2 Chapter 2: Clumsy

Yat's POV

Pinayagan na kong lumabas ng doctor kagabi since hindi naman malalim ang sugat na ginawa ko sa wrist. Haay... hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun.

I mean, he's just a guy. A guy I love the most.

But life must go on. I need to move on and accept the fact na hindi talaga sya para sa'kin. Malay mo, may ibang lalaki pa ang nakalaan sa'kin dyan.

Nung friday lang naging kami pero napakalaki ng epekto nya sa'kin.

Sabay kaming pumasok ni Zai, but we parted our ways kasi pupunta pa sya sa dean's office. Ewan ko ba kila Dollstar kung bakit sya dun dinala. Mga baliw yun eh (=___=)

By the way, naglalakad ako sa hallwaay nang..

"Aww. Ang sakit >,<"

Napatid kasi ako sa kung ano tapos naglanding ako sa sahig. Ang sakit ng tuhod ko >m<

"Tss. Ang clumsy."

 

 

Lumingon ako para makita kung sino ang nagmamay-ari ng pamang-insultong boses na yun.

There I saw a Handsome . ..  .. .  err .. I saw a Guy!

"Why are you staring at me? Am I that handsome?" he asked full of confidence, chin up.

"Handsome your ass!" Tumayo ako at pinagpagan yung skirt ko. "Kapag nadapa, clumsy agad?"

"Oo," he answered 'matter-of-factly'

Lumapit ako sakanya at tiningala yung ulo ko to level his gaze, "Kung ako clumsy, bakla ka naman!"

His face reddened because of angry. He lowered his head, an inch away from me. "Ulitin mo yung sinabi mo."

Sa totoo lang kinakabahan na ako. Nakakatakot kasi yung expression nya (>B<)

 

"Nadapa ako kanina tapos hindi mo ko tinulungan. So, you're not a gentleman... you're a woman!"

Before he could say something, I ran away leaving him cursing because of anger. Haha!

Pagpasok ko sa room, wala pa ung teacher namin. Pagkaupo ko sa upuan ko, nilingon ko yung pwesto ni Zoid then saw him kissing with some random girl. Umiwas agad ako ng tingin at umayos ng upo.

Hindi ako iiyak.

Kailangan maka-move on ako kasi hindi naman kami matagal na nagkasama. Pero bakit ganun? Ang hirap gawin.

*sigh*

Natatakot ako para sa balak ni Zai na paghihiganti kay Zoid. Eh hindi pa nga nagkaka-boyfriend yung bestfriend kong yun eh.

Pa'no nalang kung mainlove sya kay Zoid at saktan din sya gaya ng ginawa nya sa'kin?

"Andyan na si Ma'am." sigaw ni Mary Joy, class president namin. Nagsibalikan na sila sa mga designated seats nila .

Maya-maya, pumasok na yung adviser namin.

"Good Morning, class."

"Good morning, Mrs. Santos." we greeted in unison.

 

"Before we start discussing our new lesson, I all want you to meet your new classmates first."

Classmates? Edi higit pa yun sa isa?

Sino naman kaya yung isa? Ang alam ko lang kasi, si Zai.

"One girl and one guy."

Nagsimula na ang bulungan sa paligid.

 

"Actually, schoolmate nyo na si Girl. Nagpalipat lang sya ng section. And this guy, he came from international school."

Sus. Pa-mysterious effect pa 'tong si Ma'am =___=

"You can come in now." sabi ni Ma'am, tapos pumasok si Zai tapos si...

si ..

ARGH !

Bakit sya pa! Asar naman oh.

Nung napansin nya ko, nag-grin ba naman!? Tsk.

"Iho, introduce yourself now."

"My name is Vince Jared Velasquez. You can call me VJ." he smiled kaya nagtilian yung mga classmates kong babae.

Kalande >L<

"Quiet class! You can seat now, there." tinuro ni ma'am yung vacant chair sa may dulo.

Yes! MALAYO AKO SA KAMALASAN! Haha.

"Tsk. No, ma'am. I want ... .. . . there!"

[O_____O] D-did he just point the chair right next to me?

Ow, well. May nakaupo naman dito eh, so get lost !! hah !

Naglakad sya palapit sa'kin...

Ay mali, sa katabi ko pala.

"Get lost!" he said.

"P-pero, dito ako----"

 

 

 

"I said, get lost!"

Wala namang ibang nagawa tung katabi ko, so lumipat sya. Nag-smirk naman si Gagu tapos umupo sa tabi ko.

Haist. Sunod-sunod na kamalasan na nangyayari sa buhay ko ah?

Karma ko ba 'to sa malaking kasalanang nagawa ko sa sarili ko?

Di ko napansin na nasa harapan na pala si Zai, at mukhang tapos na syang magpakilala.

Yan tuloy, di ko naabutan. Epal kasi 'tong katabi ko eh

 

"Ms. Alvarez, find a vacant seat and you can seat now."

 

 

Nilibot nya yung paningin nya na halatang may hinahanap.

"You know her?"

Napatingin ako sa katabi ko na parang baliw na bigla-bigla nalang nagsasalita.

