webnovel

22. What is the most explosive chemical compound created?

"Good. Magkita tayong dalawa ng Sabado sa may mall. Ayusin mo yung damit mo. May gagawin tayo."

...

...

...

...

...

...

Huh?

Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang hindi ko inaasaham mula sa labi ng babaeng nasa harapan ko ngayon. At base sa mga nakangangang mga mukha ng mga kapwa SSG members sa loob ng silid, pareho din ang naiisip nila.

WHAT IN THE ACTUAL FUCK IS HAPPENING?

"H-Huh? Teka, parang nabingi ako kanina. Ano ulit yun?" Tameme kong tinanong ulit sa kanya. Sinubukan ko pang ipasok ang hintuturo ko sa loob ng tenga ko. Baka may tutuli lang ako. Pagkatanggal ko, nilapit ko yung daliri sa aking ilong.

...

Tangina, ang baho! Pero wala rin naman masyadong laman.

"Matagal ka nang bingi. Sabi ko magkita tayong dalawa sa Sabado." Bumugtong-hininga si Armi sa akin bago sumagot ng walang alinlangan, diretso ang kanyang mga mata sa akin.

...

...

...

Teka, feeling ko nananaginip lang ako. Baka na-heat stroke talaga ako kanina at naghahalucinate na ako kasi para akong nalulunod sa mga titig ni Armi at ng lahat ng mga nasa loob ng silid.

O baka ito na yung vetsin sa caldereta na kinain ko kanina ang nagsisink-in na sa utak ko. Walanghiya, sabi ko na dapat iniwasan ko na yung pagkain ni Jamiel!

Pero ramdam ko yung pawis na naguumpisa nang mabuo sa paligid ng mukha ko. Holy hell, is this really happening? Kailangan ko pa ng clarification!

"Ah, tayo?... I mean tayong dalawa lang?" Sinubukan kong itanong sa kanya pagkatapos lumunok ng laway. Which is ironic, feeling ko nanunuyo na nga yung bibig ko pero parang walang preno ang pagproduce ng saliva ang bibig ko.

May rabies na kaya ako?

"Oo." Maikli ang naging sagot ni Armi at tumungo, hindi natitinag na matanggal ako sa paningin niya.

...

...

...

You know what? May konting sense yung huli kong theory. Sir Dom, pwede po ba magpaearly out? Magpapa anti-rabies lang po ako.

"... Sa mall? Pupunta tayong dalawa sa mall sa weekend? As in ikaw at ako ang magkikita sa loob ng mall ng Sabado? Talagang ako, bilang isang lalaki, at ikaw-"

"Bakit paulit-ulit ka? Ayaw mo ba?" This time, tinaas at pinagkrus na ni Armi ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib habang kumukunot ang noo niya.

"Hindi naman sa ayaw ko! Napaka-out of the blue lang kasi." Halos mapasigaw akong sumagot sa umpisa. Nagulat lang naman ako, kaya hindi ako makapaniwala kanina. Kahit dati noong sunud-sunuran ako sayo, hindi mo ako niyaya, not even once!

And for the record, hindi ako natutuwa, kahit 1% pa, nang naimagine ko na magkasama tayo buong araw ah. I'm already past that point.

"Kailangan natin tapusin yung proposal by next week, at maggiging busy ako sa schoolwork ko, kaya we'll finish it by Saturday. Pagkita natin sa mall, pwede tayo tumuloy sa library sa tabi." Paliwanag ni Armi habang binaling niya ang kanyang atensyon sa mga papel na nakakalat sa kanyang lamesa. Isa isa niya itong ayusin ang pagkakasunod bago tumingin pabalik sa akin.

...

...

...

Oh.

Oh.

OHH! Yun lang pala ang dahilan niya. Of course, ang nanlalamig na reyna ng DAKHS ay hindi basta-basta sumasama sa mga hampaslupang tulad ko. Syempre tungkol ito sa trabaho niya bilang SSG Secretary kaya niya ako inutusang pumunta sa weekend.

