webnovel

Chapter 6: Friendly Date

Continueing..

"Wait,hintayin mo 'ko!" Inis na sigaw 'ko pero 'di nya 'ko pinakinggan.

'Ganyan ba talaga pag-inis?, tsh.'

"Ba't 'di mo 'ko hinintay? Sabi ng hintayin mo 'ko e" inis na ani 'ko ng maabutan 'ko sya.

" 'san mo gustong pumunta ngayon" kinunutan 'ko sya ng noo ng iba ang sabihin nya.

"Huh?"

"Gusto mo bang sa bookstore naman tayo pumunta?" Malumanay na tanong nya at kahit na nagtataka ay tumango nalang ako.

'Ano bang nangyayare sa kanya?'

"Tara na" yaya nya saka hinila ako papuntang bookstore at ako naman si walang magawa na nagpahila nalang.

"Do'n lang ako ah" paalam 'ko saka dumiretso sa kaliwang bahagi ng bookstore.

Habang nagtitingin tingin ako sa mga libro ay naramdaman 'kong biglang tumunog ang phone 'ko kaya hinalungkat 'ko iyon sa bag ng hindi sinasadya ay may nakabungguan akong isang lalaki. Color gray ang mata nya at color brown ang buhok, maganda ang pangangatawan at perpekto ang wangis nya. Maputi rin ang balat at masasabi kong mayaman base sa itsura at pananamit.

"Sorry po" agad na paumanhin 'ko saka tinulungan syang pulutin 'yung mga librong nahulog nya.

"Sorry po, 'yung phone 'ko po kasi e" paumanhin 'ko ngunit may tono ng paninisi.

'Bwisit na phone kasi.'

"It's ok, kasalanan 'ko din naman e" ani nya saka ngumiti, nginitian 'ko nalang din sya." Btw, anong pangalan mo?"

"My name is--" 'di 'ko na natuloy ang pagpapakilala 'ko ng mag ring ulit ang phone 'ko. Tinignan 'ko muna sya ng may pagpapaumanhin." Sorry, i have to take this" nahihiyang paalam 'ko saka iniwan sya 'don.

'Di ka lang pala bwisit na phone, bastos ka rin. Kita mong may kausap ako saka ka magri ring.'

Inis na ani ko sa isip habang nakatingin sa bag na animong nakikita ko don ang phone ko. Ng tuluyan na 'kong makalabas ng bookstore ay saka ko kinuha ang phone ko, sinagot ko 'yon not knowing kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Inis na ani 'ko ng sagutin ko ang phone

"Hi bes, badtrip ka ata ngayon ah"

"Trisha?" Gulat na saad ko ng marinig ko ang boses. 'Di ako pwedeng magkamali dahil kabisado ko kung ano ang boses nya.

"The one and only"

"So, bakit ka tumawag?"

"Ba't masama bang tumawag ako sa pinaka mamahal kong bestfriend" napairap nalang ako ng wala sa oras.

"Pinaka mamahal na bestfriend daw. E bakit ngayon mo lang naisipang tumawag?" Sarkastikong tanong ko.

"Sorry na bes, naging busy lang ako simula ng pumunta ako dito sa france"

"Busy ka pala e, bakit ka tumawag ngayon sakin?"

"Miss na kasi kita e. Uyy bes, sorry na" mahihimigan ng pagsusuyong ani nya pero inismiran 'ko nalang ulit sya.

"Tss, balakajan" parang batang pagtatampo ko

"Bibilhan nalang kita ng icecream, bes"

"Talaga?"

"Oo,pag nakauwi na 'ko dyan."

"Okay, pinapatawad na kita and btw bes, its icecreams kasi di lang isa yung ibibili mo saken ok?" Paglilinaw ko pero tinawanan nya lang ako.

"Jamaica, tara na" napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita.

"Bes, babye na. Next time nalang ulit." Paalam 'ko

"Sige, babye" pagpapa alam nya rin kaya inend call 'ko na saka nilingon si darwin.

" 'di pa 'ko nakaka pili ng libro" ani 'ko saka akmang papasok ulit sa bookstore ng pigilan nya 'ko.

" i know na meron kang kausap kanina kaya ako nalang ang pumili ng libro para sayo" inabot nya sakin ang limang libro. "Nabayaran ko na din yan kaya tara na."

"Salamat" nginitian ko naman sya saka sumunod sa kanyang pumunta sa ba pang parts ng mall.

Pumunta kami sa bilihan ng accesories, sa bilihan din ng damit at kung ano ano pa. Kumain kami saglit sa isang resto which is nasa loob din ng mall ng mag tanghali. Ng mag gagabi na ay napagdesisyonan naming kumain na muna bago umuwi.

"Thanks for this day" pasasalamat 'ko ng maihatid nya 'ko dito sa may pintuan.

"Welcome,bye." Ani nya saka sumakay sa kotse.

"Take care" pahabol na sigaw ko saka nakangiting pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

~To Be Continued~