webnovel

His Slave for 100 Days

enlightenedwriter · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 11

"Ano na naman ba ang kailangan mo master?" Tanong ko agad pagkapasok ko. Tiningnan lang ako nito at sinenyas ako na umupo.

"Bukas 11AM susunduin kita sa inyo, sa mall na tayo kakain para deretso pila na tayo pagkatapos kumain. Baka kasi maabutan ng traffic pag 12 na kita susunduin" paliwanag nito at biglang nagningning ang mga mata ko

"Sige sige! Mygosh, thank you talaga master" napayakap ako sa kaniya sa pangalawang pagkakataon, tinulak niya ako "Ano ba, kanina kapa nagc-chansing sa'kin. Tsk" aba ang kapal ng mukha neto.

"Kala mo gwapo, hindi naman. Psh" bulong ko pero bigla siyang napatingin sa akin "Anong sabi mo?" Nakakunot noo na tanong niya at ngumiti ako "Wala po, sabi ko ang gwapo mo. Gusto tuloy kita itapon sa Pacific ocean" sinadya kong hinaan ang boses ko sa huli kong sinabi, baka ako pa ang matapon.

"Since birth na ako gwapo kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan ang reaction mo" proud na sabi nito at napairap nalang ako sa kakapala ng mukha niya.

Nye nye, di muna kita aawayin ngayon kasi ililibre mo ako bukas. Baka magbago ang isip mo.

Sabi ko nalang sa isip ko. Psh, pasalamat siya at mabait ako ngayon hindi ko siya babarahin.

---------

From: Master

Be ready, I'll be there in a minute.

Ano ba yan, kahit sa text ang sungit. Actually kanina pa akong nine nakahanda kahit sabi niya eleven niya ako susunduin. 'Di naman halata na excited ako di'ba?

Nakahanda na rin ang libro ko at ang gift ko kay MR_TERYO. Sana magustuhan niya ito. Isa itong picture niya na ginuhit ko at nilagay sa frame. Nasa likuran nito ang message ko para sa kaniya.

Alam rin nila nanay na si Jake ang kasama ko. Sinabi ko nalang na kaibigan ko din ito. Buti at pumayag si nanay. Supportado niya rin ako sa pag fangirl ko eh. Buti nga raw at may makakasama ako sa pagpunta sa book signing ng paborito ko na mga manunulat.

*Knock*

"Teka.." tumayo ako pagkarinig ko sa katok at binuksan ang pintuan. Nakita ko si Jake sa labas. Hindi ko alam bakit pero ang gwapo niya sa paningin ko ngayon. Nakasuot ito ng puting shirt na medyo hapit sa katawan. Tapos naka shorts.

"Hey!" Pagtawag nito na nagpabalik sa akin sa katinuan. "Ah, ha?" Tanong ko na nagpakunot ng noo niya.

"Tsk, natulala ka na sa kagwapuhan ko." At dahil dun bigla nalang ako nandiri. "Psh, in your dreams" mas lalo nangunot ang noo nito sa sagot ko.

"Tara na nga, ang bagal mo." Sabi nito at tinalikuran ako para pumunta sa sasakyan niya. Walang modo grrr!

"Nay, alis na po kami. Ingat kayo dito." Paalam ko kay nanay, hindi ito lumabas sa bahay kasi may binabantayan ito na niluluto.

"Dun ka sa likuran slave. Nasa shotgun seat ang pinsan ko." Tumango ako at hindi na nagtanong pa. Nauna na siyang sumakay, hindi man lang ako pinagbuksan.

"Bat hindi mo man lang pinagbuksan insan! Ansama mo." Yun ang bungad sa akin pagkapasok ko sa sasakyan. "I told you. She can do it by herself" sabi nito at sumimangot.

