webnovel

1. What Philippine bread has butter, grated cheese and sugar on top?

"Kaya yun, iniisip ko na sinayang ko lang yung bakasyon, kaya plinano ko na humanap ng jowa ngayong school year. Tulungan mo ako Pedro." Nilagay ko ang kamay ko sa balikat ng kaibigan ko.

"Same, JM. Pero teka sino si Pedro" Tanong ni Renzo habang nakataas ang kilay nya sakin.

"Yung taong nakatira sa loob ng utak ko."

"Guard may baliw dito. Di kita kilala, gago." Tinapik nya yung kamay ko habang lumayo ng konti.

Alam kong huling araw na bago magpasukan ulit bukas, pero gusto ko muna magpalamig sa mall. Walang hiya kasi yung mga nakikinig ng "Ama Namin Remix" kaya umiinit sa Pilipinas. Rinig na rinig ko na ang tawa ng demonyo. Mea Culpa!

Anyway, dahil weekend narin ngayon, maraming tao sa mall ngayon. At syempre, bukod sa pamilya na kakagaling lang ng simbahan, puno rin ang lugar ng mga mag-syota na hindi mawalay sa isa't-isa.

Again, maghihiwalay din kayo mga ungas!

Sorry, force of habit.

Huminga ako ng malalim bago bumalik paningin ko kay Renzo. Renzo Cerillo, kababata ko simula noong kindergarten. Basta sa kalokohan, alam kong magkakasundo kami. Una kami nagkita noong art class. Noong una kong nakita na kumakain din siya ng mumurahing glue na nanggaling sa tapat na tindahan at nataranta ang teacher namin, naramdaman ko na kaagad na magkakasundo na kami.

Although ngayon siyempre hindi na namin ginagawa yun.

...

...

...

I think.

...

...

...

Okay, hindi ko sinasadya yung last week! Pinagtripan lang ako. LASA KASING DINUROG NA KANIN YUNG PASTE! AKALA KO LUGAW!

"Alam mo Renzo, hindi lang gusto natin magkajowa. KAILANGAN natin ng shawty, you feel me? Bakit lagi na lang tayo wala?"

Napaisip siya habang nakahalumbaba. "Dahil naiintimidate ang mga chikas sa sobra nating kagwapuhan?"

"Guard, may baliw dito." Sambit ko habang ako naman ang lumayo sa kanya.

"Kapal ng mukha mo JM! Ikaw nga tong kumakain parin ng kulangot sa harap ng mga tao. Minsan pa nga pinapahid mo pa sa pader eh."

"Akala mo naman kung sinong Einstein. Ikaw nga yung dumidila sa dulo ng lapis!"

"Suntukan na lang ano?" Biglang pabiro nya akong tinulak.

Sa mata ng iba, mukha kaming nagaaway, pero alam namin sa isa't-isa na laro lang ito. Tamang topak lang kami. Kami kami lang din naman ang nakakaintindi sa mga sarili namin, kaya alam namin saan kami mapipikon.

Pero hindi totoo yung sa kulangot ah!

Matapos makipagsagian ng siko, bumalik kami sa panonood ng mga tao sa paligid namin. May napansin kami may tatlong babae naglalakad sa harap namin. Medyo hapit ang skirt ng isa, at dahil isa akong hamak na batang nasa kalagitnaan ng pagbibinata, hindi ko maiwasang mapatingin at magpasalamat sa biyayang pinakita.

Again, walang malisya, purong pilosopikal lang. Sadyang napakaganda ng mundo natin talaga!

"Feel ko type ako ng babaeng yun. Parang gusto nya maging jowa ko."

Tumingin sakin si Renzo ng saglit bago siya bumulyaw sa tawa "HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sige nga lapitan mo sila."

"Wanna bet?"

"Go, kung kaya mo."

Tawagin mo na ako ng lahat, pero huwag lang ang duwag. Little known fact, ako ang siga (self-proclaimed) sa bahay namin. Hindi ako takot sa nanay ko noh!

...

Joke lang yun, Ma!