"Who?" he pointed Zai using his pouty lips.

"Yeah. She's my bestfriend."

 

 

"Well, she's pretty."

 

 

"That's true. But don't bother to court her or anything."

 

"Why?"

 

 

"'Coz your stu---"

 

 

"Maybe b'coz, you're jealous? Don't worry, she's pretty but you're beautiful in my eyes." he winked at me. Err..

"Feeling mo gwapo ka na nyan?"

 

 

"Hindi ba?"

 

 

"Ang yabang mo! Wag mo nga akong kausapin!"

"Okay. Next time nalang. May period ka ata eh."

Magre-react pa sana ako kaso sa iba na sya nakatingin. I rolled my eyes at him at tumingin na ulit kay Zai.

Nakita kong lumalapit sya sa may vacant chair sa tabi ni Zoid.

Alaa ~ ka Zai!!

Ayaw nyan na may katabi sya. Oo, napaka-babaero ni Zoid. Pero para syang may sayad sa utak na ayaw ng may umuupo sa tabi nya. Lalaki man o babae, hihilahin ka nya sa braso at itutulak paalis.

Pero teka...

parang..

parang ang hapdi ng tuhod ko.

Zai's POV

"Ms. Alvarez, find a vacant chair and you can seat now."

Nilibot ko yung paningin ko para mahanap kung nasaan si Shutang inebels na Playboy.

There, I saw him. Nakaupo sya sa second to the last row sa pinakadulo katabi ng bintana tapos wala syang katabi kahit isa.

Nakatingin din sya sa'kin. Yung ngiting...

ngiting nang-aakit.

Jeez!

Anong feeling mo? Maakit mo ako? Ewwness! Ibahin mo ko sa mga babae mo!

Kahit naka-school uniform sya, playboy na playboy pa rin ang dating. Hindi sya nakasuot ng blazer tapos naka-unbutton yung first three buttons nya. Kita yung hard chest nya.

*gulp*

I mentally slapped my face. Umaarangkada na naman ang kaluluwa ko.

Hindi porket HOT ka... oh men! Forget what I said.

I gave him my sweetest smile then walk towards him without breaking our eye contact. Nararamdaman kong sinusundan nila ako ng tingin.

"Is this already occupied?" Tanong ko habang nakangiti ng ubod ng tamis.

Grabe lang! Ang lagkit nyang tumingin. Parang nanghi-hypnotise.

"No, it isn't." Naka-smirk na sagot nya sa'kin.

I was to about to take a seat when he suddenly pulled me onto his lap.

Argh! The nerve!

Nasaan na ba yung teacher?

PANIC!

PANIC!

Hindi ko naisip ang pangyayaring ito! Hindi ko napaghandaan! Ugh >___<

Yung mga classmates ko naman, nakatingin lang sa'min. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tinging yun!

Tumingin ako sa harapan kung saan nakaupo si Yat.

Langya! Busy sya sa pakikipag-usap... pakikipag-asaran <?> sa katabi nyang si VJ. Nakilala ko sya kanina sa labas ng classroom. Nakausap ko sya bago kami papasukin ni ma'am kanina.

 

*Inhale*

 

*Exhale*

At dahil dyan, nilingon ko 'tong playboy na 'to at bibigyan ko sya ng isang napakalakas na suntok.

*PUNCH*

Pero syempre, imagination ko lang yan. Masisira yung plano ko noh!

So as a best actress na hindi naman talaga artista,

I looked back casually with a sweet smile on my face and said, "Sa labas nalang, ok? We're here in school so let's study first."

"I don't care." he placed his arms around my neck. PERVERT! "We kissed on Mall, remember that?"

Oo! Hinding-hindi ko yun makakalimutan, shutang inabels ka! Ninakaw mo ang first kiss ko T^T

Pasimple kong inalis yun at tumayo tapos humarap sakanya. "Laters," syempre isang malaking KASINUNGALINGAN yan! Asa sya na may aasahan syang LATERS mamaya!

 

"I'm looking forward to it," he then sent me his flirty wink.

Aish! Playboy! What do you hella think, huh? I'll gonna fall under your charm? Duh!

Nginitian ko lang sya at umupo na sa tabi nya.

"Oh my! He let her!"

 

 

"How lucky!"

 

 

Di ko maintindihan kung ano yung pinagsasasabi ng mga babaeng nasa unahan tapos nakatingin sa'min. He let her? Ano yun?

Tss. Who cares?

Ibinaling ko nalang yung atensyon ko kila Yat. Nakita kong tawa sila ng tawa ni VJ. Well, I'm happy for her. Mukhang may tutulong sakanya para makapag-move on.

"Your name is Zailie Louise, ryt?"

Napatingin ako sa katabi ko saglit tapos kila Yat na ulit. "Yeah. Why?"

"My name is Zoid Louie. We're both ZL. Destiny, huh?"

Destiny your face! It's just a name for Pete's sake!

Well, I just smiled at him. Hindi kaya ng resistensya ko na um-agree sa pinagsasasabi nyang DESTINY daw kami.