Nakahinga ako ng malalim nang narealize ko kung ano ang pakay niya. At sa isang iglap, naramdaman ko na gumalaw na ulit ang mga Marites na mga kasamahan sa paligid namin. Everything is all clear na on my end. Pero, habang pinapakinggan ko ang pagbabalik ng ingay ng silid, may isang tanong ang pumukaw ng atensyon ko.

Bakit parang nanghinayang ako ng kaunti nang narinig ko ang katotohanan?

"Ah, ganun ba? Okay lang sa akin. Basta matapos ko ng mas maaga, the better." Nagsalita ako matapos ang saglit na pnanahimik ko sa kanya.

Sasagot sana si Armi at magpapatuloy sa kanyang paala-ala, pero biglang may tumayo at lumapit sa akin sa kaliwa ko.

"Okay lang yan, pre. Maiintindihan kong gusto mo makadate si Armi kaya masaya ka kanina, pero for sure hindi yan papatol sayo. Huwag ka nang umasa na-" Sinubukang aliwin ako ni Ariel habang tinatapik ng mahina ang aking balikat pero biglang naputol ang kanyang sasabihin nang naramdaman niyang may pencil case na paparating sa kanyang mukha.

Dali-dali niya naman inangat ang kanyang hawak na notebook at pinangharang ito sa mukha niya.

TWOOP!

PARRY! 0 damage taken.

"HAHAHA! Nice try, pero hindi mo na ako matatamaan ulit. Nabuksan ko na ang aking Bankai!" Dumila pa ang SSG Auditor pabalik bilang ganti sa dulo ng kanyang pangaasar.

"Baliw ka na talaga. Bumalik ka na sa realidad. Hindi totoo yang pinapanood mo." Bwisit na bwelta ni Armi habang hawak niya naman ang meter stick na nakaimbak sa tabi niya.

Now, alam kong hindi ako nag-aagree sa unang sinabi ni Ariel na ninanais ko maging date siya kanina, pero hindi ko rin tanggap na hindi totoo ang anime! They are real to me, dammit!

Tignan mo nga sarili mo, Armi. Naglalabas ka rin ng Reiryoku. Hindi nga lang ako sure kung purong Shinigami ka o baka may halong Quincy powers ka.

"Kung ikaw ang definition ng realidad, ayoko na magising pa. Babalik na lang ako kay Sundae." Tumatawa si Ariel bago bumalik ito sa kanyang lamesa.

Habang pinapanood ko na sobra manlisik ang mga mata ni Armi habang pinapanood niya ang nakatalikod na Auditor, bigla ko naalala ang isang matandang Asyano na naka-kahel na t-shirt at ang kanyang linya.

EMOTIONAL DAMAGE!

Actually, tumaas yung respeto ko sayo. Mga 0.00001%

Samantala, huminga ng malalim si Armi. Sa tingin ko narealize niya na hindi worth it pumatol kaya wala siyang magawa kundi tumatat at bumalik sa akin. "Tch, may araw din yung adik na yun. Anyway, game ka ba?"

"Oo, doable naman yung Sabado para sa akin." Tumungo ang ulo ko, naga-agree sa mungkahi niya.

"Good. Also, kung magkikita tayo, for the love of God, huwag mo na isuot yung mga t-shirt na pinamimigay ng mga pulitiko tuwing eleksyon!" Lumiit ang mga mata nito sa inis habang pinagsabihan niya ako tungkol sa mga damit ko.

"Masisisi mo ba ako? Malambot nga yung tela at libre pa!" Defensive kong resbak sa kanya. At this point, identity ko na ang mga damit na yun. Ang pagtanggal nito ay sumisimbolo na rin sa pagtanggal ng pagkatao ko!

Ako at ang bakbak na mukha ng retired mayor ay may iisang diwa at pangarap sa lungsod!

"Hay nako, high school ka na. Manamit ka na ng tulad ng isang normal na estudyante, pwede ba?" Napailing na lang ng ulo si Armi sa akin.

