39 Chapter 39: Hurt

Sophi's POV

 

"Sophi, ibigay mo na!!!" Nagmamadaling utos sa'kin ni Yat.

"EHHH! Ayoko. Nahihiya ako!"

 

"Nahihiya ka pala?" Sarcastic na tanong sa'kin ni VJ.

"Oo eh. Hindi ko nga rin alam kung pa'no at kelan nangyari yun eh."

 

Pinatong ko nalang sa bag ko na nasa ibabaw ng desk yung chin ko. Nasa class A ako. Sa section nila Zai. Kaso wala pa sya. Asan naman kaya yun? Tsk.

Kaya ako nandito kasi...

May ibibigay kasi ako kay Dwayne eh... kaso..

kaso...

NAHIHIYA AKO! >////////<

Bakit ba kasi ako nahihiya pagdating sakanya, ha?

Sabihin nyo nga!

"Wag ka na kasing mahiya! Sayang lang yung pinunta mo dito kung hindi mo ibibigay yan." -vj

"Oo nga. Atsaka, hindi ka naman marunong mahiya eh. Umaarte ka lang na nahihiya. IKAW MAY HIYA? OKAY KA LANG?" -Yat

 

=O=

ISA PA! SIGE LANG!

"Ayan na... lalabas na ata sya." Sabi ni Yat.

Napaangat ako ng tingin at hinanap sya. Dahil nga mala-telescope ang aking mga mata pagdating sa Dwayne ko, nakita ko agad sya. Nakatayo sya at inaayos yung bag nya.

After that, sinukbit nya yun sa balikat nya then nagsimula ng maglakad.

"Hala! Aalis na nga sya..."

 

I pouted habang sinusundan ko sya ng tingin. Kapag hindi ko pa nabigay sakanya yung chocolate at card....

WALA NA TALAGA AKONG CHANCE PARA MAKA-DATE SYA!!

NOOOOOO!

Palabas na sana sya ng pinto ng classroom, pero tinawag sya ni VJ.

Nakahinga ako ng maluwag. Sana.... huwag muna syang umalis. Huhugot ako ng lakas ng loob.

"Bakit?" Tanong nya ng nakatingin kay VJ.

aigoo~ Boses nya palang.... nakakilig na... wuaaahhh~

Ayoko ng mahiya...

kaso...

nahihiya talaga ako eh T^T

"Namumula ka, girl!" Bulong sa'kin ni Yat.

"EHH!" Tumayo ako at naglakad malapit sa whiteboard.

Sumisimple lang ako ng lapit kay Dwayne... Ahihihi...

Nakaharap lang ako sa whiteboard. Nakikinig ako sa usapan nila, syempre!

"Sophi, diba may ibibigay ka kay Dwayne?" Narinig kong tanong ni VJ. Kahit nakatalikod ako, I know na nakangisi yang mokong na yan.

Pasimple kong sinuklay yung buhok ko gamit ang mga daliri. Dahan-dahan akong humarap sakanila. Syempre, with a big smile.

Nandyan si Dwayne kaya kailangan kong maging pretty ^____^

"A-ako? M-may ibibigay? W-wala, ah! WALA TALAGA!"

 

"Weh? Meron kaya. Teka, andito ata sa bag mo."-YatBinuksan nya yung zipper ng bag ko.

Mabilis kong hinablot yung bag ko sakanya.

"Totoo ba yun, Sophi? May ibibigay ka sa'kin?" Tanong ng boypren ko.

Haha. Joke! Soon-to-be-boypren pala! Ahohoho.

"Ah... eh..." Hindi ko alam kung anong isasagot sakanya. Nakatingin lang ako sa sahig habang yakap-yakap yung bag ko.

"Oo, pare. May ibibigay sya sa'yong dark chocolate tapos love letter."

"HOY, ANONG LOVE LETTER? CARD LANG YUN, AH! CARD LANG!"

 

"Oo nga naman, Jared. Card lang yun. Card lang. Ahahahahaha.." Tumawa pa ng tumawa si Yat. Hinahampas-hampas na nga nya si Vj sa braso eh.

Habang pinagmamasdan ko syang tumawa, tinatanong ko sa sarili ko kung may nakakatawa ba sa sinabi este sa sinigaw ko.

Wala naman, diba? Sinabi ko lang naman na....

"HOY, ANONG LOVE LETTER? CARD LANG YUN, AH! CARD LANG!"----

 

OWMAYBALAHURA!

NABUKING! EEEEEHHHHH~

NAKAKAHIYA!!!!

"May ibibigay ka nga sa'kin. Bakit ayaw mo pa ibigay?"

 

"Eh kasi... eh kasi..." Waaa~ Hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko! Ni hindi nga ako sakanya makatingin ng maayos eh *U*

"Nahihiya kasi sya, pare."

 

"Ganun ba?" Tanong ulit ng STBBF ko.

(Soon To Be BoyFriend. Ahihihi)

I just nodded.

"Wag ka ng mahiya... ok lang naman sa'kin eh."

 

Dahil sa sinabi nyang yun, napatingin ako sakanya.

Sheez! Eye to eye kami. Spell...

Kilig ?

Hihihi.

"T-talaga?" Tanong ko sakanya.

Tumango naman sya habang nakangiti at nakatingin sa mga mata ko.

Ampugeee :">

Kinuha ko yung dark chocolates at card sakanya.

Ngumiti sya bago kunin yun sa'kin.

"Gusto mo 'kong maging prom date?" Tanong nya.

Tumingin ako kay VJ tas kay Yat.

