webnovel

14. State the CAT Military Secrecy.

"... Sandra? Ikaw ba yung kanina?"

I am so fucking glad na may kasama akong buhay na tao ngayon na hindi ako aayain magbakasyon sa Biringan, kahit na may malaking chance na magmumukha akong may salitk sa harap ng isa kong classmate. Mahal ko pa ang buhay ko no!

As always, maraming salamat sa aking guardian angel. Hindi na ako magpapasindak ulit sa mga kwento-kwento ng mga ibang tao.

Moving on, tumingin lang si Sandra sa akin ng isang saglit, tila napaisip sa aking tanong bago nagsalita "Kanina, what do you mean? Napababa ako kasi may narinig akong kalampag sa may basurahan. Ano ba nangyari diyan?"

"Yung kumakanta! Please tell me narinig mo yung parang may humehele." Medyo kinilabutan ako nang mapansin kong nakataas ng kaunti ang kanyang kilay kaya nagtanong ako ulit. What do you mean hindi mo narinig? Malapit lang yung CAT room nyo dito!

"May humehele? Wala ako narinig, pero kasi nakaearphone ako kanina." Inangat ni Sandra ang kanyang earphones na nakaikot sa may pulsuhan niya. "Narinig ko na lang na may biglang bumagsak sa may tapunan kaya napalabas ako."

...

...

Oh, God please no.

Don't tell me...

...

...

"... Seryoso ka?" Hindi ko alam kung dahil ba ito sa biglang ihip ng hangin, pero parang bumalik yung panginginig ng katawan ko.

"Do I look like I'm joking?" Sagot niya sa akin sabay turo sa kanyang mukha. Siguro kung nasa katinuan ako, macocomment ko na wala naman nagbago sa kanyang RBC, pero it drives the point home na yung narinig ko kanina...

Yung kanina...

...

...

"-AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA-"

"... JM?"

"-AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA-"

"... JM? Okay ka lang? I was just-"

"-AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA-"

"..."

"-AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA-" Bigla ako napatigil sa pagsigaw nang maramdaman ko ang kanyang makinis na kamay sa aking pisngi, and for once, hindi umikot ulit ang paningin ko.

What is this sorcery? Pwede pala dumampi ang kamay ng isang babae sa mukha ko ng walang pwersa o galit?

Nang mabalik ako sa aking wisyo, napansin ko na hawak na ni Sandra ang magkabilang pisngi ko habang diretso lang ang tingin niya sa akin. And for some weird reason, instead of racing, unti-unting naggiging panatag yung pakiramdam ko.

"Look, JM. I don't know what happened with you, pero you need to get your shit together. I was just joking. Syempre narinig ko yung kanta kanina. Kas- I mean may mga estudyante pa rin dito."

And coincidentally, may mga lumalabas na mga estudyante mula sa hagdanan ng building. May iba na napalingon sa kinakatayuan namin. For some reason matagal kami tinitignan nila, pero walang nagbalak lumapit sa amin.

Huh. Totoo nga. Maybe I am overreacting a bit.

"Ganun ba? Sorry." Namumula kong bati sa kanya habang humihingi ako ng patawad "Siguro nasobrahan lang ako sa Milo kaya kung ano-ano na naiisip ko. Hahaha..."

"Ngayon lang ako nakarinig na nakakabaliw ang Milo. Dapat ba tayo magrecall ng stock na binili ng coop?" Nakatungo sa gilid ang ulo ni Sandra habang napaisip kung ang aking paboritong inumin ba ang salarin sa nangyari kanina.

"It can also be that nagkasugar rush lang ako. Alam mo na, asukal in the mind and all that." Dagdag ko sa kanya.

"That is possible, too." Nagagree siya sa sinabi ko.

...

...

...

"... Uh, Sandra?"

"Yes?"

"Ah, hindi naman sa hindi ko naeenjoy ito, pero pwede mo na ibaba yung kamay mo sa pisngi ko. I feel okay na."

...

...

...

"Huh?" Kailangan ni Sandra ng ilang segundo bago niya napansin na nasa mukha ko parin yung mga kamay niya. Gusto ko sana magtagal pa pero parang pinagpapawisan na ako at ayoko mahawakan niya yun.

Ah, so kaya pala nakatingin yung mga estudyante kanina.

