webnovel

5. Sinong pambansang bayani ang kilala bilang "Heneral Artikulo Uno"?

Hindi rin matagal ang hinintay ko bago dumating ang maggiging homeroom teacher namin.

"Okay class, mag-uumpisa na tayo." Ani ng isang matandang babae habang binaba niya ang kanyang bag sa lamesa at nilabas ang kanyang lalagyan ng chalk. Nakasuot siya ng uniporme ng teacher pero ang pinagkaiba niya sa iba ay napupuno siya ng mga alipores sa kanyang leeg at kamay kaya pati ako nabibigatan sa nakikita ko.

Parang isang karagatan ng mga kabibe ang naubos para lang sa necklace niya.

"Ako si Mrs. Asuncion dela Torre, at ako ang magiging inyong guro sa silid-aralan. Ako rin ang nagtuturo ng Araling Panlipunan sa inyong baitang." Pauna niyang bati habang sinusulat niya ang kanyang pangalan sa blackboard.

Pero hindi lang sa kanyang mamahaling jewelry siya sikat. Dahil kasama siya ni Miss Joven sa mga gurong kinakatakutan sa aming paaralan. Hindi man siya nagwawala tulad ng nauna, pero kahit sino titiklop kapag nakita mong umangat na ang drinawing na kilay niya.

Nang mapansin niya ang isang estudyante na patuloy paring natutulog, bigla niyang kinuha ang kanyang pamaypay at-

TWAACK!

"Kakaumpisa lang ng araw at parang may gustong masampolan kaagad. Indio!" Batid ng guro habang napakamot sa ulo ang kolokoy.

Humarap siya sa amin at nagbanta "May gusto bang sumunod sa kanya?"

...

Parang binuhusan kami ng energy drink at napaupo ng maayos.

"Mabuti naman. Alam kong kakaumpisa lang ng taon kaya hindi muna tayo maguumpisa. Bagkus maglalagay muna ako ng mga palatuntunin." Humarap siya sa pisara at naglista siya ng mga house rules.

"Una sa lahat, ayoko talaga ng mga may nalalate. Sundin ang nakalagay sa inyong talaan ang iskedyul. Pagdating ng oras ko, halimbawa, eksato isasara ko na ang pintuan."

Tumungo ako sa kanya. Ngayon lang talaga ako na-late dahil nakarating sa nanay ko yung kalokohan ko nung nakaraan, pero promise ko sa sarili ko last na iyon!

Hindi ko na bibiguin sarili ko!

May nagtaas ng kamay sa harapan ko. "Ma'am, paano po kung nag-CR lang po?"

"Ang sagot ko diyan is: Bakit hindi siya nag CR kanina?"

"Pero paano kung ngayon lang na-"

"No. Hindi parin kayo makakapasok sa silid. Mag-aral kayo sa CR."

...

...

At wala nang nagawa ang kawawa kong classmate. Napakamot na lang siya at bumalik sa kanyang upuan. You really tried your best, pero dapat you should know by now sino kausap mo ngayon. Kung kaya, pinagdikit ko ang dalawa kong palad at binulong:

RIP.

"Pangalawa, naniniwala ako na mas natututo ang mag-aaral mula sa paulit-ulit na pagbasa at pagsulat. Kung kaya't sa akin ay kinakailangan ko kayo ng kuwaderno. Minamarka ko ang mga ito sa huling araw ng linggo."

Oh shit, my mortal enemy.

Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yung 'requirement' na isusulat sa notebook yung sinusulat sa board. Sa isip ko, wala na siyang sense kasi una, hindi ba dapat nasa libro lahat ito? Isang search ko lang sa internet, makikita ko na kaagad yung kailangan ko.

Naniniwala akong isa itong form of torture. Which is ironic, considering kung ano posisyon ko sa SSG.

"Panghuli, dahil limang hanay naman kayo rito, itatalaga ko kayo ng isang araw na maglilinis pagkatapos ng klase. Umpisahan natin sa Row 1 ngayong Lunes. Maliwanag?"

At sa isang iglap, nanlumo yung pinaka-kanang hanay ng mga estudyante.

Yes! Nasa Row 3 ako kaya hindi ako maglilinis mamayang paglabas! At least may maganda namang nangyari ngayong araw.

I am starting to feel good.

"Ngayon, kailangan ko ng mga tagapamahala ng silid habang nagpapatuloy ako sa mga talakayan sa ibang seksyon. JM, dahil ikaw ang nasa SSG, ikaw muna ang manguna sa halalan ng magiging pangulo."

...

...

...

Bakit parang pinagpapawisan na naman ako?

