1 Chapter 1

"Do you take Moon Rose  Mendoza as your lawfully wedded wife?" Naiilang na Tanong ng pari sa groom dahil sa mukhang nito halos mas gustong manapak kesa ikasal dahil sa talim ng mga titig nito sa bride

" Syempre I do, wala naman akong ibang choice di ba? " sarkastikong tugon nito  sa pari habang ang  tingin ay nakapako pa rin sa bride na para bang napahiya dahil ipinapamukha nito  na napipilitan lang sya sa sitwasyon.

"You may now ki-"

" tingin mo ba talaga hahalikan ko sya" sabat ng groom sa sasabihin pa ng pari. Napangiti ito ng nakakaloko bago inilibot sa mga bisita ang tingin

"Kasal ito para sa pera hindi kasal ng dalawang taong nagmamahalan, kaya walang kwenta ang halik, tama ba ako? "

Anunsyo nito bago naglakad papaalis sa altar.  wala naman syang balak halikan ang bagong asawa mamatay muna sya bago mangyari yon

Naiwan namang nakayuko si Rose. Awang awa sya sa sarili . Hindi ito ang pingarap nyang kasal , ni minsan hindi sumagi sa isip nya na mapapahiya siya ng ganito.

Poseidon Black Aragon

A handsome devil, cruel and bastard that's the best way to describe her new husband

Binaliwala nya ang mga nakakaawang tingin ng mga tao. Ang mga bulung bulungan na lalong nagpababa ng kanyang dignidad.

Hindi ka mahina Rose. Kakayanin mo yan . Pampalakas loob nya sa sarili. Bago taas noong naglakad paalis ng simbahan

Habang ang mga tao sa reception  ay ipinagdidiwang ang kasal nya.  sya naman ay kanina pa pinipigil ang luhang nais makakawala sa kanyang mga mata. Lihim syang nasasaktan sa nakikita.

Ang walang hiyang asawa nya ay may kahalikang iba sa mismong reception ng kasal nila.. bastos!

Masakit man hindi nya ipinahalata taas noo pa rin sya. Ginusto nya to , pinili nyang matali sa taong alam nyang walang puso at dahil ginusto nya kailangan nyang panindigan

"Ms. Aragon"  agaw ng isang tinig sa pansin  ni Rose. Napalingon sya dito, nanlaki ang mata nya ng makilala ito

"Rafael" masayang tawag nya sa lalaki bago niyakap ito. Ang kaninang madilim nyang mundo ay biglang nagliwanag ng makita ang napakagwapong mukha  nito

"Beb kaloka. Sarey nalate ako sa iyong pagiisang dibdib grabe naman kasi trapik ditey sa pinas" maarteng pagpapaliwanag nito .

Ayun lang... kahit napakagwapo man ng binata pusong babae naman ito. Matagal na silang magkakilala dahil business partners sila.

Kung si Poseidon ang top one sa Billionaire's of Hell. Si Rafael naman ang top five

Hindi nya mapigilan ang mapangiti sa paraan ng pagsasalita ni Rafael. Sa unang tingin hindi mo masasabing binababe ito dahil napakagwapo at napakatikas ng tindig nito.

"Beb wala yun, ang mahalaga dumating ka." Nagpapasalamat sya't dumating ang kaibigan nya. Ngayon hindi na sya nagiisa !

"Beb gora na tayo kesa kumakain ng kung ano anong pampataba dito sa sulok. Hayaan mo ang jusawa mong makipaglandian sa palakang yan,  Wag mo hayaang nageenjoy sya tapos ikaw kinakaawaan ng mga tao dito"

Hindi na sya hinayaan ni Rafael makasagot. Hinila na nito ang kamay nya paalis sa venue

Hindi naman na nakaimik ang nabiglang si Rose. Nagpatangay lang sya dito. Sa sobrang bigla hindi nya napansin ang mapanghusgang titig ng asawa

Tahimik pa rin sa byahe si Rose. Naloka sya sa kaibigan. Nang magsalita kasi ito kanina napakaseryoso, hindi mahahalatang bakla ito. Lalaking lalaki ang dating nito sa pandinig. Kung hindi nya nga lang ito kilala siguradong kikiligin talaga sya

Stop it! Ano bang iniisip mo his gay and his your bestfriend!

Naipilig ni Rose ang ulo para pigilan ang magisip ng kung ano ano. Napatingin sya sa labas ng tumigil ang sasakyan.

Baclaran Station?

"Beb anong gagawin natin dito?"  Takang tanong nya sa kasama.

"Ibebenta kita sa muslim" simpleng sagot naman nito

"What !?"

"Choss! Vaklang to makatili naman! Bumaba ka na nga at magjojoy ride tayo"

Naguguluhan man sinundan na lang nya ito. Wala itong paki kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao dire-diretso lang ito

Ikaw ba naman maglakad ka ng nakawedding dress tapos may kasama kang naka suit sa palengke tingnan ko lang kung hindi ka pagtsismisan sa daan.

Nang makarating kami sa platform may tren na nakahinto. Tuloy tuloy na naman ng lakad si Rafael.

"Teka beb , mukhang bawal pa sumakay. Tingnan mo yung ibang pasahero oh hindi sila pinapapasok ng guard"

" Don't worry, Inarkila ko to kaya tara na sa loob. Sampung beses ito iikot mula baclaran hanggang roosvelt na tayong dalawa lang ang pasahero"

Yung tren ng lrt inarkila nya? As in buong tren? Abat ikaw na mayaman Rafael . Ikaw na!

" sooo beb ano nang gagawin natin ngayon " tanong ni Rose

Umupo naman si Rafael sa tabi nya nang magsimulang umandar ang tren

"You have two choices,  you will tell me why the hell you marry Poseidon and why did you let him treat you like a trash or you want us to stay quiet and enjoy this moment peacefully, so you pick"

Hinwakan ko ang kanang kamay nya na nakapatong sa upuan. Pinisil ko ito  habang nakatingin sa mga mata nya

Then I smiled. A genuine smile

"I appreciate the effort beb and im so grateful to have you"

He smiled, kahit wala ng nagsalita pa samin alam kong naiintindihan nya kung ano ang pinili ko.

We enjoyed the ride in silence

avataravatar