20 Chapter 20: SNOB?

 

Zai's POV

 

"HUWAAAAAT? KAYO NA????" I yelled with matching stand up.

(^___^)V ang oa ko, I know *u*

Hinila naman ako ni Playboy paupo. Andito kami ngayon sa cafeteria. Nagpu-food trip lang.

"Oo. Kami na." sagot ni Vince sa'kin ng todo ngiti. ^____^

Hinampas naman sya ni Yat sabay sabing, "Di pa noh! Nililigawan nya palang ako."

 

"Ligaw palang? Ang hina mo, pinsan!" asar ni Playboy kay Vince, sabay hagis ng cracker sakanya.

"Si Dwayne yun ah?" -Yat.

"Oo nga. DWAYNE!" -VJ

Napatingin sa pwesto namin si Dwayne. May hawak din syang tray na may mga snacks at juice.

Ngumiti sya sa'min. I looked at Playboy who's sitting right next to me.

Naka-poker face lang sya.

=___=

"Join ka dito, Dwayne!" sabi ni Vj ng naka-smirk kay Playboy.

He nodded then made his way towards our table.

"Dyan ka nalang umupo sa tabi ni Zai." sabi ulit ni VJ and still, naka-smirk pa rin kay Playboy.

Problema nito?

Well, umupo naman si Dwayne sa tabi ko. Bale, nasa gitna ako ni Playboy at Dwayne. Katapat naman namin si Yat at VJ.

"Sophi!" Ang daming napapansin ni VJ (_  _)^^

Napalingon ulit kaming lahat, including Playboy and Dwayne.

O___O

Kasama lang naman kasi ni Sophi si CeeJay. Akala ko ba, si Dwayne ang gusto ng babaeng yan? Tsk.

Nag-wave sila pareho sa'min. Nakapila sila sa isang stall.

"Dito na kayo umupo 'pag nakabili na kayo." sabi naman ni VJ na naka-smirk kay Dwayne.

Ang weird talaga ng lalaking 'to.

So, after 5 minutes or less, nakatayo na sa harapan namin si Sophi at Dwayne. Umupo sila sa tabi nila Yat at VJ.

"Tayo." utos ni Playboy sa'kin.

Makapang-utos, kala mo BATAS!

Edi tumayo ako.

Hinila nya ako tapos pinaupo sa pwestonya. Tapos sya naman yung pumalit sa pwestoko. So, siya na  yung nasa gitna namin ni Dwayne.

"Close na kayo?" tanong ni Dwayne kay Sophi.

"Oo. Hehe. Nagkasalubong kasi kami kanina. Kaya niyaya ko syang kumain dito sa cafeteria. Tutal, wala rin naman syang kasama kanina eh." - si Ceejay ang sumagot.

Tumango naman si Dwayne. Pati si VJ nakikitango.

Maloko talaga (-__-)

AWKWARD

 

"Louie ko." -ako yan. Napatingin silang lahat sa'kin.

"Say AHHHH~" Tinapat ko yung isang pirasong nova sa bibig ni Playboy.

Tinitigan nya lang ito, tapos tuminginkay VJ na nagpipigil ng tawa.

"Wag na nga. Ayaw mo ata eh."

Isusubo ko na sana yung isang pirasong nova, kaso hinila nya yung kamay ko tapos sinubo nya yung nova.

nom nom nom nom

"Sarap?" tanong ko.

Tumango sya habang ang sama ng tingin kay VJ.

Ang hilig talagang mang-asar ng lalaking 'to.

"I heard, nagliligawan na daw kayo Yat and VJ?!" -Sophi

"Uhh. Yeah." -Yat

"Well, dahil dyan.... LET'S CELEBRATE!" -Sophi na nag-open arms pa.

"Oo nga naman. Dun tayo sa restau bar malapit sa village namin." suggest ni VJ.

"GO ako dyan." I said.

"Di ako GO dyan." -playboy.

Napatingin kami sakanya. "Di ako GO dyan. GO na GO!"

 

Ang kurni.

 

"AGUUUY~ Wag mo ng uulitin yun, pinsan ah? Di bagay.Haha."-VJ. He paused then looked at Dwayne. "Ikaw pare, sasama ka?"

 

Tumango lang sya.

"Ikaw CeeJay."

 

"Sorry Guys, pero hindi ako pwede later eh. May gagawin ako."

 

"Ganun ba? Hmp. Sayang naman." I said, tapos tinitigan ako ng masama ni Playboy. "Why?" iritado kong tanong.

"Guys, cr lang ako. Excuse me." Tumayo sya tapos umalis.

