webnovel

I Become The Villainess Of My Own Story

Isa siyang babaeng manunulat na kahit isa ay wala pang natatapos na nobela. Hanggang isang araw, dahil sa determinasyon nyang makatapos nang isang nobela, magdamag siyang gumawa at pagkagising niya kina-umagahan, naging Villain na siya sa istoryang ginawa niya!

blveoxeann · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 3

Napabuntong-hininga nalang si Cassandra habang nakikinig sa sinasabi ni Lin. Wala na siyang magawa kundi ang makinig nalang dahil anytime, iiyak si Lin kapag hindi niya ito pinakinggan.

"Miss, are you okay? " tanong ni Emily kay Cassandra. Tumango naman si Cassandra kahit na hindi siya okay dahil kay Lin... Bakit ko nga ba yun pinili?!

Sa hindi kalayuan, nakita naman ni Cassandra ang isang magandang karwahe at may rosas ito bilang tanda ng pamilya at dahil doon ay kaagad na tumayo si Cassandra at dali-daling umalis ng boutique pero hindi siya hinayaan ni Lin.

"Where are you going?? " taka nitong tanong.

"I'm going home"

"But... "

Napatampal nalang si Cassandra saka hinawakan ang balikat ni Lin. "I really need to go. We can still see each other, okay? "

Tumango naman si Lin saka pinunasan yung luha niya. Kaagad namang pumasok si Cassandra sa karwahe at umalis sila in time! Hindi siya naabutan ni Abigail! Nakita naman niyang kumaway si Lin kaya't kumaway rin siya pabalik.

Pagkaalis na sila ay pumasok naman si Abigail sa boutique at doon, naghanap rin siya nung parehas kay Cassandra pero wala na. Nag-iisa lang kasi iyon.

Nagulat naman si Abigail kasi hindi ito yung naalala niyang eksena. Ang naalala niya ay meron pa nun at sa kanya lang iyon. Oo, may mga alaala na si Abigail sa mga eksena sa nobela. Bali, naging aware na siya sa mga nangyayari. 'Bakit kaya wala na yun? Sinong bumili? '

Nakita naman ni Abigail si Lin at napangiti naman si Abigail. Babatiin niya na sana si Lin pero nilagpasan lang siya nito with a no-emotion-face. Nagulat naman si Abigail at tumingin sa likod ni Lin. 'What did just happen?! '

Sa kabilang dako, nakabalik na sila Cassandra sa mansyon. Pagkapasok ay kaagad na bumungad sa kanya ang dalawang lalaking nag-uusap. Napatingin rin sa kanya ang dalawang lalaki which is si Wyn at Neo Francis!

"Ang tagal mo ata? " takang tanong ni Wyn kay Cassandra. Napatampal naman si Cassandra nang maalala yung nangyari.

Tumuwid naman si Cassandra ng maayos saka yumuko.

"Good Afternoon, Mr. Neo Francis" bati ni Cassandra kay Neo at yumuko rin naman si Neo.

"Good Afternoon too, Ms. Cassandra Daniel" bati rin ni Neo kay Cassandra.

"I'll excuse myself. Sorry if I disturb the two of you" huling sabi ni Cassandra bago pumunta sa kwarto niya.

Napatingin naman si Neo sa papalayong rebulto ni Cassandra. "She change"

"Told you. Ayaw mo pang maniwala" natatawang sabi ni Wyn kay Neo. Umupo ulit ang dalawa sa couch.

"Well, how's the date? " tanong ni Neo kay Wyn.

"Pfft—you won't believe if I say na she break the engagement " sabi ni Wyn habang pilit na pinipigilan ang tawa.

Nagtaka naman si Neo dahil sa sinabi ni Wyn dahil that girl was so obsessed of Wyn na kayang kaya niyang gawin ang lahat para kay Wyn but now, siya mismo ang nag break sa engagement?

"How's that even possible? We already knew na obsessed na obsessed sa'yo si Ms. Andra" takang tanong ni Neo kay Wyn.

"It's because of Cassandra! I never thought na may pake pala siya kapag may kasama akong babae. Alam mo namang wala yung pake sa'kin and it's the same for me but now, I'm very thankful for her"

"So you accept her as your sister now? "

"Hmm... Not a hundred percent but I can say, yes. She change so why not? "

Habang nag-uusap ang dalawa sa salas, si Cassandra naman ay nakahilata sa bed niya at nag-iisip ng pwedeng gawin sa birthday ng King. Dapat niya rin kasing ilayo ang Crown Prince kay Abigail... 'Ano ba yan! Sana pala hindi ko nalang sila pinagsama kung ihihiwalay ko din naman sila! '

Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkagutom kaya't tinawag ni Cassandra si Emily para kumuha ng pagkain. Habang naghihintay kay Emily ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo pero nawala rin. 'Ano yun? '

Dumating rin naman si Emily kaya't kumain na siya dahil nagugutom na talaga siya. Habang kumakain ay bigla namang dumating naman si Wyn.

