webnovel

Blazing Eyes

Pagkatapos kumain ay binigyan niya ako ng makakapal na kumot at itunuro ang nag-iisang kawayan na katre.

"Saan ka matutulog?" ngumiwi ang lalaki at lumabas ng bahay. Sumayaw ang ilaw sa gasera ng pumasok ang hangin mula sa labas. Isinara niya ang pinto.

Naiwan ako sa loob. Inilapag ko ang isang kumot, ginawang unan ang isa at kumot ang huli.

Napuyat ako dahil sa mga lamok. Ang daming nangangagat, itinalukbong ko ang kumot pero makapal ito at mainit.

"Urghh" nakakainis. Pabalingbaling ako sa higaan hanggang sa nakatulog.

Pagkagising ko sa umaga ay wala ang lalaki. Hindi yata ito umuwi kagabi. Iniligpit ko ang higaaan at humanap ng banyo ngunit wala akong nakita. Sa likod ng bahay ay may kawayang tubo galing sa gubat na naglalabas ng malinis na tubig.

Naghilamos ako sa mukha, leeg, sa ibabaw ng dibdib, braso at binti nang maramdaman ko na may nakatitig sa akin.

Paglingon ko sa bahay. Nagtagpo ang mga mata namin ng lalaki. Malalim akong naghugot ng hininga ng makita ang buong mukha nito. Kulay itim ang buhok na kasingkulay ng nag-aalab niyang mga mata.

Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at nanatili iyon doon. Namula ang aking mata at umiwas ng tingin. Alam kung sinisipat niya ang katawan ko at biglang nag-init ang buong katawan ko.

Narinig ko ang yapak niya na umalis. Nagmadali akong maghilamos at sumunod sa bahay.

Ito na ba?

Kateeriacreators' thoughts