webnovel

Chapter 4

Xian's POV

"WHAT?!" sabay naming sambit ni Lea

"What are you saying Grandma?" tanong ko ng may pagkahalong inis

'Tss. Sinasabi na nga ba eh, sya ata yung nasa propesiya. Ayoko ng ganito!'

"Huh? Ano bang pinagsasasabi nyo? S-Si Xian, dragon? Akala ko demonyo yan" usal ni Lea

'How idiot'

"Di ko alam ba mahina pala ang utak ng magiging asawa mo, Xian." pabirong saad ni Grandma

"Aba, sumosobra ka nang Pwet Lady ka ahh! Malay ko ba dyan sa mga kaek-ekan ng mga pinagsasasabi nyo. Andami nyo kaseng kalokohan!"sigaw ni Lea

Hinampas ang mesa at biglang tumayo.

"Hoy babae, wag na wag mong pagtataasan ng boses ang Grandma ko dahil ako ang makakalaban mo" sigaw ko

'Bastusin nya na ako wag lang ang lola ko.'

"Huh! So, anong gagawin mo kapag minura ko yang Pwet Lady nayan?"

'Curse you, Lea! Rot in Hell!'

"You'll die" walang ekspresyong sambit ko

"Okay, let's move on"

"Hoy matandang hukluban! Akala mo kung sino kang makapagsabi kung sino ang pakakasalan ko eh, kaano ano ba kita? Kahit nanay ko di pwdeng manghula kung sino ang papakasalan ko. At hoy, pwet lady. Kung natitipuhan mo ako para sa apo mo, abay tangina ka--"

Hindi ko na siya pinatapos at tinuro ko lang ang pintuan.

"Get out!" sigaw ko.

'Lea, how dare you. I gave you a warning!'

"Narinig mo yun, Pwet Lady? Get out daw. So, shupi"

"What the fvck is your problem huh?"

Di na ako makapagtimpi sayo.

"Ako? Ikaw ang problema ko"

"And your mouth is my problem. So big and yet so noisy"

Biglang sumiklab ang apoy sa mga kandila sa mesa.

"Sit down. Both of you!" galit na hayag ni Grandma

"Nyanyanya" bulong ni Lea

"Ikaw, Xian. Watch your mouth. Tigilan mo ang pagpatol sa babae. Di ko gusto ang inasal mo kanina. Di kita pinalaking ganyan!"

'Huh?'

Nagulat naman ako sa inasal ni lola ngayon.

'I cant believe this! Bat kinakampihan nya pa yung nambabastos sa kanya?'

"But--"

"No buts!. And you ija, san ka nga pala nanggaling?"

'Why is she acting so serious on me? Ganito ba talaga kaseryoso ang pagpapakasal ko?'

Lea's POV

'Takte tong lalaking to. Walang kwenta. Hanggang kailan kaya ako pagbabantaan nyan?'

Tumingin lang ako sa lola niya at napaisip. Bakit kaya ang bata bata pa ng lola niya? Parang kasing-edad lang ni mama. Anyare?

"Mundo ng mga tao, I think" sagot ko

"Humans, oh I see! Nandon ang mga amiga ko dati" sagot niya

"Oh wow, talaga. Alam nyo po yung cellphones?" sarcastic kong sabi

"Ay, hindi eh. Nakapunta ako sa Earth nung panahon pa ni Marcos"

"Ay ganun? Kase kinuha ho ng apo nyo yung selpon ko eh. Walang hiya lang eh"

Agad namang humarap si pwet lady kay Xian at tinignan siya ng masama.

"Xian!"

"Wala naman sakin yun" sambit niya

"Aba, sinungaling pa ang gago hoy, hindi ako nagsusumbong ng walang dahilan di gaya mo"

"Wala nga sakin eh!"

"Gago ka talaga. Ibigay mo na yon!",ako

"Enough that arguement. Well talk about it later. Xian, please behave yourself."

Nakita kong naiinis si Xian dahil ako Ang kinakampihan ni pwet lady. Haha, buti nga sayo.

"Nga pala. Paano ka nakarating sa mundo namin?" tanong niya

"Uhm. Nadapa lang ako then nandito na ko. Ewan ko nga eh. Akala ko nananaginip lang ako"

"Oh, ija. Hindi ito panaginip.", Sabi niya at hinawakan ang kamay ko "Ito ay isang tadhana. Kayong dalawa ni Xian ay magpapakasal at--"

Inalis ko yung kamay ni pwet lady sakin at nagsalita.

"Hold on wait a second, wait a second. Ako(turo sa sarili), sya (turo kay Xian) magpapakasal?"

Tumungo naman si pwet lady

"Kalokohan!" sambit ko

'This not marriage, it's a war!'

"Alam mo ija, ayon sa propesiya may isang babaeng taga ibang mundo ang aksidenteng napadpad sa mundo namin. Ibang iba sya sa ibang mga babae dahil napaka-tapang nya. Pero, sya lang ang tanging nagpa-amo sa dragon ng kaharian, si Xian." tuloy ni pwet lady

"Tsk Nagpa-gago kamo" sumbat ni Xian

Tinignan ko siya ng masama.