"Tell the truth. Bawal ang deny." -Yat

Tumango nalang ako. Kyaaaa~ Nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Okay. Payag akong maging Prom date mo..

 

Pero..."

 

"P-pero?"

 

 

Akala ko kung ano yung sasabihin nya.

Ayun pala....

"Samahan mo ko sa mall."

 

Oh, diba? Ang gandang condition yun.

"Date tayo." Dagdag pa nya.

O____O

Totoo ba yun?

 

Zailie's POV

 

Friday na ngayon.

Geez. Dala-dala ko na yung chocolate cupcakes na binake ko. Nilagay ko pa sya sa brown box na may black lace.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung tatanggapin nya or hindi.

10am na ko pumasok, kasi wala namang ginagawa kaya pwede kahit anong oras pumasok.

Hmmm.. Nasaan kaya si Zoid? Wala sya sa classroom eh.

Matanong na nga lang si VJ.

Lumapit ako sa kanila. Magkatabi silang nakaupo ni Yat tapos nakikinig ng music. Share pa talaga sila ng earphone ah!

Kinalabit ko si VJ, "Nakita mo ba si Zoid?" Tanong ko.

"Oh, Zai! Bakit ngayon ka lang?" He answered me back. Ganyan talaga buhay... laging sumisegway =.=

"Oo nga, Zai. Bakit ngayon ka lang? Sayang. Di mo tuloy naabutan kung pa'no bigyan ng chocolates with card ni Sophi si Dwayne." -Yat. Hindi pa rin nila inaalis yung earphone sa tenga nila.

Okay lang. Isang tenga lang naman ang may earphone sakanila eh. Share nga sila, diba? -.-

"Talaga? Sayang naman di ko naabutan."

 

Sayang talaga Tsk! Hindi ko tuloy nakita yung reaction ni Sophi. Haha. Natatawa ako kapag na-iimagine ko.

Nagbake pa kasi ako kaya ngayon lang ako pumasok. 4am ako gumising kanina. Ang cute nga ng cupcake na ginawa ko para kay Zoid eh. Every cupcake my isang letter. Then ang kabuuan ay nagsasabing, 'I ♥ u maboy'

"Nasaan na nga si Zoid?" Tanong ko ulit.

"Nagpunta sila ng cafeteria ni Chloe kanina. Ewan ko lang kung nasaan na sila ngayon." -Yat

"Sige, alis na ko." Paalam ko sakanila.

"Good. Istorbo ka eh." Pabirong sabi ni VJ.

Binehlatan ko lang sya at umalis na.

Pagpunta ko sa cafeteria, walang masyadong tao. Mangilan-ngilan lang talaga. Halos lahat kasi nasa hall kung saan gaganapin yung prom. Syempre, pinapaganda nila dun.

Nilibot ko yung paningin ko, pero wala pa rin akong makitang Zoid.

Lumabas nalang ako ng cafeteria at naglakad-lakad. Nagbabakasakali ako na mahanap ko sya.

Sana ng mahanap ko sya. Sana nasa campus pa rin sya hanggang nagyon.

Wala akong dalang bag o kung anuman. Yung box na may lamang cupcake lang talaga.

"Isang lapit mo pa talaga dun sa babaeng yun, babe! I am warning you! Gaya nga ng sabi ko dati, I can make her life miserable."

 

Ano ba yang mga naririnig ko. Pang-telenovela =___=

"DMN IT! Ano ba talaga ang gusto mo, ha? Pwede bang tigilan mo na kami? Wala naman kaming masamang ginagawa sa'yo, ah!"

 

That voice.

Boses ni Zoid yun.

Sinundan ko yung pinanggagalingan ng boses na yun.

Nakita kong nag-uusap silang dalawa. Nakatalikod sa'kin si Zoid. Si Chloe naman, saglit na napatingin sa'kin.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako or what. Pero kasi... nakita ko syang nag-smirk.

Problema nya? Tsk.

"Tinatanong mo kung ano ang want ko, babe?"

 

Hindi sumagot si Zoid. Pero understood na yun na 'oo' ang sagot nya.

"Kiss me, babe. I want you to kiss me."

 

 

Walang sabi-sabi, sinunod nga nya yung gusto ni Chloe.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko.

Okay lang sana kung smack. Pero hindi eh.

Passionate talaga.

Naiinis ako!

Gusto ako lang ang hinahalikan nya ng ganun!

Napatigil sila pareho dahil sa isang ingay. Nabitawan ko kasi yung box na hawak-hawak ko.

Agad yun pinulot atsaka pinahid yung luha sa pisngi ko.

"S-sorry. Naistorbo ko ata kayo." Sabi ko sakanilang dalawa at nagmadaling umalis.

Pumunta ako sa rooftop.

Umupo ako sa corner kung saan nya ako binigyan ng punishment.

Para akong baliw na umiiyak habang nakangiti.

Nagpa-flashback sa utak ko yung scene na nangyari sa'min ni Zoid dito sa spot na 'to.

Yung tinanggal nya yung uniform nya para dun ako maupo at para hindi madumihan yung palda ko.

Yung ginawa nyang unan yung lap ko..

Yung pagtitig ko sa napaka-gwapo nyang mukha habang natutulog sya..

Ang sarap balik-balikan.

Although, hindi ako kinikilig that time. Pero ngayon.... tinuturing ko na syang kilig moments. Hindi ko napapansin na ang sweet pala namin dati kahit puro away at barahan...

Ghad!

I missed him so much!

avataravatar
Next chapter