"Psh" sagot ng pinsan niya at binuksan ang pintuan saka ito lumipat dito sa likuran katabi ko. "What the! Anong ginagawa mo diyan Fran! Pinapamukha niyo akong driver. Tss" angal pa nito

"Wala kang pake. Just start na car and let's get going." Sabi ng pinsan nito at wala na nga siyang nagawa kundi paandarin ang sasakyan at umalis na.

"Hi Angela, ako pala si Francess. Pinsan ni Jake sungit." Pagpapakilala nito "I heard that Fran, tss" sabat pa ni Jake "Shut up" at dun tumahimik na si Jake. Tiklop pala ito sa pinsan niya.

"Don't mind him, ganyan lang talaga siya..." Ngumiti ito kaya ngumiti rin ako "fan ka pala ni MR_TERYO?" tanong niya at agad naman akong napangiti habang tumatango. "Magkakaintindihan pala talaga tayo, buti nalang pinilit ko si Jake na isama ako" sabi pa nito na bahagyang sinulyapan si Jake.

"Ah, ang ganda kasi ng story niya, ano paborito mo?" tanong ko para hindi awkward na siya lang nagsasalita. "Hmmm, A beautiful Mistake akin, sayo ba?" wow "yung When you came into my Life. Noon pinapangarap ko lang na makabili nang libro niya, pero dahil sa bestfriend ko nagkatotoo ang pangarap ko. Binilhan niya kasi ako ng libro nun." sabi ko habang inaalala yung gabi na binigay ni Arra ang libro. Sobrang saya ko nang gabi na yun.

"Wow naman, swerte mo naman sa bestfriend mo. Isa lang ba libro mo ni MR_TERYO? Meron akong extra na A beautiful mistake, sayo nalang" Hala totoo ba 'to? Ibibigay ni ate Fran ang libro niya sa'kin? "Hala, nakakahiya naman po, sayo yun eh" sabi ko naman kasi nakakahiya talaga, kakakilala lang namin pero ibibigay niya sakin libro niya.

"Don't worry, may isa pa naman ako. Sa lunes ipapadala ko kay Jake, nasa bahay pa kasi, yung isang copy ko lang dinala ko ngayon." 'bat ambait ng mga nakapaligid sa'kin na mga tao, pwera kay Jake. Nakakatuwa naman na may mga taong ganyan.

"Malapit na tayo sa MOA. Tumahimik na kayo diyan, baka mag iyakan pa kayo. Tss" ang epal talaga ng lalaking ito, hindi naman pinapakealaman.

Tumahimik na kami ni Ate Fran, ise-save ko muna energy ko para mamaya pag nakita ko na si kuya Ryan (totoo niyang pangalan).

Hindi ako mapakali habang papalapit na kami sa MOA, eh kakain pa naman kami dahil mamayang 12 pa kami pipila. First time ko din maka punta sa book signing kaya ganito nalang ang kaba ko.

"Ate Fran, san mo pala nadiscover si MR_TERYO po?" tanong ko dahil na curious lang ako bigla.

"Funny as it may sound pero nakita ko lang siya suggestions, in-add ko siya and unexpectedly inaccept niya naman. Doon nang stalk ako, dakilang stalker ako eh. Nalaman ko na nagsusulat pala siya, kaya finollow ko siya sa wattpad and I started reading his stories and I loved them all specially sina William and Bella..." natawa siya habang inaalala ang mga sinabi niya. Sanaol friend si kuya Ryan hays.

"..Tapos ayun, nag start ako mag fangirl. I started making book covers ng mga stories niya. Edits about kay Ryan and minsan napag ttripan ko yang pictures niya at ineedit. I sent them to him until na notice niya ako, unti unti napapalapit na rin ako sa kaniya. Mabait siya eh, hindi siya yung tipong mahirap pakisamahan. Until now nakakausap ko pa nga 'yun eh. Pero hindi ko sinabi sa kaniya na pupunta ako sa book signing niya ngayon. Isu-surprise ko siya." napakahabang sabi ni ate Fran, nakakainggit naman, pero hayaan na mamaya makikita ko rin naman siya.