1 Kabanata 1

Isang tipikal na estudyante ako dito sa Saavedra University. Isa itong private school kung saan puro mayayaman ang nakakapasok dito gaya ng anak ng mga nasa politiko, businessman, at minsan pa nga ay anak ng mga lord. Hindi ng Diyos kundi lord ng mga illegal na gawain--pero char lang 'yon hindi 'yon totoo. Sobrang secured at sophisticated ng paaralang ito. Talagang inaalam nila at hinahalungkat ng todo ang family background ng bawat estudyante na papasok dito. Kaya kung ikaw ay adik o di kaya'y isang anak ng adik. They will kill you not literally kill you but they will kick you out.

Kung tatanungin n'yo naman ako kung anak ba ako ng politiko kaya ako nakapasok sa paaralang ito. Huwag n'yo nang itanong sapagkat wala sa dugo namin ang pamamahala ng isang bansa o bayan.

Isa lang naman kasi akong anak ng businesswoman.

Anong business? Well isa lang naman ito sa pinagmamalaki ko at hindi ko ikinakahiya kailanman.

The MAMA'S BANANA CUE.

Maliit man pero binubuhay kami n'yan sa pangaraw-araw na pamumuhay. Sa harap ng maliit naming bahay ay may nakatayong isang maliit na tent kung saan dito namin itinitinda ang aming product. Kung minsan ay nilalako ko pa nga sa ilalim ng init ito. Maubos lamang ang luto ni mama Bodet na banana cue.

Alam kong marami kayong tanong kung paano ako nakapasok sa Saavedra gay'ong hindi naman sobrang lago ng business namin.

Hindi naman kasi sa pagmamayabang. I used my smarty brain to entered that school---scholar po nila ako.

Saka may connection ako hahahaha.

Back to topic ( ̄ヘ ̄).

Ayaw ko talagang pumasok sa school na exlucusive lang para sa mga mayayaman kaso si mama Bodet ayon inincourage niya ako. Kaya no choice ako sa buhay kundi ituloy ang pagpasok sa Saavedra.

"Hoy Betty" napasibangot naman ako ng tawagin ako ng lalaki na pamilyar na sa'king pandinig ang boses niya. Araw-araw ba naman niya akong tawaging gan'on sino hindi mamememorize ang nakakairitang boses niya.

Nilingon ko naman ito ng may malapad na ngiti. Kahit fake smile lang ba. " Bakit po?" Magalang kong tugon.

"Diba sinabi ko sayo gagawin mo ang project ko sa Research" iritableng sambit niya sa'kin habang nagkakamot-kamot pa ng kaniyang ulo.

Hay naku hindi ko naman kasi kasalan kung wala s'yang ibinibigay na pambili ng mga art materials diba.

Wala naman kasi akong pera na hawak ngayon.

" Nasan na ba kasi ang pera?" Sabay lahad ng kamay ko sa harap niya.

Napabuntong-hininga naman siya dahil sa sinabi ko. " Hindi ka ba binibigyan ng pera ng tatay mo akala ko ba na--"

"Magbibigay ka ba o manlalait ka?" Putol ko sa sinasabi niya ang dami kasing satsat magbibigay din naman.

"nag-hihirap na ba kayo? O five hundred 'yan ha." Sabay abot ng pera magbibigay na nga lang may lait pa kasalanan ko ba talaga na hindi ako mapera ngayon. Eh magulang ko lang naman ang mapera at hindi ako. Bwisit kong wala lang talaga kong kasalanan dito hindi ko ito lalapitan.

Iniwan naman ako nito dahil dumating na ang girlfriend niya for today na si Cassandra Lopez. Ningitian pa nga ako nito eh.

Isa naman siyang half-demon half-angel.

Bakit?

Bully kasi yan sa'kin kapag kaming dalawa lang ang magkasama at kapag may nakakakita namang tao sa'min. Jusko Lord sobrang plastic niya sa'kin.

Maputi ito, matangkad, balingkinitan ang katawan at may bilugang mata.

Kapag kasama niyan si Migs 'yong tumawag sa'kin. Ang mga mata niyang bilugan asahan mong sisingkit dahil sa pagpapacute niya.

Tss kala mo naman cute eh nagmumukha lang siyang pusit. Hahaha.

"Hoy Betty ano ba hindi ka pa ba kikilos?" Sigaw niya sa'kin kaya agad naman akong napakilos para bumili na ng gagamitin ko sa paggagawa ng diorama niya.

Akala ko pa naman nakalayo na sila sa'kin--hindi pa pala.

