webnovel

Prologue

May alam ka ba na salitang nakaksakit maliban sa mura? Kung meron man, sasabihin mo ba yon sa tao?

Mga salitang masakit pa kaysa sa pisikal na nararamdaman na kahit sino ay masasaktan.

Sa kwentong ito, ano ang naiisip mo?

Ito ba ay totoo? O hindi?

Mabuti ba ito? O makakasama sa iyo?

Sa bawat katanungan ay may sagot. Mga sagot na kailangan isipin bago ito ibigkas. Mga karapatdapat na sagot na tila ba pakikingan ka ng makikinig sayo. Mga taong magbibigay konpidensya sa iyo at hinding hindi ka huhusgahan sa lahat ni sinasabi mo.

Ang kwentong ito ay may halong sakit at may saya.

Asahan natin na sa lahat ng oras na nagiging masaya tayo, may oras din na darating na lungkot at sakit na sasapit sayo.

Si Ark ang binatang kayang mag tago ng lahat ng problema. Hangang kailan nya kaya ito maitatago? hangang kailan nya matitiis ang makasalimuot na mga salita? At kailan ulit niya matitikman ang tunay na saya at walang problema.