16 Chapter 16: Watta nice endearment

 

Zai's POV

 

"Louise, anak, gumising ka na nga dyan! Tanghali na!"

 

"Mommy, foundation week po ng DH Academy ngayon. Pang-2nd day palang po ngayon. So, pwede akong pumasok ANYTIME." Sabi ko sabay nagtaklob ulit ng kumot.

Pero hinila ulit ni mommy >.<

"Ano ka ba namang bata ka! Tumayo ka nga dyan! Nakakahiya sa boyfriend mo, kanina ka pa hinihintay sa baba."

 

"Mom,  wala po akong boyf-------"

Ayy meron na pala. Hehe ^0^

"Sige po. Maliligo na po ako."

 

Tumayo na ako at ginawa ang aking routine before school.

Pagbaba ko, nakita ko lang naman si Playboy sa couch na nakikipagtawanan kay Mommy.

"Louise, ang tagal mo namang kumilos! Atsaka, kayo huh….. pareho pala kayong ZL! AYiiiE… destiny sila. Hahahaha."

Hayy nakoo! Parang bata talaga ang nanay ko (=__=)

"Tara na." yaya ko kay playboy.

Tumayo naman sya tapos nagba-bye na kay mommy. At alam nyo ba,

MOMMY DIN ANG TAWAG NYA SA MOMMY KO! HANGKAPAL TALAGA NG ISANG 'TO! Tsk.

Nung nasa loob na kami ng kotse nya, chineck ko yung phone ko. Ang daming message.

Napatingin ako kay playboy nang mapansin kong hindi nya pa rin iniistart yung engine. Pero nakalagay na yung susi sa ignition.

I stared at him.

HE STARED ME BACK! ANO BANG MERON?

Bahala nga sya. Magbabasa nalang ako ng mga message. Yung mga message na galing sa VIPs lang naman ang binabasa ko eh. Kahit gm lang.

GOOD MORNiiiiiiiNG ^___^

 

Here @ DH Academy.

Busy-busihan lang ang peg :]

Hang daming wafung pumupunta

Here sa photobooth namin nila Dollstar at Lokvekita335.

Wiii~ En seya-seya nemen!

 

@DHstudents, punta din kau here sa booth

Namin ng TCA  <3

 

Giem ni KAGANDAHANG PekengKyoot

#UmangalPaslang!

 

---end of message---

Haha. Parang gaga talaga 'to kahit kelan.

Magbabasa pa sana ako ng iba pang message, kaso nagsalita si playboy ng, "Panget."

Ako lang naman ang kasama nya dito sa loob ng kotse, so it means na... AKO YUNG SINASABIHAN NYANG PANGET?

DaNerbs! Ganda ko kaya. Haha

Nilingon ko sya at ….

*muaps*

 

Ako-> (~__~) +++++  (^___^) <- playboy

"Kissing monster!"

 

"Yeah." He said at SA WAKAS! Nagsimula na syang magdrive.

Siguro ayun yung inaantay nya kaya di muna sya nagda-drive kanina.

Ano'ng feeling nya? Bibigyan ko sya ng isang Sweet Good Morning kiss from the Sweetest Girlfriend in the world?

 

Tsk. Asa sya!

After 1234567890 years, I noticed na ibang way yung dinadaanan namin. Hindi sya yung way papuntang DH Academy.

"Hoy Playboy, sa'n tayo pupunta?"

 

"Playboy, ha?" sabi nya tapos binilisan yung pagda-drive nya. As in SOBRANG BILIS!

"HOY ANO BA? BAGALAN MO NGA YANG PAGMAMANEHO MO! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA, WAG MO 'KONG IDAMAY! MAHAL KO PA BUHAY KO NOH! ARGH~"

 

"Para sabihin ko sa'yo, di ako magpapakamatay! Porket binilisan ko yung pagmamaneho ko, magpapakamatay na agad? Atsaka, kakaumpisa pa nga lang natin, iisipin mo na magpapakamatay ako? No way!"

 

"Ang dami mong sinabi! Bagalan mo na kasi yang pagmamaneho mo!"

 

Todo kapit na 'ko dito sa pwesto ko dahil sa sobrang takot, pero sya sobrang calm lang ng itsura nya.

