webnovel

Wow, I Was So Amazing!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1780: Wow, Sobrang Galing Ko Pala!

"Isang taon na ang nakalipas, na-coma ka. Sa unang tatlong buwan, nagtakip para sayo si Ling Zhizhi at nangarap kami na tatagal ito hanggang gumising ka, pero sa huli, hindi namin nagawa nang matagal.

"Sunod-sunod pinalabas ang 'Nine Realms' at 'Mother' sa mga sinehan. Naging masyado kang sikat at nagkaroon ka ng maraming malalaking awards at endorsements, wala nang nagawa si Ling Zhizhi. Buong media coverage tungkol lang sayo. Sa mga babaeng artista sa buong entertainment industry, ikaw ang pinakasikat…"

Naging emosyonal si Lu Jingli habang inaalala niya ang mga pangyayari, pero bigla siyang tumigil. Nag-aalala siyang tumingin sa babae, takot na baka hindi niya kayang matanggap ang pagkakaiba ng sitwasyon ngayon.

"Wow, sobrang galing ko pala!" Hinawakan ni Ning Xi ang baba niya habang nakikinig.

Tapos, diniin niya, "Sige lang! Tapos? Ano kinalaman nito kay Han Zixuan?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter