webnovel

Chapter 3

Chapter 3

Leary's POV

'Im ready..'

Sinuot ko na tong armor na bigay sakin ni Mikah. Kaya lang labas kaluluwa ko dito haha. Pero maganda, parang character ko lang sa Mobile Legends.

Buti nalang magaling ako sa fencing kaya mabilis akong natuto. Credits talaga kay Mikah.

Si Mikah, sya nga pala yung nagturo sakin ng sword playing. Naging close kami kahapon dahil naawa siya sakin na hindi raw ako makakapuntos kay Xian, ever. So natakot ako dun kaya no choice kundi hingin ang tulong niya.

'So yun, my combat awaits..'

Bigla namang bumukas Ang pinto. Ngumiti ako nang masilayan ko si Mikah

"Tara na sa Arena" ayaya ni Mikah

"Game!" masayang sagot ko

Ilang saglit pa ay nandito na kami sa Arena. Nabigla naman ako nang tumambad sa harap ko ang napakalaking stadium na may audience na halimaw.

'Tengeners! Bakit may mga creatures na ganito? Bakit may mga nalipad? Wahhh!'

"Okay ka lang, Lea" ani ni Mikah

Halata sa mukha niya na alam niyang naguguluhan ako sa mga nangyayare.

"Naguguluhan ako, ano ba talaga kayo?" tanong ko

"Welcome to Rhaegos, ang kaharian ng mahika. Lahat ng mga mahihiwagang nilalang ay nandito"

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

'What the heck did I just got into?'

"E-Eh si Xiantot?"

"Fire Bender sya. Pero wag kang magalala, sword battle naman to kaya bawal ang magic"

"Phew! Buti naman"

Natigil ang aming paguusap nang biglang magsalita na ang announcer.

"Mga mahal na mamamayan ng Rhaegos, narito ang labanan kung saan ipapahayag ang dangal ng mga maglalaban" Sabi nang unang announcer

"Pss. Dangal?" sabi ko sabay ikot ng mata

"At ang laban na ito ay unang pagkakataon ng buong kaharian. Ngayon ay ipakilala na natin ang mga maglalaban" pahayag naman ng ikalawang Announcer

"Ang pinakanakakatakot, ang pinakamalakas at ang pinakagwapo sa lahat. Ang prinsipe ng Rhaegos, si Prinsipe Xian!"

Pagkatapos ay isang nakakarinding tilian ang mga narinig ko mula sa mga audience. Naks maraming mga electric FANS.

"And now, for first time, he will be battling for such a strange opponent. She's belong to somewhere, something strange. She is absolutely beautiful.. And she is, Leary!!"

"Are you ready?" tanong ni Mikah

"I'm born ready" tugon ko nang nakangisi

Bumukas ang napakalaking pinto at mula doon ay ako'y lumabas.

Kaway dito, kaway dyan.

"Shes beautiful"

"I want to be like her!!"

"Shes so cool!"

"Marry me!!"

'Oh shocks, marami na agad akong fans.'

Tumingin ako kay Xian na nakacross arms. Haha. Kala nya sya lang ang sikat. Huh, nagkakamali sya.

"The battle starts, now!" said the Announcers

"Are you ready to die?" tanong ni Xian

"Death is just a game" nakataas kong kilay na sabi

Agad nya naman akong inatake ng kanyang espada. Ako naman ay laging dumedepensa at sinasangga ang mga tira niya. Rinig na rinig sa buong Arena ang pagtatamaan ng mga espada namin.

"Etong sayo!" sabi ni Xiantot at buong lakas na tinama ang espada nya sa kin. Pero nasangga ko parin.

Nagbackward flip ako para makalayo at bumwelo.

"So weak" asar ko

Naiinis sya at agad na umatake. At kagaya ng umpisa, sinangga ko Lang ang kaniyang mga tira.

'Beh, hindi pupwedeng palaging sya nalang ng aatake!! Kailangan kong makaisip ng tactic. Hmmmm..'

Bigla namang sumagi sa isipan ko ang mga moments ni Barbie na nakikipaglaban.

'Ahh.. Mag-aala Barbie and the Three Musketeers muna ako ngayon.'

Itinaas ko ang espada at ito'y iwisasiwas ko sa kanya.

"En garde!" sabi ko sabay bato ng tira

Sumabay ako sa atake nya.

"Hiya!"

Umatake ako ng paikot. Gamit ang isang paa ko, umikot ako at gayon din Ang espada ko upang atakihin siya. Well, atlis may pakinabang yung ballet lesson ko.

Dahil doon ay nasugatan ko siya sa dibdib.

"Argh!" daing niya

Ngumisi ako nang nakikita ko nang parang ako na Ang mananalo.

'Kung ganon, let's set this Arena on Fire!'

"Heya! Yah!"

Ginamitan ko siya ng fishball technique at mabilis kong iginalaw ang espada ko para tusukin siya nang parang fishball lang.sabay mabilis na umatake.

'Dont me, suki ata ako ng fishball-an sa tapat ng school namin.'

Dahil doon ay malakas na naghiyawan ang mga tao at sinisimulang isigaw Ang pangalan ko.

"Whoo!!!"

"Go, Lea!!" sigaw ni Mikah sa kalayuan

Pumikit ako ng saglit at ngumiti.

'Easy. Lets finish this battle.'

Buong pwersa akong umatake kay Xian.

"En garde!" sigaw ko

Ngunit nang ako'y umatake, ito'y kanyang nasangga. Napatingin ako sa kanya at ngumisi siya ng napakaloko.

"P-pero..."

Biglang sumiklab ang espada ni Xian at napatalsik ako.

Rinig sa audience ang gulat nila sa kanilang nasilayan.

'Oh, what the fvck is going on? He's cheating!'

Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang mata nya na nanlilisik at nagaapoy.

"Oh my God.. Who is that?"

Agad akong tumayo at kinuha ang espada ko.

'This jerk really had a guts to cheat on me. How stupid!'

Mas lalo akong natakot sa kanya dahil hindi siya lumalapit sa akin ng naglalakad ngunit lumulutang.

'Ayoko na!! Help!!'

Bigla akong nalito at kinakabahan. Tumingin ako sa audience hanggang Kay Mikah na lubhang nagaalala.

'Kaya mo to, Lea. Alalahanin mo ulit yung ex mo.'

Inisip ko yung mga nangyare nang nakaraan ng iniwan ako ng ex ko at doon ako nakakuha ng lakas ng loob lumaban. Tinignan ko siya ng aking walang ekspresyong mga mata at umatake ako.

Pero isinangga nya ito. Sa sobrang lakas, lumipad ang espada ko paitaas.

"Oohhhh!!"

Kaagad nanaman akong nagulantang.

'Ano nang gagawin ko?'

Kung sana may Kagibunshin Technique ako eh. Wait! Baka gumana sa mundong ito ang mga bagay na imposible sa mundo namin!

Akala mo hindi ako nanonood ng Naruto sa YEY Channel ng Abs-Cbn TV Plus ah. Aba, akala mo lang yun

"Eto na, Kagibunshin Technique!!" sigaw ko habang nakapikit

Pagbukas ko ng mga mata ko,

Wow magic, ang galing -__- walang lumabas na clone

Nagsimula namang magtawanan silang lahat sa Arena.

'Huta napahiya nanaman ang magandang mukha ko! Kaloka. Karma na to sakin ng tv plus kase ginagamit ko siya para manood sa channel 7'

Ngumisi si Xian sa akin.

"Katapusan mo na" sabi nya habang papalapit sa akin at inihanda ang kanyang atake.

'Beast mood ako ngayon Xian kaya wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. I couldn't believe na hindi siya gumana. Nakaka-dissapoint.

"Tss. Whatever" sagot ko

Nagteleport sya sakin at sinakal ako. Binuksan nya ang palad nya at sumiklab ng apoy mula sa kamay nya.

"Patigilin nyo sya!" sigaw ni Mikah

Agad namang may bumaba na mga parang mga security mula sa Arena at balak na sugurin si Xian. Binitawan nya ako at sa isang tirahan lang, napabagsak nya ang higit sa sampung security.

"How dare you all to stop me? From now on, anyone who stand against me shall die!"

Agad akong tumayo. Dahan dahang iniangat Ang sarili ko.

"Hindi ako papatalo sayo. Kahit na wala kong sandata, tatalunin kita sa ibang paraan."

Lumapit sakin si Xian at titutok ang blade ng spada sa leeg ko.

"Sige, subukan mo duwag" mariin kong sabi

"Don't you dare to call me that!" gigil nyang sabi sabay mas tinutok pa ang talim ng spada sakin.

"Bakit totoo naman ah. Ano bang ginagawa mo? Mandaraya ka! Bat ginagamit mo yung powers mo? Kase wala ako nun diba? Tanga lang ang mga mandaraya sa labanan tandaan mo yan" sabi ko sabay taboy ng spada nya sa leeg ko

Pumunta ako sa hagdan papuntang labas. Palabas na ako ngunit pinigilan ako ng kalbong sekyu

"Sorry pero hindi pa tapos ang laban kaya di ka pa pwedeng lumabas" sabi nung kalbong bantay ata

"Aba, nasagot ka pa ah. Eh kung batukan kita dyang kalbo ka" sabi ko sabay aakmang mambabatok

"Eh hindi pa pwede eh--"

"Wala akong pakiaalam!!m Bakit ba lagi niyo akong pinapakialaman!" sigaw ko

"Miss, siguro kailangan mo nang bumalik sa A--"

"Babalik? Ako? Aba, ano ako tanga? Hindi ako katulad ni Zeinab. Di na ako babalik sa kanya"

"Erhh?"

Bigla namang sumulbot ang isang ungas.

"Hoy babae hindi pa tayo tapos!" sabi ni Xian sabay hinila ako palapit sa kanya

"Anong di pa tapos? Tapos na tayo. Matagal na tayong tapos..."

I sob.

"Kaya... wag kanang umasa pa dahil hindi na kita mahal!" sabi ko sa kanya habang bumubuhos ang luha ko.

'Ghad! Tuwing naaalala ko talaga sya. Di ko mapigilang umiyak.'

Bumalik na sa dati ang ang mga mata nya. Itim na may halong pula..

'Hayss, tanga ko Naman. Nagmukha akong mahina sa harap niya'

Di ko sinasadyang sabihin yun sa kanya kaya tumakbo ako.

"Wait!" sigaw ni Xian

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa bigla namang natamaan ng pintuan ang mukha ko.

(Bogsh)

'Aray ko yung magandang mukha ko. Nauntog ako sa pintuan! Bigla ba namang binuksan yung pinto!'

Bigla namang bumungad Ang isang madrastang parang pwet yung hairstyle.

"Itigil ang laban!" sabi nya

"Tigil tigil ka dyan, matagal nang tapos ang laban" sabi ko habang hinahawakan ang noo kong nauntog.

"Aba, sino ka para--"

Nang nakita niya ako, bigla siyang nagulat na para bang nakita ng multo.

"You must be the Dragon's Bride!" she gasped

"Anong Dragon's Bride? Adik ka ba? Kaganda-ganda ko tapos Dragon's Bride? Aba di ata makatarungan--"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at bigla namang may humawak sa mga braso ko.

"Take her up. We are planning for the Engagement!"

'Ano, engagement?!'

"What the heck is wrong with you, people! Bitawan nyo kooooo!" sigaw ko