"... Ay, sorry!"

Nagkaroon ng isang saglit ng katahimikan sa pagitan naming dalawa matapos niya ako bitawan. But instead of being awkward, I felt more at peace actually. Especially compared sa usual chaos na nangyayari whenever I'm with Jamiel.

Come to think of it, this is the first time I learned more about Sandra beyond her barbed appearance. And for the first time, nagkaroon ng depth yung understanding ko on who she truly is.

Is this what I think it means?

"That besides the point, it is my fault for tricking you, so I need to say sorry to you, too." In one swift move, niyuko niya ng kaunti ang kanyang ulo at humingi ng tawad.

...

...

...

Actually, let me check for a bit kung nasa realidad parin ba ako or somehow nakarating na talaga ako sa realm ng mga engkanto, dahil never in my wildest dreams did I imagine a girl asking ME for forgiveness.

HOW IS IT POSSIBLE? Kailangan ko na rin ba tumaya sa Lotto dahil mas malaking milagro ang nakuha ko ngayon kaysa sa jackpot nila?

But I can't refute that there is one person who wants to make amends dahil natakot ako. This is a real first time for me. And sa isang saglit, any notion of ghosts or horror left my mind, and is replaced by the person in front of me.

Ikaw pala ang guardian angel ko Sandra.

"H-Hah? Wag ka na magsorry. Kasalanan ko at nagpasindak ako sa kwento-kwento nila kanina." Sinubukan kong kumbinsihin na hindi na niya kailangan magsorry pero bumalik yung lisik ng mata niya, unflinching from my words.

"Don't try to downplay it. If I considered what you were thinking bago magjoke, hindi ka matatakot ng todo. And with that, I am sorry."

"No, no, no, really, there's no need to apologize."

Tumingin siya ng matagal sa akin bago nanumbalik ang mukha niya sa kanyang infamous RBC. Biglang tumigas ang kanyang tono na parang komandante at sinabing "... Just take my apology JM. Wag mo na pahabain pa."

"Yes, ma'am." Nasambit ko kaagad sa kanya ng walang pagaalinlangan.

Right this moment, I firmly believe na bagay talaga sa kanya ang maging CAT officer. Meron siyang commanding aura na mapapasunod ka talaga sa mga sinasabi niya. So much so na halos tumindig ako ng tuwid sa harapan niya.

Awaiting your orders, ma'am!

"Really? Ma'am? Mukha ba akong teacher sayo?" Tumaas ang kilay ni Sandra sa akin.

"Eh kasi kapag nagsasalita ka, parang nasa bootcamp na ako at ikaw ang CO ko."

"OA much? Candidate pa lang ako. Kita mo itong pin ko?" Tinuro niya ang COCC pin na nakasabit sa may itaas ng kanyang kaliwang dibdib.

...

...

...

And promise yun lang tinignan ko. Wala na akong hinahanap pang iba! I am a gentleman, you know? Leering at her at this point is too low, even for my standards.

But more than that, Naramdaman ko na there's more to it than her usual snark. When I look back at her, nakita ko that her eyes are constantly moving, parang may hinahanap pa siya mula sa bibig ko. And so, I just let her hear what she wants.

I gave her my honest opinion.

"Even so, dapat mina-manifest mo na ikaw ang susunod na CO sa batch natin. I think you deserve it naman. Hindi mo lang naman trip trip lang sumali, and kitang kita naman yung passion mo so why not? Kung ako adviser nyo, I will consider you as top sa pagpipilian."

Considering na kahit ngayon natatakot parin ako sa kanya kasi mukhang kayang kaya niya ako pagbuhul-buhulin na parang balloon art, she really shines kapag may drills ang mga COCC candidates.

And I can definitely respect her grind.

"... Do you really think that I can be our batch's CO next year?" Halos binulong ni Sandra yung tanong niya, and I am not sure kung dinirekta niya yun sa akin or sa sarili niya.

Pero bilang paladesisyon na ako, sumagot ako "It is as real as it can be if you believed in yourself. Now hindi ako eksperto pagdating sa CAT, but I think you will do fine. I mean, nag-stand attention ako kaagad, right? Kahit takot pa ako nun. That counts as something!"