Tumayo na ako at pumunta sa harapan. Pero sa loob-looban ko, nananalangin na ako sa lahat ng mga diyos sa lahat ng relihiyon na huwag ako gawing class president. Stressed na stressed ako sa SSG, at ayoko ng panibagong palaisipan.

Please lang, Lord! Wag niyo na ibigay sa akin ito.

"... Sige, bukas na ang nomination for class president. Sinong gusto magnominate?" Tanong ko sa buong klase.

Naturally, nagtinginan pa muna ang lahat sa isa't isa. Alam ko may idea na sila kung sinu-sino ang makakasama nila, pero syempre may hiyaan pa kasi nakikiramdam pa ang lahat.

Hindi tulad ko na natural na makapal na mukha na pwede na gawing gulong ng 18-wheeler. At feeling ko hindi ako nag-iisa, dahil nakikita ko nagtaas ng kamay ang aking butihing kaibigan na si Renzo.

At base sa ngisi sa mukha niya, alam ko na iniisip nito.

Tanginang kaibigan ito.

"... Anyone?" Sinubukan kong i-ignore siya, pero halos tumalon na siya sa upuan. Gago ka talaga, ang lakas ng trip mo ah?

Dahil wala na akong choice, pinisil ko na ang ibabaw ng ilong ko at tinuro siya. "... Y-Yes, Renzo?"

"I want to nominate Joemarie Labastida as Class President. I firmly believe that he has the experience and the skills to unify and lead this class to greatness."

...

...

Pakyu ka talaga Renzo!

Anong greatness pinagsasabi mo!? Class president lang ito, hindi tumatakbo para sa gobyerno. Ano ito, Make DAKHS Great Again?

Pero wala na akong magawa dahil binanggit na ang pangalan ko, kaya nilista ko na sa blackboard. I swear, gaganti ako sayo mamaya. Malasin ka sana tulad ng nangyari sa akin ngayon!

"Alright. Anyone else?"

...

...

...

"A-Anyone?..."

...

...

...

PARANG AWA NIYO NA MAGSALITA NAMAN KAYO!

HOY! Seryoso, mamamatay na lang ako sa daming gagawin ko. Kapag natuloy ito, baka mawala na ng tuluyan oras ko para sa sarili ko.

Pero dahil walang masyadong nagtataas ng kamay, at mukhang naiinip na si Mrs. Dela Torre, nawawalan na ako ng pag-asa.

Paalam, kalayaan. Paalam, kabataan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang empleyado na puro trabaho binibigay. Isa na akong parte ng makinarya ng kasalukuyang mundo. Nakakadena sa mediocrity ng workforce. Ayokong mabuhay pa!

...

"Gusto ko inominado ang sarili ko" At parang anghel na pinadala sa akin ang boses ng isang lalaki na biglang tumayo. "Ako si JV Veneracion, at sa aking sariling pag-iisip, gusto ko tumakbo bilang pangulo ng silid."

May himala!

Salamat, JV. Salamat talaga!

Hindi na maitanggal ang ngiti sa mukha ko dahil may chance na akong hindi mapili, Dali-dali ko naman nilagay yung pangalan niya sa board. Alam ko na usually ibang tao ang dapat inominate, pero wala na akong pakialam. Total wala naman ibang nagsasalita, sinali ko na siya at sinarado ang nomination phase.

"Dahil tapos na ang nominasyon, bibigyan ko ang mga magkatunggali ng oras para sa kanilang maikling talumpati." Sabi ng aming teacher.

"Ako na po ang mauuna, kung maaari." Umabante ng kaunti si JV at nagkusa na siyang mauna, in which, by all means, siya na.

"Mga minamahal kong mga kamag-aaral sa silid na ito. Naniniwala ako na nakatadhana sa atin ang maging matagumpay at ipakita sa mundo kung sino talaga tayo. Kung kaya't nais ko maging realidad ito. Kung ako ang maggiging pangulo niyo, sisiguruhin kong maggiging patas, at maggiging masaya ang ating taon. Sama-sama tayo sa aking pangarap na tayo ang maggiging simbolo sa buong third year, hindi, sa buong paaralan, kung ano ang totoong ibig sabihin ng paggiging DAKHS!

Kaya kung maari, bigyan niyo ako ng pagkakataon para maisakatuparan natin ito. Pagkakaisa ang kailangan natin. Maraming salamat."

...

...

...

Nagpalakpakan silang lahat habang nakangiting umupo si JV sa kanyang pwesto.

Puta, pabibo. Kung makapag-speech akala mo tatakbong pangulo ng bansa. Boy, sa classroom lang ito. Pero kahit anong inis ko, maganda itong opportunity para makatakas sa responsibilidad ng klase.

Sige, kalmahan mo lang, self.

"Maraming salamat. Magpatuloy na tayo kay JM." Bati ni Mrs. Dela Torre.

...

