webnovel

I'm (Still) Into You

Ice was brokenhearted when she decided to go to Manila and work as the CEO’s secretary of Sandoval Hotel instead of managing their milk tea shops and cafés in the province. There, she met someone who became her sister-slash-best friend, and she came to know her brother, Jervis Guevara, too. A handsome man, suave. He’s also hot, but way too cold towards her. She instantly liked him but she kept on joking about her adoration towards him; making her feelings seem unreal. The moment Jervis laid his eyes on the alluring face of his sister’s friend, he was already into her. But the latter was mending her shattered heart, so he decided to ignore his attraction towards her. Besides, he wouldn’t be seeing her always since he’s managing their businesses abroad. Two years after he first met her, he was told to get married already and was set up to see a woman. But, he declined. Instead, he had a vacation. During that time, he became closer to Ice, despite of knowing that she already has a fiancé. A fiancé she never met. That was why now that she’s in his arms, even if he dies, he would never let go of her.

jadeatienza · Urban
Not enough ratings
23 Chs

Date

Chapter 12. Date

NAGPA-DELIVER ng pagkain si Jervis habang nagpapahinga pa sila. It's been an hour and they were still lying down on the soft bed. Parehas na hindi makapaniwala sa nangyari. Tumunog ang doorbell at si Jervis na ang kumuha ng pagkain. Nakatapis lang ito ng twalya nang kunin ang pina-deliver na pagkain.

Bumangon siya para lamang mahiga ulit. Naramdaman niya kasi ang matinding kirot sa pagitan ng kaniyang hita at hindi niya napaghandaan iyon. She still couldn't believe his massive member fitted hers—made her feel ecstatic and blissful just a while ago.

Nag-aalalang nilapitan siya ni Jervis matapos nitong ilagay ang paper bag sa lamesita.

"Okay lang ako, nabigla lang," agap niya bago pa ito makapagsalita. Umupo siya ulit at nawala sa isip na wala siyang saplot. Nanuot ang lamig sa kaniyang balat nang bumaba ang comforter at mahantad ang kaniyang pang-itaas na katawan. Binalabal ni Jervis ang comforter sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo.

"I'll get you some clothes," anito at nang makabalik ay may bitbit na t-shirt at shorts.

"Kumain na tayo," yaya nito nang makabihis siya. He didn't bother to get her some undies.

Sa dining area sila dumiretso.

Natakam siya nang makitang beef brocoli ang in-order nito, akala kasi niya'y pritong manok lang dahil iyon ang sinabi niya kaninang magtanong ito kung ano ang gusto niya. There were also French macaroons and a slice of black forest cake for their dessert.

Alas dos na ng hapon kaya nama'y nagugutom nang talaga siya, at mabilis na tinapos ang pagkain.Saka napagpasyahang mauna nang mag-shower.

Hindi pa rin niya kinikibo si Jervis. Hindi dahil sa ayaw niya ang nangyari sa kanila, hindi lang niya mawari kung ano na ang mangyayari sa kanila pagkatapos niyon. Matagal-tagal siya sa banyo dahil sa kung ano-ano'ng mga bagay ang kaniyang inalala.

After she was done, he went inside the bathroom. Kinuha niya ang damit na nilabhan niya kanina para may maisuot na ito.

Naglalagay siya ng light makeup nang matapos itong maligo. Nagbihis ito sa likuran niya. Alam niya dahil nakikita niya ang repleksyon nito sa salamin.

Jervis sighed heavily and was looking at her critically. Marami itong gustong sabihin pero pinili nitong tumahimik. Marahil ay ginagalang nito ang pananahimik niya.

Nang matapos siya sa pag-aayos ay roon pa lamang nito binasag ang katahimikan.

"Saan ka pupunta?" he asked.

"Wala naman," sagot niya. Totoo naman iyon dahil wala siyang alam na puntahan. Umupo ito sa sofa kung saan siya nakaharap.

"Sasamahan kita."

"Ayos lang ako. You can go. Baka maabala ka," katwiran niya kahit alam niyang nakabakasyon pa ito. "Baka hindi rin ako lumabas ngayon. I want to take a rest."

"Can I stay?"

Dumiretso ang mga tingin niya sa mukha nito. He sounded as if he's pleading but his face was full of conviction. That he was going to stay no matter what.

Huminga siya ng malalim. Heto na. Sasabihin na niya.

"What happened between us was just because of pure lust, Jervis."

Bakas ang pagkagulat sa mata nito pero kaagad ding sumeryoso. "Is that what you think is it?"

Tumango siya't hindi alintana ang dilim ng tinig nito. Kung pwede lang sisihin ang alak, ay ginawa na niya. Pero hindi na siya lasing kaninang nagpaubaya siya.

"Then, I'll take it as that," mababa ang tinig na sagot nito. "Pero huwag mong isipin na ganoon ang turing ko sa nangyari sa atin, Ice. What happened between us wasn't just because of sexual attraction..."

