webnovel

18. It is a coordination of a complex operation involving people or supplies.

Noong bata pa lang ako, lagi ko naiimagine yung sarili ko na maging parang manager sa isang opisina. Now, alam ko na iniisip nyo, gusto ko lang pumower-trip sa mga nasa ilalim ko, and for your information, hindi naman ako anak ni Satanas, despite lagi ako sinasabihan dati ng Prep teacher ko.

No, there's something more to it than that.

I've always enjoyed seeing how people interact with each other. Humans are generally social creatures, at kailangan natin ng struktura para magfunction bilang isang society. Kaya kung gusto mo maging isang effective na leader, you need to understand how your team functions first before creating any strategic plans for it.

...

...

...

Gulat ka no? I can be insightful at times.

With that being said, I don't think kaya ng powers ko ang kontrolin ang mala-torong ugali ng babaeng humahatak sa akin papuntang Agriculture Room since ito yung mas malapit kung manggagaling kang SSG room.

"Bakit kailangan magmadali? May mga paa naman ako." Nagreklamo ako habang sinusubukang pumiglas mula sa kanyang mahigpit na hawak, pero hindi niya ako hinayaang makalayo.

"Ang boring kasi sa loob kanina, at isa pa parang malapit mo na sunggaban si Armi kaya nilayo na kita bago ka makagawa pa ng krimen." Sumagot si Jamiel habang patuloy sa pagkaladkad sa akin.

"Anong akala mo sa akin, walang self-control?" Tumaas ng bahagya ang boses ko mula sa akusasyon niya. The audacity of this bitch! Anong akala mo sa akin, hah?

"Exactly." This time, lumingon siya pabalik sa akin, kitang-kita ang kanyang mapuputing ngipin sa kanyang ngiti.

"Ay wow, tanginang lintang to akala mo napakaganda ng record mo. Palibhasa yung mga lalaking humahabol sayo, puro mga tanod pati mga orderlies sa mental!"

Imbes na mainis sa mga salita kong puno ng pintas, tumawa lang ito ng malakas sa akin. Minsan talaga napapamangha ako sa tibay ng pagmumukha nito. Daig pa yung mga pang-industrial strength na gamit!

Matapos humalakhak, pinunas niya yung namuong luha sa gilid ng kanyang mata at bumanat ng "Hahaha, napakaseloso mo naman. But don't worry, hindi nila ako maaabutan kasi sa'yo lang naman ako papahuli~"

"As if. It will be a cold day in Hell bago pa gumalaw mga paa ko para sayo."

"Sure, keep telling yourself that. Tara na, puntahan na lang natin si Sir K."

Hindi rin naman kami nagtagal bago narating ang Agriculture Room, kung saan unang sumalubong sa amin ang amoy ng bagong bungkal na lupa. Nakaayos ang mga pala at dulos sa isang kabinet habang may magkakapatong na paso sa gilid nito.

Unconsciously, napacheck ako sa damit ko kung talagang sa silid lang naamoy ko o ako talaga yun. So far, hindi pa naman nananapak ang kili-kili ko so all goods na ako.

Meanwhile, sa gitna nito ay may tatlong mahahabang lamesa at upuan sa bawat gilid nito. Sa ngayon, walang estudyante ang nasa loob nito maliban sa kanilang mga bag at gamit, pero understandable naman ito dahil usually outdoor ang mga activities nila.

"Excuse me, Sir K?" Mahinahon kong tanong sa kanila habang kumatok sa blackboard, pero walang sumagot. Siguro dahil feeling ko mahina yung pagkakatok ko, nilakasan ko siya ng kaunti at nagtawag ulit.

"Tao po..."

...

...

...

Wala parin sumasagot. Huh, siguro lumabas lang saglit si sir. Well then, kailangan din namin kausapin yung Food Tech para dito kaya-

"Uy, tignan mo bagong kintab nitong kalaykay oh!" Narinig ko ang excited na boses ni Jamiel, habang nasa kamay niya ang bagong biling equipment ng department.

Inikot-ikot niya ang kalaykay sa kanyang kamay bago dinaan ito sa likod niya. Pagkapasa sa kabilang kamay binato ito paitaas. "Ako ang anak ni Poseidon. Oceans, heed my call!" Sigaw ni Jamiel.

Holy shit! Tangina Jamiel, yung bumbilya muntik na matamaan!

