Plus, I need to focus for I have an upcoming quiz this week.

Makalipas ang isang oras ay bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok si Ina na may dala-dalang pagkain. Ibinaba niya sa aking tabi ang isang baso ng gatas at ilang tinapay. "Caliah's left to do something so I needed to make and give it myself to you." Sambit niya habang nakatingin sa mga nakabukas na libro upang siguruhing ako ay sumusunod sa kaniyang utos.

"I'll send her here later to check up on you. You're not dozing off are you?" She said, smiling. She could've just said 'to check if I'm still working'. I shook my head and forced a smile "No, mom, I'm not." Tumango na lamang siya at tiningnan ako magmula ulo hanggang paa.

"I really was wondering, isn't this too much?" Asking herself a question, she turned her gaze to the food on the table. Lumingon muli siya sa aking kina-uupuan at tumuloy na sa paglabas ng aking silid.

Napatitig ako ng ilang segundo sa pagkain na nasa aking harapan habang hawak ang aking kamay sa bandang palapulsuhan. Ngayon ko lamang napansin na mayroong peanut butter sa tabi ng bread. I let out a wry smile, she doesn't even know that I don't eat nuts. Bahagya ko itong itinulak ng pagilid bago ko muling ibinaling ang aking mga mata sa mga papel at librong nagkalat. "I wasn't planning on eating any, anyways." She didn't had to indirectly remind me. Itinuloy ko na lamang ang pagbabasa at pagsusulat, nais ko nang tapusin ito upang ako'y makakuha na ng pahinga.

It's half past one when I heard a knock on my door. "Pasok" sambit ko ng hindi lumilingon. "Binibini, inyong ipagpaumanhin kung ngayon lamang ako naka-balik. Kinailangan ko pong asikasuhin si ina kaya naman ako ay natagalan ng kaunti." Paumanhin niya habang bahagyang naka yuko.

"Ayos lang iyon, walang problema sa akin."

"Ipinaguutos po ng inyong ina na maaari na kayong magpahinga." Tinanguan ko siya at napatingin ako sa aking gilid. "Kayo ba ay nakakain na?" Sinagot niya ang aking tanong ng may pag-aalangan. "Hindi pa po, binibini." Itinuro ko ang plato sa aking mesa at sinabing kunin niya iyon at pagsaluhan nila ng kanyang kapatid na kapwa kasama niya sa paglilingkod sa aming pamilya. Napatahimik siya ng ilang segundo at nagpasalamat.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tumungo sa bintana. Muli akong tumingala sa mga bituin bago isinara ko ang bintana sapagkat malamig na ang hangin na nagmumula sa labas. "Binibini ito ay..." Hindi na itinuloy pa ni Caliah ang kanyang nais sabihin. "Nais niyo po bang ipaalala ko sa inyong ina?"

"Hindi naman iyon isang malaking bagay, Caliah, hindi rin naman talaga ako kakain sapagkat hindi ako nagugutom." Umiling ako at sa pagkakataong ito ay nilingon ko siya. "Sige na, nais ko nang makapagpahinga." Napilitan itong ngumiti sa akin "Naiintindihan ko po binibini." Yumuko ito at inumpisahan nang iligpit ang aking mga gamit. Umupo ako sa kama habang blangkong pinapanuod siya. Ilang minuto pa ay lumabas na ito at tuluyan na akong humiga sa aking kama.

I stared at the ceiling allowing sleep to greet me but I know that it won't since it never easily did. Another day has passed, another worthless day.

If I were to die in my sleep tonight, that would be the best thing that would happen to me. Even I, myself, don't know how much I wish I wouldn't be able to open my eyes the next day. I'm tired of this cycle.

Bumaba ako sa kusina suot ang aking uniporme at nadatnan kong nililinis ni Deliah and lababo. Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo ng siya'y aking malampasan. Nagpatuloy lamang ako at iginawa ang aking sarili ng iced coffee.

"Binibini, ang inyo pong ama ay kasalukuyang nasa byahe para sa kanyang trabaho at ang inyong ina naman ay nasa isang bakasyon kasama ang kaniyang mga malapit na kaibigan." Napatigil ako ng dalawang segundo at bumuntong-hininga na lamang. Sanay nako sa ganitong sitwasyon. Sa katunaya'y mas mainam ang wala sila, pakiramdam ko'y maaari akong huminga.

"Naghihintay po ang inyong drayber upang kayo'y maihatid sa paaralan."

Tinanguan ko siya habang inaayos ang mga ginamit ko sa pagtitimpla. Tumingin ako sa lamesa bago lumabas ng kusina at napansin na walang naka-hain na anumang pagkain. Lumingon ako sa direksiyon ni Deliah nang siya'y magsalita. "Ayaw ko po sanang mag-sayang pa ng pagkain."

That look on her eyes, just like everyone's, I hate it. Ibinalik ko ang aking mga mata sa hapagkainan. Pinipigilan ko ang aking sariling ipakita na ako'y naapektuhan sa kaniyang sinabi...na ako'y mahina. I sarcastically smirked and turned to the door. "Didn't had to say that out loud." Pagkasara ko ng pinto ay kinuha kona ang aking mga gamit at nagtungo sa labas.

"Hanggang hatinggabi ako mananatili rito, Ginoong Lozano. Bumalik na lamang ho kayo sa ganoong oras. Paparoon ako sa silid aklatan ng paaralan." Sambit ko sa driver at iniyuko niya ang kaniyang ulo bilang tugon.

Lumabas na ako ng kotse at naglakad patungo sa main entrance ng paaralang pinapasukan ko.

