webnovel

3. Provide a word that is homonymous to beach.

I hate my life.

Seryoso, I am THIS close into ending it all. The only reason why I am not already dashing off the nearest cliff is I don't want to die a virgin.

Eyes on the prize, JM.

Matapos mahulog sa dagat ng basura, binitbit kami ni Jamiel sa guidance office. Buti na lang at puno lang ng nalantang dahon yung mga garbage bag. At least ngayon, I have something in common with Manny Villar.

Bossing Manny, naghihintay na lang po ako ng subdivision. Thank you!

"I expected more from you JM." Narinig ko ang nalulungkot na boses ni Dominador Madlangsakay habang naghahalungkat ng mga papeles sa isang drawer. Siya ang guidance counselor ng eskwelahan at tumatayo bilang advisor ng student government. Plantsado lagi ang polo, higante, matipuno, at tahimik, hindi mo aakalaing 56 years old na siya.

Sa isip ko, para siyang android na pinadala sa future. I'll be back.

"Isa ka sa SSG, pero ultimo pagpasok ng maaga hindi mo magawa? Dapat i-disqualify ka na sa posisyon mo." Mapamintang dagdag ni Miss Joven habang nilabas ang kanyang pamaypay.

Kaya wala kang asawa hanggang ngayon eh.

"I am really sorry, sir. Meron akong konting alitan sa bahay kaya ngayon lang po ako nakapasok." Kailangan ko muna magpakabait muna. Technically, totoo naman ang sinabi ko, pero syempre hindi ko na sasabihin na ako ang puno't dulo ng dahilan bakit kami magkaaway ng nanay ko in the first place.

"Okay lang. Basta you need to be on time moving forward" I saw him wave his hand dismissively before writing something on his book of records. Nagpapasalamat ako sa guardian angel ko at may maintindihin akong advisor!

"Sigurado ka jan Dia- I mean Dom?" Tumaas ang drinawing na kilay ni Miss Joven.

"Yes, I know this will be the last time mangyayari ito."

Tumingin muna ang teacher naming Hulk sa amin ng matagal bago nagsalita "... Hmph. Ikaw bahala. Kailangan ko na bumalik sa klase ko."

Sinara niya ang pamaypay at umalis na siya sa guidance office.

"Thank you po!"

"You're welcome. And the same goes to you Jamiel. Kakaumpisa lang ng school year at ayoko mastress kaagad sa inyo, so I'll let you off the hook. Anyway..." Bumunot si Sir Dom ng papel at nilapag niya ito sa harap ni Jamiel.

"Ano po ito?" Tanong ng kupal bago kinuha at binasa ang papel. Hindi ko alam kung bakit pero unting-unting tumatayo mga balahibo ko sa katawan.

Alam ko naman jumebs ako kaninang umaga so hindi dahil doon yun.

"... Teka, parang nagkakamali yata kayo. Hindi ba dapat kay Raffy mo ito ibibigay?" Dudang tinanong ni Jamiel sa guidance counselor.

"Kung nakaattend kayo ng flag ceremony kanina, you would've known that Raffy suddenly went with his parents outside the country, effective today. Since her position will be vacant, the next vice-president would be the runner-up last election. And that one is..."

...

Oh.

...

My.

...

God!

...

Are you fucking kidding me? What kind of a sick joke is this? RAFFY, MAGRENDER KA MUNA NG 30 DAYS BAGO KA MANGIBANG BANSA! BIGYAN MO NAMAN AKO NG TIME MAKAPAGHANDA. Hindi ako makapaniwala na makakasama ko yung kutong nasa harap ko araw-araw!

...

Baka nananaginip lang ako. Siguro nga knockout ako dahil nahulog ako kanina.

Yes, bangungot lang ito. Kukurutin ko lang sarili ko.

...

...

...

KINGINA, ANSAKIT!

...

...

...

FUCK! Totoo ngang nangyayari ito! This is not a dream.

"Pero, sir. I don't think I can actually do this. Pinilit lang ako ilagay diyan and I don't think I will be effective on that role."

"Nonesense. I personally believe your own flair can do this school good."

"Pero, si-"

"You will meet the members in a few dito. Pinatawag ko narin naman sila so that we can formally introduce ourselves and plan ahead what we should do as a team. If you excuse me, magsi-CR lang ako."

And with that, lumabas si Sir Dom sa room, at naiwan kami ni Jam. Nagkatitigan muna kami, waiting sa kung sino ang unang magsasalita. Tumingin pabalik si Jamiel sa papel at tumitig ng ilang saglit bago nagsalita.

...

...

...