...

Swoosh!

...

Hay pasalamat hindi tumama. Buti na lang mataas yung kisame sa mga TLE rooms. Anyway, bumababa na yung tinapong gamit at ngayo'y nakataas na ang kamay ni Jamiel, inaanticipate na makuha ito.

At ilang segundo pa, lumapag ang mahabang kagamitan sa gitna ng kanyang palad. Tinulak niya ang kalaykay paharap na parang trident bago nagpose habang nilagay ito sa kanyang likuran.

Alam kong inis na inis ako usually sa kanya, pero kahit ako hindi ko mapigilang pumalakpak. "Welcome to Camp Half Blood. Bagay talaga sayo si Poseidon kasi isa kang walking disaster."

"True, kasi yayanigin ko ang mundo mo." Kumindat pabalik si Jamiel habang binalik yung kalaykay sa lalagyan nito. Muntik ako masuka sa narinig ko pero I stood my ground. After isara ang aparador, nagdagdag pa siya "And besides, kung usaping mythology naman, mas bagay sayo si Dionysus kasi araw-araw kang baliw!"

"Please, kung magkakaroon ako ng immortal parent, for sure si Athena yun." Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng dibdib ko habang pinandilatan ko ng mata. Of course, napakatalino ko kaya karapat-dapat na ako ang brain-baby niya.

"Weh? Sige nga, anong motto in life in Zeus?" Nanghahamong tanong ng babaeng nasa harapan ko.

Heh, that's the easiest one. Of course alam ko ang buong mythology, mula kina Homer hanggang kay Archimedes, so I already know the answer.

...

...

...

"That's too easy. Ang motto niya ay 'When there's a hole, there's a way.'"

...

...

...

At sa isang iglap, biglang bumulyaw si Jamiel sa halakhak. "HAHAHAHAHA! Gago ka talaga JM, nagbibiro lang ako pero ikaw na ikaw yung sagot mo. I take it back, master na master mo talaga si Zeus."

"Ulul, pakyu!" Binigyan ko siya ng one-finger salute, pero walang epek dahil patuloy lang siya sa kanyang pagtawa.

May araw ka rin talaga, Jamiel. Although ngayon medyo nakakapanibago dahil hindi parang kuko sa blackboard yung tawa mo, but that doesn't mean that you're warming up to me!

Come to think of it, this is the first time ako naginitiate ng biruan sa kanya. Huh, sobrang pagod na yata ako.

"Hello, what're you guys doing here?" At sa wakas, nagpakita na rin ang gurong hinahanap namin. Paglingon namin, nakita namin ang matangkad na postura ni Sir Allen Kumintang habang dala-dala ang isang bag ng mga punla.

Mahinahon ang boses at madalas tipid ang mga salita, pero make no mistake, matipuno rin ang kanyang katawan dahil araw-araw siya nagbubuhat ng mga bagay o nagbubungkal ng lupa. Tinatawag siyang Sir K dahil medyo malapit yung pangalan niya sa isang kilalang komedyante sa Pilipinas.

Personally, kung may sikat na halos magkapareho ng pangalan, I will take every chance I can get para magpromote. Self-hustle lang lods.

"Good morning po sir! Kailangan po namin kayo kausapin about sa proposal namin for SSG pati Nutrition Month." Pauna kong sabi sa kanya habang automatically yumuyuko ulo ko as a sign of respect.

"Ah, gustuhin ko sana pero kailangan ko muna kasi dalhin yung mga punlang ito sa class ko as their pro-" Inangat ni Sir K ang hawak niyang bag sa amin at magtatanong sana ng ibang oras ngunit bigla nagpresenta si Jamiel sa harapan ng teacher at nagsalita

"Sir, ako na po ang bahala dito. Si JM na po ang bahala sa meeting. He knows everything about sa proposal so it wouldn't take much time. Promise yan sir!"

"Ah, eh, sigurado ka ba? Medyo mabigat ito." May tono ng pagdududa ang advisor ng Agriculture Department, pero nanlaki ng bahagya ang kanyang mata ng biglang kinuha ni Jamiel ang dala-dala niya.

"Yes, sir! Maning-mani lang ito sa akin." Nakangising sagot niya habang tinuro ang sarili gamit ang kanyang hinlalaki.

