webnovel

Chapter Two

"Alpha!" malakas na tawag ng isang estudyante habang kasalubong sa hallway ng school ang kanilang Alpha. "N-narinig nyo na ba ang balita?" humihingal nitong tanong.

Tinignan lang ni Alex ang kaklase. Hindi interesado sa sasabihin nito.

"Bakit, ano ba 'yon Joel?" tanong ni Lau na katabi ni Alex.

Ngumiti si Joel. "Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko—"

"Oh my gosh! Nandito ang tagapagmana ng mga Pendleton!" sabi ni Kyla na katabi ni Alex. Nakatingin ito sa cellphone na hawak.

Nakaramdam ng iritasyon si Joel sa babae. Siya dapat ang nagsabi non, hindi ito. Para saan pa ang pagtakbo niya para mahanap ang Alpha nila? Binigyan niya ito ng masamang tingin. Kaagad naman itong binatukan ni Lau nang mapansin.

Napatingin si Alex sa katabi. "Ano'ng sinabi mo?"

"Nandito siya. Sa class 1-A!" sagot ng girlfriend niya.

Hindi nag-aksaya ng oras si Alex. Kasunod niya si Lau na pumunta sa direksyon ng classroom ng mga first years.

Naikuyom ni Alex ang kanyang kamao at isang ngiti ang sumibol sa kanyang labi. Sa wakas ay dumating na rin araw na pinakahihintay niya! Makakaharap na niya ang anak ng pinakanire-respetong hari ng Pendleton High.

Nakita niya ang classroom ng class 1-A, pumasok sila ni Lau na walang pakialam kung may klase sa loob. Huli na nang maalala niya ang rules ng school. Mabuti nalang at walang teacher sa loob. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay hindi siya ang nauna roon.

Nakita niya si Reo, ang alpha ng class 2-A. Hindi ito nag-iisa, kasama nito ang beta nitong si Gabe.

"Nasaan siya?" tanong ni Reo sa isang lalaking freshman.

Napansin ni Alex ang limang lalaking nakasalampak sa sahig. Kung titignan mabuti, mukhang may away na naganap. Mukhang pati si Reo ay nakalimutan ang school rules.

"Hah. Mukhang iisa lang ang ipinunta natin dito," puna ni Alex kay Reo.

Napatingin sa kanya si Reo saglit.

"H-hindi ko sasabihin kung nasaan siya!" matapang na sagot ng lalaking kausap ni Reo. May dugo ito sa gilid ng bibig at kahit halatang natatakot at nagawa parin magmatigas.

Nag-taka si Alex. Hindi niya maintindihan kung bakit nagmamatigas ang estudyante. Pinoprotektahan ba nito ang prinsipe? Tumingin siya sa paligid, nakatingin lang ang mga kaklase nito sa kanila. Halatang natatakot pero walang nagsasalita. Hindi kaya... Napili na ba ito bilang Alpha kahit na wala pang tournament? Imposible. Wala pang nagiging alpha dahil sa desisyon ng buong klase. Hindi iyon ang batas ng Pendleton High.

Dalawang oras palang simula nang mag-umpisa ang klase. Ano ang nangyari sa loob ng kakaunting oras na iyon? Paano napasunod ng taong iyon ang buong klase nito? Ganoon ba ito kalakas?

"It's no good, Reo," awat ni Gabe sa alpha nito. "Kung mag-aaksaya pa tayo ng oras dito, baka maunahan tayo."

"School rules, Reo. Hwag mong kakalimutan," paalala ni Alex. Tumingin siya sa freshman. "Hindi ko lang maintindan kung bakit nyo siya pinoprotektahan. Siya na ba ang Alpha ninyo?"

"M-maiintindihan ninyo kapag nakita nyo siya," sagot ng isang babae na nasa dulo ng classroom.

Kung ganon ay tama siya nang hinala. Natatakot ang mga ito na mag-salita. Dahil kung hindi iyon, ay wala na siyang maisip pang ibang dahilan para sa kilos ng mga ito.

