webnovel

Introduction

Simula

Napakagat ako sa aking kuko dahil sa inip mula sa paghihintay kay Papa. Nasa loob ako ng Jeep Wrangler, habang nakapark kami sa isang gasoline station na may convenience store. Nasa loob ng convenience store si Papa para mamili ng mga iilang pagkain. Pero naiinip na ako sa paghihintay. Kanina pa siya sa loob.

We are now heading to Esperanza City. Hindi ko alam kong saan iyon. But we're heading south of the country. Medyo malayo na kami at inabot na kami ng umaga sa daan.

Hindi ko na nga alam kong saan kami dahil walang signage kong anong lugar na kami ngayon.

Dahil sa inip ko sa paghihintay ay lumabas na ako ng sasakyan. Nakasuot lang ako ng gray sweat pants at black sando camisole. Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya tinanggal ko na ang suot kong jacket.

Masyadong tahimik ang buong lugar. Wala akong nakikita kahit na tao at mukhang wala ring bahay na malapit sa gasoline station.

Naglakad ako palapit sa convenience store para sundan si Papa pero napahinto ako ng may narinig akong kaluskos mula sa may gubat, sa likod ng convenience store.

Kumunot ang aking noo na may nakita akong kakaiba na gumalaw sa likod ng isang malaking puno.

It feels like someone is watching me. Ramdam ko ang kakaibang titig na pinukol nito sa akin.

Wait. Am I seeing someone staring at me?

Dahan dahan akong naglakad palapit sa gubat. Umusbong sa aking sistema ang kuryosidad sa nakita. Alam ko na may nakita akong nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon.

Napalinga-linga pa ako sa paligid kong may tao ba, pero wala. Kaya dumiritso na ako sa paglalakad palapit sa gubat.

Pero bigla akong napahinto sa paglalakad ng may marinig akong kakaiba.

It feels like the sound is almost growling. Pero masyadong mahina kaya hindi ako sigurado kong ano iyon.

I took another step forward but I stop midway when I heard the bell of a door of the convenience store ring as a sign that someone opens it. Mabilis akong bumalik sa aking dinaanan at nakita ko si Papa na lumabas nga ng convenience store na may dalawang paper bags.

"Bakit ka lumabas?" agad na tanong ni Papa. Nakakunot ang noo nito. Mukhang hindi nagustuhan ang paglabas ko. Binilin kasi niya na huwag na huwag akong lumabas ng sasakyan. Pero dahil sa pagkainip ko, lumabas parin ako.

"Sorry." my voice sound almost like a whisper. I can't argue with my father. Alam ko naman na ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang buhay ko.

"Let's go, we still have a long way to go." saad nito at sabay kaming dumiritso sa sasakyan.

Tinulungan ko si Papa sa dala nito bago kami sumakay sa sasakyan. Hindi na niya ako kinausap nang makasakay kami at mabilis na pinaandar ang sasakyan at nagpatuloy sa byahe.

Napatingin nalang ako sa side mirror habang tinitingnan ang gasoline station na unti-unti nang nawawala sa paningin ko.

We travel another 8 hours before we reach the boundaries of Esperanza City.

I thought Esperanza City is like any other city. Na kapag nakapasok ka sa mismong siyudad ay matatanaw mo na ang mga gusali at iba't ibang klaseng establishment. I even expected a very busy street filled with vehicles going in and out of the city.

But it was far different from what I was thinking about this city.

Esperanza City doesn't have many establishments like any other city. Wala ring malalaking gusali. May isa o dalawang gusali na may dalawang palapag lamang. Hindi rin gaano karami ang mga sasakyan. Walang traffic at walang masyadong tao sa paligid.

Palubog na ang araw at oras na ng uwian mula sa trabaho at eskwelahan. The place should be filled with many students and other workers who got out from their job and schools. Pero iilan lang ang nakikita ko.

Napalingon ako kay Papa na seryoso parin sa pagmamaneho. Gusto ko basahin kong ano ang iniisip nito, pero wala akong mabasa na kahit na ano. He looks calm and he doesn't show any emotion at all. Hindi ko na tinuloy ang plano ko na tanungin siya ulit kung bakit dito kami lilipat.

Kinabig ni Papa ang manibela at lumiko ang sasakyan namin. Nakita ko sa unahan ang isang malaking gate.

Mukhang sa isang subdivision ang punta namin. At tama nga ang hinala ko nang huminto ang sasakyan namin sa mismong gate ng Esperanza Subdivision.

Lumapit ang isang guard sa sasakyan namin kaya binuksan ni Papa ang bintana sa side nito.

"Sino po ang pakay niyo?" tanong agad ng guard na mukhang may katandaan na.

"I'm the new owner of house 31. Apollo Dominguez." sagot ni Papa at binigay nito sa guard ang isang papeles at ang kanyang I.D.

Tiningnan naman agad ng guard ang papeles na tinanggap. Ilang sandali pa ay tumingin ulit ito kay Papa at napatingin sa akin.

