webnovel

Thanks For Your Trouble, My Wife

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1454: Thanks For Your Trouble, My Wife

Sa isang sosyaling wedding dress studio sa Imperial.

Humawi ng kurtina ang mga daliring nakabalot sa puting gloves na gawa sa lace at tumambad sa mga mata ng lahat ng tao ang nakakabighaning puting wedding dress ni Ning Xueluo.

Patuloy ang mga pagbati sa ganda ng damit mula sa mga tao sa labas ng kurtina.

"Oh my God! Sobrang ganda!"

"Miss Ning, bagay na bagay ang wedding dress na ito sa inyo!"

"Tunay ngang kakaiba ang mata ni Mr. Su para sa class! Siya ang pumili ng style na 'to na pinakababagay para kay Madam Su!" Wais din ang mga shop assistant dahil agad nilang binago ang tawag nila kay Ning Xueluo at ginawang Madam Su.

Sa oras na 'to, nakatayong nag-aabang din si Su Yan habang suot ang kanyang eleganteng hand-stitched tuxedo na ginawa ayon sa kanyang sukat. Nang makita nito si Ning Xueluo na lumabas nang suot ang wedding dress ay para bang natuliro ang lalaki.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com