webnovel

Chapter 3: Mission Success

At nag punta na nga sila sa Client meeting ni Leo. Bawat hakbang ay may bitbit na kaba at excitement, habang sila'y naglalakad patungo sa opisina ng kanyang kliyente. Nagsuot si Leo ng maayos na business attire habang si Rael ay mas pormal din ang pormahan para sa pagkakataong ito.

Sa pagpasok nila sa opisina ng client, agad silang tinanggap ng kanilang contact person. "Ah, you must be Leo Right?. Mavee is already waiting for you. Please follow me," sabi nito sa ingles na may halong malambing na ngiti.

Habang naglalakad sila patungo sa meeting room, naramdaman ni Leo ang kakaibang tibok ng kanyang puso. Si Rael naman ay may pagka-relaxed pero sa kanyang mga mata ay makikitang focused at handang magsuporta sa kahit anong mangyari.

Pagdating sa meeting room, doon ay naroon na ang Client na si Mavee Hearts. Ito ay isang maputi at matangkad na babae, may mga mata na puno ng determinasyon at ngiti "Leo, welcome!" bati ni Mavee sa masayang boses. "Please, take a seat."

Nagsimula ang meeting sa isang maayos na introduksyon. "I'm Mavee Hearts, and I appreciate both of you coming here today. I've heard great things about your work, Leo," sambit ni Mavee. "And you must be Rael. It's nice to meet you both."

"Thank you, Mavee. We're honored to be here," sagot ni Leo na may ngiti rin.

Sa paglipas ng mga minuto, unti-unti nang naging komportable ang lahat. Binuksan ni Leo ang kanyang presentasyon, ipinakita ang mga numero at datos na nagpapatunay sa kanilang kakayahan. Sinamahan ito ni Rael na nagbahagi ng mga ideya at konsepto para sa proyektong ino-offer ng kanilang kompanya.

Nagkakasalitan ang mga mata ni Leo at Mavee sa bawat salita na kanilang binitiwan. Sa kabilang banda, si Rael ay nakikipagpalitan ng mga opinyon kay Mavee na tila isang matagal nang kaibigan.

Matapos ang presentasyon, tumayo si Mavee at lumapit kay Leo at Rael. "I'm impressed with what you've presented," aniya. "I can see the dedication you both have for this project."

Naramdaman ni Leo ang pag-alsa ng kanyang loob. "Thank you, Mavee. We truly believe in the value that our team can bring to this partnership."

Ngiti ni Mavee, "Leo, Rael, I think we're on the same page. I'm excited to work with you both."

Sa pag-amin ng salitang iyon, hindi mapigilan ni Leo na hindi magkaroon ng malaking ngiti. Tumitibok ang kanyang puso sa tuwa. "That's wonderful to hear, Mavee. We're committed to making this partnership a success."

Lumapit si Rael at iniabot ang kanyang kamay. "Thank you, Mavee. We're looking forward to collaborating with you and achieving great things together."

Nagkatinginan sina Leo at Rael na puno ng pasasalamat sa isa't isa. Nangyari ang inaasam-asam na pagkakataon, at nararamdaman nilang pareho ang tagumpay na malapit nang maabot.

Sa paglisan ng opisina ng kanilang kliyente, hindi mapigilan ni Leo na magsalita. "Rael, we did it. We closed the deal."

Tumawa si Rael. "Oo nga, Leo. Magandang teamwork iyon. Akalain mo yun kilala din pala nya ako. At buti nalang at sinabi mo sakin yung plano kaya naman ay na tulungan kita, muntik ka na kainin ng lupa e"

Napakamot nalang ng ulo si Leo habang tumatawa.

Habang sila'y naglalakad palayo sa opisina ni Mavee, ramdam na ramdam nila ang tagumpay na tila'y umaapaw sa kanilang mga dibdib. Ito ay isang mahalagang yugto sa kanilang mga karera, na pinatunayan ang halaga ng sipag, tiwala sa isa't isa, at ang kakayahan na magtrabaho bilang magkaibigan.Sa pagkakataon na ito, mas lalong tumibay ang samahan nina Leo at Rael. Sa bawat hakbang ng kanilang kwento, bukas ang pintuan para sa mas marami pang tagumpay na darating.

Sa mga sumunod na araw, nagsimula nang mabuo ang ideya sa isipan ni Leo na ipagdiwang ang kanilang tagumpay sa isang masaya at mas relax na kapaligiran. Kaya naman isang araw, habang sila'y nasa opisina, napagpasyahan niyang tawagan ang kanyang best friend na si Ablerdo.