"Sino iyang kasama mo? Pangalan mo lang ang nakalagay rito." saad ng guard. Nahimigan ko ang pagiging istrikto nito. Siguro ito ang patakaran nila sa subdivision.

"She's my daughter, Achilles Rae Dominguez." tugon ni Papa at kinuha ang I.D ko na nakalagay lang sa dashboard ng sasakyan. Binigay niya ito sa guard.

Kinuha ng guard ang I.D ko saka bumalik sa may guard house. Nakita ko siyang may kinausap sa telepono habang nakatingin sa hawak nito. Ilang sandali pa ay lumabas ito at lumapit ulit sa sasakyan namin. Isinauli kay Papa ang mga I.D namin at ang papeles.

Sinenyasan agad ng guard ang kasama nito na buksan ang gate. Pagkabukas ay sinenyasan na rin kami na pwede nang pumasok.

Isinarado agad ni Papa ang bintana at pinaandar ang sasakyan papasok sa subdivision. After a couple of minutes, we reach the house number 31, located at the hillside of the subdivision. Overlooking the city and it was far from the last house of this place.

Ipinarada ni Papa ang sasakyan sa labas ng isang two storey na bahay. The house has a touch of modern and classic design. Maganda ang pagkakaayos ng bakuran sa harap at malawak ang garage.

Masyado ring high-tech ang gate ng bahay dahil isang pindot lang ni papa gamit ang isang maliit na parang cellphone ay bumukas na ito para makapasok kami. Medyo mataas din ang bakod kaya hindi gaano kita ang kalahati ng bahay.

"So this is our new home now." panimula ko nang makababa na kami pareho ni Papa.

"Yes." maiksing sagot nito at nagsimula nang maglakad papasok ng bahay.

Napabuga lang ako ng hangin at sumunod kay Papa.

Hindi ko alam kong bakit naging ganito kadali para kay Papa na lumipat ng bahay, ang iwan ang lahat at mamuhay ng parang wala lang sa kanya ang nangyari sa buhay namin.

I lost half of my family. I lost my mother and only brother. It was devastating and until now, the pain of losing them is still fresh in my mind and heart. To be honest, I don't like leaving our old house. Pero wala akong nagawa nang malaman ko na unti-unti na kaming nalubog sa utang.

Pumayag ako sa kagustuhan ni Papa na ibenta ang mansion at lumipat nalang ng tirahan para makapagsimula muli. Kaso hindi ko aakalain na lumipat kami sa isang lugar na masyadong malayo sa dati naming tirahan.

Lumipas ang isang linggo at natapos namin ni Papa ang pag-aayos ng aming bagong bahay. Wala kaming masyadong imikan kahit nasa hapagkainan kami. Nagkakausap lang kami kapag may kailangan. Pero most of the time, napakatahimik ng buong bahay.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mamiss sina Mama at Kuya.

"I've prepared all your documents so you can go to this school this Monday." napatingin ako kay Papa nang magsalita ito.

We are eating dinner. Kanina pa kami tahimik kaya nagulat ako nang magsalita ito. Kaso hindi ko alam ang isasagot ko, o sasabihin ko. Kahit matagal ko nang gusto sabihin sa kanya na gusto ko mag-aral at kung p-pwede pa ba ako mag-enroll kahit mag-iisang buwan na simula noong magsimula ang klase.

"You can take the Jeep to school. But I want you to take your studies seriously. This is your last year in high school. I want you to finish it and I don't care if you don't get a flying colour when you graduate."

Tumango lang ako sa sinabi nito at hindi na nagsalita pa.

I let my weekend passed without talking too much with my father. Hindi na rin ako nag-effort pa na kausapin siya. He was busy too. Palage siyang wala sa bahay simula noong nakarating kami rito. Nakabili rin siya ng bagong sasakyan kaya ako na ngayon ang gumagamit sa Jeep.

Monday. Nasa daan na ako papuntang Esperanza High School. Dahil hindi pa ako nakakagala sa buong ciudad ay gumamit pa ako ng GPS para matunton ang paaralan.

It was only 20 minutes drive from my house and I reach my new school. Muntikan pa akong hindi makapasok sa campus dahil may dala akong sasakyan at wala akong I.D. Mabuti nalang ay kasunod ko lang ang principal kaya nakapasok naman ako at naipark ko ng maayos ang aking sasakyan.

Naramdaman ko agad ang mga tinginan ng mga estudyante sa akin nang makababa ako sa Jeep. Lahat sila nakasuot nang uniporme habang nakacivilian lang ako.

I am wearing a black and white checkered trouser paired with a white printed V-neck shirt and a pair of Chuck Taylor shoes. I feel so kinda left out because of what I am wearing. I need to find a way to get my uniform so I can wear it immediately. Ayoko makuha lahat ng atensyon ng mga tao rito.