Anyway, since pinangako ko sa sarili ko na magkakaroon ako ng jowa, hindi ako dapat matakot makipagusap sa mga babae. Kailangan makita ng lahat ng mga chicks sa buong mundo ang aking gandang lalaki.

Kung kaya't lumapit ako sa grupo ng mga babae, na ngayo'y nakaupo sa loob ng isang kilalang cafe na itatago ko sa pangalang "Bituing Mga Likod".

Inadjust ko ng konti yung kwelyo ng T-Shirt ko. Kelangan nila makita yung mukha ng Congressman ng distrito namin sa damit ko. Tumaas ang kilay ng tatlong tao sa harap ko.

Yes, kuha ko na ang atensyon nila.

Sumandal ako sa lamesa nila, hinanda ko ang pinaka "sexy voice" ko, at sinabi ang linyang ilang beses ko na prinactice sa isip ko:

...

...

"Miss, I can't help but be mesmerized by your face. Parang may bangaw na dumapo sa aso ko."

...

...

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero may tatlong marka ng kamay sa mga pisngi ko. Bakit nila tinawag yung mga staff sa cafe? Sinabi ko lang naman na dinapuan yung aso namin kasi napakatamis ng dugo niya.

Ang hirap naman intindihin ng mga babae.

Para hindi na magkagulo pa, dali-dali na akong lumayo sa grupo at sa kapihan at bumalik sa nakangisi kong kaibigan. Hinaplos ko ang pisngi ko habang nagsabi "Di ko talaga sila maintindihan. Saan ba ako nagkamali?"

"Tanga! Sino bang matutuwa kapag sinabihan mong bangaw yung tao?"

"Gusto ko lang naman sabihin na sweet sila tulad ng dugo ng aso kong diabetic!"

"HAHAHAHAHA! Laptrip ka talaga!" Kung makatawa itong hayop na ito akala mo kung sinong magaling. Ikaw kaya lumapit sa kanila?

"Tangina mo talaga Renzo. Sana hindi masarap ulam mo mamaya."

Hindi siya bumanat pero patuloy parin siya tumawa. Ngayon napagtanto ko rin na bakit ako nagkaroon ng kaibingang tulad niya. Pero siguro nga, the apple does not fall down far from the tree. Pareho lang naman kaming kengkoy kaya no wonder kami lagi magkasama.

"Pero seryoso, bakit naman bangaw sinabi mo? Andaming pick-up lines na pwede gamitin, yung insekto pa ginamit mo?"

"Sige ikaw kaya mauna para maranasan mo kung gaano kahirap?"

"Eh ikaw kaya yung may pangakong magkajowa daw ngayon! Pakita mo sa akin na kaya mo para susunod ako."

Aray, may point din siya. Total ako lang din naman yung nagumpisa, so why not, diba? Pero that besides the point, Wala naman ako masyadong kinakatakutan. Kayang kaya ko humarap sa kanila. Ang problem ko ay lagi na lang sila nagagalit kapag binubuksan ko na bibig ko, and I don't know why. Hindi naman ako bad breath at alam kong nagtu-toothbrush ako three times a day.

Sige, round two!

Syempre, hindi na ako babalik sa tatlong naunang babae, kaya umalis kami sa kinauupuan namin at pumunta sa food court. Dahil dapit-hapon narin naman, unti unting dumadami ang tao para maghapunan.

"Ayun may medyo maganda sa bandang dulo. Mag Jak-En-Poy tayo Renzo. Matalo siya lalapit."

"Sure!" Hinanda niya yung kamao niya at tinapat niya ito sa akin. Nagbilang kami ng tatlo sabay bagsak at sigaw.

Jak...

En...

Poy!

...

...

"... Tangina naman JM, ano yan?"

"Finger of God. Talo yang bato mo."

"Abnormal ang kupal! Elementary ka parin ba? Bilisan mo at lapitan mo na siya!" Biglang tinulak ako ni Renzo palayo sa kanya. Ito naman hindi mabiro. Dati nga kung ano-ano pa iniimbento namin sa laro. Pero sige, para sa pangarap ko, I will try my shot with her as well.

