webnovel

Hiding the Vampire's King Son [Filipino]

Si Jaxon Hellscream ang susunod na magiging Hari ng Emperyo ng Lair, kung saan nakatira ang lahat ng bampira at mayroon s'yang ex girlfriend na si Venice Alcen Bloodhoof na nakipag-hiwalay sa kanya dahil kaylangan ito ng mate nya. Ipinagbabawal na umibig sila sa isa't isa dahil kaylangan sila ng kanilang mate para mabuhay ngunit, mahal na mahal ni Ajax ang ex girlfriend nya at humingi ng anim na buwan upang magwork ang relasyon nila at pagkayari nun ay tatanggapin na nila na hindi sila para sa isa't isa. Kaya dahil doon si Venice ay naging Mistress ng Hari ng mga Bampira, dahil nakatadhana ito sa isang mortal. Matatanggap kaya nila ang tadhana nila o hindi nya matatanggihan ang pusok na nararamdaman nilang dalawa?

Lunaaaaa_ · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Kabanata 02

Venice Alcen's Point of View

"Ayoko nga," naiinis ko ng turan kay Jax. Kanina niya pa kasi ako pinipilit pumunta sa kwarto niya

"Please na babe" pagpupumilit niya pa. "Promise mag-uusap lang tayo 'dun"

Sinamaan ko siya ng tingin bago sinubukang kumalas sa hawak niya, subalit pinirmi niya iyon at mas lalo lamang hinigpitan.

"Hindi nga pwede," pabulong na tugon ko sa kaniya. "Saka bitawan mo na nga ang kamay ko pinagtitinginan tayo lalo oh"

Kanina pa kasi namumula ang pisngi ko dahil nararamdaman ko ang mga palihim na sulyap nila sa amin, lalo na ng mga babaeng bampira!

"No" he shook his head before he hugged me from behind and placed his chin on my shoulder.

"You might leave me again if I let this hand go"

Ang ginawa niyang iyon ay mas ikinapula ng mukha ko, lalo na at may napatingin sa amin!

Nakatayo kasi kami sa dulo ng bulwagan kung saan wala masyadong tao, subalit hindi ibig sabihin nun ay ligtas na kami sa mata ng iba.

Lalo na yung isang grupo ng mga babaeng na nasa kabilang bahagi at lantaran ang tinging pinupukol sa amin

I punched him in the stomach and threatened. "Isa Jax, bibitaw ka..."

o hindi tayo pupunta sa kwarto mo? sabi ng malandi kong utak kaya napa-iling at ngisi ako

"...o iiwanan kita dito mag-isa?"

Napaigtad siya at nagulantang sa ngisi ko kaya nanghihinayang siyang lumayo at iniharap ako sa kaniya.

He sighed. "Okay fine. Basta dito ka lang sa tabi ko! Bawal ka umalis, bawal ka lumayo ng hindi nagpapalam sakin at tumingin sa paligid ng hindi ko alam"

I was devastated when his intentions came to an end.

I looked at him in disbelief. "Really, Jax? What kind of condition is that?"

Para namang ipagpapalit pa kita!

Namewang ako sa harap niya at sarkastikong nagtanong. "Bakit? Anong gusto mo, sa mukha mo lang ako tumingin?"

Tahimik siyang tumango habang pirmi ang tingin sa mata ko.

Tila pinipilit na sa kaniya lang talaga nakatuon ang atensyon ko, at sinisiguro na hindi ako makakaalpas sa titig niya

"Ayoko nga" pagtutol ko sabay libot ng tingin sa paligid. "Ang daming cute dito tapos hindi ko pwede tingnan? Di ata pwede yun"

I secretly laughed when his face twitched because of what I had said and done.

"Saka sawa na ko sa mukha mo, hindi ka na kasi cute"

Napakunot ang noo niya. "What?"

"Sabi ko hindi ka na cute!" pag-uulit ko bago napahagikhik.

"Hindi na pala cute ha," naghahamong aniya bago siya yumuko at hinuli ang ang magkabilang pisngi ko. "Hindi talaga 'to cute kasi kagwapuhan ang tawag dito"

Tapos ay nakakaloko siyang ngumiti at inilapit pa lalo ang mukha niya.

Hindi pa po ako ready, Lord!

Halos maduling ako sa sobrang lapit! Napatitig tuloy ako sa mata niya at hindi ko maiwasang mapuri iyon.