Tumunog ang cellphone ni Ablerdo, at agad itong nasagot ng kaibigan. "Hey, Leo! Anong meron?" tanong ni Ablerdo na may halong kuryusidad.

"Ablerdo, bro, kailangan natin mag-celebrate. Tara sa cafe mamaya! Doon sa sinasabi ko na tambayan ko" sabi ni Leo na may excitement sa boses.

"Oo nga? Anong meron?" tanong ni Ablerdo na tila hindi pa alam kung bakit.

"Teka, basta. Malalaman mo na lang mamaya. Usapang lalake tayo mamaya," biro ni Leo.

Tumawa si Ablerdo. "Sige, game ako dyan. Anong oras tayo magkikita?"

"Magkita-kita tayo mga 6 PM sa tambayan ko na cafe," sabi ni Leo.

"Okay, bro. Kitakits mamaya! Di naman siguro MLM yan noh" sabi ni Ablerdo bago ibaba ang tawag.

Pagdating ng gabi, nagkita na sina Leo at Rael sa cafe. Kasama ni Leo si Rael at handang magbigay ng sorpresa sa kanyang kaibigan na hindi alam ni Ablerdo. Nangingiti si Leo, alam niyang excited si Ablerdo sa mangyayari.

Habang sila'y nag-aantay kay Ablerdo, bumukas ang pinto ng cafe at pumasok si Ablerdo. Agad na napansin ni Leo ang kanyang kaibigan at hindi napigilang magbiro, "Nandyan na pala si Jojowain."

Sumagot si Ablerdo ng may kumpiyansa, "Loko ka tala, ilang beses ko ba uulitin sayo na Jojowaine. Waine as in parang Bruce Wayne. Ewan ko ba kung san kitang planetang napulot na best friend, mapang asar talaga"

Sumunod na nagpakita ng masigasig na ngiti si Leo, "Anyway Ablerdo, gusto ko ipakilala sayo si Rael. Rael, ito si Ablerdo, ang best friend ko."

Nagkatinginan sina Rael at Ablerdo, at nag-abot ng kamay. "Magandang makilala ka finally, Rael. Oi, hindi ko pa nasasabi sa'yo, Leo, si Ablerdo pala ang tunay na pangalan ko—Ablerdo Jojowaine."

Nagkatitigan ang tatlo, at agad na napansin ni Rael ang positibong vibes sa pagitan nina Leo at Ablerdo. "Magandang makilala ka rin, Ablerdo. Si Leo ay sobrang sinasabi tungkol sa'yo."

Tumawa si Ablerdo. "Sana'y mabuti ang sinasabi niya. Pero tama na ang chismis tungkol sa'kin, mag-order na tayo!"

Nagsimula silang mag-order ng kanilang mga paboritong inumin at pagkain, at nagsimulang magpalitan ng mga kwento. Mas naging komportable ang lahat habang nakakasama nila ang isa't isa. Ipinakita ni Leo ang mga proyekto nila sa trabaho kay Ablerdo at pinag-usapan nila ang mga pangyayari sa kanilang mga buhay.

Habang lumilipas ang oras, lalo pang naging malapit ang loob ni Rael kay Ablerdo. Nakikita niyang tunay na kaibigan si Ablerdo, at nagugulat siya sa pagkakaugma ng kanilang personalidad. Si Leo naman ay masaya na makita ang kanyang kaibigan at bagong kaibigan ay nagkakasundo, ng biglang nagkaroon si Leo ng isang mapanuyang ideya. Tumingin siya kay Rael ng may malice sa kanyang mga mata. "Alam mo, Rael, parang may nararamdaman akong sparks sa hangin."

Napatingin si Rael kay Leo, may pagtataka sa kanyang mukha. "Ano ka ba, Leo? Anong sparks?"

Ngumiti si Leo ng mas malaki. "Ewan ko lang, pero baka magka-sparks ka kay Ablerdo."

Napahalakhak si Rael. "Ha, ha, ha. Kung magkakaroon man ng sparks, mga spark plugs 'yan sa sasakyan, Leo."

Hindi napigilan ni Leo na sumama sa tawa. "Ay, teka, teka. Kala ko sparks ng sasakyan. Baka naman romantic sparks."

Tumawa si Rael. "Oo nga, sparks ng sasakyan para sa road trip natin. Pero ikaw talaga, Leo, ang kulit mo."

Ngiti si Leo, masaya sa pag-aasar na nagawa niya. "Sige, sige, road trip sparks. Pero who knows, baka magka-ignite ang sparks na 'yan."

Nagtaas si Rael ng kilay, may halong pang-aasar. "Siguro, pero kailangan munang magdala ng fire extinguisher."

