webnovel

He Blushes

Nilagay ko ito sa pinakailalim ng pinamili. Nagkita kami ni Oliver sa counter. May dala itong mga damit pambabae—daster, tops at garterized na pants. Ibinigay niya sa akin.

"teka, huwag na to Oliver" tanggi ko pero hindi ito nakinig at binigyan ako ng pera.

"Kunin mo na" huling sabi niya sabay alis.

Paglabas ay hinila niya ako sa isang grocery store. Bumili siya ng ilang delata habang ako ay bumili ng napkin. Hindi na ako kumuha ng iba pang gamit dahil nahihiya ako sa kaniya.

Habang nagbabayad kami sa counter ay nakita ko na nilatag ni Oliver ang bote ng feminine wash, sabon at shampoo na strawberry. Para sa akin. Tinignan ko ang mukha niya. Seryoso ito. Palihim akong napangiti.

Pagkatapos sa grocery ay kumulo ang tiyan ko. Narinig iyon ni Oliver kaya hinila niya ako sa isang tindahan na nagtitinda ng siomai.

"Mahilig ka siomai?" umiling siya.

"Ito lang ang nakita kong malapit na tindahan ng pagkain" nilingon ko ang paligid, may nakita akong nagtitinda ng hamburger at bakery na nadaanan namin.

Tumango ako sabay tawa. "Ah, ganun ba"

Nag-iwas ng tingin si Oliver. Namula ang tainga. Teka, nagbublush ba siya.

Napangisi ako. "Halika na" hinila niya ako sa loob.

Pagkatapos kumain ay dumaan kami sa palengke, bumili ng karne at gulay bago umuwi.

Hapon na ng marating namin ang Isla. Medyo malayo din pala ito sa lungsod mahigit dalawang oras ang biyahe.

Sakto naman pag-uwi namin ng bahay ay niregla ako. Naligo at nagbihis agad ako. Komportable na ako ngayon. Si Oliver ang nagluto ng hapunan, kumain kami. Ako ang naghugas ng pinggan.

Pagkatapos kong maghugas ay hindi ko na nakita so Oliver, umalis na ito.

Naglapag na ako ng higaan at natulog. Mabilis naman akong nakaidlip dahil sa pagod.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Kateeriacreators' thoughts