"Ikaw pala ang anak ni Apollo, napakaganda mo palang bata." Napatingin ako sa Principal na ngayon sinusundan ko itong maglakad papunta sa opisina nito.

"Kilala niyo po Papa ko?" tanong ko. Not minding the compliments she just said.

"Ay, oo naman. Your father is an alumnus here." Nagulat ako sa sinabi ng Principal. Dito nag-aral ng highschool si Papa? "I'm glad he's back here, but I'm also sorry about what happened to your family."

Hindi na ako nagsalita. Bigla akong nanghina sa huling sinabi nito. Naikuyom ko nalang ang aking kamao para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.

The principal handed me my study load and explained some regulations in the school. Dahil late na ako nakapag-enrol, sa Section C niya ako ilalagay kahit na matataas ang grado ko. Sa Section C nalang din kasi ang may available slots para sa bagong estudyante. Hindi na ako nagreklamo dahil wala naman akong pakialam.

Hinatid ako ni Principal Santos sa magiging classroom ko at nasa ikaapat na palapag iyon. Habang naglalakad kami papunta sa aking classroom, napansin ko ang iilang estudyante na may kakaibang tingin sa akin. Their aura is different and they look so creepy. Iniwas ko ang tingin sa kanila at inabala ko nalang ang pagtingin sa buong paligid.

Esperanza High School campus is big. May dalawang gusali na tig-aapat ang palapag. May malawak na quandrangle na pinapagitnaan ng dalawang gusali. Sinabi rin sa akin ni Principal na may malawak na soccer field sa likod at malaking gymasium.

Inanyahan niya akong sumali sa isang sports organization, pero tinanggihan ko iyon. I plan to have a normal life in highschool. But I also want to be invisible as far as possible. Natatakot na akong magkaroon ng kaibigan na hindi ko pala kilala ang totoong katauhan. And I want to avoid any conflict. Tama na iyong nangyari last year. Ayoko na maulit iyon.

Pumasok kami sa classroom ng Grade 12-Section C. Wala pang adviser pagkapasok namin kahit nagsimula na ang first period. Isang maingay na mga estudyante ang agad na bumungad sa amin.

"Aherm."

Natahimik ang lahat ng marinig nila ang pekeng pag-ubo ni Principal Santos. Umayos lahat sa pagkakaupo at tumingin sa kanilang harap. Napansin ko rin ang pagtingin nila sa akin na may pagtataka.

Napahigpit ang paghawak ko sa aking bag. Kinabahan ako bigla. Hindi ko maintindihan pero naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin na kakaiba. Inisa-isa ko ang bawat estudyante na nasa harap ko. Hanggang sa mapatingin ako sa lalaking nakaupo sa pinakahuling upuan. He's staring at me, and for some unknown reason I stared back at him.

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla itong ngumisi. Pero kumunot din ang noo ko ng bigla itong natawa kaya lahat ng estudyante ay napatingin sa kanya.

"Stop laughing, Mr. Rosenbloom!" sita ni Principal pero tumawa lang ito ng tumawa hanggang sa tumawa na ring ang buong kaklase nito.

Napangiwi nalang ako ng nakatingin sa harap ko na nagtawanan na. Akala ko may kakaiba sa lalaking nasa likod pero mukhang kakalabas lang ito sa mental. Nababaliw na buang.

Pero napatigil din ang lahat sa pagtawa ng may maramdaman akong kakaibang lamig sa gilid. Paglingon ko, isang lalaki na matangkad ang dumating at dire-diretso itong pumasok ng silid.

He has this cold and eerie aura that made the whole class goes in deep silence. Pati iyong lalaki na nagpasimuno ng ingay ay natahimik din.

Kaso iyong bagong dating na lalaki ay tumabi doon sa lalaki. At doon ko napansin ang pagkakahawig ng dalawa.

Damn. Are they twins? They almost look alike.

Ngumisi iyong lalaki na tumawa kanina habang nakatingin parin sa akin. Napatingin naman ako sa katabi nito na kakarating lang at napaatras ako ng napatingin ito sa akin.

Napaatras ako dahil nakilala ko ang mga mata nito. He has those pair of light brown eyes that is like sparkling even during broad daylight.

Those eyes. Those eyes are the one I saw when I was in the gasoline station, in the woods.

Hindi ako nagkakamali. Iyon ang nakita ko.

"Magnus Cale Rosenbloom, you're late again." saad ng Principal na nasa tabi ko.

Ngumisi ang lalaking tinawag ni Principal Santos. Pero walang halong humor ang pagngisi nito. Mas lalo akong nakaramdam nang kakaiba lalo na magsalita ito.

"I know, Principal Santos. I'm just waiting for someone." tugon nito sa malalim na boses at napatingin ulit sa akin.

Para akong nanlamig nang makompirma ko nga na siya iyong nakita noong araw na iyon. I only saw his eyes, but I know that he's the one who is watching me from the woods.

But why?

Why is he watching me from the woods?