Madaling lumipas ang maghapon at hindi ko ito namalayan hanggang tumunog ang kampana. Inayos ko agad ang mga gamit ko upang makadiretso nako sa silid-aklatan. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ng silid ay biglang sumulpot si Canaryta sa aking harapan. "Tila ikaw ay nagmamadali, saan ka tutungo?" Binigyan niya ako ng ngiti.

"Hindi naman sa ganoon, ano ang iyong kailangan?" Siya ay tumingin sa akin ng ilang segundo at lumabas sa silid na akin namang sinundan. "Very well, may magaganap na selebrasyon para sa aking kaarawan sa katapusan ng linggo. Mom said you should come, makakapunta ka, hindi ba?" Itinaas nya ang kanyang mga kilay habang hinihintay ang aking isasagot. I forced a curve on my lips and nodded, I'll try to talk to mom about it."

Muli siyang ngumiti at kinuha ang isang imbitasiyon sa kanyang bag. "Perfect. See you then."

Pinagmasdan ko ang sobre na may magarbong disenyo na nasa kamay ko habang naglalakad. Nababatid ko namang hindi nais ni Canaryta na ako'y makasama, nais niya lamang na magpakitang gilas. Napabuntong-hininga na lamang ako sabay tago nito.

Pagkarating ko sa Salamisi la Biblioteca, ang silid-aklatan na katabi ng eskuwelahan, ay sinalubong ako ng malamig na paligid. Dumaan ako sa harap ni Madam Herlinda, ang punong tagapamahala, at siya'y napangiti. Malamang ay kilala na ako nito sapagkat halos araw araw naman kung pumunta ako rito. Marami rami pa ang mga estudyante na naririto ngayon dahil maaga pa. Mayroong mga talagang nag-aaral, yung iba ay di magkamayaw sa kaka-kopya, ang ilan ay nakahimbing na, habang mayroon ring mga naghahanap lang ng gwapo. Napa-iling na lamang ako matapos makuha ang mga kailangan kong libro at nagtungo sa isa sa mga mesa.

Madaming libro na ang nagpatong-patong ngayon sa mesa kung nasaan ako. Kaunti na lang rin ang mga estudyanteng narito ngayon, karamihan ay naka idlip na dahil sa pagod. Tinatapos ko na ang huling libro para sa gabing ito dahil nais ko na ring makahiga.

"Uh, mawalang galang na binibini, ngunit..."

"No." May kung sinong nagsalita sa tabi ko nang hindi ko inaasahan kung kaya't napasagot ako agad na dala na rin siguro ng pagod. Hindi na niya naituloy ang pagsasalita dahil may halong pagka-irita ang pananalita ko. "What do you need?." dagdag ko pa habang bakas parin sa aking boses ang inis.

Napatigil ako ng dalawang segundo nang mapagtanto kong wala ako sa aming tahanan kung kaya't hindi maaaring si Caliah o Deliah ang kumausap saakin. Lumaki ang aking mga mata at walang anumang tumingala sa aking kanan. Bumungad sakin ang mga mata ng isang lalaki.

Kapansin-pansin ang tapang ng kulay na kayumanggi sa kaniyang mga mata. Naka-suot siya ng uniporme na gaya ng akin kung kaya't marahil ay estudyante rin sa siya rito. Maging siya ay naistatwa rin sa kaniyang kinatatayuan. Bakas sa muka niya ang gulat dahil sa aking sinabi. Nanatili kaming ganoon ng lima pang segundo hanggang sa matauhan kami pareho. Bigla akong napatayo at iniwas niya ang kanyang tingin. Bahagya kong inibaba ang aking ulo at sinabing "Iyong ipagpaumanhin, ako'y nawala sa aking sarili." Malaking bagay ang pag-gamit ng kasyual(casual) sa salitang inggles sa harap ng isang estranghero. Ito ay ginagamit sa pakikipag-usap sa iyong pamilya, mga kaibigan, guro at kung kailan/saan kailangan lamang. Para na itong pagsasabi ng po at opo. Ito ay nakasanayan na magmula nuon pa man, ito marahil ay pagbibigay rin ng galang sa ating sariling wika.

Magsasalita pa sana ang lalaki ngunit dali dali kong kinuha ang dalawang libro na aking inaaral. "Maaari mo na itong kunin dahil ako'y tapos na." Marahan kong iniyuko ang aking ulo at binitbit na ang lahat ng ginamit kong libro at nagmadaling ibinalik ang mga ito sa orihinal na lagayan. Sinundan niya naman ako ng tingin ngunit hindi ko na ito pinansin pa.

Nang balikan ko ang mga kagamitan ko ay muli siyang nagsalita. "Teka lang, B-binibini--" ngayon ay nakakunot na ang kilay niya. Ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi ko na nagawang lingunin pa siya at dumiretso na lamang ako sa pintuan.

Habang naka-masid ako sa bintana ng sasakyan ay napahawak na lamang ako sa aking sentido nang maalala ang nangyari. Alam kong hindi ko dapat iyon ginawa, lalo na ang hindi ko pag-kausap at pag-sorry sa kaniya ng maayos. Napabuntong hininga na lamang ako at sinubukang kalimutan ang kahihiyang dinala ko sa aking sarili.

Tahimik ang bahay nang dumating ako. Palagi namang tahimik rito dahil halos palaging walang tao. Pinagmasdan ko ang malaking family portrait na kitang kita mula sa malawak na salas. Tunay ngang napakalaki at napakaluwang ng tirahang ito ngunit hinding hindi ito magiging isang tahanan. Kung ang dapat ay kasabay ng paglipas ng panahon ang pagdami ng ala-ala sa isang tahanan...marahil ay matagal nang tumigil ang agos ng panahon dito.

Ito ay kailanma'y hinding hindi ko maituturing na totoong tahanan. For here, I never felt secured, supported, nor heard.

______________________________