"Aba, walang hiya ka ah! Bastos!"

Ngininginig talaga neto yung nervous system ko!

"Dont make me your mirror"

"Lol, wala akong sinabi"

"Xian! Watch your words" saway pwet lady

"Nakakawalang gana" sambit ko

'Hehe, hahayaan muna kitang mapagalitan ng lola mo'

"Xian, next time use your manners. Nakalimutan mo na bang babae yang kausap mo? At mapapangasawa mo pa"

"Pero hindi lang ako yung mali! All this time, ngayon mo lang ako napagalitan ng ganito."

"Alam kng matalino ka, pero gamitin mo sa tama hindi sa babae" sambit ni pwet lady

'I like her line!'

"I'm sorry lang ah, pero ayoko ng proposal nyo. Baka ibang tao ang nasa propesiya, hindi ako" dagdag ko

"Tama, tama!" Tumungong wika ni Xian

"Okay, here's the deal. Magiging fiance ka ni Xian hangga't di nyo nakikita ang totoong babae na nasa propesiya pero you have only 1 week to find her. Pag nakita nyo na sya, pwede nang makauwi si Lea sa mundo nila. Deal?"

"Deal" sabay naming sambit ni Xian at nagshake hands

>>The Next Day<<

Naglalakad kami netong ungas na ito palabas ng Rhaegos para hanapin ang nawawalang Bride niya.

"Anong plano mo, ugok?" tanong ko habang patuloy na naglalakad

"Ang plano ko, ako nalang ang bahala sa lahat." sagot niya

"Aba kung makaasta ka parang kilala mo ang mga babae ah"

"Tss. Bahala ka sa buhay mo"

"Ngina mo. Kalayaan ko rin ang nakasalalay dito! "

Nagbuntong hininga siya.

"Sige na, sige na. " matamlay niyang sagot

Kinuha niya mula sa kanyang pulang kapa ang isang malaking papel na listahan ng mga katangian ng Dragon's Bride.

"Wait, ano ba yung nakasulat na katangian ng isang Dragon's Bride?"

Hindi nya ako pinansin at patuloy na binasa ang papel.

"Hoy!"

'Hmmp! Ayaw mo akong pansinin huh?'

Agad kong kinuha yung binabasa nya.

"1. Kaya nyang away-awayin ang Drago-- Hoy ano ba!" sambit ko nang pilit niyang inaagaw sa akin yung papel

"Leave it to me! "

"Never!"

"Bitawan mo na sabi eh--"

Agad ko namang binitawan Ang papel at natumba siya

"Woah"

"How dare you" inis niyang sambit

"Sabi mo bitawan ko na eh. Ano masakit ba? Hahaha"pangaasar ko

"Grr.. Halika nga dito!"

"Ano ako? Utusan. Come and get me if you want!"

Kala nya ah..

Tumakbo ako ng mabilis at pagharap ko ay nagulat ako nang nasa harapan ko na siya.

'Thats so close!'

Napa-yakap ako sa kanya.

"The fvck? Muntikan na akong atakihin sa puso. Bat ka nagteleport!"

"S-Sorry"

'Napangiti naman ako nang for the first time ay narinig ko siyang nag-sorry.

"Wow, for the first time haha. Sana nasasakin yung selpon ko narecord ko sana"

"Tsk. Buti nalang di ko binigay"

"Ano?! Walang hiya ka,ibalik mo na yun kupal ka!!"

Aba, stay strong talaga tong mokong na toh eh. Ayaw pa ibigay.

"Catch it if you want to get it" sabi nya sabay nag-teleport

'Langya talaga!'

"Kapag ikaw nahanap ko tatadtaran kita ng pingot akala mong ungas ka! Di ku mukikiteukues sukin!" nanggagalait­i kong sabi

Xian's POV

2. Sya lang ang babaeng nasabihang "Sorry" ng Dragon

What the heck! Hindi to pwede. Wala to sa listahan!

"Ngina mong ungas ka. Pinatakbo mo ko ng pagkalayo-layo tapos gento!! Huggard tuloy ako" pagrereklamo ni Lea

"Buti nga sayo" wika ko

"Aba, gumaganyan ka.na sakin ah. Porket wala ang lola mon--"

Tinakpan ko ang bibig niya.

"May naisip akong plano. Pano kung magpa-auditon tayo?"

"Ok sana kaya lang"

"Kaya lang ano?"

"Magpapa-audution lang walang TAYO ha"

"Tsk. Asa ka namang magiging tayo"

"Oh, great hahaha"

Tsk. Talaga.. -,-

"Babaeng kayang away-awayin ka. Hahaha. Tama, tama. Magpapaaudition tayo nun. Aawayin ka ng mga magaudaudition tapos itry mong di magalit. Hahaha. Ako ang judge"

"Siguradong masisira ang araw nitong si Xiantot hihi" bulong ni Lea

'Sabi na nga ba eh. Bumulong pa, rinig naman'

"Oo na, oo na" sagot ko

"Tara let's go" sabi nya sabay hila sakin