"You should know me by now, diba?"

"Alam ko, Jom. Alam ko."

Although sa panlabas, mukha pa rin siyang mangangain ng bata kapag mali kang tumingin sa kanya, and in full force parin ang kanyang famous Resting Bitch Face, pero habang pinapanood ko ang kanyang lumalambot na itsura, isa lang ang tumatak sa isip ko.

Hindi niya ako tinawag na Joemarie o JM.

TInawag niya akong Jom.

...

...

...

Tinawag niya akong Jom.

At sa isang iglap, samu't-saring mga ala-ala ang nagpakita sa aking isipan dahil lang sa isang nickname na matagal ko na hindi narinig. Ang mga ala-alang gusto ko sana ibaon na sa kailaliman ng lupang tinatapakan ko.

Kailan niya ba ako huling tawagin sa palayaw na iyan? It's been so long.

...

...

...

SHET! BAKIT AKO NAGKAKAROON NG NOSTALGIA? Naging final ang sagot niya sa akin, kaya dapat hindi na ako umaasa ulit. Kailangan ko na bumalik sa katotohanan. Wala na talaga akong pakiramdam sa kanya. Wala na! WALA!

"Uh, eh... Ano..." Tangina, bakit parang ubos na yung mga salita ko? Wala pa nga ako sa wordcount na laging gino-goal ni author oh! Nangangalahati pa lang siya. Think, brain. Think!

"Ah, uh... Sorry Jo- I mean JM. May naalala lang ako saglit." At tila parang nagising din sa pagkakatulog ang SSG Secretary nang biglang umiwas din ng tingin sa akin at umubo mula sa kanyang kamay.

For some reason, hindi ko masabi na ganun din ang nangyari sa akin.

"O-okay lang. Alam mo naman, lagi pa naman akong lutang, kaya I understand." Nagbiro ako, hoping na matanggal yung awkwardness na nararamdaman namin, and base sa konting pagngiti nito, mukhang medyo effective naman.

"Hindi ko madedeny yan. Laging lumilipad isip mo eh. Kaya ka laging napapagalitan." Pinunto ni Armi sa akin, pero pansin na pansin ko na halos nawala ang pagkadismaya o paggiging malamig niya sa akin. Bigla ako napatigil.

Dapat matuwa ako, dahil unti-unti kong nakikita ang babaeng dati kong sinisinta bago ako umamin. Dapat kinuha ko ito bilang pahiwatig na hindi na malaking bagay ang nakaraan. Pero...

Pero bakit parang tumatawid ako sa malaking bunganga ng bulkan gamit ang sinulid?

"Ah, ganun ba?" Ito lang ang kaya kong sabihin sa kanya. HIndi ba dapat ako ang funny man sa storyang ito? Bakit wala akong masabi sa kanya? Kahit isang one-liner man lang?

At alam ko dadalhin ko ito hanggang sa hukay ko, pero naiisip ko na mas madaling kausapin si Jamiel kaysa sa kanya. WHAT THE FUCK IS GOING ON!?

"JM, actually about that time, I want to say that-"

"Tungkol ba ito sa proposal namin? Pwede yata ako tumulong din sa inyo sa Sabado." May isang boses ang pumukaw sa atensyon naming dalawa. Paglingon namin, nakita ko ang nakangiting mukha ni Jamiel Han.

I can't believe I'm saying this, but...

...

...

...

Thank you at nagpakita ka. Dahil kahit na isa ka paring demonyo na ang tanging pakay ay maging impyerno ang buhay ko, at least panatag ako sayo. Alam ko ano ang ieexpect ko sayo.

"Excuse me?" Kung kanina parang bulak sa lambot ng kanyang mukha. Nang napansin niya ang Vice President, bumalik in full force ang kanyang RBF form. Actually, parang mas lumamig yung itsura niya.

"Total proposal namin iyan ni JM, I think it would be better kung parehong present kami kapag nagdraft ka ng presentation para sa PTA meeting." Pinunto ni Jamiel habang nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko.

