18 Chapter 18: Courtship

Yat's POV

 

"Ang sakit ng tenga ko." Reklamo ni Zai habang tinataktak yung tenga nya.

Maski ako eh. Ang sakit din ng tenga ko. Kung maka-sigaw naman kasi si Sophi kanina sa loob ng gym. To think na nasa gitna pa namin sya kanina ni Zai =__=

"Parang baliw kasi 'tong si Sophi! Makatili kanina, WAGAS! Pero kapag napapatingin sa pwesto natin si Dwayne, nagpo-poker face! Tsk." -ako

"Kasi... Hihi. Nahihiya ako eh. Di nya kaya alam na may gusto ako sakanya. TeeHee >////<"

 

Andito pa rin kami sa DH Academy. Naglilibot-libot. Kung anu-ano ng booth ang napasukan namin.

"Zailie!"

 

Sabay-sabay kaming napalingon at nakita namin si Dwayne na naglalakad palapit sa'min. Kasama nya yung isang ka-team nya sa basketball.

Naka-jersey pa sila pareho at may hawak pa na bola si Dwayne.

"Bakit Dwayne? Anyway, ang galing nyo kanina ah? Haha. Kaw na talented! Dancer na, player pa!" -Zai

"Haha. Thanks. Uhmm.. Kayo na pala ni Zoid?" - Dwayne

"Yup. Kahapon lang. Baket?"

 

"Wala naman." He paused then tumingin sa'min ni Sophi.

Hays salamat! Napansin din nya ang presence namin, lalo na si Sophi *u*

"Hi Yat, Hi Sophi." Bati nya sa'min.

"Hi din." -ako

"H-hello. Hehe." namumulang sabi ni Sophi.

I bet, kinikilig to the bones yang babaeng yan.

"Sophi pala name mo. Dati ko pa gusto malaman yung name mo eh. By the way, I'm Cee Jay. Dwayne's friend and teammate. Nice to meet you." Sabi nung kasama ni Dwayne na naka-stretch out pa yung kamay para makipag-shake hands.

Infairness, gwapo rin sya.

"Nice to meet you too." Then nag-shake hands sila.

Tumingin pa nga si Sophi kay Dwayne, pero naka-ngiti lang ito.

"Una na nga pala kami. Pupunta pa kami sa shower room. Nakita kasi namin  kayo kaya nilapitan muna namin kayo para kamustahin." said Dwayne.

"Ganun ba? Sige. Bye."

 

Then umalis na sila.

"Uhm Zai, diba classmate nyo si Dwayne?" tanong ni Sophi.

"Yeah. Classmate namin sya ni Yat. Gusto mo lakad kita dun?"

 

"H-hindi na. Mukhang may iba syang gusto eh. Hayaan nalang natin." malungkot na sabi nya.

Anyare? Eh kanina lang, ang hyper-hyper ng babaeng 'to eh.

"Punta tayo sa cafeteria. Nagugutom na naman ako eh." Yaya samin ni Zai, so nagpunta na kami sa cafeteria.

"Zai, hindi ka nagsasawa sa lasagna?" Tanong ko.

"Basta lasagna, walang kasawaan sa vocabulary ko." sabi nya sabay subo ng lasagna.

Di talaga mabubuhay 'tong taong 'to kapag walang lasagna.

"Zai, matanong ko nga, talaga bang itutuloy mo yang plano mo kay Zoi----" Napatigil ako ng maalala kong kasama pala namin si Sophi.

"A-anong plano?" She asked looking at me tapos kay Zai naman.

"Sophi, we will tell you a secret, but promise us first na you won't tell it to anybody." -Zai

She nodded and raised her right hand as if nagpa-panatang makabayan sya. "I will, Zai. I promise. Hope to die."

 

"Sabi mo yan, ha? Sinagot ko lang kasi si Zoid kasi may plano akong maghiganti sakanya."

 

"HUWAAAAT?"

 

I immediately covered her mouth using my hand and hushed her.

Baka mamaya, may makarinig eh.

"Sorry. Na-shock lang ako. Continue."

 

So, kinwento ni Zai ang lahat. Yung nag-commit akong mag-suicide, kasi niloko ako ni Zoid and so on.

"Zai, kung ako sa'yo, di ko na itutuloy yan. Mukha namang okay na si Yat eh. Besides, mukhang nagbago na rin si Zoid."

 

"Tama ka dyan, Sophi! Zai, okay na talaga ako. Di mo na kailangan pang ituloy yan. Naka-move on na ko, noh?"

