webnovel

These Were Her Parents

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 132: Sila ang mga Magulang Niya

Ning Xi: "…"

Huuuuuh, tanga ka ba, tinatakpan ko yung sugat, bigla mo akong itutulak, tapos magmamaganda ka dyan habang tumutulo ang dugo! Mahilig ka ba sa mga soap operas?

Kung hindi lang mali ang pagkakataon, pagagalitan ito ni Ning Xi.

"Anong nangyayari?!" galit na lumapit si Guo Qisheng.

Kumunot ang mga noo ni Ning Xi. "Naramdaman kong nawala ako matapos ko siyang saksakin ng espada, hindi tumalbog yung talim!"

Prop sword lamang ito, dapat itong tumalbog kapag may resistance. Hindi inaasahan ng lahat na may aksidenteng mangyayari.

Sobra ang galit ni Guo Qisheng. "Nasaan ang props master! Bilisan mo, lumapit ka sa akin! Sinasabi ko na sa iyo na suriin ng isang milyong ulit para maiwasan ang gantong pagkakamali, ano sa tingin mo ang iniisip mo!"

Namawis ang noo ng props master dahil sa kaba. "Director Guo, maayos naman nang suriin ko ito, wala dapat na ganitong problema ang mangyayari!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com