1 Prelude

Si Jade Kim ay isang estudyante ng Seoul National University. Isa sa pinakamagandang unibersidad sa South Korea. Dahil sa angking ganda at talino si Jade, nakatanggap siya ng scholarship kung kaya't nakapag aral siya dito. Business administration ang kanyang kinuhang kurso at hindi mapagkakailang maganda si Jade kung kaya't napakaraming nagkakagusto sa kanya.

At hindi nagtagal ay nabihag si Jade ng isa sa mga manliligaw nito. Marck Greg Sanchez, isang international exchange student at kapwa estudyante sa kaparehong kurso ang naging nobyo ni Jade. Palagi niyang hatid-sundo si Jade. Aakalain mong napakabuting tao ni Marck. Pero hindi nagtagal ay lumabas din ang tunay nitong anyo.

Nabuntis si Jade at ito ayaw panagutan ng kanyang nobyo. Bigla na lang itong hindi nagpakita at isang araw, nalaman nalang ni Jade nalumipat na ito ng pinapasukang paaralan. Ang mas masaklap pa ay nabalitaan na lang ni Jade na may iba na pala itong nobya.

Labis na nanlumo si Jade sa ginawa ng nobyo niya. Paano niya ipapaliwanag sa kanyang magulang na buntis siya at iniwan siya ng ama ng kanyang dinadala.

Kahit iniwan siya ni Marck, buo ang desisyon ni Jade na hindi niya ipapalaglag ang bata at pagsisikapan niyang mapalaki ang kanyang anak kahit mag-isa lang siya.

Nagtatrabaho siya sa gabi at nag-aaral naman sa umaga. Doble kayod siya sapagkat mangingisda lang ang kanyang tatay at tindera naman sa palengke ang kanyang ina.

Sapat lang ang kinikita ng magulang niya sa pang araw araw na gastusin kaya't alam niya na kukulangin ang pera para sa pangaganak niya.

Hindi halata na buntis si Jadee. Maliit parin ang tiyan niya at pilit niyang tinatago sa mga kaklase niya na buntis siya.

Patuloy parin siya sa pagtatrabaho sa isang convenience store. Hanggang isang gabi, habang nagtatrabaho ito ay bigla siyang nahimatay sa harap ng bumibili. Agad siyang dinala nito sa pinakamalapit na hospital.

avataravatar