"I appreciate the offer, pero judging sa pinakita ni JM, siya yung bumuo ng draft, kaya I think we can finish this between us two." Kahit na kontrolado ni Armi ang kanyang boses, hindi ko pa rin mawari na parang tumataas ang emosyon niya.

"Oho? Well, good for you, pero we are forgetting na ako din ang kalahating nakaisip sa proposal na iyan. Is there any problem ba with me joining you guys?" Mas lalo naging malaki ang ngisi nito, pero kakaiba ang nararamdaman ko.

Usually, kapag may nakikita siyang bagay na iaasar niya sa akin, for example, may pagkakwela ang aura niya. Simpleng pangaalaska lang. Ngayon, imbes na tuwa, may mabangis na aura ang pumapalibot sa kanila.

Para akong napapagitnaan ng isang drum ng Azidoazide azide habang sa kabila naman ang isang lighter na kasing init ng isang supernova.

"Wala naman. Ayoko lang naman maaksaya yung oras mo. Total napakabusy mo pa naman." Wika ni Armi habang sumandal siya sa kanyang kinauupuan. Halos instant ang naging reaksyon ni Jamiel.

Naramdaman ko yung gigil mula sa kamay niya. Akala ko magkakaroon ng repeat tulad kaninang pagpasok, pero buti na lang at nawala yung inis niya.

"Pero I insist. Syempre proposal ko rin yan, so dapat alam ko rin ang development ng draft. I can make time. Now, I don't think makikialam ako if you have other priorities na gusto mo gawin kasama si JM, if that's what you're worrying about."

Alam kong biro lang ni Jamiel yung huling sinabi niya, pero bakit parang mas naging mainit ang titig mo kay Armi? Joke lang naman yun, diba? DIba, Jamiel?

Jamiel!

JAMIEL!

"Patawa ka. Sayong sayo na siya. Wala naman akong pake. Never had." Tumaas ang kilay ng SSG Secretary habang nasabi niya ang nasa isipan niya. Alam kong expected ko na yang linyang iyan. Hindi ko na kailangan ulitin yung nangyari bago magbakasyon para malaman kung anong tingin niya sa akin.

...

...

Pero tangina, bakit parang ako yung naligo sa drum ng Azidoazide azide? Gusto ko na sumabog!

Siguro napansin nilang dalawa yung naging reaksyon ko. Nakita kong nanlaki yung mga mata ng dalawang babae habang nagumpisang manginig ang mga kamay ko. Ayoko na. Siguro masamang idea talaga yung magisa kaming dalawa.

Hindi ko kaya.

"JM, I-" Para akong pusang takot sa tubig nang makita kong inangat ang isang kamay ni Armi, na mukhang gusto humaplos sa aking bisig at sinubukan akong tawagin, pero may isang lalaki ang tumawag sa amin.

"Sorry guys, kakatapos lang ng elective class ko. Ano na nangyayari?" Medyo hinihingal si Alexander nang tanungin niya ang mga tao sa loob ng silid.

...

...

...

Walang gustong umimik sa aming lahat. Nagtinginan lang kami, hindi alam kung paano sasagutin yung tanong niya.

Pero that's fine. Kasi mas gugustuhin ko pa mabago ang usapan kaysa magpatuloy at magkaroon ng chemical reaction kung magpatuloy pa ang usapan namin.

"Uh... Guys? Bakit hindi kayo sumasagot? Natapos na ba yung sa suggestion box?" Inumpisang tinuro ng SSG President ang grupo nila Loisa, na mukhang nabigla sa pagtawag.

"Ah, eh, ginagawa na namin ni Marvin. Ano kasi eh, nagpahinga lang saglit." Sumagot si Loisa habang inangat ang mga natapos na paggugupit ng mga forms at ang box na kinuha ng SSG Senior Marshall.

"Good. Eh kayo naman sa proposal, any progress?" Binaling naman ni Alex ang atensyon niya sa amin.

