webnovel

HIS SUPER MODEL EX WIFE

NAGSIMULA ang relasyon ni Carissa at Miguel sa isang simpleng text hanggang sa lumalim ang pagmamahalan nila sa isa't isa sa kabila ng kanilang distansya. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi maging matibay ang relasyong mayroon sila. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa sa unang pagkakataon, hindi napigilan ang kagustuhan ni Carissa na puntahan si Miguel at sa unang beses ng kanilang pagkikita nangyari ang isang gabing hindi nila kapwa makakalimutan. Mula nang mga sandaling iyon, mas naging matibay ang lahat para sa kanila. Hindi natiis ni Miguel na laging bisitahin si Carissa sa maliit nilang Isla— hanggang sa tuluyang magpasya ang lalaking pakasalan sa alkalde ng siyudad ang dalaga. Maayos na sana ang lahat sa kanilang dalawa, handa na si Miguel na ipagpalit ang buhay sa Manila para lamang kay Carissa, ngunit isang pagsubok ang dumating sa buhay nilang mag-asawa nang nagkaroon ng emerhensiya sa magulang ni Miguel na naging dahilan para bumalik siya sa pamilya nito. Iniwanan niya ng pangako si Carissa na siya ay muling babalik sa Isla para sa kanilang bubuuing pamilya. Isa, dalawa, tatlo, apat na buwan hanggang maging isang taon ang lumipas walang Miguel ang nagparamdam kay Carissa, kaya nagpasya ang babaeng puntahan si Miguel sa Manila. Dala-dala ang surpresa na mayroon siya nang iwanan siya ni Miguel, ang hindi akalain ni Carissa ay siya ang masusurpresa nang sa unang araw na pagtapak niya sa lungsod sa malaking bahay ng mga Buencamino kitang-kita ni Carissa ang isang pagtitipon na si Miguel ay itinatakdang ipakasal sa isang napakagandang babae. Hindi na naglakas loob pa si Carissa, iniwan niya ang lugar na walang kahit na ano'ng lakas ng loob magpakita kay Miguel, mahal niya ito kaya hindi niya magagawang saklawan ang buhay nito. Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ng babae hanggang sa hindi niya namalayang nawalan siya ng malay tao sa isang taong magbabago ng kaniyang mundo. Dahil ang babaeng niloko at iniwanan ni Miguel Buencamino ay naging isang sikat na Modelo.

Thunder_Bird_0731 · Urban
Not enough ratings
3 Chs

Chapter Two

CARISSA POV

MALAYO pa ako sa Manila. Nandito palang ako ngayon sa Batangas, halos kadadaong lang ng barkong sinasakyan ko mula sa Negros. Sinadya ko talagang puntahan si Miguel.

Ilang buwan na rin siya halos hindi nagpaparamdam sa akin mula nang umalis siya. Ang pangako niya sa akin ay agad din siyang tatawag o kahit mag-te-text lang sa akin pero wala pa rin hanggang nang umalis ako. Nagbigay na ito ng grabeng kaba ngayon sa puso ko, iniisip ko na baka may nangyaring masama sa kanya at hindi ko na dapat patagalin pa itong hindi ko alamin kung ano ang nangyari sa kaniya.

Nagpaalam naman ako sa amin at binilin ko naman ang lahat ng kailangan nilang gawin habang wala ako.

Nasa tatlong pares lang din naman ng damit ang dala ko ngayon kung sakaling matatagalan ako d'on.

May pera naman na pinahiram sa akin si manong kahapon. Hindi naman siguro ako magtatagal ang gusto ko lang gawin ay ang makausap si Miguel at malaman kung ano na ang nangyari kaya ito nagmadaling umalis n'on. Sa puso ko hindi ko kayang maikubli ang kabang mayron ako ngayon. Ipagdadasal ko na lang na sana nasa maayos lang si Miguel.

Iyon lang naman ang importante ang nasa maayos siya.

"Hi, miss. Kanina pa kita napapansing mukhang malungkot ka yata. Okay ka lang ba?" untag sa akin ng isang lalaking kanina ko pa napapansin dito sa pantalan.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kailangan ko ng taxi o masasakyan papunta sa address na binigay sa akin ni Miguel?

"Uhm. Ayos lang. Salamat."

"Kung may problema o may kailangan ka sabihin mo lang. David by the way."

Nilahad nito ang kamay niya sa harap ko. Hindi ko pa sana tatanggapin dahil nag-aalangan ako, ano na lang ang sasabihin sa akin ni Miguel kapag nalaman niya 'to? May nakikipagkilala sa akin na ibang tao.

Pero hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko, para bastusin ang isang taong hindi ko naman nakikitaan ng maling intensyon sa akin.

"C-Carissa," pagpapakilala ko sa kaniya.

"Saan ka ba? Kanina pa talaga kasi kita napapansing hindi mapakali. May hinihintay ka bang sundo?" tanong nito sa akin.