Teka, teka, teka. Bakit bigla-bigla ka na namang nagsasalita diyan? Lumapit ako sa kanya at kinalabitan, humihingi ng rason sa sinabi niya, pero tinaboy niya lang ang kamay ko habang hindi nawawala ngiti niya.

Wow.

"Ano na naman balak mo?" Bumulong ako sa kanya ng patago.

"Alam mo naman mamamatay lang ako sa mga meeting na yan. Bilang homeboy ko, ikaw umattend para sa akin habang ako na bahala sa mga ganitong gawain."

"Are you fucking serious right now?"

"Dead serious. And besides, mas maganda nakafocus ka sa meeting kaysa yung panay tingin mo sa ganda ko, diba?"

...

Aba'y gago mo naman kausap! Ano pa ba silbi mo bilang Vice President, aber? Nakakaloka itong babaitang ito. Raffy, sana bumalik ka na dito! Hindi ko kayang magtrabaho sa taong tulad nito! Parang-

"... So, what's the plan?" Nawala yung focus ko sa mga masasakit na words nang marinig ko ang boses ni Sir K, na mukhang napapaisip kung ano ang pinaguusapan namin. Shet, muntik na ako.

You know what, bahala na. Let her do what she wants. May tama naman siya na maggiging distraction lang siya kaya mas maganda kung mas malayo sya sa usapan as possible.

And for the record, hindi dahil sa ganda niya kaya ako distracted, ah!

"W-Well, pwede naman po tayo magusap now and it won't take long. Nagpresenta na si Jamiel to help out with your class for the meantime."

"Sige, if you are really fine with that." Hinayaan ng guro si Jamiel na dalhin ang mga punla palabas ng kwarto. Bago siya makalusot sa daanan, tumingin siya pabalik sa akin sabay kumindat.

Shit, kinikilabutan na ako sa mga pinaggagawa niya. At base sa ngisi ni Sir K sa akin, for sure napansin niya rin ito.

"Napakaenergetic naman ng girlfriend mo." Nagcomment siya habang pinagpag ang mga natirang lupa sa kanyang damit bago maupo sa harap ng kanyang desk.

"Sir, hindi po kami magjowa!" Muntik ako mapasigaw sa hiya pero buti na lang nakontrol ko sarili ko.

Pero tinaas niya lang ang kanyang kamay at sinabi "Yan din sabi ko bago noong una kong nakilala asawa ko." Tumahimik na lang ako, umaasang lamunin na ako ng lupa habang natawa ng bahagya ang taong nasa harapan ko.

Nang makabalik na sa normal si Sir K, nagumpisa na ako sa pagexplain sa proposal namin.

"So bale sir, ang naisip po naming proposal is pagsamahin na yung Nutrition Month pati yung sa goal ng PTA Assembly na beautification. Instead of ornamental flowers, mga produce yung itatanim namin. Urban Gardening ang focus. Kaya on behalf of SSG, humihingi po kami ng support for this project."

"Hmm, interesting. Well that is within my specialty naman. So paanong help ba kailangan niyo?" Kinamot niya ang kanyang baba habang napaisip sa kung ano ang maggiging plano namin for the proposal.

Another tangent that I want to discuss is maraming tao ang naa-undervalue ang kahalagahan ng isang consistent logistics plan. Kahit sa pinakasimpleng goal or results na gusto mong marating, dapat maayos ang pagkakagawa natin sa plano para mas mataas ang tsansang makuha ang inaasam.

Mula sa simpleng group assignment o pagbabantay sa sari-sari store, hanggang sa pangdaigdigang kalakalan o pagpapatakbo sa isang bansa. Mainap ang pagkakaroon ng pagkakasundo ng mga tao, bagay, pati gamit para smooth lang ang process.

"... Moving forward, kung may isusuggest kayo na pwedeng supplier para sa punla and we'll have the PTA to shoulder the cost paglabas ng budget next month, that would be lovely." Nagtanong ako ng possible suppliers habang tinetake-down ko yung mga notes sa discussion namin.

"Mayroon ako pinagkukunan mula sa supplies store sa gilid ng palengke. How much are we needing ba, and anong klaseng pananim yung nasa vision niyo?" Nagrecommend si Sir K habang tumitingin sa kanyang phone para makita kung anong pwedeng mabili sa nasabing tindahan.