You know what? Parang nakasalang ulit ako sa initan. Pero instead of lighter, si Alex ang Bunsen burner. GGWP! Bawi na lang ako sa next life. Ngunit bago pa ako makaisip ng alibi, naunang nagsalita si Jamiel at sinabing:

"Pinaguusapan namin na gagawin namin yung final draft ng Sabado. Gusto mo ba sumama, Alex? For sure need din namin ng feedback mo."

"Hindi na kailangan. Marami nang kailangang gawin ni Alex, kaya let me handle-" Nanlaki ang mga mata ni Armi at nais niyang tanggihan ang plano ng Vice President, pero tinaas ni Alexander ang kamay niya, kaya tumigil siya.

Napaisip ang SSG President ng ilang saglit bago magdesisyon "Hmm... I think pwede ko naman siya isingit after extra-curriculars ko. I'd be more than happy to help."

Malaki ang naging ngiti ni Jamiel sa pagsangayon niya habang kumunot ang noo ni Armi. As far as I am concerned, the more the merrier. Pwede ko gawing meat shield si Alex in case may kaguluhang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Patawad, bossing, pero kailangan kita maging bait.

"Pero, hindi ba masyado ka mapapagod? Kaya ko naman ifinalize lahat tapos ipapareview ko sayo. Ayoko lang naman na masayang oras mo." Sinubukang mangumbinsi ng dalagan Secretary si Alex. Sa ngayon, wala na ang inis sa mukha niya tulad kanina.

Parang genuine yung pagaalala niya. Hmm? What's happening?

Samantala, tumawa lang ng tahimik ang pinakamataas na student leader ng DAKHS at lumakad palapit sa kanya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang balikat at sinabing:

"Maaalalahanin ka talaga. And that's something I really like from you. Pero huwag ka magalala. I'm a strong boy! You can count on me. Kapag kailangan ko ng tulong, ikaw una kong tatawagin."

And this is the first time I've noticed something extraordinary about Armi.

For the longest time, ang impression ng karamihan, kasama ako, ay napaka-independent na tao siya. Para siyang isang fortress na hindi matitinag. Daig niya pa ang Corregidor or Fort Knox.

Never in a million years ko maiimagine ang nag-iisang Queen Bitch ng DAKHS ay maggiging... vulnerable.

Pero nang nawala ang nerbyos sa buong katawan niya nang lumapit si Alex, at ang labi na muntik mailabas ang ngiting pilit na tinatago, tsaka ko narealize na may mas malalim pa akong hindi nalalaman tungkol sa babaeng minsan ay naging malapit sa akin.

At mas lalo akong humanga kay Alexander. Isa ka talagang biyaya mula sa langit! Hallelujah!

"Sige, basta huwag mo masyado pagurin sarili mo ah." Nagpaalala si Armi habang dahan-dahan niyang hinawi ang kamay ni Alex

"Opo, nanay." Nagbiro ang DAKHS President pabalik, kung saan ngumisi lang si Armi pero hindi na siya nagsalita.

Finally! Crisis adverted.

"Sige, magkita tayo sa may mall ng Sabado para matapos na itong deck. Doon muna tayo sa may HappyBubuyog bago tayo tumuloy sa library. Okay?" Humarap pabalik sa aming dalawa si Armi, 100% natanggal ang kahit na anong poot o galit. Hindi ko alam kung okay na silang dalawa, pero I'll take whatever chance I get.

"Sige." Sumagot ako habang pagtungo lang ng ulo ang sagot ni Jamiel sa tabi ko.

"Sama na rin kami! Hindi na kami makafocus sa costing namin. Kailangan na rin namin magcanvass ulit para macheck." Nagsalita si Kei habang hawak pa rin ang kanyang calculator. Mukhang mababaliw na siya dahil puro numero ang kaharap niya.

Again, latom.

"Oh em, let's make gawa din ng suggestion box sa weekend. I'm so like pagod na. Sama din kami." Sumangayon din si Erika na kakagaling lang mula sa labas, dala-dala ang isang baso ng Milo. Ay wow, sana all pasarap lang sa buhay.

