1 I'm Totally Lockdown

Pagmamahalan, hanggang saan ba kita susukatin,

Patuloy lang naman umuusad bawat mundong ating ginagalawan.

Nalilito na kung patuloy pa ba akong hahakbang.

Mundong ka'y ilap sa salitang dapat na nag uugnay sa atin dalawa.

Madalas tayong iligaw sa daang masukal.

kailan ba magtatagpo ating landas.

Sa daan na pareho nating tinatahak, hindi yata uso ang itinadhana.

pinagtagpo lang ika nga nila.

pero sa daan ito, hindi ko hahayaang magwagi ang salitang pinagtagpo ngunit hindi itinadha,

Dahil sa pagmamahal na pursigido.

Ang puso natin ang magwawagi sa panahon na tayo ang magkatabi.

Hadlangan man ng bawat alon sa dagat.

Bawat pag usig ng panahon.

Bawat kadahilanan na tayo'y hindi para sa isa't isa.

Pag ang pagmamahal ang nagwagi, kahit talunan hindi makakatanggi.

Lalo na kung may selyo na ang pangalan mo ng apilyido ko.

Next chapter