"Ah, we can have the varieties for your recommendation. If it helps, para ito sa mga small pots na pwede isabit sa school walls yung pwede."

"Hmm... Pwede naman mga lettuce, cherry tomatoes, peppers, pati mga herbs."

"That's good na po! Anything na pwede gamitin is all right with us. Pasend na lang po nung list para ma-run through namin with PTA para malagyan ng budget." Napalakpak ako nang matapos yung unang point ko with my agenda.

Nagpatuloy ang aming paguusap ng ilan pang mga minuto. Buti na lang at nagkaroon ako ng oras para dito dahil hindi lang mga tao kailangan ko para sa project na ito, kundi kasama na rin ang kanyang expertise.

Binigyan ko na rin ng expectations for the department sa pagmaintain at pagimbak ng mga punla.

"Pwede naman po kayo na gumawa ng timetable for this one. Ang important lang naman is yung pag-alaga ng mga pananim pati yung pagstore ng mga punla na pwede itanim pabalik. Food Tech will handle sa storage at prep."

"That sounds good. Pwede ko naman ilagay under Practical Activities nila ito." Napabulong si Sir Allen sa sarili.

"Great! Pwede rin naman po kami magpitch in and tumulong if the need arises." Sinara ko ang aking maliit na notebook bago humarap sa kanya "So... Are we okay na po with the plan?"

Tinitigan lang niya ako ng ilang saglit. Alam kong nakaupo lang ako, pero for some reason parang sumali ako sa isang decathlon kung manginig yung mga kalamnan ko. Pero right now, I am somewhat confident dahil ginawa ko naman talaga ang best ko,

All I can do is hear what he'll say.

...

...

...

"Nakagawa ka na ba ng ganitong project previously?"

Huh? Saan nanggaling yung tanong niya?

"Uh, hindi pa sa ganitong scale. Nope." Sumagot ako ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. Hindi na siya nagtanong pa at patuloy lang siya sa pagtitig sa akin. Kung makikita kami ng iba, siguro iisipin nila may kasalanan ako sa kanya.

Pero nang huminga siya ng malalim at may maliit na ngiti ang lumabas sa labi niya, nawala bigla yung kaba na nararamdaman ko.

"That is a very solid planning. May future ka pagdating sa pagcompose ng proposal. Madali ko naintindihan lahat." Tinuro niya yung mga notes na nasulat niya sa paguusap namin, "Isend mo na lang yung final draft para mapirmahan ko."

"Thank you so much! Babalik po ako within the week!" Galak ang umaapaw sa boses ko habang kinamayan ang gurong nasa harapan ko.

"Sige sige. Kailangan ko na bumalik sa klase ko." With that, pareho na kaming tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi ko inaakala na aabutin ako ng kalahating oras, pero ang bottom line, nakuha ko ang suporta ng Agriculture Department.

Kailangan ko na bumalik kay Jamiel, baka mamaya kung ano na ginagawa ng kumag na yun. Pero pagdating sa labas, isang kakaibang eksena ang natunghayan ko.

"HAHAHAHA! Ano yan lang ba kaya nyo? Anghihina niyo naman!" Nakatayo si Jamiel sa ibabaw ng nabungkal na lupa habang nakangisi sa mga nakahigang mga lalaki sa paligid niya.

...

...

...

WHAT.

THE.

ACTUAL.

FUCK.

Pumasok ako mula sa gate at lumapit sa kanya. Yung mga ugat sa ulo ko pumipintig na habang naisip kung anong kalokohan na naman ang ginawa nito. Nang napansin na niya ako palapit, mas lalong naging matingkad ang ngiti nito at kumaway.

"JM, look at my magnum opus! Ako ang champion."

"Jamiel, tangina anong ginawa mo na naman dito? Hinazing mo ba sila? Shet, napapayag ko na nga si Sir K tapos sisirain mo ulit?" Inis kong tanong habang tinuro ang mga estudyanteng mga nakahandusay. Samantala, parang mahuhulog na ang mga mata ni Sir K sa nakita niya.

Holy s-

"Anong akala mo sa akin? May frat? Niyabangan lang nila ako na hindi ko kaya magbungkal ng lupa noong dinadala ko yung mga punla. Nagkaroon lang kami ng friendly competition, and clearly I won." Ngumisi ang babaeng kausap ko sa akin na parang bata na naghihintay ng prize mula sa akin.