Siya naman si Miguel hindi niya buong pangalan---Migs for short. Ang boss ko sa taong ito. Isa siyang sikat na artista at anak ng may-ari ng DM hotel and resort. Kung saan pangalawa ang business nila sa dinarayo ng mga tao sa lugar ng Maynila.

Maraming fans 'yan lalo na ang mga kababaihan. Gwapo naman kasi ito kaya talagang nagkakandarapa ang mga babae sa kaniya sa tuwing nakikita s'ya. Pati mga bakla na hindi pa nakakapagladlad ay biglaan na lang makakapagladlad pag nakakausap si Migs.

Maputi, matangkad, matangos ilong, chinito, may mga pantay na ngipin at may killer smile. Yes ganyan siya kagwapo pero para sa'kin. Ay normal lang siyang tao. Hahaha

Hindi sa choosy ako ha, sawa na kasi ako sa mukha niya eh.

Akala ng iba masipag siyang tao pero akala lang ng iba 'yon kasi isa siyang tamad na estudyante. Halata naman diba ako pinapagawa ng project niya eh.

Hindi ko nga alam kung bakit nasa first section yan. Hindi naman katalinuhan. Mapera lang talaga siya o sabihin na nating mapera ang papa niya.

At ako naman si Martina tawagin nyo na lang akong Tin. Tawag naman sa akin ni Migs ay Betty kahit hindi ko naman kamukha si Betty.

Buhaghag lang ang buhok ko at may malaking salamin na suot. Betty na agad ang binansag sa'kin ng lalaking ito. Wala naman akong braces at wala rin akong kung anong tuldok-tuldok sa mukha ko, katunayan nga ay makinis ang mukha ko eh. Saka hindi pangmanang ang suot ko. Maayos naman ako magsuot ng damit kahit papaano. Nakasuot nga ko ng white t-shirt na may tatak na cool. At denim pants at nakasuot ako ng white sneakers.

Abnormal lang talaga na tao si Migs.

 

At mula ng makilala ko ang lalaking ito ay nagulo ang tahimik kong buhay. Sa personal man o sa pag-aaral ko ay ginulo niya.

Kasalanan kasi ito ni Sir Protacio--adviser namin. Kung hindi niya lang pinasok si Migs sa room namin. Hindi niya ako magiging alila. Wala naman kasi akong paki sa taong ito dito sa school.

Nagsimula kasi ang pagiging alila ko nong trinansfer siya dito noong nakaraang buwan. Section 3 kasi ito kung saan nando'n na ang mga hmm paano ba sabihin na hindi harsh.

Mga estudyante na hindi pinagpala ng kaalaman.

Tahimik at payapa akong nakaupo sa aking upuan habang ang mga kaklase ko ay nagkakagulo sa kani-kanilang mga luho sa buhay. Like luxuries cars, jewelries, ultimo cellphone nila na tumatagingting na dalawang daang peso ay pinag-uusapan din nila.

Wala naman akong paki kung mayroon sila ng bagay na wala ako ngayon. Kasi ito ang gusto kong buhay ang simple at walang arte sa katawan.

Nagbabasa ako ng romance book ng biglang tumahimik ang loob ng room. Tipong parang may anghel na dumaan kaya kailangan mong tumahimik. Tumingala ako at tiningnan ko ang lalaking preskong-presko ang tindig. Nakasabit ang bag pack niya sa isang balikat nito at bukas ang mga butones.

Badboy lang ang peg, eh moody naman ang isang ito.

"I know kilala n'yo na siya kaya hindi ko na ipapakilala ito-- mula ngayon dito na siya sa class natin papasok"  labag sa loob na saad ni Sir Protacio sa'min.

Mga kaklase ko namang babae ayon nagdiwang na akala mo ay birthday ni Migs. At 'yong mga lalaki ayon napasibangot kasi mauungusan na sila ni Migs pagdating sa mga babae na nandito sa room kabilang si Cassandra sa babaeng mahal ng lahat.

Sa kamalas-malasan ang kanang tabi ko na upuan ang bakante no'ng oras na 'yon. Ngingiti-ngiti pa ang kumag ng makita ang bakanteng upuan ko. Gusto akong ipahamak ng lalaking ito sa kaniyang fans. Kaya dito ito tatabi sa'kin.

Di nga ako nagkamali kasi sumama ang mga tingin sa'kin ng mga kaklase kong babae. 'yong tingin na parang inagaw ko sa kanila ang mamahalin nilang laruan tapos na sira ko kaya ngayon ay gusto nila akong saktan kasi walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang aking pagbabasa kasi kung titingnan ko pa sila ay baka malusaw na ako sa nakakasindak na mga tingin nila.

