webnovel

16. It is a move where they put their hands on the waist and suplex backward?

"Oho? Am I interrupting something here, partner?"

Minsan napapaisip ako kung may sixth sense si Jamiel when it comes to looking for opportunities to torment me, kasi napaka-uncanny talaga na pinili niya ang eksaktong oras na ito para magpakita sa harap naming dalawa ni Sandra.

Ipinanganak ka ba talaga sa mundong ito para gaguhin ako?

Can't I have at least five minutes ng katahimikan para maenjoy ko ang mga small things in life? Kaya huminga ako ng malalim at nagumpisa magsalita "Napakagaling mo naman talaga tumiming Jamiel. Minsan naiisip ko kung inii-stalk mo ako."

"Why thank you. Sadyang malakas lang kutob ko sa mga may masasamang balak." Nagkrus na ang mga kamay niya habang tinuro niya ang nakikita niya gamit ang nguso. Noong una hindi ko magets yung sinasabi niya pero nang mapansin ko yung tinuturo niya, tsaka ko lang nagets yung tinutukoy niya.

...

...

...

Ay puta, magkahawak parin pala kami ng kamay!

Agad kong binitawan ang kamay ni Sandra at nandilat pabalik kay Jamiel na ngayo'y tumatawa sa sitwasyon namin. Although bumalik agad sa kanyang kilalang RBC ang class Muse na katabi ko, pansin na pansin ko parin ang kaunting pamumula sa kanyang pisngi.

Mukhang namumula na yata siya sa galit. Sorry in advance.

"Hah! You wish ako ang humahawak sa kamay mo. Hindi mo matanggap na may pinili akong iba no?"

"Hardly, but that's rich, coming from you. Sino ba yung may bagay na ineexpect sa akin bago bumalik ng SSG room?" Balik ni Jamiel sa akin.

Tangina mo talaga, hindi ko kasalanan yun kung umacting ka na parang bayaran para kunin yung singkwenta ko kahapon! Napakaunfair talaga ng mundo.

"Lolo mo. Extortion yun boy. Bawal yan base sa student handbook. Alam mo ba na pwede ka ma-sanction ng school board kung ireport ko?" Nilabas ko ang Student Handbook na binibigay sa amin simula noong freshmen kami at nagbanta sa kanya. Kala mo ah, criminal offense yan, boy!

Pero imbes na matakot, tumawa lang ng malakas ang kutong nag-anyong babae at sumagot "Una, hanga ako sayo kasi tatlong taon ka na dito pero hindi mo pa natatanggal yung plastik na pambalot."

Pakialam mo ba? Kaya ko siya basahin telepathically! Hindi ko na kailangan tanggalin yung cover niya para malaman na mali gi-

Hindi ko inasahang bigla itong lumapit sa akin at umakbay sa aking balikat. Tangina, ninja ka ba sa nakaraan mong buhay? You are no Armi, pero amoy na amoy ko rin ang pabangong ginamit mo ngayon!

Alam kong binili mo ito sa sikat na tindahan ng damit! Napakatamis parang strawberry.

"Anong gina-" Bago ko matapos yung sasabihin ko, bigla nilapit niya yung mukha sa akin habang lumalaki ang ngiti niya, at nagsalita:

"At pangalawa, is it really extortion kung ikaw mismo nagkusang ialok yung pera sa akin?"

Fucking hell, anong ginawa mo sa akin? Anong gayuma ang nilagay mo sa Milo ko kahapon at hanggang ngayon nagrereact parin ako sayo!?

At bago man ako makaganti sa kanya, bigla siyang lumayo at humalakhak ng malakas. Gusto ko magmukhang galit, pero hindi ko maiwasan mamula ang mga pisngi ko. Tanginang puberty to! Ganito ba talaga ako ka-desperado na kahit si Jamiel pwede na?

I would rather die than to admit that.

"HAHAHAHAHA! See? Your face says it all." Tinuro ni Jamiel ang mukha ko to prove her point.

"Talaga ba? Baka ikaw mainlove ka sa akin kapag ako naman yung biglang lumapit sayo." Bumanat ako sa kanya at naghamon habang pinakita ko sa kanya yung best 'pogi pose' ko sa kanya. Naka half-lidded eyes tapos sabay hagod sa buhok ko at sumandal ng konti patalikod.

Lingid sa kaalaman niyo, pinakakamukha ko daw na artista si Joshua Garcia. Yan ang sabi ng isang app sa MukhangLibro.

"Baliw, anong tingin mo sa sarili mo, bidang lalaki sa isang Wattpad story? Hindi ka naman billionaire mafia boss na may dugong werewolf para umarte ng ganyan." Resbak ni Jamiel habang ngumisi lang sa akin.

