webnovel

His Stubborn Queen (Tagalog)

'Naughtiness is everywhere,' ayun kay Cesarina Jam Falkin matapus umuwi sa Pilipinas upang doon ipagpatuloy ang naidulot n'yang kapasawayan sa America. Pagtapak niya sa paaralan ng mga kriminal na kung tawagin ay 'High University' ay agad s'yang napabilang sa mga rankers kung saan ito ay makapangyarihan at magaling pagdating sa pakikipaglaban at pagnanakaw.Hindi naging madali ang buhay sa mga rankers lalo na't abot impyerno ang kaba kapag katabi nito ang Cesarina'ng pasaway. Ngunit sinong nag-aakala sa kanyang pagiging pasaway ay hindi mo akalain na may lalaking patay na patay pala sa'kanya.Ang tanong,mahuhulog ba ang isang pasaway kapag malaman niya kung sino ito? Disclaimer:This story is written in Tagalog with a little bit english.

misscutenightmare · Urban
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 4

SUMUNOD ako sa sinabi n'yang  'follow me' akala mo naman saan ako dadalhin.Tila isa akong buntot sa kanyang likuran at kanina pa umaakyat sa hagdan parang next akyat namin sa langit na.

"Were here!" nakakagulat na sabi ni Carver at binuksan ang magarang pinto.

Sa wakas nakarating din.Teka,anong gagawin namin dito? Bigla akong namangha papasok nang isinampal sa mukha ko ang parang isang mamahaling restaurant sa loob.

Sumunod  naman ako sa kanya.Mabilang lang ang tao nasa loob,nakita ko pang may tatlo'ng kababaihan ang kumakain na napatingin sa gawi namin habang may isang lalaki ang natutulog sa mesa.

Kinalabit ko si Carver. "Anong gagawin natin dito, tanda?"

"Kakain malamang," pambara niya."Nagugutom ako."

Naalala ko naman ang pagud ko sa pag akyat.Tapus kakain siya ?! Pinasunod pa ako sa lintek dahil kakain siya?! Hindi ko mapigilang maging San Guko at maging Titans.

"Yah! Kapagud sa pag akyat tapus kakain kalang pala. Pinasunod mo pa talaga ako?! May cafeteria naman do'n sa dinaanan natin kanina!" sunod sunod na putak ko.

Tinakpan niya naman ang bibig ko sa kalagitnaan sa paglalakad upang manahimik ako at hindi makagawa  ulit nang ingay.

"This cafeteria is only for elites,mga leader at mga boss ang puwedeng kumakain dito," paliwanag niya at inalis ang kamay sa bibig ko. "Ang laswa mo."

Hinila niya naman ako sa bakanteng mesa.Pansin kong nagtawanan ang tatlong kababaihan at mataray na tumitingin sa'kin.

Ina ano ko ba ang mga 'to ?

Umupo naman ako at inilagay sa mesa ang dala kong backpack at  maingat na inilagay sa mesa ang mga natitirang paputok.Dinig kong ang mga pag singhap nito at napatahimik.

"Remove that thing,Sarina.Pagkain ang kakainin natin,hindi ang paputok mong yan," bulyaw ni Carver nang makita ito at may seninyasan na tao.

Ina-ayos lang eh.Ano ano na pinag iiisip nito.Napanguso ko itong isa isa ipinasok ulit sa backpack.

"Bakit ang daming mong paputok ?" iritang tanong niya .

"Syempre binili," pabalang ko at napalinga linga sa paligid .

Lumapit sa amin ang isang waiter na may dalang menu.Magalang niya itong binigay sa aming dalawa.

"I want," napatingin ako sa hawak kong menu. "Pasta Con Pomodoro E Basilico.Pistachio Panna Cotta and Caprese Salad with Pesto Sauce," marteng wika ko.

It's my favorite italian dish na wala sa menu at hindi ko din alam.

Naguguluhan napatingin sa akin ang waiter. "W-Wala po 'yan sa menu."

"Edi wala din akong o-orderin," ngumiti ako sa kanya.

"Nope, kakain ka Cesarina.Two vegetable salad and two ampalaya with lettuce shake and malunggay.Isama mo na din na two carrots for dessert and lettuce salad with fresh cucumber."

"Gag*," naibulaslas ko.Kailan ba to naging vegetarian?

"Your mouth,Cesarina !" napatingin si Carver sa waiter at ibinalik ang menu. "That's all."