Napapansin niya raw ako? Pero siya hindi ko man lang napansin.

Tumingin-tingin ako sa paligid, marami namang tao sa gawi namin kaya wala akong dapat ipangamba na baka masama itong tao katulad na lamang ng mga napapanood ko sa balita.

"Uhm."

"You can trust me. Ito identification card ko, patunay na pwedi mo akong pagkatiwalaan, Miss."

Kinuha ko ang sinasabi nyang ID niya raw, binasa ito ng mga mata ko David Alarcon, Startica Manager. Kung ano man ang nakasulat d'on wala akong alam at ayaw ko rin namang alamin.

"So. Tell me. Saan ka? May hinihintay ka ba?"

Sasabihin ko ba sa kaniya ang kanina ko pa pinapangambahan?

"Naghihintay ako ng taxi dito."

"Taxi saan naman pupunta?" tanong nito sa sagot ko sa kaniya.

"Manila sana."

"Manila? D'on din ang punta ko, gusto mo bang sumabay na lang sa akin?"

Alanganing tingin ang pinagkaloob ko sa kaniya. Sasama na lang ba akong bigla-bigla rito? Nag-aalangan talaga ako sa alok niya.

"As I said, you don't have to worry about me. Hindi ko bubuhatin ang bangko ko na mabuti akong tao but I am, Carissa. I don't have any intention on you."

"Pasensiya ka na. Hindi ko lang alam ang ire-response ko, ito kasi ang unang beses na pagtapak ko sa Manila, nag-aalangan talaga ako."

Hindi ako makatingin habang sinasagot ko sa kaniya ito, naalala ko rin ang mga gimik at ang mga ginagawang hipnotismo ng ibang tao para makuha ang tiwala ng isang taong gusto kuno tulungan nito.

"Keep my Id so you can trust me. Malinis ang intensyon ko sa 'yo. Saan mo pala gustong pumunta?" tanong nito ulit sa akin.

Napatingin ako sa bag kong dala-dala.

"K-kay Miguel, sa a-asawa ko," sagot ko sa kaniya.

Kasal naman kami ni Miguel kay Mayor Escalante bago ito bumalik ng Manila kaya may karapatan naman siguro akong sabihin na asawa ko na siya hindi ba? ani ko sa aking sarili.

"You're married?"

Tinaas ko ang mga daliri ko at pinakita sa kaniya ang singsing na sumisimbolo ng kasal namin ni Miguel.

"Oo. Kasal kami ni Miguel."

"Great. Kaya ka siguro nahihiya sa akin 'no? Kasi kasal ka? No worries. Gusto ko lang maging ligtas ka."

Mukhang sincere naman ito sa sagot niya sa akin. Tunay na ngiti ang pinagkaloob ko sa kaniya, baka nga siguro ligtas naman talaga ako at ako lang tong nag-iisip ng mali sa kaniya.

Wala naman sigurong masama kung magtitiwala ako, aniya ng isip ko.

"Hinihintay ko lang ilabas ang sasakyan ko mula sa barko. Sasabay ka na sa akin ha, para hindi ka na gabihin dito at maging panatag din ang loob ko."

"Sigurado ka bang ayos lang?" tanong ko sa kaniya.

"Ayos lang, Carissa. Wala kang dapat ipag-alala. Mabait akong tao, malinis ang records ko."

"Naniniwala ako. Then here. Hindi mo naman siguro dapat ibigay sa akin 'to," ani ko sa kaniya.

Binalik ko ang binigay niyang Identification card na inabot nya kanina sa akin, bilang patunay na mabuti nga siyang tao.

"Dito ka lang ha, babalikan ko lang ang van ko. Sa sasakyan na lang tayo magkwentuhan. Okay ba 'yon?"

Sinundan ko ng tingin ang lalaki, binasa ko ulit ang pangalan niya sa ID David Alarcon.

Mukhang hindi naman talaga siya masamang tao at wala naman siyang mapapala sa akin kung sakaling may kailangan siya, wala naman akong malaking pera at mga alahas sa katawan ko pwera lang talaga sa singsing na binigay sa akin n'on ni Miguel nang magpakasal kaming dalawa sa Alkalde.

Halos isang taon na rin ang lumipas pero nasa daliri ko pa rin 'to, tatlong buwan lang kami nagsama ni Miguel sa Isla at pitong buwan din ang lumipas bago ko nagpasyang sadyain siya para alamin kung may problema ba o masamang nangyari dito.

Isa pang sulyap ang pinakawalan ko kung nasaan kanina dumaan si David para kunin daw ang sasakyan nito, ayon dito.

Kailangan ko na lang siguro magtiwala sa kaniya at wala naman masama kung gagawin ko 'yon. Kailangan ko rin ang tulong niya ngayon at naisip ko na kung mag-ta-taxi ako baka maubos ang dalawang libong dala ko.

Bahala na, wika ko sa aking sarili. Para kay Miguel 'to, para masagot lahat ng tanong sa isip ko.