His vampire eyes were mesmerizing. Cut that contacts crap! why on hell did he have to conceal it in mortal world? They just missed the chance to see how beautiful his real eyes are. It was too gentle and transparent that I could find his endless love and care towards someone

"What? Am I too handsome now?" He said, smirking.

God! How can his breath still smells great with the mixed scent of his mouthwash and liquor?

Marahan kong tinulak palayo ang noo niya gamit ang hintuturo. "Ang yabang mo naman po Mister"

"Nagsasabi lang ng totoo, misis," may pinipigilang ngiting aniya matapos tawagin akong misis

Iningusan ko siya. "Misis your face!"

"Misis kita" biglang banat niya at hindi ko na alam kung paano ako sasagot.

Inirapan ko na lamang siya at sinubukang ibahin ang topic, naramdaman ko na naman kasing nag-iinit ang pisngi ko.

Subalit ilang segundo pa lamang ang nakalilipas ay sinundot niya ang pisngi ko at may malaking ngiti sa labi.

"Kinilig ka 'no?" pag-uusisa niya.

Inirapan ko siya at umiwas ng tingin.

"Kinilig ka!" pag-uulit pa niya habang ngiting ngiti pa rin. Isinandal niya sa pader ang isang braso niya at matiim akong tinitigan.

Hinampas ko siya balikat. "Baliw hindi!"

Hindi mo pwede aminin! Maawa ka sa sarili mo, Val!

"Anong hindi e pulang pula na naman 'yang mukha mo" bulalas niya. "And you're avoiding my gaze. I know you Val, just admit it and I'll marry you right away"

Sasagot sana ako nang may babaeng bampira ang kumaway at lumapit sa amin. "Hi Jax"

Tiningnan ko ang naging reaksyon ni Jax. Gusto ko sanang magselos ng tumango at maliit niya itong nginitian, subalit agad namang nabalot ng tuwa ang puso ko ng inakbayan niya ako at tila ipinagmalaki sa kaniya.

"Hey Alliah, this is Val..." panimula niya. "..my fiancée"

Nagulat naman ang reaksyon niya at nanlalaking matang napabaling sa kin. "Oh my gosh, is this for real?"

Kinurot ko sa braso si Jax at nilakihan ng mata. Napadaing naman siya at walang boses akong tinanong ng, "bakit?"

Nilingon ko ang babae bago nginitian. "Don't mind him."

"Okay" tila naguguluhang aniya bago naglahad ng palad. "I'm Alliah from the house of Whisperwind by the way"

"I'm Venice Alcen from the house of Bloodhoof"

Halos mahiya ang kamay ko ng magdampi ang mga palad namin. Sobrang lambot! Sino ba ang babaeng ito? Kaano-ano siya ni Jax?

Napatingin ako sa kabuuan ng itsura niya.

She has hooded-eyes with pair set of bloodshot eye color, perfectly curved droopy nose and as red as a rose round lips. Her posture and the way she dress are also superb.

I think almost half of the visitors were glancing at her.

Nakakahiyang kinakausap ako ngayon ng tulad niya.

"Where did you dyed your hair? I love it" pag-uusisa niya.

Kapansin pansin talaga ang mahaba at medyo kulot kong buhok kahit saang mundo ako makarating. Maganda ang pagkakahalo ng puti at pilak dito at kasabay kuminang ng balat ko ang buhok ko kapag nasisinagan ng araw.

Payak ko siyang nginitian. "It's natural"

"Wow" manghang aniya bago pinasadahan ito ng tingin.

Bumaling ang mata niya kay Jax na animo'y proud na proud kong tatay dahil sa mga papuri niya.

"Jax? Can I borrow her for a while?" pagpapaalam niya kay Jax

Nginisihan ko si Jax nang ipagpaalam ako.

Mukhang lalayo muna ako baby.

Hinigit niya ako palapit sa kaniya bago umiling kay Alliah. Gusto kong matampal ang noo ko dahil sa ginawa niya

"Jax" mahinang pagsuway ko sa kaniya

Tiningnan niya naman ako na parang nagmamakaawang huwag.

"Saglit lang naman, Jax. Ipapakilala ko lang siya kina Jackie" pagpupumilit ni Alliah.

Walang nagawa si Jax ng unti-unti na akong kumakalas sa kaniya. "I'll be back, promise"

He groaned. "Alright, but I'll sit near your table so you can't flirt with the boys over there. I'm watching you"

Tinanguan ko siya bago lumapit sa tenga niya at bumulong.

"Ready your room, daddy" pang-aasar ko sa kaniya at iniwanang napanganga.