Napatitig siya sa mukha nito. He was dead serious about what he said. "So, ano pala?" She shook her head. Ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan iyon dahil baka nadala lang naman ito sa sitwasyon. "Normal naman iyon, hindi ba?"

Nagtagis ang bagang nito at tuluyan nang napalitan ng inis ang kaseryosohan, "Normal?"

"Oo," tipid na sagot niya. Hindi na niya dinugtungan dahil baka hindi niya mapanindigan ang sasabihin.

"If that's fucking normal, then why were you a virgin?" madiin na tanong nito.

Napapikit siya nang mariin. Pinipilit na huwag bumigay sa lalaking ito. Kahit pa nga ibinigay na niya'ng lahat dito.

He frustratingly let out a sigh,then, she opened her eyes. Naiinis pa rin ito at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Umuwi ka na sa penthouse mo. Baka nandoon na iyong babae mo," dagdag pa niya. Ano'ng babae ba ang pinagsasabi niya?

"I can't believe you. We just made love and you're thinking I have someone else?" sarkastikong tanong nito at halos mapag-isa ang linya ng mga kilay nito.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Hindi ba't pakakasalan mo iyon?" tanong niya kahit ang totoo'y halos malunod siya sa tinuran nito. That they just made love...

"I'm not marrying her."

"O, bakit? Akala ko ba magaling iyon sa kama? Nakatikim ka lang ng iba, hindi ka na pakakasal? Huwag ganoon. Ibang putahe mo lang ako."

Why was she saying those things? She freaking knew they weren't together! Bakit niya ito tinataboy ngayon? Was it because she's also afraid he might be thinking that she's just one of those women who's ogling at him? Who only wanted to bed him?

No. She didn't want him to get that impression, butwhy the heck was she pushing him away?

Nanggalaiti ito at sinarado ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama.

"Sumama ka sa penthouse. Doon ka tumira. Para mapatunayan ko sa iyong wala akong ibang babae," matigas na sambit nito habang hinaawakan ang magkabilang-braso niya at bahagya itong yumuko. May kahigpitan ang hawak nito pero hindi naman masakit. Sapat lang para iparating nito sa kaniya na walang katotohanan ang mga iniisip niya.

"Malay ko ba kung may ibang bahay..." nakanguso niyang uuntag. Maging siya ay litong-lito na sa kaniyang mga pinagsasabi.

Jervis frustratingly pulled his hair, then, he held her shoulders; caught her gazes.

"Aalis ako ngayon. I'll give you some time to think," bulalas nito.

Nangunot ang noo niya. Paano kung aalis na pala ito ng bansa?

"But do not overthink, Fraulin Ice. I'll get back this evening. Wear a dress you're comfortable with," dagdag nito.

Nagtatakang tinitigan niya lang ang lalaki. Bakit naman magsusuot pa siya ng dress kung bibisita lang naman ito sa apartment? But still, she wanted to smile because she's looking forward to it. She bit her lower lip to stop herself from grinning widely. How she wished he'd close the distance between them and claim her mouth once again. She would fully submit to him again.

"Don't you dare to go away, too. Ipahahalughog ko ang Pilipas kung naisipan mong magtago," banta nito.

Bakit ganoon ito magsalita? Ano ba'ng mayroon? Kasi siya, inakala niyang purong sekswal lamang ang namagitan sa kanila. Kaya nga habang naliligo siya kanina'y inihanda na niya ang sarili kung sakali mang sabihin nito na wala lang iyong nangyari. Pero bakit ganoon?

At, aaminin niyang hindi mapagsidlan ang tuwang nadama niya sa bawat salitang binigkas ng lalaki.

Pagkuwa'y naalala niya si Jasel. Ayaw na ayaw ng kaibigan niya na mapalapit siya sa lalaki. Her friend wanted Jervis and her to remain as it was. Gusto pa nga nitong ituring niyang kuya si Jervis.

Pero ano ang ginawa niya? Paano na lang niya aaminin sa kaniyang kaibigan na hindi niya nagawa ang gusto nito? At umabot pa sa puntong may nangyari sa kanila ng lalaki...

Napailing siya. Ang akala niya'y isusuko na niya ang damdamin niya para kay Jervis. Pero iba ang isinuko niya.

"What're you thinking?"

"Isinuko ko ang Bataan..." wala sa sariling tugon niya. It was an old joke about women giving their virginity.

Jervis cackled and stood up. Nawala na ang inis at kaseryosohang pinakita nito kanina.

Pagkuwa'y huminto ito sa pagtawa, nakatayo pa rin ito sa tapat niya. He then squatted and gave her a quick peck on her soft lips.

"Don't go anywhere. I'll go back. Damn... I'm never really going to let you go," he declared.

Huh?

"We're going on a date tonight."