"Hey, look at me." Sinunod ko naman sya. Tumingin ako sakanya.

Nakapahalumbaba sya habang nakatingin sa'kin. Still, ngiting nang-aakit.

"You know what? I like you."

I bet, maraming babae na ang nasabihan nya ng ganyan. Playboy eh =___=

I crossed my two fingers beneath my desk, "I like you, too."

PWEH ~

***

KRiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiNG

Haist. Sa wakas at lunch break na din. Kanina pa ko nandidiri sa kalandian ng Playboy kong katabi.

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko, tumayo ako at lumapit kay Yat na naka-upo pa hanggang ngayon.

Si playboy naman, busy sa mga babaeng pumalibot sakanya. Tss.

 

"Yat, punta na tayo sa caf--- " Napatigil ako sa pagsasalita nung napansin ko na nakatingin silang pareho sa tuhod ni Yat.

"Luh, nong nangyari sa tuhod mo?" tanong ko.

"Nadapa kasi ako kanina. Ngayon ko lang napansin na nagkasugat pala ako."

"Tara, samahan kitang pumunta sa clinic." yaya ko sakanya.

"Ako nalang ang magsasama sakanya, ako naman ang may dahilan kung bakit sya nagkasugat eh." VJ

Tinignan namin sya ni Yat na nagsasabing, 'what-do-you-mean?'

"I was leaning against the wall kanina sa hallway. Naka-stretch yung binti ko and then you trip over it. That's why..." tumingin sya sa sugat ni Yat.

"How great you are! You even called me clumsy, eh it's your fault naman pala!"

"Not really. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh."

Ang gulo nya -___- Akala ko kanina nung pinapanood ko sila, close na sila. Mali pala ang akala ko =___=

"I hate you!"

"Talagang gwapo ako."

 

 

"Sabi ko, I HATE YOU!"

 

 

"Gwapo talaga ako."

"Mas gwapo ako." <?>

Sabay-sabay kaming napalingon,

"Insan."  sabi ni VJ kay Playboy, tapos nagkamayan sila.

"Hi, Angela!" Playboy, nakatingin sya kay Yat.

"Yat ang pangalan nya, hindi Angela!" Pinandilatan ko sya ng mata.

Bopols pala 'tong mokong na 'to eh. Sa dami siguro ng babae nya kaya napagpapalit-palit na nya yung mga pangalan. Knowing na classmate sila ni Yat, how come na... nevermind na nga lang!

"Sorry... oh!" Tinignan nya si Yat tapos ako ulit. "Bati na kayo? Musta sampal nya sa'yo?"

Masayang-masaya ata sya kapag may mga babaeng nag-aaway dahil sakanya. Sarap nyang itapon sa pinakamabaho at pinakamaduming ilog dito sa pilipinas.

Tumawa sya, VJ laughed along.

Tsk. Pag-umpugin ko kayo eh!

Ang lakas ng loob nyang magsalita ng mga ganitong bagay. Palibhasa, hindi nya alam ang nangyari kay Yat. Yeah, hindi namin pinagsabi sa iba yung nangyari kay Yat. Except kila PekengKyoot, LoveKita335 at Dollstar.

Nakita kong yumuko si Yat, hiding her pain. Don't worry Yat, darating ang araw na itong Playboy na katabi kong tumatawa ang makakaramdam ng sakit na nararamdaman mo. Hindi lang ikaw, pati na rin sa lahat ng babaeng pinaglaruang ng lalaking 'to.

"Magpinsan kayo?" tanong ko para maibsan yung sobra-sobrang galit na nararamdaman ko sakanya.

"Oo, pero mas gwapo talaga ako." Playboy yet arrogant >,<

"Haha. Asa ka dude!"

 

 

 

"Let's go. Sabay-sabay na tayo sa caf."

 

 

 

"Next time nalang. Dadalhin ko pa kasi si Yat sa clinic. Lampa kasi eh."

Magrereklamo pa sana si Yat kaso binuhat na agad sya ni VJ na parang bagong kasal.

"See ya later!" Sabi ni VJ at lumabas na sila ng classroom.

He cleared his throat, "Pa'no ba yan? Tayo nalang ang magsabay. San mo ba gusto? Sa caf o sa... condo ko?" He flashed his evil perverted smirk again.

Wala na ba talagang alam sa buhay ang isang 'to kundi ang maging manyakis?

Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Perhaps, kailangan kong i-ready lagi ang sarili ko sa mga sasabihin ng Playboy na 'to para hindi laging ganito. Hindi ako natatameme.

"Zoid," may babaeng clown ang dumating at minanyak yung chest ni Playboy. "You promised na magsasabay tayong mag-lunch, right?"

"Ahm," napakamot sa batok si Playboy at tumingin sa'kin.

"Bye!" nagwave ako sakanila pati na rin sa tatlo pang babaeng papalapit. Mga taga-iba sila ng section. Dumadayo pa talaga dito para lang sa Playboy. Tsk.

Pero thanks to them anyway. Ayokong makasabay yung mokong na yun.

avataravatar
Next chapter