Natulala lang sa akin si Sandra, and for a moment, parang nagsisi ako that I tried to crack a cheesy joke to her, pero nang marinig ko ang hikbi niya, nawala yung anxiety sa katawan ko. Humalakhak siya ng napakalakas habang hawak ang kanyang tyan.

"HAHAHAHAHAHAHA! I can't believe may narinig akong bagay na nagmamake sense from you!"

"Hoy, grabe ka naman! Matalino parin naman ako no!" Bakit may pag-atake ka? After kita icomfort, ito isusukli mo sa akin? Et tu Sandra?

"I know. Pero usually kasi kapag nagsasalita ka kahit sa classroom, puro kalokohan lang lumalabas sa bibig mo, lalo pag kasama mo yung bestfriend mo."

"Madalas nadadawit lang ako sa mga pakana ni Renzo." I tried to explain, pero tawa lang ang naaubatan kong reply mula sa kanya.

"Suuuuuuure." She shook her head from the aftershocks of her laughter bago siya humarap sa akin. At nabigla ako kasi this is the first time na nakita ko siya in a full bright smile, at parang natunaw ang buong paligid ko.

What the fuck happened? Nasaan yung masungit na Sandra na nakilala ko? And who's this fair creature na nasa harapan ko ngayon?

Bago pa ako magoverthink sa mga tanong ko, bigla siyang nagsalita "Pero alam mo, minsan naiinggit ako sayo."

...

...

...

Huh?

"Huh? Sa akin?"

"Oo. Kasi kapag nakikita kitang masaya, parang you don't give two shits about what others might say. You take control of your own life. Also, you're oozing with sincerity. You are wearing your heart on your sleeves, to the point na hindi ko kaya ikwestyon yung mga sinabi mo kanina. I can't help but believe you." Inamin ni Sandra sa akin, never breaking eye contact with me.

Is it just me o parang napakainit ng pakiramdam ko ngayon?

Hindi ko na rin kailangan humarap sa salamin para icheck kung namumula ako kasi sigurado akong para akong kamatis na handang gawing tomato paste. And the way she's staring at me isn't doing me any favors.

For a long time, iniimagine ko yung sarili ko na napapalibutan ng mga babae na kinikilala ako bilang mabait, pogi, sexy, atbp.

Pero ngayon at may isang babae na nagsasabi ng mga magagandang salita sa akin, wala akong maisip na sagot sa kanya. What the hell? Paano na ako makakahanap ng jowa niyan kung simpleng compliment nila tameme na ako?

"Ganun ba? Haha, baka sinasabi mo lang yan para makaiskor ka sa aki-" I tried to tell another joke para mawala yung hiya pero her determination stopped me midway.

"No, I mean it. Ako nga hirap magkaroon ng kaibigan. Takot ang mga tao sa akin kaya usually mag-isa ako. Hindi ko rin maexpress yung sarili ko ng maayos. To someone plain and reclusive like me, para kang ilaw that we can't help but admire." Shet, bakit parang naglalagablab yung tingin mo habang sinasabi yan? Sincerity? Parang that's more your personality than mine. Kasi I can see clearly what you mean.

Muntik na ako mahulog sa mala-dagat mong mata!

Almost, pero there's this one tiny thing that bugs me. Although I am highly elated about sa mga sinabi niya sa akin, at nagsisi akong hindi nirecord man lang, ayoko na may hinahatak na taong pababa just to compliment me, kahit na ako yung magbenefit.

That's not how you should see yourself Sandra.

"Thank you, really. Hindi ako sanay na maraming magagandang sinasabi ang isang tao sa akin. Usually kasi puro reklamo lang o kaya hampas mula sa nanay ko ang nakukuha ko, kaya I truly appreciate that."

Sinubukan magsalita ulit si Sandra pero inunahan ko na siya kaya dinugtong ko "And you shouldn't sell yourself short, too! You're an amazing person Sandra. One time noong nakita ko nagdidrills kayo sa ilalim ng initan, I can't help but be mesmerized with you."

Any words that she wanted to say died out nang shinare ko kung anong saloobin ko about her.

"Mas sincere ka with whatever you do, whether it is from CAT or even your studies. Meron kang disiplina sa sarili mo and quite frankly, I really admire and respect your drive."