"Teka, hindi ito-" Sinubukan pakalmahin ni Armi ang mga miyembro, pero mukhang nakaset na ang mga isipan nila.

"Right, may new game rin with OrasZone. Imma try that." Banggit ni Lorenzo.

"Sorry, kakarating ko lang mula Food Tech. Naririnig ko magmamall tayo? Game!" Biglang sumingit din si Kris mula sa pintuan. "May masarap na kainan din na bagong bukas. We can have team lunch din."

At sa isang iglap, nagpaplano na ang buong SSG para sa gagawin nila this weekend. Natawa lang si Alex sa kanyang nakikita kaya kinuha niya ang kanilang atensyon sa pagpalakpak at nagsalita

"Sige, kung okay lang sa lahat, we can have our little 'team gathering' ng Sabado para matapos lahat ng kailangan nating matapos. Good?"

"YES!" Sabay-sabay kaming sumagot.

"Good, I'll send the details sa GC natin. Saktong malapit na second to the last period, let's wrap up na para makabalik na tayo sa mga rooms natin." Tinuro ni Alex ang orasan na malapit na mag alas-dos ng hapon.

Kaya nagumpisa na rin magligpit ang lahat ng tao sa loob ng kwarto. Niligpit ko na rin ang kopya ng draft proposal ko at tumayo nang biglang lumapit sa akin si Jamiel.

"Mukhang naudlot ko ang date niyo ni Armi." Pauna niyang sabi sa akin.

Okay, here we go again. Of course, hindi niya mapigilan mangasar sa akin. Linta ka talaga sa buhay ko eh!

"Ano? Baka nagseselos ka kasi-" Bigla akong napatigil sa resbak ko nang humarap ako sa kanya. Nandoon parin ang nakakairitang ngisi niya, pero ngayon ko lang napansin na nanginginig pa rin siya, tila hindi siya sure sa kung anong mangyayari.

Habang pinagmamasdan siya, isa lang ang nasa isip ko.

Bakit kinakabahan siya?

At bakit kinakabahan din ako?

"... Uh, hindi ah. Sa totoo lang, buti na lang nandun ka. Baka kinain na ako ng tuluyan ni Squidward." Ito na lang ang nasabi ko sa kanya nang wala na akong maisip. Hindi ko din alam kung bakit ko tinawag si Armi ng ganyan, pero all I can think of is hindi bagay na mukhang kinakabahan ang babaeng nasa harap ko.

Yumuko si Jamiel, na parang tinatago ang kanyang mukha sa akin ng isang saglit. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, pero pagharap niya sa akin, full force ang ngiti niya.

"As if papatulan ka niya. Tara na, bili muna tayo ng inumin sa coop bago bumalik sa mga rooms natin!" At sa isang iglap, kinaladkad na naman ako palabas ng silid. Tangina, amasona ka talaga, paano mo ako nahahatak?

Pero tama, ganyan ang Jamiel na kilala ko. Good to have her back.

"... Buti na lang. Hindi talaga ako susuko."

...

...

...

Huh? May narinig akong bulong mula sa babaeng nasa harap ko, pero hindi ko masyado naintindihan.

"Ha? May sinasabi ka Jamiel?" Sinubukan kong tanungin si Jamiel habang pumasok kami sa loob ng coop.

"Nababaliw ka na naman. Wala pa akong sinasabi sayo." Abot langit ang ngiti niya sa akin bago pumila kay Kuya Mond. Well, bahala siya. Medyo stressed ako kanina kaya gusto ko rin bumili ng Milo. Siguro nagmamalik-mata lang ako at iniisip ko lang.

Sa wakas, tahimik na buhay ko. Well, until dumating ang Sabado.

Tell me what you think of this one! Vote lang tapos pwede ka rin magcomment para sabihan mo ako kung ano suggestions or feedback sa story ko! Also, wag kalimutang ilagay ito sa library nyo! Thanks for reading!

DeMorgansLawcreators' thoughts