"Oh? May kailangan ka, Young Master? " takang tanong ni Cassandra kay Wyn. Pumasok naman si Wyn sa loob ng kwarto niya saka pumwesto sa tapat ni Cassandra. "Young Master? "

"Ehem! You can call me... brother.. " sabi ni Wyn kay Cassandra pero mahina yung pagkakasabi niya nang brother. Napakunot-noo naman si Cassandra kasi hindi niya madinig yung sinabi ni Wyn.

"Young Master? I can't hear what you just say. Can you repeat—"

"I said you can call me brother" ang kaagad na sabi ni Wyn saka lumabas sa kwarto ni Cassandra. Napatulala naman si Cassandra. 'Wala naman akong maalalang nagsulat ako ng scene kung saan sinabi ni Wyn na pwede siyang tawaging 'kuya' ni Cassandra. That means, success? Mababago na ang future ni Cassandra? Yes! '

Masayang-masaya si Cassandra hanggang sa bigla na naman siyang nakaramdam ng hilo at sabay doon ang pag-ubo niya ng dugo. Wala itong tigil at ngayon lang niya naalala na meron nga palang sakit si Cassandra! Bigla namang nanlabo ang paningin niya at huling nakita niya si Wyn sa labas ng pintuan at gulat na gulat.

Mahigit pitong oras na at hindi pa rin gumigising si Cassandra. Sobrang nag-aalala na sina Wyn at ang Duke dahil rito. Pinatingin na rin nila si Cassandra sa physician na kilala nila pero wala itong alam kung anong kondisyon ni Cassandra. Nagalit nga si Wyn dahil roon.

"Hey, pwede bang gumising ka na? " usap ni Wyn kay Cassandra na unconscious pa rin. "Damn. Bakit hindi mo sinabing may ganito ka palang sakit? "

Pero alam naman niya kung bakit hindi sinabi ni Cassandra sa kanila ang sakit na ito dahil nga ay hindi nila ito tinuring na pamilya. Sinasaktan at minamaliit nila si Cassandra at doon, napa-iyak nalang si Wyn.

Kahit na iba ang ina nila ay magkapatid pa rin sila kasi parehong dumadaloy sa dugo nila ang dugo ng duke. 'Bastard! Bastard! You're a bastard, Wyn! '

"Crybaby... "

Agad namang napatingin si Wyn kay Cassandra na hinang-hina pa rin. His heart beats fast and somehow, he felt happy.

"Y-you're awake?! Right?? "

"Argh.. Ang ingay... mo" mahinang sabi ni Cassandra habang nakapikit ang mata niya.

"Bakit nakapikit yang mata mo? Imulat mo yan! " kinakabahang sabi ni Wyn saka pilit na pinapamulat ang mata ni Cassandra at dahil sa inis ay bumangon si Cassandra dahilan para magtama ang noo nila. "Argh..! " daing ni Wyn habang hinihimas ang noo niya.

"Kitang nagpapahinga yung tao tas gagambalain mo?? Ginagamit mo ba yang utak mo, kuya?? " inis na tanong ni Cassandra kay Wyn at napakunot-noo nalang si Wyn.

"Yah! How dare you talk to me like that? I'm still your older brother! "

"Sabi nga nila, gambalain mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising! " inis na sabi ni Cassandra saka tumayo. Nagulat naman si Wyn saka pinahiga ulit si Cassandra. "Ay! Ano ba! "

"Bawal kapang tumayo! You still need to rest! " sabi ni Wyn habang pinipigilan si Cassandra na tumayo. "Ano ba! Makinig ka nga! "

"Paano ako makikinig sa'yo eh sasabog na ang pantog ko! " sigaw ni Cassandra na ikinatigil ni Wyn. Nakatitig lang siya sa inis na mukha ni Cassandra. "Kuya! "

Nagising naman sa reyalidad si Wyn nang sigawan siya ni Cassandra kaya't nabitawan ni Wyn si Cassandra. Dali-dali namang pumunta sa banyo si Cassandra habang si Wyn naman ay umalis na dahil sa pagkahiya.

Pagkalabas ni Cassandra, nagtaka naman siya dahil wala na si Wyn. Hindi niya nalang iyon pinansin at humilata sa kama niya at inisip yung nakita niya habang nakatulog siya. It was the young Cassandra na hindi niya sinulat. Yung mga nakaraan ni Cassandra na hindi alam ng manunulat. Pero bakit kaya niya yun nakita? Yan ang tanong sa isip ngayon ni Cassandra kasi wala sa alaala niya na isinulat niya ang nakaraan ni Cassandra and because of that, mas naguguluhan pa siya kung nasa nobela ba siya o isang mundo na parallel sa mundo niya.