"Pero-" Yumuko siya at tumingin sa lupa. Hindi na siya pumapalag pa kaya nagpatuloy ako sa mga naiisip ko. My goal right now is to make her see that she's more than what she sees herself as.

"Totoo nga na nakakatakot ka talaga kasi bihira ka ngumiti kapag nasa school ka. And dahil nga candidate ka, may extra intimidation points. But if even a fraction of what I saw here now ang makikita nila, I can guarantee you na magbabago tingin nila sayo."

Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Halos napatalon siya sa gulat, pero at least ngayon nakaharap na siya ulit sa akin.

"So don't sell yourself short. HIndi ka plain, hindi ka solitary. You are a one of a kind. May sarili kang worth na walang makakatanggal niyan sayo. Not me, not anyone else."

...

...

...

Hindi ko alam kung gaano katagal kami nagtinginan sa isa't isa. Maybe seconds, maybe even minutes na ang nakakalipas. Pero ang alam ko lang is after a long period of silence, biglang humikbi si Sandra.

Halu-halong emosyon ang nakikita ko. Tumatawa siya pero napansin ko na may maliliit na luha ang namumuo sa may gilid ng mata niya. Tinapik niya ng mahina ang kamay ko pero ramdam ko yung pagnginig ng kanyang kamay.

Dati, kinakatakutan ko si Sandra Marasigan dahil sa kanyang eternal Resting Bitch Face, pero ngayon hindi na dahil there's more to her than just a cold arctic flower.

She feels real to me now.

...

...

...

Wait, does this mean na ito na ang pinakahihintay kong event para magkaroon na ako ng jowa? Is this the moment that I am waiting for?

"... Ito ba yung linyang ginagamit mo para matupad yung pangarap mong magkaroon ng jowa?" Bigla siyang sumagot matapos punasan ang mga luha sa mata niya.

"Well... who knows? Is it working?" Tinanong ko siya habang sinusubukan kong pagalawin yung mga kilay ko. Pero syempre hindi ako tulad ng mga matinee idols sa TV, kaya imbes na alon, mukhang constipated na uod siya,

Tumawa siya ulit at tinapik niya ang braso ko. "Hahaha, baliw! Sinabi ko lang na tinitingala lang kita. Don't get your hopes up."

Welp, GGWP.

Sabi ko na nga ba eh.Bakit ba ako masyado assuming? Of course ngayon lang kami nagusap ng masinsinan. Bahagyang bumaba ang mga balikat ko sa konting lungkot. Ang masakit pa, napansin ni Sandra ito at tumawa siya muli.

AAAAAAAAAAAAAA, YOU BETRAYED ME!

"Wag ka na ma-sad, I did enjoy our talk. Next time, wag ka masyado magpasindak sa mga kwento-kwento. Mas nakakapogi yung hindi tatakutin."

And before nagsink in yung sinabi niya, tumindig siya ng tuwid sa harap ko at sumaludo sa akin. With a smile, may binigkas siya sa akin in her clear voice:

"Sir, secrecy, sir! Sir what you see, what hear, what you feel, when you leave, leave it here, sir!"

And with that, tumalikod siya at nagumpisang maglakad palayo sa akin without looking back. I remember na may listahan sila ng mga phrases that they need to memorize bago magstart mga drills nila, pero hindi ko nakuha yung exact na sinabi niya.

Fuck, gusto ko sana sabihin pabalik sa kanya.

"Sandali lang Sandra! Ah Secrecy! What you see, what you feel, what you listen, you look, and listen and learn... Ah, mali! Wait!"

Wala na siya sa paningin ko pero naririnig ko ang tawa niya mula sa corridor. Teka lang naman oh! Gusto ko matutunan yung sinabi niya. Nagmamadali ka ba ate?

Oh well, kanina pa naghihintay si Renzo sa akin, kaya nagumpisa na ako maglakad din at umuwi na mula sa school. Manonood pa ako ng series para mapahinga din ako.

Ciao!

Taas kamay ng mga batang laki sa CAT/COCC?

Lahat ng mga bumoto at naglike ng story na ito ay matitikas, kaya exempted na kayo sa classes nyo LOL! Ang mga hindi pa... Ano pang hinihintay niyo? Vote na!

Thanks for reading!

DeMorgansLawcreators' thoughts