webnovel

The Same Birthday

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 119: Ang Parehong Birthday

"Ning Xiao Xi! Huwag mong baguhin ang usapan!" nang marinig ito ni Jiang Muye, lalong uminit ang ulo nito, at sinabi sa sarili. 'Kahit na ex mo ako, maari mo ba akong ikumpara sa kapatid mong si Yan, na isang kababata mo? Binabanggit mo nga ang pangalan nya habang nananaginip.'

Walang magawa si Ning Xi. "Sige, sige, sige. Pero hindi ko binabago ang usapan. Bakit ba ang ingay ingay mo na parang gusto mong malaman ng lahat ang nakaraan natin at ni Su Yan sa harap ng maraming tao?"

Kailan kaya siya titigil umastang parang bata?

Sa wakas, huminahon si Jiang Muye.

"Kung gusto mong magbayad, edi sige!" sa huli, walang kwenta ang mga sinabi ni Jiang Muye.

Nakita ni Sun Yan ang pagbulong ni Ning Xi kay Jiang Muye at biglang kumunot ang kanyang noo. Imahinasyon lang kaya niya ito? Sa tingin niya higit pa sa pagiging magkatrabaho ang relasyon nina Ning Xi at Jiang Muye...

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com