webnovel

Hiding the Vampire's King Son [Filipino]

Si Jaxon Hellscream ang susunod na magiging Hari ng Emperyo ng Lair, kung saan nakatira ang lahat ng bampira at mayroon s'yang ex girlfriend na si Venice Alcen Bloodhoof na nakipag-hiwalay sa kanya dahil kaylangan ito ng mate nya. Ipinagbabawal na umibig sila sa isa't isa dahil kaylangan sila ng kanilang mate para mabuhay ngunit, mahal na mahal ni Ajax ang ex girlfriend nya at humingi ng anim na buwan upang magwork ang relasyon nila at pagkayari nun ay tatanggapin na nila na hindi sila para sa isa't isa. Kaya dahil doon si Venice ay naging Mistress ng Hari ng mga Bampira, dahil nakatadhana ito sa isang mortal. Matatanggap kaya nila ang tadhana nila o hindi nya matatanggihan ang pusok na nararamdaman nilang dalawa?

Lunaaaaa_ · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Beginning

Venice Alcen's Point of View

"Marry me," ani Jax habang pinaglalaruan ang kopita ng dugo sa mga kamay nya.

Tiningnan ko siya ng mariin. "I said no! Mahirap ba intindihin iyon?"

Binaba nya ang kopita at dinalaan ang dugo na na umalpas sa gilid ng labi nya. Napaiwas ako ng tingin at nagpanggap na natakot. Hindi nya maaaring malaman na ang akala niyang tao ay isa ring bampirang nauuhaw sa dugo kagaya niya.

He is Jaxon Hellscream. I have long known that he's vampire, and we had been in a relationship for almost 2 years. But I've decided to broke up with him 4 months ago for some serious reason.

That's because...

I think I found my mate.

Lagi siyang nakamasid, at sinubukan niyang magpakita sa akin. Nararamdaman ko ang mainit at magaang presensya niya subalit hindi kami magtagpo.

Palaging pinasasabik lamang ako...

"I'll do whatever you want, just please.." mababang boses na aniya bago malungkot akong tiningnan sa mata. "..don't leave me"

Sa pangalawang pagkakataon ay napaiwas ako ng tingin. Yes I love Jax, but there's extreme love waiting for me. Oras na mahanap kong muli ang presensya ng mate ko ay natiyiyak kong matitibag ang pagmamahal na umuusbong ngayon para sa lalaking kaharap ko

"Please stay baby, please."

I heard his inner voice. Sad and quietly begging.

I have this rare ability to hear and send my inner voices even I'm not their mate. Isa pa ito sa dahilan ang dahilan kung bakit hindi ko maamin sa kaniyang bampira din ako. Sagrado ang kapangyarihang ganito sa mundo namin at oras na mabuko ako, maraming masasamang bampira ang mangangahas na umabuso sa abilidad ko.

Napabuntong hininga ako. "I'm sorry"

"I thought you love me, Val?" naghihinakit na aniya. Ang baritono at malalim niyang boses ay mas pinasasakit ang salita niya. Tila ba nilikha ang boses na iyon para hindi tanggihan.

Kung ikaw nalang sana ang mate ko...

Pero handa ba akong harapin lahat oras na piliin ko siya?

Marami akong masasaktan. Mawawalan ng mate ang mate ko. Mawawalan ng mate ang mate ni Jax. Masasaktan ko sila at masasayang lang ang lahat ng sakripisyong ito oras na mahanap namin ang tunay na saya na hindi namin maaaring ibigay sa isa't isa.

It would make no sense to cut ties with my mate for him.

And I must not leave my mate behind.

Alam kong oras na magtagpo ang landas namin, he will be my everything.

'I will do everything to make you stay, babaguhin ko lahat ng ayaw mo sakin"

Nasasaktan ako sa sinasabi ng lihim mong boses, Jax.

Nabalot ng saglit na katahimikan ang paligid namin. Nakatingin lamang siya sa mata ko at tila nag iisip ng susunod niyang sasabihin.

"Val, give me ten days to make this work. Promise I'll prove my worth again" lumapit siya sa akin at inabot ang mga kamay ko. "I promise you that it'll be the last. Six-months baby, please"

Hindi ko alam kung anong posible namin hantungan kapag um-oo ako. Pero hindi ko siya kayang makitang ganito. Sa loob ng dalawang taon, hindi siya nagmakaawa ng sobra sakin.

Hindi ako nakakibo pero matapang kong sinalubong ang titig niya. "Just six-months right? After ba nyan at hindi ako napasayo, palalayain mo na ko?"

"Yes," he replied. "...even it hurts, if I failed to make you stay, I promise to let you go"