5 Chapter 5: Chat with Playboy

Hay! Salamat naman at nakahiga na rin sa kama ko.

Pinikit ko yung mga mata. Bigla nalang nag-flashback yung nangyari kanina sa library. >___<

Bakit parang nagi-guilty ako na hindi ko sya inantay?

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko.

Kanina antok na antok ako. Pero ngayon naman na nakahiga na ko sa kama ko, nawala bigla ang antok ko. Enebeyen1

Makapag-facebook na nga lang!

Bumangon ako at binuksan yung laptop ko.

Sign in ..

*type* *type*

Ok. Scroll down ..

*PLOP*

AY SHEMAY!

Alam nyo yung feeling na tutok na tutok yung pagmumukha nyo sa screen ng laptop tapos may biglang may magpa-POP OUT na chatbox?

Sino ba ka-----

 O_____O

Zoid Louie Lee: HOY! May kasalanan ka sa'kin!

Kasalanan pinagsasasabi nito? Sya nga ang may kasalan sa'kin e! Dahil sakanya, muntikan ng mawala ang bespren ko :<

Zailie Louise Alvarez: HOY KA DIN PARA QUITS! Anong kasalanan ko sa'yo aber?

Zoid Louie Lee: I told u to wait for me but u didn't!

Zailie Louise Alvarez: So? :P

Zoid Louie Lee: So? Para sabihin ko sa'yo, TINULUNGAN LANG NAMAN KITA ! Di mo ba alam na dapat may parusa ka? patungtong tungtong pa kasing nalalaman e. Buti nalang at ako ang BATAS sa school.

Zailie Louise Alvarez: Ang hangin mo, dre ! abot 'gang dito!

Zoid Louie Lee : Wala man lang bang thank u i love u dyan?

Zailie Louise Alvarez : Thank you :D

Sincere yan. Tinulungan nya pa rin naman ako kahit papano.

Zoid Louie Lee: walang i love u -,-

Nagta-type palang ako pero biglamg nagsink-in sa utak ko na ..

..

..

FRIENDS PALA KAMI SA FACEBOOK?

Zailie Louise Alvarez: kelan pa tayo friends sa FB?

Zoid Louie Lee: dati pa. In-add mo ko.

Inadd ko? Duh! Kailan ko nga lang sya nakilala eh. Atsaka, FYI hindi ako nag-a-add! Lalo na kung hindi ko kilala.

Zoid Louie Lee: Alam mo ang saya ko ngyon.

Zailie Louise Alvarez: bakit naman?

Zoid Louie Lee: Naka-chat kta e :)

Err .. kala mo kaw lang magaling sa flirting huh?

Pwes, gagamitin ko ang flirting skills ko. AJA Zai!

Zailie Louise Alvarez: same here.

Zoid Louie Lee: Nakakatuwa mood swings mo !

Zailie Louise Alvarez: y?

Zoid Louie Lee: kanina kasi parang ang laki ng galit mo sakin tas ngayon ang sweet mo.

Ganyan talaga pag may secret mission *evil smile*

Zailie Louise Alvarez: hehe c:

Zoid Louie Lee: but i love it. kasali ka sa dance club, right?

Zailie Louise Alvarez: Oo. since 1st yr. hs

Zoid Louie Lee: ur da best dancer 4 me!

Zailie Louise Alvarez : Aww.. thanks for the flattery.

Zoid Louie Lee : welcome , aein

*Yawn*

*Stretch*

*Tingin sa wall clock*

O____O

8:30 na ?

Ala ka ~ 6;00 kami nagsimula magka-chat ah ..

Zoid Louie Lee: gabi na.

Zailie Louise Alvarez : Oo nga e . Bilis ng oras .

Zoid Louie Lee: tulog ka na

Zailie Louise Alvarez: ukie . kaw dn .

Zoid Louie Lee: goodnyt and dream of me

Lol! Baka bangungutin pa ko! Or baka kung anong kamanyakan na naman ang gawin mo sa'kin even in my dreams.

Zailie Louise Alvarez: goodnyt din

Walang sweet dreams . mwahahaha ~

Iki-click ko na sana yung Log-out, kaso may nagpop out na naman.

Zoid Louie Lee: One more thing Zai

  don't think too much about me.

 I may not sleep. I love you!

Errr .. I love you agad? Ganyan ba talaga ang mga playboy?

avataravatar
Next chapter