webnovel

Chapter 9: Being Cold

Jamaica's pov

Dumiretso agad ako sa living room after 'kong ayusin ang sarili 'ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Malumanay ngunit walang emosyong tinanong 'ko sya. Pilit 'kong tinatago na galit ako sa kanya dahil baka kung ano ano ang masabi 'ko.

Lumingon sya sakin saka ngumiti "Tapos na 'ko sa inaasikaso at naisip 'ko na mag friendly date ulit tayo ngayon." Tinignan ko sya ng walang emosyon kagaya ng kanina kaya kahit na nakangiti ay nangunot ang noo nya.

'Friendly date? Friendly date mo pa rin bang matatawag 'yon kung balak mo 'kong pakasalan?

Gusto 'kong mapa irap nalang dahil sa naisip 'ko pero gaya nga ng kanina ay ayokong malaman nya na alam 'ko na ang about sa proposal na mangyayari, and i want to know what he will going to do para malaman ang dahilan kung bakit naging ganito bigla ang treatment 'ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako "Medyo busy ako ngayon. So, sorry i can't go with you" yan nalang ang naisip 'kong palusot and knowing him. Alam 'kong hindi na sya magtatanong pa ng kung ano ano. For now, ayoko na muna syang makasama.

"Gano'n ba" mahinang ani nya saka kinamot ang batok "I understand that your busy. Next time nalang siguro." Nahihiya syang ngumiti "I need to go, para magawa mo na ang gagawin mo" itinaas nya ang kamay nya saka iwinagayway ito. "Bye" ani nya saka dumiretso sa pintuan.

Ng tuluyan na syang makaalis ay imbis na bumalik sa kwarto 'ko ay dumiretso muna ako sa kusina namin para gumawa ng sandwiches, di naman ako marunong magluto e. After 'kong gumawa, nilagay 'ko 'yon sa isang tray saka binitbit pabalik sa kwarto 'ko.

Inilagay 'ko ang mga gawa 'kong sandwitches sa refrigirator 'ko dito sa kwarto 'ko. Ayoko na muna silang makasabay kaya sandwiches na muna ang kakainin 'ko.

Dumaan ang isa, dalawa, tatlo, at pang-apat na araw na 'to ngayon. Bukas na ang sinasabi nilang magpo propose daw si Darwin pero hanggang ngayon hindi 'ko parin naiisip kung oo ba 'ko, pag huminde kasi ako based on my mothers threat pagbabawalan nya 'kong makita ang mga friends 'ko. Matitiis 'ko namang 'di sila makita pero si Trisha? No way! Antagal 'ko na syang 'di nakikita at miss na miss 'ko na talaga sya. Pero twing naiisip 'kong um-oo nalang dahil 'di 'ko kayang mapalayo ulet kay Trisha, laging sumasagi sa isip 'ko ang mga sinabi sakin ni lola dati "Apo, kung magpapakasal ka paglaki mo. Dapat ang pakasalan mo ay 'yung lalaking mahal at nagpapatibok dyan sa puso mo kasi mahirap matali sa isang relasyon na yung isa lang ang nagmamahal. Sasaktan nyo lang ang mga sarili nyo." Lagi nalang akong lito twing iisipin 'ko kung ano ba ang pipiliin 'ko. Ang habilin ni lola na tama naman or ang bestfriend 'ko.

Sa lumipas 'ding tatlong araw ay di parin nawawala ang galit 'ko sa kanila.

Sa lumipas 'ding 'yon ay laging pumupunta dito si Darwin sa bahay at 'kung ano ano naman ang gagawin 'kong palusot para lang 'di 'ko sya makasama. Kaya in the end umuuwi nalang sya ng may pagkadismaya at malungkot na mukha. 'Di nyo naman ako masisisi dahil galit ako sa kanila e. Di narin ako magtataka kung pupunta ulit dito si Darwin.

"Anak" narinig 'ko ang mga katok ni mom kaya napalingon ako sa pintuan. At dahil galit nga ako sa kanila ay diko sya sinagot, sa halip ay hinayaan 'ko lang syang magsalita ulit. "Andito ulit si Darwin at gusto kang makita. Mag-ayos ka na at bumaba." After ni mom na i announce 'yon ay narinig 'ko na ang mga yabag nya pababa kaya tumayo na 'ko saka pumunta sa bathroom.

Tumikhim ako para maagaw 'ko ang atensyon nya ng makarating ako dito sa sala. Lumingon naman sya sakin at agad na nagsalita.

"Are you still busy?" mahinang tanong nya at tumango naman ako bilang sagot.

"Trisha and i just finished talking when you came, nagpapatulong lang sya sa ilang bagay" gaya nga ng sinabi 'ko ay gumawa na naman ako ng palusot at batid 'kong naniniwala naman sya.

Tumingin sya sakin at malungkot na ngumiti. Through his eyes, i can see pain na pinipilit nyang itago pero di nya magawa gawa.

"I should go..." tumayo sya "again" binigyan nya 'ko ng isang pilit na ngiti saka malungkot na tumalikod at umalis.

Nakaramdam naman ako bigla ng guilty, ilang araw na syang nagpabalik balik dito sa bahay para yayain ako pero 'di nya 'ko nakakasama at hanggang ngayon ay 'di parin sya tumitigil.

Bumalik nalang ako sa kwarto 'ko saka nahiga then habang nag-iisip ay  a realization hits me.

'Bakit nga ba 'ko nagagalit sa kanya? E ang sinabi lang naman ni mom ay balak nyang mag propose at hindi naman alam ni Darwin na pinipilit ako ni mom. I'm such a stupid, dapat kay mom lang ako magalit dahil si mom lang naman ang pumipilit sakin na magpakasal. Your very stupid Jamaica, bakit ba ngayon 'ko lang narealize? Lagi 'ko tuloy syang nasasaktan.'

Awtomatiko akong napa-upo sa kama ko saka hinanap agad ang phone ko.

Dahil sa guilty na nararamdaman 'ko knowing na lagi 'ko syang nasasaktan ay kinuha 'ko ang phone 'ko at i dinial agad ang number nya.

~To Be Continued~