"... Well, since ako na ang bagong Vice President, at ikaw ay Assistant Secretary, that makes you my personal bitch."

"Fuck you! Pinagsasabi mo diyan?"

"Is that how you treat your master?" Tumawa si Jam habang sumandal siya sa kanyang upuan "Home boy, bilhan mo ako ng Milo sa canteen."

"Bumili ka mag-isa mo." Puta talaga, wala pang isang segundo nagsisisi na kaagad akong pumasok sa student government. Boy, hindi ka reyna kung makautos ka!

Bago pa mandilim paningin ko sa kanya, umiwas ako sa tingin at pinagmasdan ang guidance office. Of course, maraming book binders at papel ang naka-arrange. May bowl sa lamesa na punong-puno ng candy.

Kaya syempre dumekwat ako ng konti.

...

...

"Alam mo ba nakakain daw yung balat niyan?" Biglang nagshare ang bruha.

"Inuulol mo na naman yata ako eh."

"Hindi, yun nga sabi ng nanay ko. Pramis!"

Tumingin ako sa balat ng candy na kinain ko at napaisip ako. Oo may kuneho sa logo, and may narinig din ako mula sa tatay ko, kaya naniniwala ako. Kaya lang, this is Jamiel Han we're talking about, and may bumubulong sa isip ko na she's trying to shittalk me.

"... Ano gagawin mo kung hindi totoo?"

"I'll do anything you want."

"A-Anything?" Bigla akong napalunok ng marinig ko ang sagot niya. Marami na akong nabasang manga at napanood na shows kung anong pwedeng mangyari. Puta, uhaw na uhaw na ba ako at papatol ako sa kanya?

Tangina, bakit kasi ang ganda mo?

...

...

...

I would rather die than say that.

At siguro nakita niya ang reaksyon ko, kung kaya't tumayo siya at dahan-dahan siyang lumapit sakin. Bawat hakbang sumasayaw baywang niya.

Holy shit! BAKIT HINDI AKO MAKAIWAS NG TINGIN? TUKSO LAYUAN MO AKO!

"Anything. you. want. So, would you do it?" Bumulong siya sa tenga ko and I swear muntik na ako bumigay. Lord, please give me the strength to rebuke this evil spirit! Hindi ka susunod sa utos niya.

...

...

Fuck, nasa bibig ko na kaagad yung balat.

...

...

Gulp.

"BWAHAHAHAHAHA! Kinain nga." Bigla siyang humalakhak ng malakas bago bumalik sa kanyang upuan "Sabi ko na nga ba gusto mo ako eh."

"Ulol. Asa ka boy!"

"Pero kinain mo parin yung balat, at nilunok mo pa! Hahahaha, hindi yan yung nakakain!"

At wala akong maisagot, dahil mas nangibabaw ang libog ko kaysa sa isip ko. I'm such a disgrace to ever stoop this low. Kailangan ko ng cleansing ng puso't isip ko kasi I feel so dirty.

Babawi din ako one day!

Bago pa ako makasabat, narinig ko bumukas ang pinto. Pareho kami napalingon at nakita ko ang dalawang estudyanteng kasama rin sa student government for this school year.

"I'm so like very excited for this school year! I'm glad that you won." Masayang sinabi ni Lorenzo Sevilla sa kanyang kasama. Anak siya ng may ari ng isang bangko, hinalal siya bilang Treasurer ng Student Government. Lagi siyang may bagong gamit. Kapag may inannounce na phone, bago matapos ang araw hawak na niya ito.

Everyone, sabay-sabay tayo magsabi ng SANA ALL!

"Ako rin. Let's make the best out of it." Ngumiti pabalik ang Business Manager na si Erika Villareal. Ang first impression ko sa kanya noong last year ay mukha siyang babaeng Duracell dahil medyo morena siya na may kulay ang buhok.

Pero ngayon bluish green na siya, so at least nagimprove na siya at naging kakulay na nya yung walis tambo namin.

"I feel like so bored na. You wanna come with me to Oraszone after school? I'm just like, so wanting to make sayaw on DDR eh."

"Oh. Em. Gee! Sure, let's have our after-school date!" Yumakap si Erika sa braso ni Lorenzo. "It totes gonna be super fun!"

...

...

Puta, parang umuurong yung papel na kinain ko paakyat sa lalamunan ko.

At nung napansin ko reaksyon ni Jam, I can definitely say she felt the same. Hah, okay na sa akin na magdusa kung kasama ko rin siya.

"Anyway, my bag is so bigat na talaga. And I'm like, why torture us, diba?"

"So true. I remember like last year, the teacher said that we need to make dala this jumbo ass Biology book eh!"

