1 Sa Aking Pagiisa

Hindi ko na namalayan ang panahon, Hindi ko alam kung gaano na katagal ang lumipas nang ako'y iwan niya. Hindi ko nadin namalayan na napabayaan ko na ang aking sarili ng dahil sa pangyayaring di' malimot-limot ng aking puso at isipan.

Patuloy ang buhay ngunit hindi alam kung saan ito patungo, sa dinami-dami ng landas na aking tinahak, kahit saan ay kailangan pang ipagpilitin ang aking sarili sa kahit anong bagay kahit alam ko na hindi tama ang aking ginagawa.

Iba-ibang klaseng tao nadin ang aking nakasalamuha sa iba't-ibang lugar na aking pinatunguhan Ngunit di makita ang sarili kung paano makisalamuha ng matiwasay at marangya.

avataravatar