Which reminds me, ever since umpisa ng kwentong ito, puro ngisi na lang ginagawa ng kutong ito sa akin. Karamihan ng nababasa kong story ganyan ugali eh. Bakit mas umaakto pa siyang leading man kaysa sa akin? What's next, malalaman ko na tinago pala siya ng kanyang nanay mula sa mayaman at playboy na tatay?

Tanginang author to!

"At napakabarumbado mo naman para maging leading lady." Pinandilatan ko siya ulit habang dinugtong "Napakajologs mo akala mo 1990's parin. Dapat malakas na appeal mo parang mga K-Pop artists."

"Your reaction earlier proves otherwise, tho."

"That was a fluke. 100% akong sure na kung ilalapit ko mukha ko sayo, baka matunaw ka na lang din diyan sa kilig."

"Ooh, sige nga. Gawin mo nga. Itaya ko pa itong pamato ko eh." Bumunot siya mula sa bulsa at naglabas ng isang piraso ng Pogs na halatang gamit na gamit na ng ilang taon. Holy, ano ka Grade 3? Ibig sabihin niyan bitbit mo yan lagi everywhere you go?

"Tangina, saan nanggaling yan? Bata ka parin ba?"

"Doesn't matter. Ano game ka? Takot ka yata eh." Tinitigan niya ako habang hawak-hawak ang lumang laruan sa kanyang kamay.

Now, pwede mo akong tawagin ng maraming bagay. Pogi, drop-dead gorgeous, irresistible, yummy, daks, o kahit ano pa gusto mo. Pero never, ever tell me I am a coward. If there's one thing na wala ako, ito ang flight response kasi all I do is FIGHT!

Kaya, you're going down, bitch!

"Ah sige lang. Basta walang sisihan sa huli." Nagbilin ako ng isa pang beses bago ako nagumpisa sa aking seduction plan.

Marami na akong napanood na TV at movies para magkaroon ng idea ano ba ang gusto ng mga babae. Now noted na effective ang ginawa niyang paghampas sa pader, pero since nasa open area ako, hindi ko siya magagawa.

Which leads me to my plan B.

Tinignan ko si Jamiel at nakangiti parin ito sa akin, possibly naghahanap ng clue para sa gagawin ko para makagawa ng countermeasure, but I have the element of surprise. Hindi niya ineexpect kung anong gagawin ko.

I'll do the 'hit and run' tactic.

Simple lang naman ito. I'll create a diversion para mawala yung attention niya sa akin ng pansamantala. While looking away, gagawin ko na ang 'da moves' ko at kukunin ko ang tingin niya pabalik sa akin.

Syempre disoriented siya kaya hindi siya makakapaghanda kaya ipapakita ko ang pinakapogi kong sarili tapos ibibitaw ko na ang mga magic words ko.

...

...

Hmm, yes. Ganyan nga ang plano ko. Let's do it!

Kaya umubo ako para ma-clear yung lalamunan ko at nagumpisa "Tignan mo yun oh Jamiel! Tignan mo yung nasa likod mo!"

"Haha, nice try." Nanuya si Jamiel sa akin at tinaasan ako ng kilay. Fuck, nabasa na niya talaga ako. I need a better alibi. Something na maiintriga talaga siya.

Hmm...

"Tignan mo may nahuhulog mula sa puno!" Nagturo ako sa may malaking puno sa may likuran namin with matching acting.

"Mangga lang yun."

"Tignan mo parang may nakita akong pugot ang ulo sa may taas ng admin building!"

"Mannequin lang yun na iniwan ng Fashion Department." Imbes na matakot, tumawa lang siya sa akin. Tae, naggiging desperado na ako. Ano ba ang pwede ko masabi sa kanya na makakakuha ng interes niya?

Desperate times call for desperate measures.

"Tanginaa! Picture ko yata noong bata ako na nakacostume ng sili na naihian ko yung nakasabit sa bintana!'

"May tatlong kopya na ako niyan. No big."

...

...

...

HUH? What the fuck did you just say?

"HUH? ANONG IBIG MONG SABIHIN SA TATLO?" Parang chalk na ang mukha ko nang marinig ko ang rebelasyon ni Jamiel sa akin. Hindi nagpatinag, nilabas niya ang kanyang wallet, at mula sa maliit na bulsa, pinakita niya ang nakausling picture.

No, it can't be... BAKIT PARANG MAY MALIIT NA BUNTOT AKONG NAKIKITA SA IBABA!

"How the fuck did you even get that picture? Tangina ang creepy mo!"

"BWAHAHAHAHAHA! Umasa ka naman may picture ako noon. Ano kala mo sa akin obsessed?" Bumulyaw nanaman si Jamiel sa tawa. PUTANGINAMOOOOO JAMIEL HAAAAAAAAAAAAN! MAMATA- Wait a minute...

...

...