"Babagalan ko ang pagmamaneho ko? Fine. Call me maboy first."

 

"Tss. Oo na po, Maboy. Bagalan mo na po ang pagmamaneho mo, MABOY!"

 

"Sige ba. Sabi mo eh."

At yun, binagalan na nya ang pagmamaneho.

I sighed in a relief.

Akala ko, katapusan ko na eh. Haha. Oa  lang, Zai?

"Sa'n ba kasi tayo pupunta, Ha? MABOY?"

 

"Where do you think?"

 

"EHH~ Sagutin mo nga ako ng maayos! Sa'n tayo pupunta?"

 

"Just wait and see."

 

Abnormal talaga 'tong mokong na 'to! Ayaw pa sabihin kung saan. Psh.

After an hour, nakarating kami sa isang exclusive condominium building.

Lumabas sya ng kotse, syempre pati ako.

"Di pa pala tayo papasok, eh bakit naka-uniform ka na?"

 

"Just a props."

 

"Nge? Props lang? Baliw ka talaga!"

 

He chuckled then held my hand.

Pagkapasok namin sa elevator, pinagtitinginan kaming dalawa. Akala siguro nila, nagcutting kami.

Hindi naman eh. Papasok din kami later, I guess?

*TiiiNG* (s.e ng elevator XDD)

 

Pinipindot palang ni Playboy yung passcode ng unit nya, biglang may dalawang di kanais-nais na binibini ang umepal. Sino pa ba?

Edi si Ms.Cleavage…este Chloe at ang kanyang alagad na isang beses ko pa lang narinig magsalita, si Trixie.

Tapos yung mga suot nila…. GRABEH! Magkakasala mata ng mga lalaking makakasalubong nila, I swear!

"Well, well, well…What a beautiful day, isn't it babe?" – Chloe

"MaGirl, let's go." He said as he opened the door.

"MaGirl? Haha. You called her 'Magirl'? And what? You called him Maboy? Err… watta a nice endearment." She said as she flipped her hair.

Kalbuhin kaya kita nang di ka na makapag-inarte dyan?

Pero syempre, si Zailie Louise ata ito! At wala sa vocabulary ko ang salitang MAGPATALO.

"Yeah right! We have a nice endearment, 'coz we have US." I paused then cling at his shoulder.  "And you? How come you have that guts to call him BABE, eh there's NOTHING BETWEEN YOU TWO! Ayy… meron pala. Ikaw na LAPIT NG LAPIT sakanya, at sya na LAYO NG LAYO SA'YO! Ganda ng commitment nyo, noh?" I said then I smirked at her.

"That's not true naman, diba babe? You're not lumalayo naman sa'kin, right?" sabi nya habang lumalapit kay playboy, pero atras naman ng atras ang mokong. Haha.

"Oo nga. Di nga sya lumalayo sa'yo." I said sarcasticly.

"I HATE YOU!" She yelled, glaring at me.

As if naman na matatakot ako sa'yo! Bleeeh.

"I hate you more, dear Chloe" I said, smilling evilly.

And see? Yung alagad nya, di manlang sya magawang ipagtanggol. Pinapanood lang nya kami.

 

Inakbayan ako ni Playboy at naglakad na papasok sa loob ng unit nya.

Pero ang impaktita, may pahabol pa!

"I remember nung kami pa ni Zoid my babe, pinapunta nya rin ako dyan eh.

And you know what? He's d*mn great in bed. He made me scream in a HOT and SEDUCTIVE way. Anyway, enjoy ka huh? Kasi sinisiguro ko sa'yo…

 

Babalik sa'kin si Zoid, my Babe! Bye!"

 

Lalapitan ko na sana yung impaktitang yun para sampalin, pero pinigilan ako ni Playboy.

"Don't mind her." He said as he closed the door.

"Don't mind her? Baket? Kasi totoo yung mga pinagsasasabi nya?"

 

I sat at the couch and crossed my arms over my chest.

Nakakapang-init ng dugo yung babaeng yun. Grrr..

Suddenly, I felt his weight on the couch.

"Nagseselos ka ba? Huh, MaGirl ko?"

I faced him.

Nakangiting nakakaloko na naman sya.

"Bakit naman ako magseselos? So disgusting kaya. Tsk."