Para sa maggiging "Nice one, baby" ko! Gagawin ko na. Fighting!

Dahan-dahan ako lumapit sa babaeng halatang naka-uniform. Siguro nagpart-time siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makatingin sa kanya ng maayos, siguro dahil sa sobrang lakas ng aura niya. Ito na ang pinakamalakas na Armament Haki na nararamdaman ko.

Luffy, tulungan mo ako!

"Miss, excuse me. Do you have a minute. I just noticed you here and I can't help but say you're pretty. I'd like to-"

"Hi, sir! Try nyo po yu-"

...

...

...

Biglang nanuyo yung lalamunan ko. At sure ako siya rin nagulat dahil yung itim ng mata nya lumiit. Sa lahat ng pwede ko lapitan na babae, siya yung pinakahuli sa listahan ko. "J-Ja-"

"Aba JM, nandito ka." Biglang siyang nagsalita habang unti-unting narerealize niya kung anong nangyayare "Hmmm, I'm pretty? May gusto ka bang aminin sakin huh?"

Nanginig ako nung napansin ko lumalaki na ang ngiti niya sakin. Hindi siya yung demure or pa-cute na ngiti, pero isa itong ngiwi ng isang drug lord na alam niyang solo nya ang teritoryo niya. Putcha, bistado na ako.

"Jamiel! Ha?"

"Wag mo akong i-ha jan. At isa pa kung gusto mo makascore, at least dapat tumingin ka sa mata nila." Pang-asar niyang tira sa akin.

"Gago hindi ko ginustong landiin ka. In your dreams!" Nagpapawis akong bumanat sa kanya, pero sa kasamaang palad, walang epekto sa kanya.

"Ulul, as if papatol sayo. Aminin mo na na-fall ka sakin." Diniin ni Jamiel sabay hawi sa kanyang buhok. At lalong kumulo ang dugo ko.

Hindi ko naman maitatanggi na may itsura siya. At base sa amoy ng buhok niya, mamahaling shampoo ang gamit. Again, hindi ako nagnanasa, sadyang pinaamoy niya sakin dahil todo hawi siya sa buhok niya!

Chinita na medyo matangkad. Sa panlabas na itsura, masasabi na sinalo niya ang kagandahan nang nagpaulan ang Diyos. Pero mas matalino ako. Alam ko ang baho ng ugali niya sa likod ng kanyang mala-porselanang kutis at madulas na buhok.

Buking ka na sakin.

"Naniwala ka naman. Sinabihan lang ako ni Renzo na lapitan ka kasi may lihim na pagtingin siya sayo."

"Wag mo ako idamay sa love story niyo!" Biglang sumingit si Renzo sa likod namin. Tumawa lang si Jam sa kanya. Ako? Ka love team siya? Patayin niyo na lang ako.

"Whatever. So bakit nga kayo nandito ng Linggo ng gabi? Diba may pasok pa kayo bukas? Tapos kumakausap kayo ng kung sino sinong babae. Ano to may gustong magcontent sa IkawTube?" Tinanong ni Jam.

Tumingin ako kay Renzo, at tahimik kami nagkaintindihan. Hindi ko dapat kinakahiya ang pangarap ko, kahit na sa taong kinasusuklam ko pa ito sabihin. Kaya huminga ako ng malalim at inamin:

"Hindi... Naghahanap ako ng jowa. Seryoso ako."

...

...

...

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Biglang humalakhak ang babae sa harap namin. "Tangina, seryoso kayo? May sayad na ba talaga kayo? HAHAHAHAHA!"

....

PUTANGINAAAAAAAAAA! PUTANGINA MO TALAGA JAM! Di ka mahal ng nanay mo!

Kelangan mo ba bumulwak sa tawa huh? Hindi mo alam kung gaano kasakit yang tawa mo eh! Seryoso ako sa pangarap ko! Am I not allowed to dream? Di ko na nga napansin na napapaluha na mga mata ko.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko na imbes na tulungan ako ni Renzo, sumabay din siya sa pagtawa.