"Hala ka, Zai!" asar sa'kin ni VJ.

"Why? May nasabi ba 'kong mali?"

 

Nag-shrug lang sya ng balikat. "Sundan mo kaya."

 

"Ayoko nga. Bahala sya sa buhay nya."

 

"Okay. Sabi mo eh. Nakoo~ yari ka! Mambababae yun. Kung ako sa'yo, sundan mo na."

 

I rolled my eyes ceilingward before I left.

Pumunta ako ng cr ng mga boys. Syempre, sa tapatlang!

After 12345 minutes, lumabas din sya.

"Uhmmm....."

 

EKKKK..

Did he just ignored me? (~__~)

"Hoyy!!"Kinalabit ko yung likod nya.

Andito kasi ako sa likod nya, naka-buntot sakanya.

Grabeh! Nakaka-hingal syang sundan! Ang lalaki ng steps nya! Edi sya na may mahabang legs!!

"MaBoy! Uyy.."

 

"*snob*"

 

"Louie ko!"

 

"*snob*"

 

"Hi Zoid!" malanding greet nung girl na senior din like me. Sky Blue kasi yung id lace nya. May kasama syang isang babae.

"Hello, Ladies." He greeted them back in a flirt way.

Talaga naman!

*PAAAAKK*

 

Napalingon sya habang nakahawak sa ulo nya na sinapak ko. OO! Sinapak ko sya ng patalikod. Nasa likuran nya ko eh! Alangan namang masapak ko sya paharap, eh nasa likuran nga ako!

TAWA KAYO!! TSK.

Tinitigan nya lang ako saglit, tapos tumalikod na at naglakad.

ABA! Di manlang nagalit o pansinin ako?? GRR...

"SIGE LANG! MANG-SNOB KA LANG PLAYBOY KA! KALA MO!! HMP." Napatigil sya sa pagsigaw, pero hindi manlang nagawang lingunin ako.

Then, NAGLAKAD NA SYA! KAASAR!

Napaka-paranoid talaga nung lalaking yun >___<

Bigla naman akong pinagtinginan ng mga DH Students.

"Anong tini-tingin tingin nyo dyan, huh?" sabi ko ng pasiga :))

"Mainit lang ang ulo mo kasi, LQ kayo ni Zoid eh. Ayiiiiee.."

 

At nakuha pa talaga nilang mang-asar, ha?

*****

 

"Nakakainis sya, alam mo ba yun? Konting bagay lang eh."

 

"Alam mo, Zai.... para kasing may meaning yung pagkakasabi mo kanina na  'sayang naman'. Baka nakakalimutan mo, may boyfriend ka na. Kung dati, malaya kang magsalita ng mga ganyan kahit pabiro lang, hindi mo na pwedeng gawin yun ngayon, noh! Hindi ka na single." sermon sa'kin ni Yat.

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Nakabihis na kami. Inaantay nalang namin yung sundo namin, si VJ at si Playboy. GRR.

T'wing naiisip ko sya, nag-iinit ang dugo. NAKAKA-ASAR!! RAWR!

Hindi ba naman ako kibuin kanina matapos kong masabi na , 'hmp. sayang naman.'

Sige nga readers, may nasabi ba akong mali, huh?

Nakakainis sya! Konting bagay lang, nag-iinit na agad yung ulo nya.

 

"Yat, di mo kasi ako maintindihan eh. Nakakainis kaya sya! Big deal na ba yung pagkakasabi ko nun, para di nalang nya ko pansinin? Grr. KAASAR SYA!"

 

"Haha. Nakakatawa ka."

 

Toinks ! Sabay ganun?

"Nakakatawa?

 

"OO! Haha. Na-miss mo lang sya kaya ka nagkaka-ganyan  eh."

 

"YUCK! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo! Ako? Ma-mimiss yung playboy na yun? Duh!"

 

"Oo kaya! Nagagalit ka, kasi hindi ka nya kinikibo. Naku Zai, mahal mo na sya! Ahahahaha~"

 

At hinampas-hampas nya pa ako habang tawa ng tawa.

May naalala ako.

Yung ako ang unang nakapasok sa unit ni Playboy.

"Yat, may tanong ako."

 

"Ano yun?" sabi nya habang pinupunasan yung luha nya dahil sa kakatawa.

"Uhm. nakapunta ka na ba sa condo unit ni Zoid?"

 

"Hindi pa."

 

"Ah. Eh anong moments meron kayo nung kayo pa?"

