1 Prologue

His saving grace

Maingay, iyon ang unang pumasok sa isipan ko nang ibukas ko ang mga mata ko mula sa pagkakatulog. Ibat-ibang boses ang naririnig. Ramdam ko ang pagkahilo, napahawak ako sa aking noo. Hindi pamilyar ang mga boses, pasimple kong inilibot ang aking tingin sa paligid. Umahon ang kaba sa aking dibdib. Hindi ito ang aking silid. Hindi pamilyar ang lugar. Napatayo ako nang wala sa oras. Isang katanungan lang ang nasa isipan ko. 'nasaan ako?'

Bumukas ang pintuan, ang kaninang ingay na naririnig ko ay lalong lumakas, mga taong nag didiskusyunan. Isang babae ang tumambad sa aking paningin.

"She's awake. Tell the alpha that her Luna is awake" malamig ang kanyang boses, tila ba nakaka kilabot. Ramadam ko ang pagtaas ng aking balahibo sa katawan. Nakakatakot sya, hindi ko alam kung bakit pero natatakot ako sakanya.

Tunog nang kanyang botas ang tanging lumilikha ng tunog, ang kaninang mga boses sa labas ng kwarto ay nawala, tila ba sinunod ang utos ng babae kanina. 'who's alpha?' panigurado ako ang tinutukoy nya. Anong ibig nyang sabihin sa luna? Nasa tapat na sya ng aking higaan kaya umangat ang tingin ko sakanya. Ngunit tila maling desisyon iyon, gusto kong bawiin ang tingin ko. Malamig ang kanyang mata, walang emosyon. Matalim ang mukha. Matangkad ang babae, balingkinitan ang katawan, maganda sya pero sya yata yung bersyon nang mga bitches na nagkalat sa paaralan ko.

Muling bumukas ang pintuan, malakas ang pagkalabog nito dahil siguro sa lakas nang pagkakabukas. Dumako ang tingin ko sa direksyong iyon.

My lips parted when I saw him. Bumaba taas ang aking tingin sa kanyang kabuuan. Biglang nanginig ang aking labi at ramadam kong namuo ang luha sa mata ko. 'hindi maari' unti unting bumabalik sa alaala ko ang nagyari bago ako nagising. 'bago ako napunta sa lugar na ito'

"Luna" isang salita lamang ang lumabas sa bibig nya pero umiling lamang ako. Hindi! Hindi pwede! Gusto ko ng umiwi!hindi ako nababagay rito!

"Who are you?" nanginginig kong tanong, humigpit ang hawak ko sa kumot na tumatakip sa aking pang ibabang katawan. Tumiim ang kanyang mukha dahil sa tanong ko, tila ba hindi nya iyon nagustuhan.

Naglakad sya papunta sa akin, ang kaninang babae ay nasa isang gilid. Nagsumiksik ako sa headboard ng kama. Ayoko rito, natatakot ako.

"I want to go home" umiling lamang sya at nagpatuloy na lumapit sa akin, inangat ko ang makapal na kumot, tipong doon ako kumukuha nang lakas.

"You can't, you can never go home" tuluyan na akong napaiyak. "Ayoko sayo!let me go home! I hate you, I want to go home!" paghihisterikal ko. Mukha naman syang nataranta at umupo sya sa gilid ng kama, akmang hahawakan nya ako dahil umangat ang kamay nya papunta sakin ng lalo kong linakasan ang pag iyak.

"No! I don't like you!iuwi mo na ako, please po iuwi nyo na ako." Humahagulgol kong sabi. Hindi pa yata sapat ang pagmamakaawa ko dahil bakas sa mukha nya ang pagtutol. Matigas ang kanyang tingin sa akin na lalo lamang nagpabugso sa aking damdamin.

"Calm down, baby you have to calm down" itinulak ko ang kamay nya at sumiksik sa gilid ng kama, hindi! Kailangan kong umalis, hindi sila tao! Bumalik sa balintataw ko ang nagyari at nanginig lalo ang katawan ko.

Napasabunot ako sa aking buhok at sumigaw. No! nananaginip lang siguro ako!kailangan kong gumising, hindi ito totoo! Tao ako! Hindi totoo ang mga nangyari.

Patuloy ako sa pagiyak at pagwawala, kailangan kong gumising! I pinched myself hard. I balled my fist until it bled. "Alexa! Look at me, fucking look at me baby. Calm down, you're safe okay? I won't hurt you" pero hindi ako kumbinsido, iba ang nakita ko sa sinasabi nya!

"Hindi!ayoko sa'yo! No please leave me alone!" kahit nahihirapan akong huminga dahil sa pagiyak, kailangan ko parin umalis dito. Kailangan nya akong ibalik sa mundo ko!

Hinawakan nya ako sa magkabilang braso, umangat ang tingin ko sa mukha nya habang patuloy sa pag hikbi.

"Iuwi mo na po ako" lumamlam ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Kinabig nya ako payakap. "Take a rest" iyon lamang ang sinabi nya at naramdaman kong may tumusok sa leeg ko.

Tumingin ako sa direksyong iyon. Ang babae, may itunurok sya sa akin, kahit nanghihina ay kinapa ko ang aking leeg.

Kumukurap nang paulit ulit, nanalalabo bigla ang tingin.

Anong nangyayari? Ramdam ko ang brasong nakapalupot sa akin pero nanghihina ako, nanalalabo rin ang tingin, parang.. parang hinihila ako ng antok.

Pumikit ako at naramdaman ko na inihiga ako ulit.

"Come back to me, Luna"

Iyon lamang ang huli kong narinig bago ako linamon ng dilim.

avataravatar
Next chapter