Kinabukasan ay nagbigay ng project si sir Protacio na diorama at by partner ang paggagawa. Ewan ko ba kay sir Protacio gusto niya lagi akong ipahamak kasi ginawa ba naman niyang by seatmate ang paggagawa ng diorama about sa research.

Dahil sa inis at takot ko sa mga fans ni Migs ay gumawa ako ng AKIN lang. Ibig sabihin nagsolo ako sa project ko. Sa katangahan ko ay maling desisyon pala 'yon kasi nagalit ito sa'kin.

Akala ko pa naman makakaganti na ako sa kaniya hindi pala. Kasi lumala lang ang sitwasyon.

"Badtrip ka naman eh. Nakapaselfish mo naman. Hindi mo ba naiintindihan ang buhay showbiz--busy at hectics ang schedule ko kaya hindi ako nakakatulong sayo pero sana naman ay sinabi mo sa'kin na balak mo pala magsolo eh di sana nagawan ko ng paraan 'yan" reklamo niya, namumula at nakikita na ang ugat sa leeg niya habang nagsasalita ito. Natalsikan pa nga ako ng laway niya eh.

Ako naman ay yumuko na lang at wa pakels lang kasi hindi ko naman kasalanan kong bakit busy ang schedule niya. Tapos ngayon hindi niya napapanindigan ang pag-aaral niya.

" Hindi pwede ito! Kailangan mong bumawi sa kasalanan mo..from now on ikaw ang alalay ko sa lahat as in sa LAHAT kung hindi ka susunod isusumb--" 

Napamulaga naman ako sa kaniya, agad kong hinawakan ang kamay niya at binigyan ng awang mukha. Napangisi naman ito dahil sa puntong ito ay nagwagi na naman siya.

Tang ina lang kasi nablackmail na naman ako.

At mula ng araw na 'yon ay alila na niya ako. Nakakabadtrip man pero ito ang katotohanan ng buhay ko.

It is my reality.

Reality that I cannot skip na...

I'm his all around girl.

"Miss saan dito ang principal office?" Nabigla naman ako ng kalabitin ako ng lalaki na nasa harap ko.

Ito ang tunay na HEAVEN.

"Miss yoohu" napakurap naman ako ng dalawang beses at inayos ang salamin ko. Bwesit nakakahiya napatulala pa ako sa kagwapuhan ng lalaking ito.

"A-ano ulit ang tanong mo?"

"Saan dito ang principal office?"

"Ahh 'yon ba. Diritsohin mo lang 'yong hallway na 'yon then kilo ka sa pakanan may makikita kang fountain do'n sa tapat no'n 'yon na ang principal office" magalang kong sagot sa kaniya.

Siguro transfer 'to ngayon ko lang nakita ang mukha eh.

"Salamat miss, by the way I'm Paul Roxas--transfer lang kasi ako kaya hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito" nakangiti nitong pagpapakilala. Nahiya naman ako bigla kasi naglahad siya ng kamay sa'kin. Grabe first time lang ito sa buhay ko kaya tatanggapin ko na ang kamay niya. Makikipag-kamay na sana ako kaya lang may umepal na naman sa buhay ko.

"Hoy Betty ano ba hindi ka pa ba kikilos?" Nakakainis na pati ba naman dito nakasunod siya.

Hindi ko na lang ito nilingon at madaling nagpaalam kay Paul. Tinawagan pa nga ako ni Migs pero hindi ko na lang ito pinansin. Kasi alam ko na lalaitin at sesermonan niya lang ako.

"Sige Paul una na ako--may demonyo este may gagawin pa kasi ako" paalam ko sa kaniya.

Dali-dali naman akong lumabas ng gate para magtungo sa national bookstore at mamili.

Buti busy ang mga subject teachers namin sa intrams kaya hindi kami busy ngayon. Saka sa school namin kapag student council ka sa ay allowed kang lumabas basta ipakita mo lang ang card na nagpapatibay na isa ka ngang student na naglilingkod sa school. Gaya ko isa akong Vice president ng ssg kaya may card ako.

Katuwaan lang nila ang pagboto sa'kin no'ng nakaraang taon. Eh hindi naman inaasahan ay nanalo ako.

Tatawid na sana ako ng biglang

*Bebeep*

Isang malakas na busina ang nagpabusina ng lambourghining puti.

Hindi pa ako handang mamatay lord.

avataravatar
Next chapter