webnovel

There’s No Way

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1517: Imposible

Pamilyar ang pakiramdam para sa kanya.

"Tumalikod ka at itaas mo kamay mo!" malupit na sigaw ng lalaki.

Sumunod si Ning Xi at itinaas ang kamay niya. Tumingin sa likod niya at may nakita siyang malaking lalaki na may itim na sando, tinititigan siya nang masama habang nakatutok ang baril sa kanya. May isa pang lalaki sa tabi niya, at may baril rin ito na nakatutok sa kanya. Sabi niya sa malalim niyang boses, "Pumasok ka sa kotse!"

Tiningnan ni Ning Xi ang puting van sa tabi ng kotse niya. May dalawang tao pang tao sa loob, at parehong may baril. Hindi sila karaniwan na mga kidnappers.

Pagkatapos niya suriin ang sitwasyon, alam ni Ning Xi na hindi siya makakatakas nang hindi siya masasaktan, kaya sumunod siya at nag-abang ng pagkakataon para tumakas.

Tinulak siya nang malakas, at nahulog ang pink crystal hair clip ni Ning Xi sa sahig.

Ito ay regalo ni Little Treasure sa kanya sa birthday niya...

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com