TRAYDOOOOOOOOR!

"G-Gago, kapag may nakita talaga akong jowa, 'who you' kayong lahat sakin!" Bumanat ako, pero walang epek dahil tawa parin sila ng tawa.

Ngayon narealize ko na I am truly alone. No once can understand my pain!

Habang ako nagluluksa sa isip ko, biglang sumingit si Jam matapos tumawa "Sige lang, aabangan ko yan, pero seryoso, hindi ba marami ka pang kailangang i-prepare para bukas? Maguumpisa na ang klase. Kailangan mo pumasok sa unang school ceremony."

"Alam ko, at simula bukas, mga third year na tayo. Narealize ko ngayon na ilang taon na lang natitira bago grumaduate, kaya nga naisip ko maghanap ng maggiging jowa. At wala na akong pake kung tumawa kayo, basta gusto ko lang magkaroon ng kahit isang guhit lang ng pag-ibig bago matapos ang buhay high school ko."

And what I shared with them has some truth in it. Ito na ang huling taon ko para magrelax at magenjoy. Once I start fourth year, malulunod na ako with college entrance exams, graduation rites, etc. Matatapos na lang sa isang iglap ang taon, kaya I should find a girlfriend right now.

"Ahh, sa true lang. Ito na ang huling taon namin para magsaya." Dagdag ni Renzo.

Nagulat ako nang tumungo si Jam sa sinabi namin. "Totoo naman. Critical year nyo na talaga. Maraming umiiyak dahil yung crush nila dati may boyfriend na nung nagumpisa na yung klase."

"... Tangina ninyo ah. Ungkatan ng past?" Nakasimangot na sagot ni Renzo. Payback's a bitch no? Kala mo ako lang may dark past?

"Oo, marami na akong nakitang ganyan. May isang lalaki may gusto sa isang babae. Masyadong torpe kaya hindi siya umamin. Nung nagsecond year kami nakita nya may kaakbay na siyang lalaki." Dinugtong ko yung sinabi ni Jam.

Siguro malakas ang pakiramdam ni Jam pagdating sa kalokohan kasi agad siya nagpasaring na "Ang pinakamalala pa diyan is kapag nangyari yun sa mga inosenteng babae. Yung pagbalik ng klase, yung dating mahinhin nagpakulay ng buhok at pinaikli na yung skirt nya para sa baby nya~"

"Ayoko naaaaaaa!" Biglang umiyak ang kaibigan ko. At sa ikailaliman ng puso ko, naiintindihan ko siya. Kapag hindi ka 'in', usually kinalimutan ka na at laging ipapaalala sayo ang realidad na survival of the fittest ang social hierarchy ng school.

"Anyway, as you can see, busy ako sa trabaho ko ngayon." Hinarap ni Jamiel ang dala niyang tray na puno ng maliliit na hinating ensaymada. "Nagpart-time ako sa bakery na ito, at may free taste kaming ensaymada para sa opening. Last day ko narin naman dito dahil may pasok na tayo."

Inabutan niya kami ng tig-isang tinapay at nagpayo "Personally, alam kong hindi kayo masyadong gamay kung paano pumick-up, pero at least mukha naman kayo determinado, kaya good luck! Baka kasi mapagmalan kayong kriminal!"

Ay wow.

"Ewan ko sayo. Uuwi na ako. Bahala ka na diyan." Kinuha ko yung ensaymada at lumingon paalis sa kanya. Gabi na rin at kelangan ko na umuwi, kaya nagmamadali na kami ni Renzo lumabas ng mall.

Pero bago pa man ako nakalabas, narinig ko ang sigaw ni Jamiel "Ingat sa pag-uwi, Assistant Secretary Joemarie Labastida! Tanga ka pa naman maglakad."

Hindi na ako lumingon, bagkus ang sagot ko na lang ay tinaas ko ang kamay ko at binigyan siya ng middle finger.

PAKYU JAMIEL HAN!