Ito na ang chance ko! Preoccupied na siya sa katatawa niya, kaya pagkakataon ko para matupad yung deal namin!

With that, nawala ang inis ko while I smile formed on my face. Agad akong lumapit sa kanya at nilagay ang aking mga kamay sa gilid ng mga braso niya. Naramdaman kong nanginig katawan niya ng saglit, which means for me it is starting to work.

Naramdaman ko na napahawak siya sa tagiliran ko. Nice, this will be a piece- Teka, is it me or parang nakabaliktad na agad ako?

...

...

...

TWACK!

ARAAAAAY! TANGINA ANG SAKIT! Kung nandito lang si Jim Ross, for sure nasabi na niya "As God as my witness he is broken in half!"

"TANGINAAAAAAAAAAAAA!" Napahawak ako sa bunbunan ko habang pinipigilang umiyak sa sakit na nararamdaman ko.

"Masyado ka pang bata para mabigla ako, mijo. Ilang daang taon pa dadaanan mo ako makakatapat." Nginisian lang ako ni Jamiel matapos pagpagin ang kanyang palda at ayusin ang gusot sa kanyang blouse.

"I don't know why, pero I feel like deserve mo yan, JM." Biglang nagsalita si Sandra habang nakatingin sa aming dalawa.

Fuck, I kinda forgot about her! Pagtingin ko sa kanya, wala na ng tuluyan yung pamumula ng kanyang pisngi, pero feel ko mas lalo siya naging malamig.

And her eyes... Tangina, sobrang lamig parang kahit ako magkakafrostbite. Bakit ganyan ka na makatingin sa akin? Hindi ba sabi mo kanina lang gusto mo maging magkaibigan? Why have you forsaken meeeeeee?

"Ah, right." Biglang humarap si Jamiel kay Sandra at inangat ang kanyang kamay at dinugtong "Don't worry, alam ko na hinaharass ka kanina nitong kumag na ito, kaya pinigilan ko na siya for you. You don't need to say thanks."

Tinitigan lang ito ni Sandra ng ilang saglit. For some reason, parang nararamdaman kong nagiiba ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa nang sumagot siya

"I can defend on my own, but thanks I guess." Sumagot ito pero hindi niya kinuha ang kamay niya.

...

...

...

Kung nasa isang anime lang ako, malamang nagsasayawan na ang mga kuryente sa paligid nila. Tumayo ako at inayos ang damit ko bago tumingin pabalik sa kanila. Nagkatinginan ulit sila and for some reason, tumatakbo ung flight responses ko. What even is happening here?

"True, pero with JM, you should expect the unexpected. May goal siya kasi na makahanap ng jowa by any means necessary. Kaya take it from me, ako na ang bahala sa kanya para hindi ka maistorbo."

Nilagay ni Jamiel ang kanyang kamay sa aking kaliwang balikat ko while a smile is still plastered on her face. Now usually matutuwa ako if may humahaplos sa akin na babae, pero this time, instead na saya, kirot ang nararamdaman ko.

TANGINA, WAG MO PIGAIN YUNG BALIKAT KO! AT BAKIT PARANG NANLILISIK MGA MATA MO?

"Jamiel, sandali lang masa-" at bago ko mabuo ang reklamo ko, biglang nagsalita din si Sandra at nilagay niya ang kanyang kamay sa kanang balikat ko naman.

"I appreciate the thought, pero I consider myself as a good judge of character. For sure naman if kahit isang segundo nakita ko masama balak niya, for sure pagsisisihan niya yun. Right now, I trust him."

Thank you, Sandra. Naappreciate ko naman yung pagdedefend mo sa puri ko, pero kasi... PINANGGIGIGILAN MO RIN YUNG BALIKAT KO!

At ang masama pa, kung si Jamiel parang nakakapaso na yung init ng titig niya, yung sayo naman Sandra nanlalamig parang nasa Antarctica ako. Seriously, ano bang nangyayari sa inyong dalawa?

"Ah, Sandra, Jamiel, teka-"

"Oh, for sure alam ko na you can manage on your own Sandy! Kaya sinasabihan na kita kaagad na he's no good para no need to guess." Ngumiti si Jamiel pabalik ng sobrang laki akala mo tatakbong gobernador. Medyo napakunot si Sandra sa nickname na ginamit niya pero hindi siya nagpatinag.

"Bakit hindi mo ako bit-"

"And how long have you known him? Ngayon lang kita nakita na kasama siya, so I don't think you have to belittle him like that, Jamie." Nagsalita pabalik si Sandra, at hindi ko namiss na may kaunting anghang yung sagot niya.

Tangina, yung balikat ko lamog na lamog na!

"Teka lang, pagpahingain nyo k-"

"Oho, so ibig sabihin kung may chance nga, you would let this roach court you?"

"Guys-"

"That's irrelevant. Ang point ko lang is you are a bit too harsh on him."