"Yeah! Kakainis lagi whenever I go upstairs."

"Like, bitch, we only make basa on this for the whole month!"

...

Please kill me.

Kaya parang isang napakagandang awit sa tenga ko nang narinig ko bumukas ulit ang pinto. Ngayon naman tatlong tao ang pumasok. Kumuha sila ng upuan at pumwesto sila sa tabi ng tinatawag kong 'conyo group'.

"Sabi ko na nga ba talo sila. Bakit ka kasi pipili ng out-of-meta na hero? Nagmental boom na sila nung nag Finals sila." Mataas ang emosyon ni Kei Cauilan, Assistant Treasurer, nang binahagi niya ang saloobin. Nilabas niya ang kanyang phone at may pinakitang litrato "Tignan mo, dalawang games nila binan pero nung game 5 open siya for pick!"

And I kind of agree with her naman. Napanood ko yan last week. Kung nasa computer shop lang namin yung star player ng koponan na si 'zGenuine', malamang nalunod na siya sa mura ng 'analyst desk' na nasa likod na mahilig mag play-by-play analysis.

"Kumalma ka na Kei, tapos na yung laban eh. Heto panoorin mo na lang si Sundae." Nilapit ni Ariel Sarmiento, SSG Auditor, ang kanyang phone at pinapanood niya ang isang video clip ng kanyang favorite streamer.

Usually tahimik lang, pero minsan mas passionate si Ariel sa kanyang hobbies, especially about streamers. Sa ngayon, pinapanood niya si Sundae, isang v-tuber na sikat sa paggiging 'mayabang' na usually nauuwi sa pagsisisi.

Tulad ng isang beses, napanood ko na may nilalaro siya at nanalo, kaya nagmayabang siya sa internet na napakadali ng laro.

Iyon ang kanyang huling panalo.

"You said... Hmmm..." Bumubulong si Loisa sa sarili niya habang nakikinig sa kanyang malaking headset. Now that I think about it, never ko nakita siya ng wala niyan except kapag may class. Ang Sergeant-at-arms ng Student Council ay mahilig sa musika.

Take note, ang key word is MAHILIG.

"YoU ToLD mE, ThAT YOu'd LoVe Me iF i'D NeVer CHaNGe!"

To put it simply, her voice gives me shivers. In fact, masyadong matinding emotion nararamdaman ko na para akong naflashbang sa harap ng mukha ko. Nakakabingi and instant regret.

"The fuck, Loisa!"

"Tangina parang dumugo tenga ko."

"Hindi, luga mo lang yun."

"HAAA? Di kita marinig."

"Nagcrack yata yung jalousie."

Not long after, may pumasok ulit na isang grupo ulit ng mga estudyante. Naalala ko na sila ang maggiging bagong Marshalls ng bawat year.

Si Marvin Merillo ang Senior Year Marshall. Kilalang anak ni Gaza dahil siya ang informant ng lahat ng tsismis sa eskwelahan. May online page siya sa 'Mukhang Libro' wherein pinpost niya kaagad kung ano ang bagong tsaa.

At palagi akong hindi nakakatulog kapag nag My Story na siya.

"Gawin natin yung katulad sa 'Tick Tack'. Yung eme." Sabi ni Marvin habang inaayos ang camera sa phone niya.

"Ay bet. Ilagay mo muna dun sa lamesa." Wika ni Kris Miranda, Junior Year Marshall. Aspiring chef kaya balak niya pumasok sa culinary school in the future. Personally, it is a respectable plan and good for her on striving to reach her goal.

Good luck sa magiging teacher niya, though.

She has a peculiar taste when it comes to her gastronomy. Hindi ko parin makalimutan yung araw na nagpakain siya sa klase nya one time. Nasarapan naman ang mga classmate at teacher niya hanggang may nagtanong kung saan gawa ang burger.

...

...

The conclusion is kung hindi ka maarte, tarantulas are great substitute for chicken.

"Teka diko alam yan~" Maliit ang boses ni Rachel Kabigting, ang Sophomore Year Marshall. Natatawa ako kasi napaka-ironic, considering ang main role nila is magsalita sa harap ng mga klase. Pero since she's new, may room pa for her to grow.

Pero judging on how thin she looks, parang madadala siya ng hangin ng electric fan.

"Sige heto na. Dito ka sa kaliwa Rachel, tapos sa kanan ka Kris." Pinuwesto ni Marvin ang dalawa bago sila sumabay sa tugtog at sayaw na nanggagaling sa phone niya. Now I realize mukhang mga gago talaga yung mga pinaggagawa nila, but hey, as long as they're happy, go for it!