 

That's true. Naka-move on na ko. Friends na nga kami eh (^___^)

 

"Ah basta! Itutuloy ko pa rin to! Nasimulan ko  na eh. Hindi lang naman para sa'yo 'to Yat eh. Para rin 'tong paghihiganting 'to sa lahat ng babaeng niloko nung playboy  na yun. I'm doing this revenge,'coz I'm his Karma. Haha."

 

"Wow. Parang Flora and Drake lang ang peg ah? SHE'S MY KARMA? HAHA." Sophi.

***

"2:OOpm na pala. Sophi, Zai, kailangan ko ng pumunta sa gym. May practice ng volleyball eh."-Ako

 

"Pupuntahan ko pa si Ms.Magarao. Ipapaalam ko si Collin." -Sophi

"Uwi nalang ako. Inaantok na 'ko eh." -Zai

"See you tomorrow nalang. Bye."

Then nagbeso-beso kami.

*Gym*

 

"Time-out muna ako. Nauuhaw na ko eh." paalam ko  sa mga players ko.

"Sige po, captain. Take your time."

 

Naglakad ako papunta sa bleacher kung sa'n nakalagay yung gamit ko.

"Clumsy!"

 

Hayyy.. Eto na naman ang bi-bwisit ng araw ko!

"Will you stop calling me Clumsy? As far as I know, my name is Yatty and not Clums--- AAAHHH."

 

ASDFGH! Hang Saket >.<

"Captain, sorry po!" Sabi nung isang player na naglalakad palapit sa'kin.

Natamaan lang naman po kasi ako ng bola ng volleyball!

"Oo nga. Di ka nga clumsy." sabi nya habang tinutulungan akong tumayo.

"Bitiwan mo nga ako! I don't need your effin help!"

 

"Okay. Sabi mo eh!"

 

Then, AAAHHH!

BINITAWAN NGA AKO NG MOKONG NA 'TO!

Muntikan pa nga ulit akong madapa, pero buti nalang at sinalo nya ulit ako.

"Nakakainis ka!"

 

"Yeah. Matagal na 'kong gwapo."

 

Hannnoooo~ Daw? Binge lang koya?

"Tara." sabi nya tapos binuhat ako ng parang bagong kasal.

Ilang beses na nyang ginawa sa'kin 'to ah!!!

"IBABA MO NGA AKO!!!" I yelled.

Nakakahiya kaya !

Pinagtitinginan kami ng mga DH Students. >.<^^

"Ayoko nga. Bubuhatin nalang kita kesa maglakad ka. Baka madapa ka na naman. Ang clumsy mo pa naman!" sabi nya ng naka-diretso ng tingin.

Napatingin ako sa mga DH Students, napatigil sila sa mga ginagawa nila nung napadaan kami sa harapan nila.

Eto namang Jared na 'to, parang wala lang sakanya. Wala ba sa vocabulary nya ang salitang 'shy' ?

No choice.

Tinago ko nalang yung mukha ko sa chest nya.

Hulalalala~ I can feel his six-pack abs! Gosh..

"Kababae mong tao, ang manyak mo." sabi nya nang nakatingin pa rin sa daan.

Atsaka,

AKO? MANYAK? DUH!

 

"FYI, di ako manyak noh! Porket tinatago ko lang yung mukha ko sa chest mo, manyak na agad? Diba pwedeng, nahihiya na ako sa mga taong tumitingin sa'tin kaya ako nagtatago sa chest mo?"

 

"Huh? May sinasabi ka ba? Wala akong naririnig eh!" Sabi nya ng nilalapit-lapit pa sa'kin yung left ear nya, and still, nasa daan pa rin nakatingin.

"Amp. Epal ka talaga, EVER!" sabi ko habang hinahampas-hampas yung chest nya.

"Gwapo talaga ako EVER!"

 

Haist. Masanay nalang tayo sa mokong na 'to, readers =___=

Pinasok nya ko sa loob ng kotse nya. Pina-upo nya pa ako sa front seat. Umikot sya then umupo sa driver's seat.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko sakanya, pero parang wala syang narinig.

Instead na sagutin nya yung tanong ko, ini-start nya na yung engine.

After 1234567890 years, nakarating na kami sa isang ...

isang

FOREST???

Asan na ba kami?

Halos inabot na kami ng gabi sa daan ah?

Hinila nya ko papasok sa loob ng forest. Mukhang prepared ang mokong. May dala pa talagang flashlight.

"Akyat." utos nya.

"Ba't ako aakyat dyan sa tree house?"

 

"Basta. Sumunod ka nalang."

 

Ako namang  si uto-uto, sumunod.

Umakyat ako sa tree house.

Pag-akyat ko, LANGYA!