Tumawa si Rael sa mga biro ni Leo tungkol sa "sparks." Sa mga huling sandali ng kanilang tawanan, pumasok si Ablerdo sa usapan. "Ano bang sparks ang pinag-uusapan ninyo dito?"

Ngumiti si Leo at inilahad ang kanilang usapan. "Ah, wala lang, bro. Kami-kami lang ni Rael dito, nag-aasaran lang."

Nagkibit-balikat si Ablerdo, "Eh, okay lang 'yan. Basta't wag lang 'yung sparks na nakakalason, ha."

Napatawa sina Leo at Rael sa pahayag ni Ablerdo. "Huwag kang mag-alala, Ablerdo. Road trip sparks lang naman ang aming usapan," sabi ni Rael.

Namumutla sa kakatawa si Leo. "Oo, at si Rael, may dala nang imaginary fire extinguisher."

Sumama sa tawa si Ablerdo. "Ganyan talaga, Rael. Safety first, kahit sa imaginary sparks."

Sa kabila ng masayang tawanan, nagkomento si Ablerdo, "Baka kayo talaga may Spark ni Rael, kala nyo di ko pansin."

Napatigil sina Leo at Rael sa kanilang tawanan, at nagkaroon ng mga mapanuyang ngiti sa kanilang mga mukha. "Anong sinasabi mo, Ablerdo? Ikaw talaga," biro ni Leo.

Nagkulay-pula ang pisngi ni Rael, at sumama sa biruan. "Oi, tama na nga 'yan. Mag-focus na lang tayo sa road trip sparks."

Hindi napigilang tumawa si Ablerdo. "O sige na, seryoso na. Pero alam ninyo, masaya ako para sa inyong dalawa."

Tumango si Leo at ngumiti. "Salamat, bro. At sobrang saya namin na naging parte ka ng kwento namin."

Nag-angat si Ablerdo ng mga kamay. "Aaminin ko na, na-excite talaga ako nung una kong narinig tungkol sa'yo, Rael."

Nagpalitan ng titig sina Rael at Ablerdo, ngunit agad itong nagbago ng tono ng boses ni Ablerdo. "Pero masaya akong nakilala kita nang personal, at masasabi kong swak na swak kayo ni Leo."

Naramdaman ni Rael ang sinceridad sa boses ni Ablerdo. Ngiti ang sumalubong sa kanyang mga labi. "Salamat, Ablerdo. At maligaya rin akong nakilala ka. Pero wag ka mag isip ng kung ano, magkaibigan lang kami ni Leo at di ko aagawin ang best fried mo!" sabay tawa ng malakas.

Namutawi ang maligayang tawanan sa pagitan ng tatlong kaibigan. Ang gabi ay puno ng mga biro, mga tawanan, at mga pagsasamahan na nagpapalakas sa kanilang mga bagong pagkakaibigan. Sa pagwawakas ng gabi, ang pagsasamahan na nagsimula sa simpleng pagtawag ng telepono ay nauwi sa isang masayang pagkikita na puno ng mga bagong karanasan at mga masasayang alaala.

Nang magtapos ang kanilang pagkikita, nagpasalamat si Ablerdo kay Leo at Rael sa mainit na pag-welcome sa kanya. "Salamat, pare, at sa'yo rin, Rael. Sobrang saya ng gabing 'to."

Nag-abot ng mga kamay sina Leo at Ablerdo, at kasabay nito'y ngiti sa kanilang mga labi. "Talagang natutuwa ako at magkakasama tayo," sabi ni Leo.

"Sa susunod ulit!" sabi ni Ablerdo bago nagpaalam at lumabas ng cafe.

Habang pumupunta sa labas sina Rael at Leo, nagsalita si Rael. "Tunay nga ang sinabi mo, Leo. Maganda nga talaga ang kanyang aura."

Ngumiti ng may pabirong boses si Leo, "Sabi ko na nga ba magkakagusto kayo sa isa't isa. Este magugustuhan nyo ang isa't isa. I mean magiging close din kayo"

Hinampas ang likod ng ulo at parang may gigil sa pag sasalita. "Sira ka talaga Leo, kanina mo pa ako pinagtritripan"

Ni pat ni Leo ang ulo ni Rael at sinabing "Sige na, sige na, hindi na hahaha, sige hatid na kita sa inyo at baka magalit pa si tita pag wala ka kasama umuwi"

Habang naglalakad papalayo sa cafe, naramdaman ni Rael na mas marami pang masasayang pagkakataon ang maghihintay sa kanila, kahit na ngayon pa lang ay masasabi na niyang mas mahigit pa sa simpleng kaibigan ang mabubuo sa pagitan nila ni Ablerdo.