"Alex! Nasa infirmary daw siya!" anunsyo ni Kyla na may binabasa sa cellphone.

Infirmary? May nauna ba sa kanila na lumaban dito?

Naunahan siya ni Reo na makalabas ng classroom. Napamura si Alex. Mas mabilis talaga ito kaysa sa kanya. Sumunod sila rito. Tumatakbo silang pumunta sa infirmary.

***

"Lagot na," sabi ni Lizel nang makalabas ng silid ang mga alpha.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Cami.

"Like, I don't know. Ginawa naman natin ang makakaya natin," sabi ni Fatima.

"Stooopid. Wala ka naman ginawa," sabi ni Helga.

"Well I kept my mouth shut, you know!" sagot ni Fatima.

"But this is bad, seriously," nag aalalang sabi ni Lizel.

"I know right," sagot ni Helga. "Lizel? Kanina ka pa rito?"

"Wow! Kanina pa kaya ako rito," sagot ni Lizel saka umirap.

***

Lumabas si Tammy ng infirmary at lumapit sa vending machine na kanyang nakita di kalayuan. Nauuhaw na siya.

BAM!

Napalingon siya nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto sa clinic. Nakita niyang may pumasok na mga lalaki roon. Tumalikod na ulit siya at naglakad papunta sa vending machine.

Cola, mineral water, sports drink, energy drink, chocolate drink, choco-milk, coffee, green tea, soymilk, at strawberry milk.

Dinukot ni Tammy mula sa kanyang bulsa ang kanyang coin purse na mukhang strawberry. May naramdaman siyang lumapit sa kanya mula sa likod.

"Move it, fat ass!" sabi ng lalaki sa likod niya. "You're blocking the way!"

At nakarinig siya ng ilang tawanan ng mga lalaki.

Napatigil si Tammy sa ginagawa at unti-unting nilingon ang mga nasa likod niya.

"Ako ba ang kinakausap ninyo?" tanong niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha at isinabit sa likod ng kanyang tenga. "Bibili rin ba kayo?"

***

"Wala rin sa infirmary!" naiinis na sabi ni Alex. Saan ba sumuot ang taong iyon? "Kyla?"

"May ipinadalang picture sa'kin ang friend ko but darn internet! It won't load properly," inis na reklamo ni Kyla.

"Reo," tawag ni Gabe saka itinuro ang ilang taga-class 2-D di kalayuan sa kanila. "Sina Oca mukhang may nakursunadahan na naman mula sa mga freshmen."

Class 2-D. Ang klase na kinabibilangan ng King ng mga Alpha. Kaya naman hindi maiiwasan kung maghahari-harian ang mga kaklase nito. Isang bagay na ikinaiirita niya.

Kaagad na naglakad si Reo papunta sa mga ito. Kasunod nito si Gabe.

"Hoy, Reo! Ano'ng binabalak mo?! Tsk!" napakamot sa ulo si Alex nang makita ang Alpha na lumapit kina Oca. "Gagong 'yon mainit talaga ulo sa class-2D."

"Aawatin ba natin?" tanong sa kanya ni Lau.

"Tsk!" Sinundan ni Alex si Reo para umawat. Nasa likod niya sina Lau at Kyla.

Kapag hindi sila umawat, magkakaroon ng war sa pagitan ng mga sections nila. Kahit na sabihin pa na hindi kasama ang section niya, hindi parin maiiwasan na madamay sila. Kilala na niya si Reo noon pa. Alam ng 2-D na suportado niya ito.

"Ako ba ang kinakausap ninyo?" tanong ng babae kay Oca.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay tumaas ang balahibo ni Alex sa boses nito. Hindi niya alam kung bakit. Malamig ang boses nito at masarap pakinggan. Malambing sa pandinig. Kaya hindi niya malaman kung para saan ang naramdaman niya.

Nang makalapit na siya nang tuluyan ay saka siya napatigil. Ganoon din sina Reo at Gabe, maging ang grupo nina Oca ay hindi nakagalaw. Natahimik silang lahat.

"Bibili rin ba kayo?" may ngiti sa labi ng babae.

Na-blanko ang isip ni Alex nang masilayan niya ang buong mukha nito. Mayroon itong isang napakagandang mukha. Mahaba ang buhok nito, maputi ang balat, mapula ang mga labi, matangos ang ilong, mukhang manika ang mga mata nito, mabilog at napapaligiran ng mahahabang pilikmata.

Marami na siyang nakitang magagandang babae. Pero hindi katulad ng babaeng nasa harapan niya. May presensya itong tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Wala siyang magawa kundi ang pagmasdan ito.

At nang sa wakas ay tumingin ito sa dako niya, nakalimutan na niyang huminga. Kulay abo ang mga mata nito, katulad ng sa mga ulap tuwing may bagyo.

"It's her..." bulong ni Kyla na nakalimutan ni Alex na nasa tabi niya. Ipinakita nito ang picture na nasa cellphone. "Tammy Pendleton. Siya ang tagapagmana ng mga Pendleton."

And damn it all. Isang babae pala ang gusto niyang makalaban. Isang napakagandang babae na nagpapahina sa kanyang mga tuhod ngayon. Shit.

***

What happened earlier...

"Babae ka?!" sabay sabay na tanong ng mga estudyante kay Tammy.

"Oo," nakangiting sagot ni Tammy. Tumingin siya sa kanyang mga kaklase at magiliw na bumati. "Hello, ako si Tammy Pendleton. Nice to meet you all! Let's be friends from now on, okay?"

"Oh my..." bulong ni Lizel na tila nanghina.

"...God!" patuloy ni Helga.

"An angel..." sabi ni Fatima.

"...has descended upon us from Heaven!" dugtong ni Cami.

"The end is near!" sigaw ng isang lalaki mula sa likod ng classroom.

"Gago, tumahimik ka nga!" sigaw ng isa pang lalaki saka ito binato ng notebook.

"Saan ang ako pwedeng umupo? May seat arrangement na ba tayo?" tanong ni Tammy na lumilingon lingon sa mga upuan.

Sa loob ng classroom nila ay may labinlimang estudyante lamang. Limang babae kabilang siya at sampung mga lalaki. Malawak ang space sa loob ng silid. Ang mga upuan ay may katapat na mga lamesa.

"You can sit with us!" alok ni Helga. "The name's Helga by the way."

"Girls should always stick together. Lalo na rito, it's too dangerous for us to be alone," sabi ni Lizel.

"Right. Baka kung ano pa ang gawin sa'tin ng mga bastards na 'to," bulong naman ni Cami. "I'm Cami."

"And I'm Fatima, nice to finally meet you. I can't wait to share this on twitter! I'm sure maiinggit sila kapag nalaman nilang kaklase ko ang heiress ng mga Pendleton! So cool!"

Naglakad na sila sa mga seats nila kasama si Tammy. Nakatingin kay Tammy ang mga lalaki. Tahimik ang mga ito na pinapanood siya.

"Waaaah!" sigaw ni Tammy nang biglang matumba sa sahig.

Lahat sila ay napatingin sa dalaga. Ilang segundo ang nakalipas bago sila nakabawi mula sa pagka-gulat nang bigla itong bumagsak.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Cami.

"Hoy, did you trip her?" tanong ni Fatima sa lalaking nadaanan ni Tammy bago nadapa.

"No way! Matagal ko nang hindi ginagawa 'yan," sagot ng lalaki.

"Dude, last year diba ginawa mo 'yan sa history teacher natin," natatawang sabi ng katabi nitong lalaki. "Nasuspend ka pa nga non e. Pfft!"

"Oh yeah, I remember! Hahaha! His face! Epic! Pero nasa highschool na ako ngayon! Hindi ko na gagawin 'yon."

"Geez! You're so lame!" sabi ni Helga sa lalaki.

"I'm okay," nakangiting sabi ni Tammy na inalalayan ni Lizel na tumayo. "Hindi niya ako tinalapid."

Tinignan ng apat na babae ang nilakaran ni Tammy. Walang bagay na nakaharang doon. Pinagmasdan ulit nila si Tammy na pinapagpagan ang itim na uniform. Isang bagay ang napagtanto nila.

"Oh my God," bulong ni Helga.

"She's clumsy as f*ck!" bulong ni Cami.

Nang makaupo si Tammy sa kanyang upuan, pinaligiran siya ng mga kaklase niya. Nag-senyasan ang mga ito na mag-tanong.

"So, bakit ka nag-enroll dito? I mean, na-kickout ka rin ba?" tanong ni Lizel.

"Ano'ng ginawa mong krimen, nag-shoplift ka rin ba? We can be partners next time!" excited na sabi ni Cami.

"Shut up Cami!" suway ni Helga.

Pinagsalikop ni Tammy ang kanyang mga kamay at saka nag-kwento. "Mula bata palang ako pangarap ko nang pumasok dito. Ang dami kasing kwento ng mga Ninong at Ninang ko tungkol sa school na 'to, kaya dito ako pumasok. Mukhang exciting dito!" nakangiti at kumikislap ang mga mata nitong sabi.

"Oh my God," bulong ni Cami.

"She's an airhead," bulong ni Lizel.

"A total airhead," pabulong na sang-ayon ni Fatima.

"Stooooopid! Hindi mo ba alam na puro mga delinquents ang nandito?" tanong ni Helga. "Hindi ka ba natatakot?"

"Eh?" mukhang clueless na tanong ni Tammy. "Pero hindi naman masasamang tao ang pumapasok dito, hindi ba? Kasi ang mga ninong ko, lahat sila mabubuting tao! Lahat sila pumasok sa school na ito. Kaya imposibleng lahat ng estudyante rito ay masama."

And it was at this moment that they all felt the atmosphere change. It was so calming, like being inside a mother's womb again.

Ito ang isang bagay na hindi nila inaasahan na maririnig. Mula sa dati nilang school, sa mga dating kaibigan na tinalikuran sila, maging sa pamilya nila na sumuko sa kanila, at sa mga taong nilayuan sila nang malaman ang school na papasukan nila. Ang tensyon na bumalot sa kanila ay unti-unting nawala. Nabalot sila ng kakaibang pakiramdam. At iyon ay ang pag-asa. Dahil may isang taong naniniwala parin sa kanila sa kabila ng kanilang mga ginawang kasalanan.

"P-Princess!" tawag kay Tammy ng ilang lalaki.

"I will protect you with my life!" anunsyo ng isang lalaki na sinang-ayunan ng isa pa.

"I will die for you!" pahayag ng ilan pa sa mga kalalakihan.

"Bumuo na tayo ng Tammy Protection Squad!" sabi ng isang lalaki sa mga kaklase niya.

"Hindi ka namin pababayaan!"

"Stooooopid boys~" sabi ni Helga habang nakatingin sa mga lalaki.

"Shut up, ugly!" sabi sa kanya ng isang lalaki.

Dumukot ng ballpen si Helga sa kanyang bulsa. Mabilis niya itong isinaksak sa dibdib ni Tammy. Natigilan ang lahat sa bilis ng nangyari. Pumutok na parang bula ang kalmadong atmosphere sa loob ng classroom. Bumalik ang tensyon ng mga estudyante.

"Kyaaaa!" sigaw ni Tammy nang matumba ang silya niya.

"The f*ck are you doing, bitch?!" tanong ng isang lalaki saka hinila ang kwelyo ng uniform ni Helga. "You crazy?!"

"Akala ko ba po-protektahan ninyo siya?" nakangising tanong ni Helga sa mga ito. "Losers."

"Helga!" awat ni Fatima.

Mabilis na tinulungan ni Lizel si Tammy. "Okay ka lang ba?"

Tumango si Tammy.

"Nanginginig ka, dadalhin na kita sa clinic."

"Okay lang ako," sagot ni Tammy.

Wala nang nagawa pa si Tammy nang hilahin na siya ni Lizel palabas ng classroom.

Pinanood ni Helga ang dalawang babae na umalis. Nagsi-alisan na rin ang mga lalaki sa paligid niya at umupo sa mga pwesto nito. Napatingin siya sa hawak na ballpen. Nang mga oras na 'yon, sigurado siyang madadaplisan niya ang uniform na suot ni Tammy. Mabilis ang kilos niya at blanko ang mukha niya nang gawin niya iyon. Nasa iba rin ang atensyon nito. Sinigurado niyang tama ang timing niya. Paano nito iyon nailagan?

"Ano'ng tingin mo, Helga?" tanong ni Fatima.

"She's no good. Kapag nalaman ng ibang sections na weak siya, magiging loser section tayo," sabi ni Cami.

"Correct! Madadamay tayo kung weakling siya. Magiging malaking joke ang section natin dahil sa kanya," nag-aalalang sabi ni Fatima.

"Magiging target tayo ng bullying ng ibang sections! Wala dapat ibang makaalam na she's weak as f*ck! She can't even fight! She's too innocent!"

"She was so clumsy, natalapid niya ang sarili niya! She's an airhead!"

"She's a walking disaster. What a total letdown. Isa pa naman siyang Pendleton. Akala ko talaga lalaki siya."

"I'd give anything just to get out of here! Hindi ko matanggap ang reason niya. Dapat sa St Celestine nalang siya pumasok. Doon siya bagay."

"Helga, hwag na natin siyang gawing friend. Baka madamay tayo. Maraming galit sa pamilya nila rito."

"Cruel bitches. Akala ko ba kaibigan ninyo na siya?" tanong ng isang lalaking nakarinig sa usapan nila.

"Shut up, stupid! Like you guys are any better than us! Sa umpisa lang kayo magaling! Sa tingin ninyo mapapanindigan ninyo yang Tammy Protection Squad ninyo? Baka nakakalimutan nyo kung ano'ng school 'to? Kung hindi ninyo naiintindihan ang sitwasyon, tumahimik nalang kayo! Stooopid!" salubong ang kilay na sagot ni Helga.

"Ano'ng sinabi mo?" tanong ng isang lalaking sinipa ang isang silya saka nilapitan ang grupo nina Helga.

"What? Are you going to hit me? Go ahead!" hamon ni Helga saka taas noo itong tinignan. "As if that's something new to me! To any of us! Hindi mo ako madadaan dyan. Try harder, stooopid."

SLAM!

Malakas na bumukas ang pinto ng kanilang classroom. Pumasok ang dalawang lalaki. May dalawang guhit ang kaliwang collar ng uniform ng mga ito. Patunay na mga Sophomores ang dalawa.

"Is he here?" tanong ng lalaking naunang pumasok sa silid.

"Shit, si Reo 'yan diba? Alpha ng class2-A," sabi ng isang lalaki.

"OMG! Ang gwapo niya!" bulong ni Cami.

Pinagmasdan nila ang lalaking pumasok sa classroom nila. Naramdaman ng mga estudyante ang pag-iiba ng hangin sa loob ng silid. Tila nahihirapan silang makahinga dahil sa presensya ng lalaki.

Blanko ang mukha nito. Tinitignan sila isa-isa at tila inaanalisa ang bawat detalye nila. May kakaibang dating ito na kahit may magandang mukha at maayos na tindig ay hindi nila magawang hangaan. Imbes ay takot ang nararamdaman nila.

"Pendleton, nandito ba siya?" tanong ng kasama nito. Ang beta na si Gabe.

"Hah. Looks like your test of courage is here boys," nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Helga saka humarap sa kanyang mga kaklaseng lalaki. "Prove your loyalty to your beloved Princess."

Next chapter