 

"Text. Chat sa Facebook. Tas minsan, hinahatid nya ako pauwi. Nagkikita kami minsan kapag walang tao. Secret kasi yung relationship namin eh. Kaya pala ganun, kasi hindi lang ako ang girlfriend nya." She smiled. "Pero past na yun. That's only a part of my history. I already forgave him. Baket mo nga pala natanong?"

 

"Wala lang. I just wanna make sure na totoo yung sinabi nya na ako ang unang babaeng naka-tungtong ng unit nya."

 

"Hmm. You're so lucky."

 

"Nagluto pa nga sya ng lasagna nun eh. Tapos.... alam mo ba na may sakit sya?"

 

"Sakit? Hindi eh. Baket, ano bang sakit nya?"

 

"Asthma daw."

 

"Asthma? Asthma lang? Sure ka, yun ang sinabi nya sa'yo?"

 

"Oo. Teka nga, bakit parang nararamdaman ko na may alam ka? Ano yun?"

 

"Wala. Di ko alam na may he---- WALA! ANO NAMANG ALAM KO? DUH! KUNG ANO MAN YANG INSTINCT MO, MALI YAN! WALA AKONG ALAM!"

 

"Deffensive much? Di mo kailangan sumigaw!"

*knock* *knock* *knock*

"Louise, Yat, andyan na yung mga boyfriend nyo."

 

"Tita, di ko pa po boyfriend si Jared!" Deffensive na sabi ni Yat.

"Dun din naman punta nyo eh. Sige na, bumaba na kayo. Huwag nyo ng paghintayin sa baba yung mga prince charming nyo."

 

Humarap muna kaming dalawa sa salamin, bago bumaba.

Dun si Yat sa kotse ni VJ.

Kasalukuyan na kaming tinatahak ang daan.

Walang nagsasalita sa'min. Di nya pa rin ako kinikibo. Fine! Ako na nga magso-sorry. Mukhang ako naman ang may kasalanan eh.

"Zoid."

 

Err... naiilang kasi ako na maboy or LOUIE KO ang itawag ko sakanya eh.

"......"

 

Sige na nga! Para bati na kami (^___^)

"Maboy.."

 

"Hmmm.."

 

"Uhh... may kasalanan ata ako eh. Sorry."

 

"Ah."

 

O___o

 

Aba! Ang ganda ng sagot nya ah!

"NAKAKAINIS KA!  I HATE YOU! DI MO NA NGA AKO PINANSIN KANINA TAPOS 'AH' LANG ANG ISASAGOT MO! I HATE YOU! I HATE YOU------ *tsup*"

 

O//////O

"Sino bang nagsabing galit ako sa'yo? Nagpapa-miss lang ako sa'yo kaya di kita pinapansin kanina. Mukhang effective. Haha."

 

Nakaka-asar talaga sya!

Di pa nga ako tapos sa speech ko kanina, tinikom na agad nya yung bibig ko using his. Grr.. Kinikilig ako. LangYa talaga 'tong lalaking 'to oh.

"I love it when you're blushing because of me." sabi nya ng nakatingin sa'kin at naka-ngiti.

Tengene! Killer smile na naman.

"D-di ako nagbs-blush noh! Tumingin ka na nga lang sa daan. Mamaya, mabunggo pa tayo eh."

 

Tumingin na sya sa windshield. Buti naman at sumunod.

Tumingin nalang ako sa bintana sa tabi ko, ang init pa rin kasi ng mukha ko eh. Parang ayaw mawala. Atsaka, ilang beses na nya akong ninanakawan ng kiss, pero parang feeling ko, laging FIRST KISS.

YaaaaH.

Di pwede 'to!

At Restau Bar

 

"Yat, sayaw tayo." Yaya ni VJ kay Yat.

Nagpaalam pa sya eh kinakaladkad na nya papuntang dance floor si Yat.

Baliw talaga. Tsk =___=

 

Napatingin naman ako kay Sophi at Dwayne. Pareho silang tahimik. Andito kami sa stoolbar.

"Dwayne, sayaw kayo ni Sophi. Ganda ng music. Dali!!!"

 

"Huh? Nakoo~ Okay lang ako, Zai." -Sophi.

"Tara." sabi ni Dwayne at TAKE NOTE: HINAWAKAN NYA YUNG KAMAY NI SOPHI!

KYAAAA~ Nakaka-kilig sila.

Kahit medyo madilim, obvious na namumula si Sophi.

Nagpunta sila sa dancefloor ng magka-holding hands.

"Gusto mo sumayaw? Playboy asked.

"Mamaya nalang siguro. Wala pa ko sa mood eh."

 

"Okay.." He paused then tumingin sa bartender. "Martini." he ordered.

