webnovel

1. When I Met Him

Masyadong malakas and ulan nang gabing nagdesisyon maglakad pauwi si Marinelle. Wala ring masakyan at masyadong mahaba ang traffic sa araw ding iyon. Humahangos siyang sumilong sa sa waiting shed sa tapat ng isang simbahan. Lumang simbahan na ito at kung hindi lang dahil sa historical value nito ay matagal na itong giniba. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay nakatali sa lugar ang puso niya.

Malakas ang tibok ng puso niya at tila may pumipiga rito. Masakit. Sobra. Daig niya pa ang isang taong iniwan ng kasintahan nang walang dahilan.

Di rin na namalayan ay tumutulo na pala ang kanyang luha. Napaluhod na lang siya at hindi na alintana ang mga nang-uusisang napapadaan. She just burst out in tears. "Ciel..."

Sino si Ciel? Ewan pero iyon ang pangalang lumabas mula sa labi niya bago siya nawalan ng malay.

Sa sulok ng kwarto ay kanina pa pabalik-balik ng lakad si Alec, ang fiance ni Marinelle. Isa itong batang don ng angkan nito at tagapagmana rin ng isa sa mga pinakamalaking kompanya sa Pilipinas. Lingid sa kaalaman ng lahat na may itinatago itong babae.

Kahit engaged na ito ay nagagawa pa rin nitong pangakuan ng kasal ang kinakasama nitong babae sa mansiyon. Gwapo at mayaman, wala nang hahanapin kung iyon ang basehan.

"Mahal kita, yan ang tandaan mo," masuyo at buong pagmamahal na kinintalan ng lalake ang noo ni Marinelle.

Napabalikwas siya ng bangon. Umaga na at nasilaw siya sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang silid. Strange. Only heiress siya ng pamilya Reid. Matagal nang patay ang mga magulang niya dahil sa car accident noong bata pa siya at ang lolo niya ay nasa Spain at nagpapagaling mula sa stroke.

Pakiramdam niya ay may nag-alaga sa kanya magdamag. At kung paano siya nakauwi ay hindi niya alam.

NAGLALAKAD-LAKAD si Marinelle sa garden nang mapapitlag dahil sa isang bulto ng lalake sa tapat ng gate. Nagtaka siya nang ngumisi ito at tila nandidiri sa kanya sa paraan ng paghagod nito ng tingin sa kanya. That handsome face is dangerously cold and irresistible. Somehow, his gaze felt familiar.

Matagal siyang nakipagtitigan sa lalake pero ito ang pumutol ng eye contact bago naglakad palayo. "Sandali!" sinubukan niya itong habulin pero nabigo siya dahil wala na ito wala ring kahit anong bakas kung saan pumunta.

Bakit? Tumulo na naman ang luha niya pero agad dung napawi nang marinig ang ugong ng kotse ni Alec.