webnovel

Long Night

Nanlilisik ang mga mata. "Nasasaktan ako, Oliver"

Binitiwan ko ang braso ni Lily. Huminga ako ng malalim. Inilibot ko ang paningin sa paligid, hinahanap ang mga kaaway. Biglang may nagkulong ng mukha ko, mainit na palad.

"Oliver tumingin ka sa akin" ang boses niya. Naalala ko lahat. Nandito ako sa isla, wala sa gyera.

Unti-unti ay kumalma ako.

Pumikit ako at lumunok. Tapos na ang laban. Wala na ako doon.

"Oliver" mahinang tawag niya. "Ayos lang ako. Bakit ka ba lumabas?" nakapikit pa rin ako.

"May narinig kasi akong malakas na pagsabog kanina kaya lumabas ako para hanapin ka tapos…tapos narinig ko ang…sigaw mo" mahina niyang sabi. Dinilat ko ang mata at tinignan siya. Kalahati ang buwan sa langit ngunit sobrang maliwanag ito.

"Huwag kang mag-alala may titingin sa pagsabog. Tara na sa loob" may pagtataka sa mukha niya pero hindi ki na ito pinansin at hinila siya sa loob ng bahay.

Humiga ako sa lantay. Nakatayo lang siya sa tabi at nag-aalanganin na humiga. Tinapik ko ang tabi. "dito ka"

Marahan siyang tumango at humiga sa tabi ko. Shit ngayon ko lang naalala kung bakit ako lumalayo sa kaniya. Amoy ko ang mabango niyang buhok. Umusog ako ng kaunti palayo sa kaniya, sinigurong may pagitan sa amin.

Dumaan ang ilang oras at gising pa rin ang diwa ko, ramdam ko ang pag ikot ni Lily sa higaan. Ibinuka ko ang mga mata. Nakaharap siya sa gawi ko. Mabagal ang paghinga niya halatang tulog na. Mariin na nakapikit ang malaparuparong pilikmata. Nakaawang ang kaniyang labi, napalunok ako. Naalala kung gaano ito kalambot nang unang mahalikan.

Bumaba ang tingin ko sa leeg niya. Hanggang sa cleavage niya na sumisilip mula sa leeg ng damit. Huminga ako ng malalim. My cock twitches.

Isang mahabang gabi na naman ang kakaharapin ko.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Kateeriacreators' thoughts