Yumuko naman ang waiter bago umalis.Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Carver.

"Ano 'yun,Carver?"

"It's nutrious food  that fills  your body with the sufficient amount of nutrients like vitamins, carbohydrates, proteins.Ano bang kinakain mo sa America at naging maarte kana?"

"Syempre pagkain."Napataas ang makapal n'yang kilay."Unnutritious food? "

"Alam mo Carver,manahimik ka nalang."Asik ko baka mabalibag ko tong mesa sa kanya.

Malakas naman napatawa si Carver.Ume-echo pa ito sa paligid.Napatahimik naman ako.Langhiya 'tong tumawa,nakakatindig sa balahibo.

"Nadinig niyo 'yun ? Tumawa si rank 3 dahil sa babaeng nakahelmet ?!"

"Baka girlfriend niya yung pizza delivery girl.Gez! I don't know may checkpoint na pala dito," nagtawanan pa ang dalawang babae.

Tumayo ang isang babae at maarteng naglakad palapit sa kinarorounan namin.Napaatas ang isang kilay ko.Anong kaya ang kailangan nito?

"Do you know that only elite can enter this private restaurant?" nakapamewang n'yang sabi at nilalaruan ang mahaba n'yang buhok.

"Ipaglaban mo," pagche-cheer ko at tinuro si Carver. "Sisihin mo 'yan."

"Go back to your table and sit properly,I don't need your opinion nor what you're saying," pagtaboy ni Carver sa kanya.

"Such a bad boy rank 3.Hindi mo sinusunod ang mga patakaran nina rank 1 and 2 dito."

Tiningnan ko naman si Carver at pinanlakihan nang mata.Baliw na tandang 'to.Eh,bawal naman pala ako dito.Mapapahamak ako wala sa oras dahil sa kanya.

"What's the problem here?" lumapit ang isang lalaki na natutulog kanina sa mesa.

Napatingin ito sa'kin at kumunot ang noo.Isa pa tong may bangs ngunit sobrang hot.

"Hi Dora--aw!"

Naramdaman kong sinapa ni Carver ang paa ko sa ilalim.Sino na naman kaya 'to kung ba't takot din si Carver.

"May outsider ang nakapasok dito rank 2." Sumbong sa babae.

Rank 2 ?! Isa din pala itong rankers na hindi nakapag twerk kananina ! Dios mio.

"Outsider is not allowed in here.You have 2 second to leave this place," maowtoridad na utos ni rank 2.

Napahawak naman ako sa tenga."Medyo nabingi ako.Puwede paki ulit sa sinabi mo?"

"Cesarina," mahinang pagbabanta ni Carver at napanlabi.

"I said get out of this place," madiin nitong ulit.

Tumango tango ako. "Okay, ingat ka," ngitian ko siya at kinawayan.

Napasinghap ang babae."Anong karapataan mo na pagsalitaan nang ganyan si  Rank 2 ?!" hindi makapaniwalang anang nito.

Kaloka tong babae na 'to,parang siya pa yung mas affected sa kanilang dalawa.

"If I were you rank 2, paparusahan ko yan.That's disrespecting !"

"Paano ba yan,hindi ikaw si rank 2," humawak pa ako sa puso.

Napatikom ang bibig niya na halatang naiinis na ."Gosh! " yan lang ang nasabi niya.

"Gosh!" pang gagaya ko.

"Stop that Godessa.Umalis kana.Salamat sa pagbabalita," kalmadong utos ni  Carver sa kanya kaya padabog naman itong umalis.

Napatingin ako kay Rank 2 na malamig kung makatingin sa akin kahit sobrang inosente sa kanyang mukha.Masasabi kung  may mukha din s'yang ipagmamalaki sa lahat,napa kagwapo sa ugok kagaya din ni rank 1.

"Rank 3! You know the rules right ?!"

"Yes rank 2 !" seryosong sang ayon ni Carver. "She's  Cesarina  Jam Falkin the Rank 8 ,my cousin."

Gulat akong napatingin kay Carver.Wait--what ?! Rank 8 na ako ?

"Wait ,a transferee a-and a rankers?" tumingin pa ito sa'kin. "Alam ba ito ni Rank 1?"

"I'm not sure Rank 2.Maybe not."

Deritsong tumalikod si Rank 2 at naglakad paalis.Napatingin ako kay Carver na masamang  nakatingin sa akin.