...

...

"... I concede."

Pagkatapos ko sabihin ang saloobin ko, bumalik na ako sa aking upuan. Tinitigan nila na parang may dalawa akong ulo, pero wala akong pake.

"JM, anong ibig mong sabihin?" tanong ng aming guro.

"Ma'am, natauhan talaga ako sa sinabi ni JV. Naniniwala ako na siya talaga ang maggiging alalay m- este gabay namin para maging matagumpay ang class namin. Maggiging busy din ako with SSG, kaya he can focus more sa amin." Malumanay kong pinaliwanag.

Kahit na unti-unti akong nandidiri sa sinasabi ko, lalo na kapag nakikita kong ngumingisi ngayon yung pabibo kong classmate, naniniwala parin ako na hindi ko talaga kaya sa dami ng responsibility ko ngayon sa SSG.

Si Mrs. Asuncion naman, tumingin lang sa akin ng ilang minuto bago siya bumugtong hininga at tinanggap niya ang sagot ko "Sige, may aangal ba mula sa klaseng ito?"

Tulad ng dati, wala ring nagsalita.

"Binabati kita JV. Ikaw na ngayon ang mangasiwa ng halalan para sa ibang posisyon." Binati ng aming guro ang bagong class president habang pumalakpak ang iba.

"Bakit ayaw mo mag-class president?" Tanong ni Renzo sa akin.

"Kita mong busy na ako sa SSG, dadagdag ka pa ng pasakit sa akin?"

"Kaya mo naman yun eh. Naniniwala ako sayo."

"Baliw!" Umiwas na ako ng tingin sa kaibigan ko bago pa kami mahuli ni ma'am. Sweet din naman pala ni Renzo at naisip niyang kaya ko lahat, pero maghahati talaga katawan ko kung tatanggapin ko pa ito.

Meanwhile, nagpatuloy ang pagpili sa mga class officers. Hindi na ako nakialam pa dahil tapos na ang trabaho ko. Ligtas na ako. Kaya hindi na ako nagbigay pansin pa.

...

...

...

Sino kaya dito yung jowable?

Sinubukan ko magcheck sa mga kaklase ko. Siyempre hindi ko pa sila kilala ng personal, kaya hindi mo naman ako masisisi na sa panlabas ako tumingin, right?

Syempre may karapatan naman ako kasi kamukha ko daw si Piolo Pascual. Yun yung sabi nung bading na laging nakatambay sa kanto sa kalye namin.

May isa naman na medyo cute. Short-haired na maputi at para siyang mga manika na nasa keychain. Siguro naman pwede ako makipagkaibigan muna sa kanya and see where it goes? Yung tipong lalapit pa lang ako hindi agad tatawag sa Women's Desk ng presinto.

...

...

...

Meron ding isa na napansin ko sa kabilang section. Mahaba naman yung buhok and mukhang matalino. Ano kaya yung kukunin niyang elective ngayon?

...

...

...

Pero kahit anong isip or sipat ang gawin ko, yung isip ko parin nauuwi parin sa kanya.

Alam ko na may nararamdaman parin akong pait kanina sa guidance office, ang hindi ko inaasahan is may chance parin na baka bumalik lang yung paghanga ko sa kanya. Fucking hell! Akala ko pa naman makakafocus ako sa paghanap ng jowa!

Anong gayuma ba ang ginamit mo sa akin, huh?

,,,

...

...

Shit, kailangan ko ibahin yung iniisip ko o madedepress lang ako. Kung kaya't bumalik na ako sa pagpili ng mga officers. Lumabas saglit si ma'am kaya nakahinga ako ng kaunti.

Buti na lang at malapit na ako malunod sa purong Tagalog na ginagamit niya.

"Congratulations Sandra Marasigan. Ikaw ang maggiging class Muse." Sabi ni JV habang pumalakpak ang buong klase. May ilang sumipol pa.

Tumayo ang babae at pumunta sa harap. Usually, kapag naiisip ko ang Muse, sila yung laging mga nakangiti, sumasali sa pageant, napakafriendly, at may chance na maggiging campus sweetheart.

Sure, she has this rugged look that makes her attractive especially kapag naka COCC uniform siya, pero base sa kanyang mukha na parang laging naka resting bitch face, kahit sino matatakot lumapit.

Add the fact that she's one of the shortlisted candidates for COCC, then I'm sure maraming maiilang lumapit.

Now that I think about it, akala ko magrereact siya or mambabalibag siya ng taong nagnominate sa kanya, but I am pleasantly surprised that she just took everything in stride. Unreadable parin ang itsura niya but she has no qualms.

I kinda respect her for that.

"Ngayon naman para matapos na ito, kailangan natin ng Escort." Banggit ng class Vice President habang nagpapahinga si JV sa gilid.