Mapayapa naman ang lakad ko pauwi. Hindi ko na rin naman kailangan magcommute since tawid lang ng bahay namin yung mall. Halos magkahilera lang naman bahay namin ni Renz kaya sabay na kami umuwi.

"Oo nga pala JM, siguro hindi na tayo makakalaro tulad ng dati. Nasa Student Government ka na eh. Magiging busy ka na." Sabi niya habang binuksan ang binigay na tinapay kanina. Kumalam narin yung tyan ko kaya kinain ko narin yung akin.

"Hindi yan. Makakalaro parin naman tayo niyan. Lalo na sa kung anong nangyare nung... Alam mo na?" Hindi ko parin kaya sabihin ang pangalan niya, pero nagets parin ito ni Renzo, kaya tumungo siya,

"Oo, alam ko. Kaya siguro ayaw mo rin muna tumagal doon noh?"

"... Oo. Actually hindi ko alam kung paano ako haharap bukas. Masyado pang bago yung sugat eh. Hindi ko din alam kung itutuloy ko pa."

"Sayang din naman kung magba-backout ka. Kaya ka binoto kasi alam namin passion mo tumulong sa tao. Siyempre, ikaw ang susunod na president next election. Kaya push mo na iyan. Para sa sarili mo."

"... Thanks pre." Ilang minuto bago ako nakasagot sa kanya. Hindi na siya nagsalita, bagkus nilagay niya ang kamay nya sa balikat ko. Kadalasan talaga puro katarantaduhan usapan namin, pero pinaka-naappreciate ko si Renzo sa mga ganitong usapan.

Alam kong bobo ka sa mga subjects natin, pero pagdating sa pagkakaibigan, ikaw ang top sa listahan ko Renzo!

Hindi rin nagtagal bago namin narating mga tahanan namin. Alam kong nasa barangay hall pa si Ma at nasa trabaho si Tay, kaya magisa lang muna ako sa bahay.

Coincidentally, nakakamangha lang talaga kasi minsan yung pagod tsaka mo lang mararamdaman kapag nakahiga ka na. Dahil pagkasampa ko kagad sa akin, biglang nanghina buo kong katawan.

What the fuuuuuuuu-

Mukhang hindi muna ako makakalaro dahil bumibigat na kagad yung mga mata ko. Magpapahinga na siguro muna ako.

Hindi parin maalis sa isip ko ang mga pwedeng mangyari bukas. Una sa lahat, ang aking nabigong 'confession' sa kanya, ang tanging dahilan bakit ako tumakbo at nanalo bilang Assistant Secretary sa Student Government. Sariwa parin pala yung sugat ko.

Ano ba gagawin ko kapag nakita ko siya ulit?

May magagawa pa ba ako para makalimutan siya?

Napaisip ako sa pangarap ko. Sino ba ang maggiging ideal jowa ko? Ano ba gusto ko? Morena? Puti? Matangkad? Mabait? Magaling kumanta? Dating Binibining Pilipinas contestant? Kaya bumuo ng robot?

At sa isang saglit, biglang nagpakita ang mukha ni Jamiel sakin.

Walang hiyang utak to.

Kahit magunaw ang mundo ngayon at kaming 2 matitira, I will still say no to her. Especially kung wala na kaming ginawa kundi pagtripan ang isa't-isa. Siguro buti na lang at nasa student government ako dahil makakaiwas ako sa kanya.

Natalo siya at nanalo ako.

Maggiging busy ako, so less chances of seeing her.

...

...

Yes, siguro dapat ganito na lang pagiisip ko para may saysay yung pagpasok ko. At yan na ang huling nasa isip ko bago ako kunin ng aking tulog, hoping na bukas maumpisahan na niya ang kanyang plano.

...

...

Pero in fairness, masarap din yung ensaymada. Bilhan ko si Ma bukas nun.

So, here's the prologue so that you can have an idea of what to expect sa story na ito. Havey? Waley? Let me know sa comments! Kung nagustuhan mo ito, don't forget to support me and this story! Thanks for reading!

DeMorgansLawcreators' thoughts