webnovel

Wedding Night 4

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 2160: Gabi Ng Kasal 4

"Ang first at second levels ay parehong scholarly based. Para sa ikatlong pagsubok, ang susubukin namin ay ang physical abilities niyo!" Umubo ng mahina si Feng Xiaoxiao. "Ang gagawin niyo sa third level ay…" 

Sumagot si Annie, "Talunin ako." 

Walang nasabi sina Tang Lang at Lu Jingli nang marinig si Annie. 

Hindi lang ito mahirap! 

Imposible ito! 

"Uhh, magaling ba talaga ang babaeng ito?" Tanong ni Qin Mufeng. 

"Hindi lang magaling! Killing machine siya!" Napalunok si Tang Lang habang nakahawak sa dibdib. 

"Kahit tayong lahat hindi siya matatalo?" Tanong uli ni Qin Mufeng. 

Tumango si Tang Lang. "Hindi natin siya matatalo kahit sabay sabay pa tayong umatake!" 

Biglang nagliwanag ang mga mata ni Lu Jingli na parang may naisip siya. "Tama! Pwede tayong humingi ng tulong! Nasaan si Master Han Xiao?" 

Napakamot ng ulo si Tang Lang. "Baka kumukuha ng pagkain." 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter