1 Introduction

First Year Section 2

Best in Class - Joanna Marie S. Bautista

-> "Yes!" ang nasabi ko lang nung banggitin ng aming guro kung sino ang nanguna sa aming klase. "Sabi ko na nga ba ikaw eh. Saan mo ako ililibre mamaya?" sabay hawak sa aking kamay ni Henry. Ang aking seatmate at crush noong mga unang buwan ng taong iyon. Ngumiti lang ako sa kanya dahil alam ko na nagbibiro lamang sya. Ngunit napaisip din kung manlilibre ako o hindi dahil sa tuwa na naramdaman ko. Kahit na hindi sapat ang dala ko na pera ay susubukan ko na manlibre, sa isip ko. Ngunit bago ko mabanggit ang aking desisyon ay nakita ko na lamang ang aking mga kaklase na lumalabas, kasama sya. Hudyat na uwian na. Hinintay ko silang lahat lumabas at tinignan ko kung sino ang maghihintay sa akin para sabihing mag-celebrate. Wala. Deretso silang lahat maglakad papuntang labasan habang masayang nagkukwentuhan at nagkukulitan. Kaya napagdesisyunan ko na magcelebrate mag-isa. Habang naglalakad ay sinasabi ko sa aking sarili na owkay lang kahit ako lang. Reward ko na din ito sa aking sarili dahil nalagpasan ko ang unang taon ko sa eskwelahang iyon. Habang kumakain ako sa Jollibee ay inaalala ko kung paano ako napunta sa La Union National High School.

avataravatar
Next chapter