"Zai..."

 

"AY PALAKA!" napasigaw ako. Kaya napatingin sa'kin si Playboy at yung bartender.

"Ang gwapo ko namang palaka." sabi ni VJ habang hinihimas yung chin nya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Asan na si Yat?"

 

"Iniwan ko muna sa dance floor. May bubulong ako." Nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko. "Bantayan mo si Zoid. Baka uminom. Bawal sya sa alcoholic beverage."

 

I nodded. Naalala ko tuloy yung party ni Mary Joy. (Chapter 12 : Kiss Me)

May pa kiseuhae juseyo [Kiss Me]  pang nalalaman. Kamanyakan talaga.

Magtatanong pa sana ako kung bakit bawal kay Playboy yun, pero paglingon ko..

ABA, WALA NA!

Andun, sa dance floor. Sayaw ng sayaw =___=

Iinumin na sana ni Playboy yung martini na inorder nya, nang bigla kong agawin at tinungga.

"Hey! What's the matter with you? Bawal kang uminom."

 

Ano daw? Ako pa bawal uminom? Sya nga yun eh.

"Snake bite nga." he ordered.

And again, inagaw ko na naman yun at tinungga. Ang sakit sa lalamunan!

@____@

Bakitparang umiikot na yung mundo ko?

"Tequilla." he ordered na naman.

Paulit-ulit, inagaw ko yung shotglass sakanya at tinungga.

3rd Person's POV

"Ano ba, Louise ko? Bakit mo ba inaagaw lahat ng alak ko?"

 

"KasHEEEEE~ Wag ka na kasing uminyoooom..."

 

"Bakit naman di ako iinom?"

 

"Bawal ka daaaaawww duuuuuuuuuunn shabeee ni VEEEJEEYY."

 

'ARGH! VJ!!!!'

Tumayo si Zai. Muntikan na syang matumba, pero buti nalang at mabilis syang nasalo ni Zoid.

"Lasing ka na. Iuuwi na kita."

 

"Di pa nga akoooo lasheeeng eh!!"

Naglakad sya ng pagewang-gewang. Inaalalayan naman sya ni Zoid.

"Hoy koya! Patugtugin mo nga yung gentleman! Sasayaw si Maboy ko!" -Zai

Nanlaki naman ang mata ni Zoid. Kumakanta sya sa maraming tao, pero hindi ang sumayaw.

"Ano bang pinagsasabi mo? Di ako sasayaw! No way." Hinawakan na nya sa waist si Zai bilang suporta, dahil ilang beses na syang muntikang matumba.

"EHHH~ Mahal mo ko, diba? Diba, Louie koooo~"

 

"Oo. Mahal na mahal."

 

"Edi shumayaw kaa~ Puhlease!! Parwa sa Louise mo. Ayiiiiehh. Hahahah."

 

"Para kang baliw."

 

"Excuse me, ipi-play ko na po ba?"

 

"OO! I-play mo na kapag sinabi ko."- Zoid

 

"Maboy, akyat ka dun sha mini ishtage!! Dun ka shumayaw! FASTER!"

 

"Tch. Pasalamat ka, mahal kita."

 

Tinawag nya muna si VJ at Yat para alalayan si Zai, tapos umakyat na sya sa mini stage. May nag-abot ng mic sakanya.

"Hello guys."

Napatigil ang lahat ng magsalita sya.

"KYAAAAA~ HANG GWAPOOOO~" sigawang ng mga babae.

"HOY! MALALANDI KAYO! BOYFRIEND KO YAN! GUSTO NYO, SHAPAKIN KO KAYOOO DYAN, HA?" Mataray at palaban na sigaw ni Zai sa mga babaeng nagtilian. Naka-pose pa sya na parang GO na GO syang makipagsapakan.

Tumawa naman si Zoid at nakaramdam ng tuwa sa mga sinabi ni Zai.

"I sing, but I don't dance. Pero dahil sa babaeng yan.." He pointed at Zai.

"Bleeeh!" Binehlatan pa ni Zai ang mga babae.

"Dahil mahal ko sya, sasayaw ako. Haha. Hit the music,DJ."

 

~ I-I-I-I I'm a, mother father gentleman

I'm a, I I'm a

I'm a, mother father gentleman

I'm a, I I'm a

I'm a, mother father gentleman~

 

 

"KYAAAA~ ANG SEXY MO SUMAYAW! ANO NUMBER MO??"

 

"SINABI NG WAG NYO SYANG LANDIIN EH KAS-----*BLaaaaaG*"

 

Knock out = Zailie Louise Alvarez

avataravatar
Next chapter