Ang ganda grabeh!

HUMANDA KA SA'KIN VINCE JARED MAMAYA! GRR. (~___~)

Oo, ang ganda. Sobrang ganda dito sa tree house. Sa sobrang ganda, hindi ko na nga ma-describe eh. (Take note the sarcasm.)

Sobrang dilim dito.  Hindi nga ako maka-kilos, baka kasi isang kilos ko lang, mahulog ako.

Weird nga eh. Nung nasa ibaba palang ako, may ilaw dito. Tapos nung naka-akyat na 'ko, biglang wala?

~ Your hand fits in mine

Like it's made just for me

But bear this in mind

It was meant to be

And I'm joining up the dots

With the freckles on your cheeks

And it all makes sense to me ~

 

O___O

Boses ni Jared yun ah?

Ngayon ko lang sya narinig kumanta, pero alam kong boses nya yun.

~ I know you've never loved

The crinkles by your eyes when you smile

You've never loved

Your stomach or your thighs

The dimples in your back at the bottom of your spine But I'll love them endlessly ~

 

Bakit nya naman ginagawa 'to?

Don't tell me, manliligaw sya sa'kin?

~ I won't let these little things slip out of my mouth

But if I do, it's you,

Oh it's you,

They add up to

I'm in love with you,

And all these little things  ~

 

Kung oo, ang epal naman -__-

Walang originality? Ganito din yung ginawa ni Zoid kay Zai, ah?

Yung kakanta ng walang ilaw. Then kapag natapos na syang kumanta, biglang bubukas yung ilaw?

~ I won't let these little things slip out of my mouth

But if it's true,

It's you,

It's you,

They add up to I won't let these little things

Slip, out of my mouth,

But if it's true,

It's you, it's you,

They add up to,

I'm in love with you,

And all your little things ~

 

And as expected, nung natapos na syang kumanta, may maliliit na bulb ang umilaw. Parang X'mas lights. Naka-form sya ng mga letters.

I mean, one sentence.

And it says,

'Can I court you, Yatty?'

 

"Yat." Pagkasabi nya nun, biglang bumukas yung ilaw. Napansin ko rin na may mini table sa gitna na may foods and wine.

Nagugutom na ko (_  _)^^

"Yat, I want you to listen carefully. The day we first met, na-love at first sight na ko sa'yo. Ang korni man, but it's true. I always tease you, 'coz I know that's the only way on how I can get your attention. Alam ko na ex-boyfriend mo si Zoid na pinsan ko. I can see in your eyes dati na you still love him. Pero unti-unti ko rin napapansin na nakaka-move on ka na."

 

Tama ka, Jared.

Naka-move on ako kay Zoid, dahil sa'yo.

LAGI MO 'KONG INIINIS , to the point na nakakalimutan ko na si Zoid.

Thanks to you, Jared :))

"Yat, please give me a chance. I will not hurt you like what my cousin did. Kasi kapag sinaktan kita, para ko na rin sinaktan ang sarili ko. I love you, Yat."

 

"Dami satsat." sabi ko.

Tinitigan nya 'ko ng masama.

Aba! Sa lahat ng manliligaw, sya yung maiinitin ang ulo, ha?

"Ginaya mo yung ginawa ni Zoid."

 

"Oy, di ah! Ako nagsabi ng idea na 'to. Sya ang gumaya. Wala ngang alam sa mga ganitong bagay yun eh."

 

"Ah."

 

"Ano na?"

 

"Anong ano na?"

 

"Yung sagot mo!"

 

"Galit?"

 

"Hehe. Ano na kasi?"

 

"Oo na. You can court me."

 

Ngumiti sya ng malapad, tapos lumapi sa'kin at akmang yayakapi ako, pero tinulak ko sya  ng mahina.

"Hindi pa kita sinasagot, noh! Sabi ko, pwede mo kong ligawan! Di pa tayo. Papahirapan pa kita, kala mo ha!"

 

"Haha. Yun naman pala eh. Papahirapan mo ko. Pa-hug na."

 

Di na nya ko hinayaang magsalita, niyakap na nya ako.

Nakakatawang isipin na yung taong laging nambi-bwisit at sumisira ng araw mo, ay may gusto pala sa'yo. Haha.

Pero kung wala naman ang taong nang-iinis at sumisira g araw ko, masasabi kong,

My day is not complete (^^___^^)

 

Wag kayong maingay, huh?

Pero kasi.... may gusto rin ako kay JARED. >////<

Pero syempre, pahihirapan ko pa rin sya! Konti lang naman. Hihi <3

 

 

avataravatar
Next chapter