Meanwhile, naririnig ko na ng mas klaro yung mga ungol ng mga tao sa paligid namin.

"Tangina... Demonyo yata yang babaeng yan."

"Amasona."

"Sandali, hindi ko na maramdaman likod ko."

And now that I took a look at her, kitang-kita yung marka ng lupa mula taas hanggang baba. Daig pa ng itsura niya sa mga grill sa samgyupsal, but for some reason, may nakikita akong kakaibang charm from her.

It's not everyday na may makikita kang babae na handang sumabak sa putikan, pero instead na mukhang busangot, she felt more charming compared sa mga nakikita ko sa internet. Feel ko na totoo siya.

Something that is within my reach.

...

...

Huh. Nababaliw na nga yata talaga ako.

Bago man ako makasagot, narinig ko ang halakhak ni Sir K. At base sa reaction nya, naintindihan niya kung anong nangyari mula sa isang estudyante sa tabi niya. "I shouldn't have doubted you, Jamiel. Eye-opener ito sa kanila para magensayo para sa Department na ito."

"No problemo, sir! Happy to hel-Ah!" Napatalon siya ng marinig niya ang papuri mula sa teacher, pero hindi niya natantsa na malambot ang malalandingan niyang lupa. kaya nawalan siya ng balanse.

Hahahaha, buti nga. Justice is served, bitch. Hahayaan lang kita diyan. Ilang beses mo na rin ako napapahamak, simula noong una pa lang. Kumbaga, 'dasurb' mo yan. Titignan lang kita dito at tatawanan paglagapak mo sa lupa.

...

...

...

But no matter how hard I try, hindi ko, under my good conscience, would let anyone be hurt, kahit anong isip ko na deserve niya, so I need to do what my Mom has taught me.

Itinaas ko ang mga kamay ko at sinalo siya paharap. Naramdaman kong nanginig ng kaunti yung katawan niya upon impact pero syempre focus ko muna ang paghanap ng balanse ulit. Nang may mapansin akong malaking bato na pwede tapakan, doon ako lumundag, kasama siya,

Yes, success! Hindi ako nadulas. Once na alam ko maayos ang tapak ko, humarap ako sa kanya pabalik. Napansin ko na nanlalaki parin ang mga mata nito at nakakapit siya ng mahigpit mula sa damit ko.

Ramdam ko rin ang bawat tibok ng puso niya at bawat hinga, almost as if nalulusaw ang buong paligid maliban sa amin.

Never had I imagined the day when the great Jamiel Han is restless on my arms.

"J-Jamiel." Napabulong ako sa kanya while staring deep into her deep chocolate eyes. Naramdaman ko yung pagnginig niya nang mabanggit ko pangalan niya.

"Yes..." Ramdam ko sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya pero mas bumibilis lang takbo ng puso niya.

...

...

...

"I would love to hang more, pero parang dumidikit amoy ng compost pit sayo."

...

...

...

Gotcha bitch! Sabi ko sa'yo babawi din ako eh. How does it feel to get a taste of your own medicine, huh? We're now even, kaya huwag ka masyadong kampante na lagi mo akong maaapi o mapagtitripan! Hahaha, you-

"Ah compost pit pala ah? Pwes, ikaw naman amoy manure."

SPLAT!

Nakita ko na lang na binatuhan niya ako ng lupa mula sa lupa at sumupalpal ito sa mukha ko. Muntik ko na malasahan yung lupa at mga pataba na ginamit nila. Sabi na eh. Bakit ba ako nagkawang-gawa pa sa demonyitang ito?

"GAGO KA TALAGA! HALIKA DITO!" Sinubukan kong kumuha ng binungkal na lupa pero nagumpisa na siyang tumakbo palayo.

"Habol muna boy! Kaya mo ba ako?" Tumatawang hamon ni Jamiel sa akin.

And it was on this day nabuo ang isa sa mga makabagong sabi-sabi ng DAKHS: Ang isang engkantong babae na nangunguha ng mga lalaking taga Agriculture at binabaon sa lupa kung hindi mo siya mahihigitan.

Tell me what you think of this one! Vote lang tapos pwede ka rin magcomment para sabihan mo ako kung ano suggestions or feedback sa story ko! Also, wag kalimutang ilagay ito sa library nyo! Thanks for reading!

DeMorgansLawcreators' thoughts