Buti na lang patapos na ito. Parang nagugutom narin ako. Tatanungin ko si Renzo na sumama sakin sa canteen para bumili ng-

"Gusto ko inominate si JM Labastida para maging Escort."

...

...

PUTANGINA MO NAMAN TALAGA RENZO! Hindi ka ba nakakaintindi na ayoko magkaroon ng posisyon sa klase? Sana pinunas ka na lang ng tatay mo! Sige, kung gusto mo, two can play that game.

"I would also like to nominate Renzo Cerillo as class Escort!"

At tila parang nagising ang buong klase dahil malakas ko sinigaw ang nominasyon ko. Akala mo ha? Sige ikaw ngayon mag-Escort.

Since kaming dalawa lang ang nagpresenta, nagpatuloy kami kaagad sa talumpati. Nagsalita kaagad ang kupal kong kaibigan at sinimulan ng "Sa tingin ko si JM ang karapat-dapat na maging Escort kasi pogi na, magaling pa. Hindi naman maggiging SSG officer yan kung hindi sya deserving, diba?"

"Mas bagay si Renzo maging Escort kasi mas magaling syang pumorma kaysa sa akin at laging nakangiti. Wala ngang bungi yan na ngipin kaya mas deserve niya!"

"Si JM may malaking puso talaga iyan. At alam ko passion niya talaga maging isang artista. Shinare niya na pinangarap niya maging Escort talaga, kaya siya iboto nyo!"

"Maraming tumatawag na pogi kay Renzo! Kahit mga tindera sa palengke laging inaabangan siya!"

"Alam ko na maraming namamangha kay JM! Kung babae lang ako, sasagutin ko kaagad siya ng oo. Rektang Sogo pa!"

...

...

...

"Bro."

"Bro."

Tangina nakakadiri naman yun, Renzo! Hindi tayo talo! Kapatid turing ko sayo pero hanggang doon lang! Walanghiya ka talaga. Babae ang hanap ko. Babae!

...

At wag ka mamula diyan, magsalita ka!

"Yieee, feeling ko magkakatuluyan sila."

"One look and then yun, iba na. Malagkit dumikit ang tingin ng mata..."

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Nang tumingin ako pabalik kay Renzo, nakita ko na humahalakhak na siya. Ay puta, ang galing umacting ng gago. Sinusumpa ko talaga itong araw na ito. Simula ngayon, FO na tayo, bitch.

Walang hiya, paano na ako makakakuha ng jowa dito kung tingin nila sa akin sa iba ang hanap ko? Sana talaga karmahin kaaaaa!

"All in favor with JM raise your hands."

At syempre, lahat sila nagsitaasan ng kamay. May kasama pang hiyawan. Okay, tanggap ko na ang kapalaran ko for today. Pinikit ko ang mata ko, napaisip na kaagad ng paraang para makapaghiganti sa bulutong kong kaibigan.

"Congratulations JM Labastida. Ikaw na ang aming Escort."

Sumabog sa tawa at palakpak ang buong klase. Yung mga class officers napapangisi sa saya habang ang maggiging partner ko, talagang tahimik lang.

Nakatingin lang siya sa akin.

Strangely, naalala ko yung palabas na pinanood ko last week. Ganito pala pakiramdam ni Antonio Luna noong pinapatay siya ng mga kawal. sa loob loob ko, gusto ko isigaw yung sinabi niya sa dulo.

MGA TRAYDOOOOOOOOOOOR!

Kupal kayong lahat! Bahala na talaga kayo.

"Ang saya saya na naman natin aber? Maupo na kayo. Mga opisyal ko, kayo ang mangangasiwa sa silid habang wala ako. Pupunta na ako sa susunod kong klase. Hintayin niyo ang susunod niyong guro." Utos ng aming homeroom teacher habang kinukuha niya yung gamit niya at umalis ng kwarto.

Nang wala na sa paningin ko si ma'am, pumunta ako kay Renzo at sinapak ang kanyang braso "Gago ka talaga Renzo."

"Hahaha, pogi naman po pala ni JM. Escort!"

"Humanda ka talaga sa akin. Babawi ako."

"Suuuuure."

Kapag ako nakaganti, ipapabasa ko talaga yung bagong Artikulo Uno sa mukha mo. Ang hindi sumunod sa Assistant Secretary ay tatanggalan ng dignidad at ipapapatay ng walang paglilitis sa hukumang militar.

TBH fan talaga ako ng movie na ito. May aksyon and lifelong lessons din.

Kung ayaw niyo mahatulan ng bitay sa hukumang militar, i-vote at i-like ang story na ito. Salamat sa pagbabasa! Hanggang sa muli!

DeMorgansLawcreators' thoughts