webnovel

Chapter 1

"Jamaica, anak" tawag sakin ni mom habang kumakatok sa pintuan ng room 'ko.

"Bakit mom?"

"Mag-ayos ka at lalabas tayo." Napa irap nakang ako dahil sa dahilan nya. Alam ko namang meron syang ibang dahilan kung bakit pinapasama nya 'ko e.

"Busy ako mom." pag sisinungaling ko kahit na nakahiga lang ako buong araw dito sa loob ng room ko.

"Jamaica, minsan na nga lang tayong lumabas ng magkakasama sama di ka pa sasama. Jusko, tumayo ka riyan at mag ayos. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!" And with that narining ko nalang ang mga yabag ni mom, senyales na bumaba na sya.

Tsh, if i know kayo lang naman laging lumalabas at lagi nalng akong naiiwan dito.

Matamlay at bagsak ang balikat akong tumayo at nagtungo sa bathroom para maligo. Alam ko namang wala na 'kong magagawa e.

Habang naliligo ay di ko maiwasang naisip kung sino na namang lalaki ang ipapakilala nya saken. Tuwing yayayain ako ni mom para kumain sa labas ay ganoon ang nangyayare at di na 'ko aasang maiiba ang scenario mamaya dahil ayaw 'kong i dissapoint yung sarili ko saka sanay na rin naman ako e. Minsan nga lang napapaisip ako kung mahal ba talaga nila ako kase parang feel ko ginagamit lang nila ako dito para magka pera. Pati ang pag iisip kung tunay ba nila akong anak ay di na maalis sa isipan ko tuwing yayayain nila ako. Kapag di naman nila ako ipapakilala ay naiiwan akong mag isa dito sa bahay habang sila nagsasaya. Minsan nakakaramdam ako ng inggit kay ate shine at kuya dexter kasi tinuturing silang parang tunay na anak kahit na ampon lang sila.

Tinapos ko na agad ang pagligo ko 'cause i know that they hate waiting. Kumuha ako ng isang off shoulder dress na kulay pink sa walk in closet ko then nag suot ako ng high heels na di gaanong mataas ang takong. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko saka bahagyang kinulot ang dulo nito. Isinukbit ko na ang sling bag ko after kong pasadahan ng tingin ang replika ko sa salamin saka lumabas.

Pag ka labas ko ay di nako nagtakang wala sila ate at kuya dahil ganito lagi ang naaabutan ko

Sinusundo na siguro nila 'yung ipapakilala sakin, tsh.

"Let's go" anyaya ni dad at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod agad sa kanila ng 'di nila antayin yung respose ko at sumakay agad sa kotse.

Nasa driver seat si dad, passenger seat naman naka-upo si mom at ako lang mag isa dito sa backseat kasi di namin kasabay sila ate.

Naging tahimik ang buong byahe namin at ni isa samin ay walang balak na basagin ang katahimikan. Nakarating kami sa pinaka kilalang resto dito sa korea which is pag mamay ari namin. Inasikaso agad kami ng mga staff at crew ng makapasok kami, maging ang pag order ay di na nila pinagawa samin. Nag order lang sila saka ipinatong sa reserve seats na sila rin ang pumili.

Makalipas ang ilang sigundo ay nakita na naming pumasok sila ate kasama ang dalawang matanda and base sa postura at pananamit palang ay sosyal at mayaman na ito and hindi rin maipagkakailang na kahit may edad na ay lumalabas parin ang ganda at gwapo nila. Sumunod naman ay isang binatang lalaki, ito na siguro 'yung ipapakilala nila sakin if 'di ako nagkakamali.  He's handsome sa suot na black tuxedo and he's eyes are beatiful too, ang kaso wala akong nararamdaman sa kanya kahit ganyan pa ang itsura nya.

"Good morning I'm Gina Sheen Bonifant and this is my husband Nicko Bonifant" Pakilala ni mrs. Bonifant samen pati sa asawa nya. Bumati naman ang asawa nya saka ipinakilala ang anak nila which is ang binatang tinutukoy ko kanina.

~To be continued~