"SANDALEEEEEE!"

At sa isang iglap, nakawala ako sa mga hawak nila matapos ko sumigaw. Tangina, hindi ko na kaya tiisin kaya naghanap na ako ng paraan para maalis ang mga kamay nila sa akin.

Napatulala lang ang dalawa sa akin habang minamasahe ko ang mga muscles ko. Feeling ko para silang nabubulok na saging sa lambot. Tangina natenderize na masyado, pero may pakiramdam pa, kaya goods pa ako.

"Teka lang, pahinga lang ako saglit." Nagsalita ako

...

...

...

Yan, okay na ako.

Ngayon at nakapagpahinga ako ng kaunti, biglang tumahimik kaming tatlo. Siguro nagsink-in na sa kanila na masyado nila hyper sa isa't-isa, kaya nagkatitigan lang sila, pero walang nagsasalita.

Oh, bakit parang mga pipe na kayo?

Sige, ako na ang bahala. Hindi ko nakuha yung buong pangyayari dahil sa sakit, pero narinig ko na tungkol sa akin ang alitan nila. Parang pinagkakaagawan nila ako, I mean nagkakilala lang kami ni- Wait a minute...

Ito na ba ang popular phase na hinihintay ko?

...

...

"He... Hehehe..." Hindi ko mapigilang mapatawa sa sitwasyon ko ngayon. Napatingin lang silang dalawa sa akin pero at this moment I am so absorbed with my thoughts.

Alam kong napakagwapo ko, pero girls, kalmahan niyo lang.

"JM, anong-" Sambit ni Sandra habang nagaalala ng kaunti para sa kalagayan ko. Oh, wag ka mag-alala. Nagegets ko na ang nararamdaman mo.

"Look, I'm-" And Jamiel isn't faring well. Although nandun parin yung ngisi niya, kita ko yung konting pagnginig ng kamay mo. Tsudere ka talaga eh.

Napatawa lang ako sa kanilang dalawa at tinungo ang ulo ko. "Now nagegets ko na ang lahat."

Tumaas lang ang mga kilay nila sa akin. Kaya tinuloy kong sinabi ang nasa isipan ko "Hindi ko alam ba't kayo gigil na gigil sa akin, pero for sure naman makakatikim ang lahat. Ganito, ikaw ang mauuna Sandra tapos kapag nasa mood ako tsaka na ako pupunta sayo Jamiel. Okay ba?"

...

...

...

Oh, speechless kayo? I figured all of you out! Wag na kayo mahiya, kasi malaki naman ang puso ko. Hindi na kailangan mag lie detector test pa! You can confess-

"Tara na Sandra, malalate pa tayo sa first subject." Narinig kong nagyaya si Jamiel sa kanya. Teka, bakit hindi kayo umaamin sa akin na-

"Sure, masyadong advance mag-isip ni mokong." And in a strange turn of events, nag-agree si Sandra.

Pagdilat ko ng mga mata, nakita ko silang dalawa na nagumpisa nang maglakad. Ay wow, pagkatapos niyong mag-away dahil sa akin, aakto kayo na parang mag-best friends?

"Hoy, bakit niyo ako iniwan! Hintayin niyo ako!" Sumigaw ako habang sinubukan kong humabol sa dalawa. Tangina, parang wala na namang nangyaring matino sa umaga ko!

"May narinig ka?" Malakas na tinanong ni Jamiel kay Sandra, for sure para magparinig para sa akin.

"Siguro hangin lang yun. Nice German Suplex by the way."

Et tu, Sandra? Akala ko tinitingala mo ako! Bakit ngayon yung tingin mo sa akin para akong insekto na natapakan mo? Nasaan yung mahiyaing Sandra na nakasama ko sa jeep kanina? Please, come back!

"Oh, nanonood ka ng wrestling?" Tumaas ang kilay ni Jamiel, this time mukhang natuwa siya dahil alam niya yung ginamit niya sa akin.

"Oo, fan ako ng Attitude Era. Pinapanood ko lagi yun sa TV dati." Inamin ni Sandra.

Napalaki ang mga mata ni Jamiel. Akala ko mag-aaway ulit sila pero nagulat ako nang napatalon siya sa saya at nagsalita ng "Oh em, same! Fave ko dati si Brock Lesnar kaya natutunan ko yung move na yun!"

Well, at least nagbobonding na sila ngayon, so that is a plus. Mas maganda na siguro ito kaysa kanina na akala ko may giyerang mangyayari. Pero putting that aside...

"Tangina, pansinin niyo ko!"

Bigla ko naalala noong bata ako na nanonood ng wrestling kaya yun yung inspirasyon ko para isulat ito? Whatchu think? Hahaha Comment, vote at like lang sa story na ito! Thanks for reading!

DeMorgansLawcreators' thoughts