"Ouh? Ano naman ginawa ko ?" inosenteng anang ko.Pero hindi pa din maka paniwala,rank 8 na pala ako !

"Nga pala nagagandahan siguro yung damulag sa akin,panay titig sa'kin." Tukoy ko kay Rank 2.

"Mangarap ka ng umaga,Cesarina."

Gumiba ang mukha ko ng magsimulang dumating ang mga pagkain.Nagsimula na ding kumain si Carver na tila nasasarapan.

Napatingin pa ito sa'kin. "Wala kabang balak tanggalin ang helmet mo? Hindi ka makaayos sa pagkain n'yan."

Maayos naman akong makakain dahil nakataas ang salamin sa helemet ko pero wala akong balak tanggalin ito.

"Hindi,kahit hindi kapa magtanong," aniko."Anong rank ang babaeng na yun ?" pag iiba ko at tinuro ito.Kita ko pang napauwang ang labi sa babae na makita n'yang tinuro ko siya.

Hindi naman ito tiningnan ni Carver,halatang walang pake. "Female Leader of the Gangster.Godessa Cadler.Hindi sila kasali sa rank,leader lamang siya." Sagot nito  habang ngi-nu-nguya ang damo.

Lupet ng pangalan niya,Godessa.

Napatango tango lang ako. "Bakit  tayo lang ang may rank ? Special child ba tayo ?" tanong ko ulit habang palihim na gumawa ng kabalastugan.

Nilamoy niya ulit ang  damo bago tumingin sa akin."Malalakas at makapangyarihan ang mga rankers.Nakita mo naman yung Rank 1 hindi ba? Siya ang pinamalakas.Next is Rank 2.Sila ang gumagawa ng batas dito at namamahala.Please Cesarina,huwag mo silang pagtripan lalo na't kaklase mo sila ."

Napatango tango lang ako,parang impossible yan.

"Paano ba maging rank 1?" tanong ko. "Anong ginawa mo kung bakit naging Rank 3 ka ? For sure naman may ginawa ka."

Napaiwas siya."Just finish your food."

Padabog kong inilagay sa mesa ang kamay ko. "Hindi naman equation at problem solving ang tinanong ko upang ibahin mo ang sagot !"

Pinanlakihan niya ako sa kanyang tarsier na mata ."Hindi ko sasabihin dahil alam kong gagawin mo .You naughty brat !"

"Hindi kapa nasanay !" bulasas ko at napasandal sa upuan. "Naghihintay ako Carver .Baka gusto mo pang turuan pa kita magsalita," nakapikit na sambit ko.

"Geez! Naglaban laban kami sa underground para sa ranking ! Happy now?!"

Kaya pala,pero ano kaya gagawin nila mamaya sa underground?

"Gusto kong sumali sa laban na yan."

"No ! Too dangerous  Cesarina Jam ! Maari mong ikamatay sa kamay ng kalaban, " bigla s'yang bumuntong hininga siya."Well,dahil isa kanang  rankers,expected na kasali ka sa laban.Aish ! Bakit dito ka pa kasi nag aral !"

Binatukan ko ito. "Sus,sinong takot ? Kailan pa ako natakot ? Kung magpapatalo ka sa kalaban kaya namamatay .Nasa tao lang yun pero yakang yaka ko yun! Kailan ba ang laban sa ranking?"

Napahilot siya sa noo. " Hirap talaga pigilan ang mga pasaway !"

"Hindi yan ang gusto kong marinig Carver Tax Falkin !"  sigaw ko pero agad n'yang tinakpan ang bunganga ko.

"Fine.Lower your voice. Matagal pa yung ranking Cesarina kaya ihanda muna ang kabaong na paglalamayan namin pagkatapus, " napaayos siya at napainom sa shake. "Kumain kana at  babalik pa tayo sa room.Kailangan pa  kitang ipakilala kay Rank 1."

"Siya ba  yung apo sa pano't na Dean?" Napalingon naman sa akin ang lahat.

"Cesarina Jam!" inis na gulat nito."Kaya pala panay tanong ka upang hindi ko mapansin na nililipat mo sa pinggan ko ang mga pagkain mo.Now,dalawang pinggan na ang kakainin mo!"

"Ano?! Kakainin ko ang pinggan?" inosenteng aniko ko sa kanya. "Mooooooo!" sigaw ko bago kinain ang mga damo.

•Miss_Cutenightmare