Umusog ako, pero lumapit ulitsya.

"Weh? Eh, bakit ganyan yung itsura mo kung di ka nagseselos, huh?" sabi nya habang nilalapit-lapit pa sa mukha ko yung mukha nya.

Ang galing talaga nito mang-asar kahit kelan!

"Ano ba? Lumayo ka nga sa'kin!" I pushed him away from me. "Di ako nagseselos, okay? NAIINIS AKO! Kaya ka siguro hinahabol-habol nung babaeng yun kasi, you already bed her!" I said in a very angry tone, and he just burst out a laugh in a return.

May nakakatawa ba sa sinabi ko, Huh?

"I HATE YOU! I HATE YOU! YOU, PERVERT, PLAYBOY, MANIAC! ARGH!" sigaw ko sakanya habang pinaghahahampas sya, pero di pa rin sya tumitigil sa kakatawa nya. Edi hindi rin ako tumitigil sa kakahampas sakanya!

Pero napatigil ako nung napansin kong napahawak sya sa chest nya tapos hirap makahinga.

"Z-Zoid..MaBoy, a-anong---"

 

"W-water.."

Tumakbo agad ako papuntang fridge. At dahil sa panic ko, yung pitcher lang ang natangay ko. Di ako nakakuha ng baso.

Nung natapos ko na syang painumin ng tubig, medyo kumalma na sya. Pero nakahawak pa rin sya sa chest nya. Sinandal nya yung head nya sa head rest ng couch.

I sat beside him, "Ano'ng nangyari sa'yo, huh? May asthma ka ba?"

 

"H-huh? O-oo. Haha. Asthma lang 'to." He said then placed some strands of my hair behind my ear.

"Ba't ka ba kasi tawa ng tawa? Yan tuloy, inatake ka ng asthma. Diba dapat may nebulizer ka para sa asthma mo?"

 

"Nakakatawa ka kasi eh.  Naniwala ka naman sa sinabi ni Chloe. Ni isang beses nga, di pa nakatungtong dito sa unit ko yun eh."

Iniwasan nya yung tanong ko kanina na dapat may nebulizer sya. Pero hindi ko nalang yun pinansin.

"Weh? Eh bakit sabi nya kanina?"

 

"Tss. Gawa-gawa nya lang yun. Alam mo naman na patay na patay yun sa'kin eh. Pati nga dito sa condominium building na 'to, sinusundan nya ko. Dito na rin sya nakatira. Dyan lang, katabi ng unit ko."

 

"Kakaiba sya, huh. Obsessed na obsessed sya sa'yo. Haha."

 

"Ganun talaga. Sobrang gwapo ko kasi eh."

 

"Ang yabang mo! Hehe. Pero di nga? Wala ka pa talagang naaano?"

 

"Naaano?" He asked me back with his evil smile.

Binatukan ko nga!

"Alam mo na yun!"

 

"Haha. Ofcourse not! Ano namang tingin mo sa'kin, wild?"

 

"Hehe. Sure ka, ha?"

 

"Ou nga. Kulet! Kaw pa nga lang nakakapunta dito sa unit ko eh."

 

"Talaga lang, ha?"

 

"OO NGA! Wala ka bang tiwala sa'kin?"

 

"Wala! Haha" Sabi ko tapos minasamaan nya lang ako ng tingin. "Joke lang! Eto naman! May trust naman ako sa'yo eh, 50%."

 

"50% ? Tsk. I'll make that 100%."

 

"Kung kaya mo!"

 

"Oo naman. Ako pa. Tch."

 

"Hangin talaga. Teka nga, bakit mo ba 'ko dinala dito?"

 

"Wala lang. Para malaman mo na ikaw yung unang babae na nakapasok dito sa unit ko. Special ka eh. Yun oh! Nagba-blush!"

 

"Oyy. Di ah!"

 

"Tara sa kitchen, sabi sa'kin ng mommy mo, adik ka daw sa lasagna eh."

 

Pumunta kami dun sa kitchen nya. Nag-bake sya ng lasagna.

Infairness, mas masarap syang mag-bake ng lasagna kaysa kay Mommy. Yung Lasagna nya ata yung pinaka-masarap na lasagna na natikman ko. HiHi.

 

avataravatar
Next chapter