Hindi ko naman need maging hadlang para sa kasiyahan nila.

The bad thing is, yung sarili kong saya ang natigil nang may bagong pumasok sa kwarto. Hindi ko na kailangan tignan pa kung sino dahil alam ko na kung sino siya.

Mahaba at maalong buhok, matangos na ilong, at kutis na mas malinaw pa kaysa sa kinabukasan ko. Pumasok si Armi Martinez, at sa isang iglap, nanahimik ang lahat, mga mata nila nakatutok sa kanya.

Kinuha niya ang upuan na malapit sa akin at umupo sa isang dulo ng mahabang lamesa, without saying anything.

...

...

Puta, kahit yung amoy ng buhok katulad parin ng dati. Divine.

And in an instant, lahat ng ala-ala ko about her came in front of my mind. Hindi ko maikakaila na maraming naiinlove sa kanya, at isa ako sa dating patay na patay sa kanya,

Again, the key word is dati.

Normally, wala akong hiyang tao. My mom can attest to that kasi lagi niya yan sinasabi sa akin, but it took me so long to gather the courage to ask her out. Lagi ko siya pinapanaginipan and I would always like to play with it.

Iniimagine ko pa dati kung ano yung magiging pangalan ng maggiging anak namin, saan kami titira, anong shampoo gagamitin ko sa pagpapaligo sa kanya.

And I would be very happy with that.

Pero nung time na umamin ako sa kanya, she didn't even spare a glance or any shred of sympathy. Kinuha nya yung binigay kong chocolate na alam kong ninenok ko kay Renzo at sinabing hindi sya interesado.

At naglakad siya palayo.

To be honest, hanggang ngayon, the way she coldly looks at me still haunts me. Para ba akong tae na natapakan niya sa kalye. Actually mas malala pa doon, kasi yung jebs aware yung taong nakatapak na tae siya.

It was like I am nothing. And that hurts a lot.

Kaya gago ka Armi! Tangina mo.

...

...

Bakit ba ang ganda mo? Fuck!

As usual, nakafocus siya sa kanyang kuko, walang pakialam sa mga kaganapan sa paligid niya. And I really hate the fact that hanggang ngayon hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya. Siya yung kotse na pinapangarap ko noong bata ako.

Napaka-unattainable.

...

...

Hindi ko na kaya, kailangan sa iba ako nakatingin bago pa ako malunod ulit. Buti na lang at hindi ko na kailangan maghanap ng distraction dahil dumating na ang huling tao na hinihintay namin.

"Sorry nalate ako. Kinailangan ako sa class kanina." Medyo hiningal na sinabi ni Alexander Fernandez. Ang pangulo ng Student Government. At sa isang iglap, ang lamig na naramdaman ko kanina ay parang nawala tulad ng bula.

Dahil kung anong lamig ang dala ng Secretary, Si Alex naman ang tinatawag na 'Araw ng Paaralan'. Masipag, mapagmahal, at maaalalahanin. Minsan may makakakilala ka na taong talagang umaapaw ng good vibes, at isa siya dun.

Sa totoo lang, siya ang isa ring dahilan bakit nandito din ako. Siya lang ang naniwala sa akin na I can excel here.

Kung kaya siya ang kuya ng lahat, to the point na kahit ang Ice Queen na si Armi hindi matiis si Alexander. Ganyan siya kamahal ng bayan.

Usually sinasabi ko na yung mga tao tulad niya ay papansin, pero special case siya, kung kaya't siya ang tinotolerate ko.

"Alex, nandito ka na pala. So let's start this meeting!" Bumalik na si Dominador sa kwarto at pumalakpak ng malakas, para makuha ang aming atensyon "Like what I mentioned earlier, Raffy would be out of the country, so in line with that, we will have Jamiel Han as our Vice President. Let's welcome her with a round of applause!"

Umulan ng palakpakan sa kwarto. Deep breaths, deep breaths. Siguro magbe-behave naman siya dahil maraming tao dito. Pero at the back of my mind, I know it is just wishful thinking. I'd like to think I know how she operates, and the following words that came from her mouth further proves my point.

"What's up mga bobo! Ako nga pala si Jamiel Han. Ayoko sa mga plastik tulad nung bitchesa sa dulo, but nice to meet you!"

...

...

...

Classic Jam.

What a way to introduce yourself! LOL

Anyway, wag kakalimutan na ivote ang story na ito para happy happy tayong lahat! Ang hindi magvovote, maliligo sa basura tulad ni JM. Thanks for reading!

DeMorgansLawcreators' thoughts